Mag-log inSamantalang si Naya, namumula ang mga mata habang galit na galit itong nakatitig dito. Nanginginig pa rin ang dibdib niya dala ng emosyon.
“You’re right,” nanginginig niyang sabi. “Magkaiba nga kami.”
Humugot siya ng mabigat na paghinga ngunit kasabay no’n ang biglang pagbagsak ng mga luha niya.“Kasi hindi lahat ng asawa…” nanginginig niyang dugtong habang nakatitig nang diretso kay Kael, “…kayang pabayaan ang sariling asawa’t anak habang nasa ospital para lang mag-alaga ng ibang babae.”
Biglang nagkaroon ng bulungan sa paligid.
“Ano raw?”
“May asawa pala si Mr. Kael?”
“Tapos isang buwan na ang asawa sa ospital? Hindi siya inalagaan?”
“Grabe pala…”
Hindi na iyon pinansin ni Naya. Pakiramdam niya, matagal na niyang kinikimkim ang lahat ng sakit na iyon at ngayon lang tuluyang sumabog.
“Habang halos mamatay ako matapos manganak…” tuloy-tuloy niyang sabi habang bumabagsak ang luha sa mukha niya, “habang araw-araw kong iniisip kung mabubuhay ba si Luna sa NICU… nasaan ka?” Bahagyang napangiwi siya habang pinipigilan ang paninikip ng dibdib niya.“Ngayon malalaman ko na kasama mo si Ivy at ng anak niya.”
Unti-unting namutla ang mukha ni Kael.
“Habang nanginginig ako sa lagnat at mag-isang umiiyak sa ospital…” nanginginig niyang sabi, “may oras ka pang magbantay sa ibang babae? May oras kang ipagluto siya? At alagaan ang anak niya?”
Patuloy ang pagtulo ng mga luha ni Naya ngunit hindi niya iyon pinunasan.
“Kahit minsan… hindi mo man lang nagawang gawin iyon para sa amin ng anak mo.”
Mas lalong tumahimik ang buong ballroom. At sa katahimikang iyon, mas lalong lumakas ang mga bulungan ng mga tao.
“Anong klaseng asawa iyon?”
“Kawawa naman ’yung babae…”
“Kung totoo ’yan, sobrang kapal naman ng mukha ni Mr. Kael.”
Napahigpit ang panga ni Kael habang unti-unting dumidilim ang mukha nito dahil sa mga naririnig.
Ngunit tila wala nang pakialam si Naya.
Dahil matapos ang limang taon, hindi na niya iniisip kung mapapahiya ba si Kael.
Ang alam lang niya, napapagod na siyang mahalin ang lalaking kayang ibigay ang lambing at malasakit sa iba habang sarili niyang pamilya ang pinapabayaan.
Hindi na muling nagsalita si Naya. Diretso siyang naglakad papunta sa yaya na karga si Baby Zach. Mabigat ang mga hakbang niya, ngunit hindi na siya nag-alinlangan.“Ma’am—”
Nagulat ang yaya nang bigla siyang lumapit.
Mabilis ngunit maingat na hinubad ni Naya ang gold lock necklace mula sa leeg ng bata. Nanginginig ang mga daliri niya habang hawak iyon, ngunit mas lalo siyang nanginig nang maalala kung paano niya iyon minsang hinawakan habang kausap ang ina niya.
“A-Ano pong ginagawa ninyo?” gulat at takot na tanong ng yaya habang pilit inilalayo ang bata.
Hindi tumingin si Naya rito.
“Kinukuha ko lang ang dapat para sa anak ko.”
Mabilis na isinilid ni Naya ang alahas sa bulsa niya.
“Naya!” galit na habol ni Kael. Ngunit bago pa ito makalapit, bigla huminto si Naya at malamig na lumingon dito. Punong-puno ng galit at poot ang mga mata niya. “Alam mo, Kael… akala ko dati, sapat nang isipin na mahal kita para kayanin ko lahat.” Bahagyang nanginig ang labi niya.“Pero mali pala ako. Kaya maghiwalay na tayo.”Natigilan si Kael, at bahagyang humigpit ang panga niya. Tila hindi pa rin lubos na pinoproseso ang mga narinig.“Naya, hindi ito ang tamang oras para—”
“Hindi?” putol ni Naya agad habang napapatawa nang mapait. “Kailan ba dumating ang tamang oras para sa akin, Kael?”Tahimik na napayuko sandali si Naya bago muling nag-angat ng tingin dito. Namumula ang mga mata niya. Pagod na pagod na ang mukha niya. Halatang ubos na ubos na siya.
“Ako na ang bahala sa lahat,” mahinahon niyang sabi. “Kukuha ako ng abogado. Ako na rin ang mag-aasikaso ng mga papeles para sa annulment.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Kael.Parang ngayon lang tuluyang nagsi-sink in sa kanya ang mga sinasabi ni Naya.
“Naya, hindi pwedeng ganito—”“At ang kailangan ko na lang sa’yo… ay ang pirma mo,” putol niyang sabi.
Pagkatapos noon, mabilis na umalis si Naya at diretsong nagmaneho pauwi sa mansyon nilang mag-asawa sa Green Hills Villa.Pagkabukas niya ng pinto, bumungad agad sa kanya si Lourdes, ang matagal nang kasambahay ng pamilya, at si Grasya—ang nanny na nag-aalaga kay Luna. Naglalaro ang dalawa kasama ang sanggol sa sala nang mapansin nila ang sobrang pamumutla ng mukha ni Naya.
“Madam, anong nangyari sa inyo?” nag-aalalang tanong ni Lourdes.
Piliting ngumiti si Naya kahit pakiramdam niya ay durog na durog na siya sa loob.
“Wala naman. Gutom lang ako. Puwede bang paki-lutuan ako ng tinolang isda?”
Agad namang tumango si Lourdes at nagmadaling pumunta sa kusina.
Dahan-dahang kinuha ni Naya si Luna mula sa bisig ni Grasya. Nang makita niya ang maliit at mapulang mukha ng anak, saka lang bahagyang kumalma ang magulong damdamin niya.
Mahigpit niyang niyakap ang bata at marahang hinalikan sa pisngi. Kahit paano, may natitira pa ring dahilan para manatili siyang matatag.
Ibinigay niya muli si Luna kay Grasya at sinenyasan itong dalhin muna ang bata sa nursery para makapagpahinga.
Makalipas ang ilang minuto, inilapag ni Lourdes sa harap niya ang mainit na mangkok ng tinolang isda na may halong malunggay.
Tahimik na humigop si Naya ng sabaw, pilit na pinapakalma ang sarili.
Ngunit bago pa man siya makakain nang maayos, biglang may sunod-sunod na notification na dumating sa work email niya sa phone.
At sa isang iglap, muling bumalik ang galit at sakit na pilit niyang nilulunod kanina.
Mabagal niyang binuksan ang mga larawan at halos mawalan siya ng hininga nang makita ang isang anonymous sender.
Pagbukas niya, bumungad sa kanya ang mga litrato.Isa-isang lumitaw sa screen ang mga kuhang kasama ni Kael si Ivy mula pagbubuntis nito hanggang sa panganganak.
May litrato habang magkahawak sila ng kamay sa park.
May kuha habang maingat na inalalayan ni Kael si Ivy sa ospital.
May mga larawan sa restaurant habang nakangiting sinusubuan nito ang babae.
At may isang litrato pa kung saan nakaluhod si Kael habang marahang minamasahe ang namamagang paa ni Ivy.
Parang unti-unting nanigas ang mga daliri ni Naya habang nag-i-scroll siya pababa. Pakiramdam niya, matutuyuan siya ng dugo sa bawat litrato.
Hindi pa pala sapat ang sakit na naramdaman niya sa hotel kanina. At kailangan pa talagang ipakita sa kanya kung gaano kaalaga at ka-mapagmahal si Kael sa ibang babae.
Maya-maya, biglang tumunog ang cellphone niya. Isang unknown number.
Ilang segundo muna siyang natigilan bago dahan-dahang sinagot ang tawag.
Agad niyang nakilala ang boses sa kabilang linya.
“Ivy?” gulat na bigkas ni Naya.
[Nakita mo na ’yung mga pictures, hindi ba?] puno ng pangungutyang tanong nito Ivy.
[Hindi mo ba alam na habang nag-o-overtime ka sa trabaho kahit buntis ka, ang asawa mo naman… nasa tabi ko.]Parang may matalim na bagay na muling tumusok sa dibdib ni Naya.
Ngunit hindi pa tapos si Ivy.
[Alam mo ba kung gaano siya kabait sa akin?] malambing ngunit puno ng pagmamataas nitong sabi.
[Minamasahe niya ang namamaga kong paa araw-araw. Natatakot pa nga siyang magka-stretch marks ako kaya simula three months pregnant ako hanggang sa manganak ako, siya mismo ang naglalagay ng oil sa tiyan ko.]Napapikit si Naya habang mahigpit na hawak ang cellphone niya. Bawat salita ay parang kutsilyong paulit-ulit na humihiwa sa puso niya.
[Oh, at tungkol pala sa gold lock…] natatawang dagdag ni Ivy.
[Alam kong family heirloom mo iyon. Pero sinabi kong gusto ko para kay Zach, at hindi ko in-expect na ibibigay agad ni Kael iyon.]Huminto ito sandali bago malamig na tumawa.
[Ibig sabihin lang no’n… wala talaga siyang pakialam sa ’yo.]
Tahimik lang si Naya. Ngunit pakiramdam niya, unti-unti na siyang nadudurog.
[At finally, natauhan ka na rin ba? Handa ka na bang hiwalayan na siya?]Tumawa ito nang mahina.
[Alam mo, dapat noon mo pa ginawa. Workaholic ka kasi. Wala kang ka-charm-charm bilang asawa. Puro trabaho lang ang alam mo.]
Bahagyang huminto si Ivy bago tuluyang sinabi ang pinakamasakit na salita.[Kaya hindi mo deserve ang lalaking tulad ni Kael.]
Sa kabilang ward, magkatabing nakaupo sina Ivy at Veronica, parehong halatang balisa at pagod. Simula nang malaman nilang hawak na ni Naya ang ebidensiya tungkol sa sunog sa Velvet Night Club, halos hindi na sila mapakali. Nakayuko si Ivy habang paulit-ulit na pinipisil ang kaniyang mga daliri.“Mommy, ano na’ng gagawin natin?” mahina ngunit desperadong tanong niya. “Paano naging ganito kalakas si Naya? Ang bilis niyang nalaman na tayo ang nasa likod ng sunog. Ngayon galit na sa atin si Tita Nora, pati si Kael.”Napabuntong-hininga siya at tuluyang sumandal sa kama. “Akala ko makakabawi tayo. Pero ngayon, tayo pa ang nawalan ng lahat. Tapos kailangan pa nating magbayad ng sobrang laki.”Masama ang tingin ni Veronica sa anak. “Ano pa bang magagawa natin? Kung hindi tayo magbabayad, ibibigay niya ang evidence sa police. At huwag mong kalimutan, kung hindi ka naging ganoon ka-obsessed kay Kael, hindi sana tayo umabot sa ganito.”Agad na sumimangot si Ivy. “Mommy, bakit ako na naman ang s
Nang marinig ang boses mula sa pintuan, bahagyang nanginig si Nora. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita si Lorenzo Madrigal na nakatayo roon, nakasuot ng simpleng itim na casual clothes. Kahit nasa middle age na, maayos pa rin ang tindig nito dahil sa matagal na pag-aalaga sa katawan. Malaki rin ang pagkakahawig ni Kael sa ama—mula sa matalim na mata hanggang sa malamig na aura kapag seryoso.Sa mga nakaraang taon, unti-unti nang ipinasa ni Lorenzo kay Kael ang pangunahing responsibilidad sa Madrigal Group. Mas madalas siyang nasa ibang lungsod para asikasuhin ang ibang assets at investments ng pamilya, kaya masasabi nang semi-retired siya. Gayunpaman, malaki pa rin ang impluwensiya niya sa buong Madrigal family. Marami pa ring mahahalagang desisyon ang dumadaan sa kaniya, at kahit si Nora ay hindi basta-basta sumasalungat kapag seryoso na ang asawa.“Lorenzo…” Mahina ang boses ni Nora. “Pati ikaw, ganiyan din ang iniisip?”Hindi agad sumagot ang lalaki. Magkakrus ang kamay nito s
Pagkarinig sa sinabi ng nakatatandang kapatid, parang nabawasan nang kaunti ang bigat na matagal nang nakadagan sa dibdib ni Kael. Sa mga nakaraang araw, halos siya lang ang humaharap sa sunod-sunod na gulo sa pamilya. Sa totoo lang, mas nakakapagod pa para sa kaniya ang family problems kaysa sa pag-aasikaso ng multinational businesses ng Madrigal Group. Ngayon niya lubos na naintindihan kung gaano kalaking pinsala ang kayang gawin ng isang pamilyang walang katahimikan.Mas lalo niyang pinagsisihan ang dati niyang pagiging malamig at pabaya kay Naya. Habang binabalikan niya ang mga nangyari, unti-unti niyang nakikita na siya rin ang nagtulak sa babaeng dati namang tahimik, maunawain, at laging nag-a-adjust hanggang sa dumating ito sa puntong ayaw nang magbigay kahit isang hakbang pa.“Ate,” mahina niyang sabi habang hinawakan ang kamay ni Athena, “buti na lang naiintindihan mo na rin.”Napatingin si Athena sa kaniya.“Kung matutulungan mong ayusin ang relasyon ni Mommy kay Naya, at ku
“Kael… sinampal mo ako?”Nakahawak si Ivy sa namumulang pisngi habang nakatitig kay Kael na para bang hindi niya makilala ang lalaking nasa harapan niya. Sa lahat ng tao sa mundo, si Kael ang huli niyang inaasahang gagawa niyon sa kaniya. Sa loob ng maraming taon, ito ang unang tumatakbo para protektahan siya, unang naniniwala sa kaniya, at unang gumagawa ng paraan tuwing may problema siya. Kaya nang mapagtanto niyang si Kael mismo ang sumampal sa kaniya, tuluyan siyang napaiyak.Maging sina Veronica at Nora ay natigilan sa lakas ng sampal. Halos instinctive na lumapit si Nora kay Ivy at hinila ito palapit sa kaniya. “Kael, nababaliw ka na ba?” galit niyang sigaw habang pinoprotektahan ang babae. “Matagal na tayong ginugulo at pinapahiya ni Naya, wala kang sinabi. Tapos ngayon, si Ivy pa ang sasaktan mo? Ano'ng ginawa sa ’yo ng babaeng iyon?”Malamig lamang na tumingin si Kael sa ina. Wala ni katiting na lambot sa mga mata niya. “Bago mo ako sisihin, tanungin mo muna sila kung ano ang
Tahimik na naglakad si Naya patungo sa bakanteng private room sa tabi. Ilang segundo lamang ang lumipas bago sumunod si Kael. Madilim ang mukha nito at halatang magulo ang isip matapos ang lahat ng nangyari nang gabing iyon. Sa loob lamang ng ilang oras, nakita niya ang mga taong matagal niyang pinagkakatiwalaan sa paraang hindi niya kailanman inakala—si Ivy, si Veronica, pati si Nora. Parang biglang bumagsak ang mga imahe na matagal niyang pinaniwalaan.Gayunpaman, may isang bagay na malinaw kay Kael. Hindi maaaring magpatuloy ang kaguluhan sa kabilang silid. Kapag kumalat ang scandal, mas maraming pamilya at negosyo ang madadamay. Kaya kahit hindi pa niya lubos na naiintindihan ang lahat, nagdesisyon siyang siya na ang aayos ng sitwasyon.Lumapit siya kay Naya at marahang inilagay ang kamay sa balikat nito. “Naya, nakita mo naman. Halos kalkalin na nina Ivy at Tita Veronica lahat ng accounts nila. Iyon lang talaga ang cash na kaya nilang ilabas ngayon.”Hindi gumalaw si Naya.“Kung
“Naya, saan naman kami kukuha ni Mommy ng fifty million nang ganito kabilis?” Halos mawalan na ng boses si Ivy sa kakasigaw. Namumula ang mga mata niya habang desperadong nakatingin kay Naya. “Sobra ka na! Huwag mong isipin na palagi kang mananalo. Babalik din sa ’yo lahat ng ginagawa mo!”Pagkatapos ay mabilis siyang lumingon kay Kael at Nora na para bang sila na lamang ang huling makapagliligtas sa kaniya. “Kael, wala ka bang gagawin? Hahayaan mo lang siyang tratuhin kami nang ganito? Tita Nora, please! Sabihin mo sa kaniya na tama na!”Hawak ni Ivy ang sariling ulo habang umiiyak, halatang tuluyan nang nawawalan ng kontrol. Kanina lamang ay matapang pa siyang nang-aasar kay Naya sa cellphone, ngunit ngayon ay halos hindi na niya alam kung kanino siya lalapit para humingi ng tulong.Napabuntong-hininga si Nora. Alam niyang mahirap nang pilitin si Naya, kaya sinubukan niyang gumamit ng ibang paraan. “Naya, basta huwag mong hayaang kumalat online ang mga video at picture na ’yan, maaa
Nanigas si Naya sa kinatatayuan niya habang nakatitig kay Kael. Para bang huminto ang oras sa mismong sandaling iyon. Unti-unting naglaho ang ingay ng paligid hanggang ang tanging naririnig na lang niya ay ang sariling paghinga niyang nanginginig sa kaba at galit. Ang tanging malinaw lang sa kany
“Honey, one month old na si Luna, at kaka-discharge lang namin ngayon. Pwede mo ba kaming sunduin?” Mahigpit na karga ni Naya ang kanyang anak habang nakatayo sa labas ng ospital. Nakabalot si baby Luna at mahimbing na natutulog sa kanyang dibdib, tila walang kamalay-malay sa lahat ng paghihirap n
Nagmadaling lumabas si Lourdes mula sa silid, bakas sa mukha ang matinding gulat habang sumisigaw.“Lindol ba ’to?! May lindol ba?!”Samantal
Napakunot ng noo si Naya, nakakapagtataka dahil kakaiba ang boses nito. Boses ng isang lalaki.Mabilis na napagtanto ni Naya na







