หน้าหลัก / Romance / I Left Him, Now He Wants Me Back! / Chapter 001- My Husband’s Secret Celebration

แชร์

I Left Him, Now He Wants Me Back!
I Left Him, Now He Wants Me Back!
ผู้แต่ง: Bella Hart

Chapter 001- My Husband’s Secret Celebration

ผู้เขียน: Bella Hart
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-20 20:17:33

“Honey, one month old na si Luna, at kaka-discharge lang namin ngayon. Pwede mo ba kaming sunduin?” 

Mahigpit na karga ni Naya ang kanyang anak habang nakatayo sa labas ng ospital. Nakabalot si baby Luna at mahimbing na natutulog sa kanyang dibdib, tila walang kamalay-malay sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan nilang mag-ina.

Isang buong buwan silang nanatili sa ospital.

Premature na ipinanganak si Luna dahil sa biglaang komplikasyon sa pagbubuntis ni Naya. Kinailangan itong ilagay agad sa NICU dahil sa respiratory distress at mababang oxygen levels. Ilang araw ding nakakabit ang maliit nitong katawan sa iba’t ibang tubo at monitor habang araw-araw na nagdarasal si Naya na sana ay kayanin ng anak niya.

Pero hindi lang si Luna ang muntik mawalan ng buhay.

Dahil pagkatapos manganak si Naya, nagkaroon naman siya ng postpartum infection at severe uterine inflammation na halos mauwi sa impeksyon sa dugo. Mataas ang lagnat niya sa loob ng ilang araw, hirap siyang makatayo, at paulit-ulit siyang tinuturukan ng antibiotics at pain medications habang mag-isa sa malamig na hospital room.

At sa loob ng isang buwang iyon, ni isang beses, hindi siya binisita ni Kael—ang asawa niya.

Noong una, sinabi nitong kailangan nitong magpunta abroad para sa isang urgent business trip. Dalawang linggo raw itong mawawala. Kahit masakit para kay Naya, inintindi niya iyon. Pilit niyang kinumbinsi ang sarili na baka talagang importante lang ang trabaho nito.

Pero nang makabalik na si Kael sa Manila, hindi pa rin ito bumisita. May bigla raw kailangang asikasuhin. May emergency raw sa opisina at importanteng meeting.

Hanggang sa lumipas ang mga araw, linggo at tuluyan nang umabot sa isang buwan ang pananatili niya sa ospital, hindi man lang niya nakita ang mukha ng asawa niya.

Mag-isa siyang umiiyak tuwing madaling-araw habang nakahiga sa hospital bed. Mag-isa rin siyang bumabangon kahit nanginginig ang katawan niya sa sakit.

Siya rin ang kumakausap sa mga doktor, at nagbabantay sa NICU habang iniisip kung mabubuhay ba ang anak niya.

Ni minsan, walang kamay na humawak sa kanya para sabihing magiging maayos din ang lahat.

Kaya kahit kalmado ang boses niya habang kausap si Kael sa telepono, hindi niya maitago ang halong pananabik at sakit. Umaasa pa rin siyang baka kahit ngayong araw man lang… piliin sila nito ng anak niya.

Sa kabilang linya ng tawag, malamig at walang emosyon ang boses ni Kael.

[May mga kailangan pa akong asikasuhin sa opisina, Naya. Magpapadala na lang ako ng driver para sunduin kayo.]

Napapikit si Naya habang pilit na pinipigilan ang biglang pagsikip ng dibdib niya. As usual, ganito na naman. Palaging trabaho. Palaging may mas mahalagang bagay kaysa sa kanila ng anak niya.

“Okay… naiintindihan ko,” mahinang sagot ni Naya kahit ramdam niyang unti-unting nadudurog ang puso niya.

[Naya, matagal ka nang independent. Naniniwala akong kaya mong harapin ang lahat nang mag-isa. Kaya mo ’yan.]

“Pero Kael, hindi ba natin ice-celebrate ang first month ng baby natin?”

Matagal bago magsalita si Kael. 

[Pag-usapan natin ‘yan mamaya. Sige na, alis na ako. May gagawin pa ako.]

Pagkatapos sabihin iyon, agad nang ibinaba ni Kael ang tawag.

Napatingin si Naya sa cellphone niya habang nanlalamig ang mga kamay niya. Ang paraan ng pagsasalita ni Kael ay hindi tulad ng isang mapagmahal na asawa. Para itong boss na inuutusan ang isang empleyadong overworked na. Walang lambing. Walang pag-aalala. At walang pagmamahal.

Parang may karayom na isa-isang tumutusok sa puso niya.

Maya-maya, biglang tumawag ang kaibigan ni Kael na si Alyra. Napakunot ang noo ni Naya dahil bihira naman siyang tawagan nito, pero agad pa rin niyang sinagot ang tawag.

[Kael, pasensya na, hindi ako makakapunta sa one-month celebration ni Zach sa Hotel de Fides mamaya. Congrats sa baby ninyo!]

Biglang natigilan si Naya.

“A-Ano? One-month celebration? At teka, sino si Zach?”

Agad siyang kinabahan nang hindi niya maintindihan ang narinig. Ngunit bago pa siya makapagtanong, mabilis nang pinatay ni Alyra ang tawag.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Naya.

Ilang segundo lang ang lumipas nang may notification na dumating sa cellphone niya. Nagpadala pala si Alyra ng dalawang daang libong piso bilang regalo. Ngunit wala pang isang minuto, agad din itong binawi.

Kasunod noon ang sunod-sunod na mensahe.

“Sorry, Naya. Nagkamali ako. Hindi pala ikaw ang nanganak.”

“Puwede bang pakibalik na lang sa akin ang naipadala ko?”

May voice message pa itong kasunod at sandamakmak na sorry emojis, pero habang paulit-ulit iyong binabasa ni Naya, lalo lang siyang kinakabahan.

May kakaiba siyang naramdaman. Parang may tinatago si Alyra.

Parang may bagay na hindi niya alam ngunit alam ng lahat ng tao sa paligid niya.

Unti-unting nanlamig ang buong katawan ni Naya habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Pakiramdam niya, may mabigat na bagay na dahan-dahang dumadagok sa dibdib niya.

Gayunpaman, binalik din niya ang dalawang daang libong piso kay Alyra.

***

Eksaktong alas-onse ng umaga nang makarating si Naya sa Hotel de Fides.

Nakasuot siya ng itim na oversized jacket, may suot na cap at face mask na halos tumakip sa kalahati ng mukha niya. Kahit siya mismo ay hindi maintindihan kung bakit kailangan niyang magtago nang ganoon. Para siyang magnanakaw na palihim na pumapasok sa lugar na hindi naman dapat.

Pero sa loob-loob niya, alam niyang may mali. Kailangan niyang malaman kung ano ang totoo.

Nakatayo si Naya sa tapat ng engrandeng entrance ng hotel. Napakaganda ng lugar—punong-puno ito ng mga mamahaling bulaklak, may crystal chandeliers, at eleganteng dekorasyon na halatang pinaglaanan ng malaking halaga. Abala ang mga staff sa pagsalubong sa mga bisita habang sunod-sunod namang dumarating ang mga mamahaling sasakyan sa harap ng venue.

At sa gitna ng lahat ng iyon, agad bumungad sa mga mata ni Naya ang napakalaking poster sa entrance.

“Happy One Month Celebration of Baby Zach.”

Nanghina ang mga tuhod niya.

Hindi niya kilala ang kahit isa sa mga bisitang naroon. Walang pamilyar na mukha. Walang koneksyon sa kanila ni Kael. Kaya pilit niyang kinumbinsi ang sarili na baka nagkakamali lang siya. Baka coincidence lang ang lahat, at sadyang paranoid lang siya dahil sa mga narinig niya kay Alyra.

Oo, baka namamalikmata lang siya. Dala lang ito siguro sa puyat at pagod sa pag-aalaga niya kay Luna.

Huminga siya nang malalim at pilit na itinulak pababa ang kaba sa dibdib niya. Dahan-dahan siyang umatras. Handa na sana siyang umalis at kalimutan ang lahat. Pero eksakto noong tatalikod na siya, isang pamilyar na boses ang biglang umabot sa pandinig niya.

“Kailangan mo nang magpahinga, Ivy. Hayaan mo na akong magkarga kay Zach. You need energy for his one-month celebration today. At saka may inihanda akong sorpresa sa’yo mamaya.”

Parang biglang tumigil ang mundo ni Naya. Nanigas ang buong katawan niya pagkarinig iyon.

Unti-unti siyang lumingon, at sa sandaling makita niya ang lalaking nagsalita, para bang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong pagkatao niya.

Hindi siya puwedeng magkamali. Dahil ang lalaking iyon ay ang asawa niyang si Kael Madrigal. Ang lalaking isang buwan nang walang paramdam sa kanila ng anak niyang si Luna. 

At ngayon, nakita niya na maingat na kinakarga ang isang mataba at maputing sanggol mula sa bisig ng isang babae.

Napakalambing ng mga kilos nito. Para bang ang pinakamahalagang bagay sa mundo ni Kael ay ang batang nasa mga bisig niya.

Parang biglang may pumipigang kamay sa puso ni Naya. Sa sobrang sikip, halos hindi siya makahinga. Dahil hindi niya kailanman nakita si Kael na ganito kaalaga sa kanya.

Kahit noong bagong panganak siya at nanginginig sa sakit habang hawak ang anak nila, hindi siya nito tinulungan. Hindi siya nito inalalayan. Hindi siya nito tiningnan nang may ganoong klaseng pag-aalala.

Pero ngayon, sa ibang babae at sa ibang bata ay nagawa niya nito.

Nakita ni Naya kung paano bahagyang yumuko si Kael para ayusin ang kumot ni Zach. Kung paano nito inalalayan ang babae sa bewang habang naglalakad ito papasok ng hotel.

At doon unti-unting gumuho ang mundo ni Naya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Eliana Asher
Kawawa naman si Naya!
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 092- The Truth Royce Left Behind

    “Hindi kasing-inosente at kawawa si Ivy gaya ng iniisip mo,” dagdag ni Royce. “Matagal mo siyang kilala, pero mukhang hindi mo pa rin alam kung anong klase siyang tao.”Hindi na naghintay si Royce ng sagot. Tinalikuran niya si Kael at pumasok sa elevator.Habang unti-unting nagsasara ang pinto, pinagmasdan niya ang lalaking minsan niyang itinuring na tunay na kapatid.Dati, napakalalim ng tiwala nila sa isa’t isa. Marami silang napag-uusapan, nagtutulungan sila sa negosyo, at palaging nariyan ang isa kapag may problema ang isa.Walang puwang para sa duda sa kanilang pagkakaibigan.Ngunit ngayon, parang may m

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 091- The Truth About Ivy

    Si Royce ang matangkad na lalaking matagal na nakatayo sa labas ng hospital room.Kanina pa dapat siya nasa eroplano. Matagal siyang naupo sa loob ng kotse habang iniisip ang lahat ng nangyari. Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na umalis na lamang at hayaan munang kumalma ang sitwasyon, ngunit paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang pag-iyak ni Ivy.Hindi niya gustong paniwalaan na kayang painumin ng isang ina ng pampatulog ang bagong silang nitong anak dahil lamang naiistorbo siya sa pag-iyak ng bata.Baka may ibang dahilan. Baka talagang nagsisinungaling ang nanny. Baka hindi pa niya alam ang buong katotohanan.Dahil sa mga pagdududang iyon, tinawagan ni Royce ang assistant niya at ipinapalipat ang kaniy

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 090- Royce Heard Everything

    Pagkapasok sa sariling silid, tuluyan nang nawalan ng kontrol si Ivy.Hindi niya inisip na mahimbing na natutulog si Zach sa kama. Isa-isa niyang kinuha ang mga bagay na kaya niyang buhatin at inihagis sa sahig.Nabasag ang vase sa tabi ng pinto.Tumilapon ang mga baso at plato mula sa mesa.Pati ang maliit na lamp sa bedside table ay hindi nakaligtas sa kaniyang galit.“Paano ko matitiis ito?” sigaw niya. “Hanggang kailan ako magtitiis?”Sinuntok niya ang unan bago iyon itinapon sa sahig.“Mommy, gusto ko silang pata

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 089- We Will Never Bow Again

    Hindi alam ni Naya kung matatawa ba siya o maiinis sa sinabi ng ina.Ilang buwan lamang itong nagpagaling sa Australia, ngunit nang bumalik ay tila mas matapang at mas palaban pa kaysa sa kaniya. Hindi man lang ito natakot sa CCTV o sa posibilidad na ipatawag ang mga pulis.Biglang may pumasok na hinala sa isip ni Naya.Baka may dahilan kung bakit ganoon kalakas ang loob ni Ellen. Maaaring may taong sumusuporta rito ngayon—isang taong may sapat na kapangyarihan upang hindi nito katakutan ang sinuman.Gusto sana niya itong tanungin, ngunit hindi iyon ang tamang oras. Kailangan muna nilang ayusin ang gulong nangyayari sa hallway.Dah

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 088- A Mother’s Wrath

    Napapikit si Naya. Kahit siya ay nakaramdam ng sakit nang marinig ang pagkakabangga. Ngunit nang makita niyang nakahawak sa noo si Ivy at halos hindi makatayo, hindi niya napigilan ang maikling pagtawa.Hindi niya gustong maging masama, pero sobrang katawa-tawa ng ginawa nito.Marahil ay ngayon lamang nakaranas si Ivy ng ganoon kahiyang sandali sa buong buhay nito.Dahil sa tawa ni Naya, tuluyang nawalan ng kontrol si Ivy.Namula ang mga mata nito at biglang sinunggaban ang mahabang buhok ni Naya. Marahas itong humila kaya napasigaw si Naya at napaluhod sa sahig.“Naya, ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay ko!”

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 087- No One Hurts My Daughter

    “Mommy!”Iyon ang pinakamatapat at pinakamasakit na pagtawag ni Naya sa kaniyang ina sa loob ng mahabang panahon. Hindi na niya napigilan ang sarili. Mabilis siyang tumakbo patungo kay Ellen at mahigpit itong niyakap, na para bang nais niyang punan sa isang yakap ang lahat ng panahong nagkalayo at nagkatampuhan sila.“Anak!” masiglang sagot ni Ellen.Paos pa ang boses nito dahil sa pagod at mahabang biyahe, ngunit malakas at buhay na buhay pa rin ang tono nito. Mahigpit din nitong niyakap si Naya, na para bang hindi sila kailanman nagtalo o nagkimkim ng sama ng loob sa isa’t isa.Ngunit habang magkadikit ang kanilang katawan, may kakaibang naramdaman si

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 005- The Photos That Broke Me

    Nanigas si Kael habang dahan-dahan itong napalingon pabalik kay Naya. Halatang hindi nito inaasahang magagawa iyon ng asawa niya.Samantalang si Naya, namumula ang mga mata habang galit na galit itong nakatitig dito. Nanginginig pa rin ang dibdib niya dala ng emosyon.“You’re right,” nanginginig niy

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 004- Why Wasn’t I Worth It?

    Hindi na hinintay ni Kael ang sunod na magiging reaksyon ng mga tao. Agad itong bumaba ng stage at mabilis na hinawakan ang braso ni Naya bago pa siya muling makapagsalita. “Come with me.”Mariin ang pagkakahawak nito sa kanya habang halos kaladkarin siya palayo sa gitna ng ballroom. Ramdam ni Nay

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 003- The Heirloom He Gave Away

    Sa loob ng engrandeng ballroom, hindi maalis ang tingin ni Naya kay Kael.Nakatayo ito sa gitna ng mga bisita, may hawak na wine glass habang nakangiti at maayos na inaakay si Ivy sa bawat mesa upang makipag-toast sa mga bisita. Napakagaan ng aura nito, malayo sa malamig at seryosong lalaking kilala

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 006- When Naya Finally Broke

    Napakunot ng noo si Naya, nakakapagtataka dahil kakaiba ang boses nito. Boses ng isang lalaki.Mabilis na napagtanto ni Naya na

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status