تسجيل الدخولNakatayo ito sa gitna ng mga bisita, may hawak na wine glass habang nakangiti at maayos na inaakay si Ivy sa bawat mesa upang makipag-toast sa mga bisita. Napakagaan ng aura nito, malayo sa malamig at seryosong lalaking kilala niya sa loob ng limang taon nilang pagsasama.
“Nasa abroad pa rin si Royce at matatagalan pa bago makauwi,” sabi ni Kael habang marahang hawak ang likod ni Ivy para alalayan ito. “Kaya habang wala siya, sisiguraduhin kong walang magiging problema kina Ivy at Zach.”
Napatawa nang mahina ang ilang bisita habang itinaas ni Kael ang wine glass nito.
“Ivy just gave birth recently, kaya hindi ko siya hahayaang uminom. I’ll take every toast for her tonight.”
Tumikhim ang ilang bisita habang natatawa at humahanga sa pagiging maalaga ni Kael. May ilan pang nagsabing napakaswerte raw ni Ivy dahil may ganoong klaseng lalaking nag-aalaga rito.
Pero si Naya…
Pakiramdam niya, unti-unting nanlalamig ang buong katawan niya habang hawak ang baso ng orange juice sa mesa. Bigla iyong naging mapait sa panlasa niya.
Matagal na silang magkasamang nagtatrabaho ni Kael sa kompanya. Sa bawat business gatherings, dinners, at social events, palagi siyang itinutulak nito sa harapan. Kapag may kailangang kumausap sa investors o makipag-inuman sa clients, siya agad ang iniaatas ni Kael.
“Magaling uminom si Naya.”
“Kayang-kaya niya ’yan.”
“She’s strong.”
Iyon palagi ang sinasabi nito. Parang sa paningin ni Kael, trabaho lang ni Naya ang kayanin ang lahat. Kaya habang pinagmamasdan niya ngayon kung paano nito protektahan si Ivy kahit sa simpleng pag-inom, pakiramdam niya ay unti-unting may nadudurog sa loob niya.
Ngayon lang niya narealize na kaya pala ni Kael maging maalaga… hindi nga lang talaga para sa kanya.Kahit halatang nahihilo na sa alak si Kael, hindi pa rin nawawala ang pagiging maingat nito kay Ivy. Paminsan-minsa’y yumuyuko pa ito para pakinggan ang babae habang nakangiti. Napakaliit na bagay iyon, pero sapat na para maramdaman ni Naya kung gaano siya pinagkaitan bilang asawa.
Sakto namang tumunog ang mikropono sa stage.
“Ladies and gentlemen,” masayang bati ng emcee, “ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang first month celebration ni Baby Zach! At bilang pinakamalapit na kaibigan ng ama ng bata, may espesyal na regalo si Mr. Kael Madrigal para sa baby. Palakpakan po natin siya!”
Malakas ang palakpakan sa buong hall.
Unti-unting umakyat si Kael sa stage habang karga si Baby Zach at nakasunod naman sa tabi nito si Ivy.
At sa harap ng lahat, dahan-dahang binuksan ni Kael ang isang mahabang velvet gift box.
Napasinghap ang mga tao nang makita ang laman nito.
Isang napakagandang gold longevity lock necklace na may nakapalamuting maliliit na rubies at diamonds.
Ngunit sa sandaling makita iyon ni Naya, para bang huminto ang tibok ng puso niya. Nanlamig ang buong katawan niya.
Hindi siya puwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya ang necklace na iyon. Dahil iyon ang ipinagawang custom heirloom ng yumao niyang ina para kay Luna noong anim na buwan pa lamang siyang buntis.
Hindi niya iyon kailanman isinusuot o inilalabas dahil natatakot siyang maiwala niya iyon. Kaya noon, buong tiwala niya iyong ipinagkatiwala kay Kael at ipinatago sa private vault ng kompanya nito.
Pero ngayon…
Ibibigay na iyon sa ibang bata.
“This gold lock has been treasured by my family for years,” mahinahong sabi ni Kael habang nakatingin sa batang nasa bisig nito. “And now, we’re giving it to Zach as a blessing for a healthy and bright future.”
Tuluyang nagdilim ang paningin ni Naya.
Family heirloom ng pamilya ni Kael?
Gusto ba talaga siyang lokohin ng lalaking ito sa harap ng napakaraming tao?
Pakiramdam niya, may kung anong malakas na puwersang biglang sumabog sa loob ng dibdib niya. Nanikip ang paghinga niya habang unti-unting umiinit ang buong katawan niya sa galit.
Paano nito nagawang magsinungaling nang ganoon kadali?
Paano nito nagawang angkinin ang bagay na hindi naman pag-aari ng pamilya nito?
At higit sa lahat…
Paano nito nagawang ibigay iyon sa anak ng ibang babae samantalang ni minsan ay hindi nito nagawang bilhan ng kahit anong regalo ang sarili nilang anak?
Hindi na namalayan ni Naya na kusa nang gumagalaw ang mga paa niya pasulong. Sa sobrang galit at sakit, tanging isang bagay na lang ang malinaw sa isip niya—hindi niya hahayaang manatili kay Zach ang para kay Luna.
Mabilis siyang naglakad palapit sa stage habang nanginginig ang mga kamay niya.
At bago pa niya mapigilan ang sarili, malakas na bumasag sa buong ballroom ang boses niya.
“At kailan pa naging pag-aari ng pamilya mo ang kuwintas na ’yan?”
Sa isang iglap, tila natahimik ang buong ballroom.
Parang may malamig na hanging biglang dumaan sa paligid habang isa-isang napalingon ang mga bisita kay Naya. Bawat mukha ay bakas ang gulat at pagtataka sa bigla niyang pagsingit.
Nanigas si Kael sa kinatatayuan nito sa stage habang nakatitig kay Naya. Saglit na nawalan ng kulay ang mukha nito. Nasilayan ni Naya ang bahagyang pagkabigla sa mga mata ng asawa niya.
Ngunit mabilis ding pinilit ni Kael na ibalik ang kalmadong ekspresyon sa mukha nito, na para bang wala siyang ginagawang mali.
Nanigas si Kael habang dahan-dahan itong napalingon pabalik kay Naya. Halatang hindi nito inaasahang magagawa iyon ng asawa niya.Samantalang si Naya, namumula ang mga mata habang galit na galit itong nakatitig dito. Nanginginig pa rin ang dibdib niya dala ng emosyon.“You’re right,” nanginginig niyang sabi. “Magkaiba nga kami.” Humugot siya ng mabigat na paghinga ngunit kasabay no’n ang biglang pagbagsak ng mga luha niya.“Kasi hindi lahat ng asawa…” nanginginig niyang dugtong habang nakatitig nang diretso kay Kael, “…kayang pabayaan ang sariling asawa’t anak habang nasa ospital para lang mag-alaga ng ibang babae.”Biglang nagkaroon ng bulungan sa paligid.“Ano raw?”“May asawa pala si Mr. Kael?”“Tapos isang buwan na ang asawa sa ospital? Hindi siya inalagaan?”“Grabe pala…”Hindi na iyon pinansin ni Naya. Pakiramdam niya, matagal na niyang kinikimkim ang lahat ng sakit na iyon at ngayon lang tuluyang sumabog. “Habang halos mamatay ako matapos manganak…” tuloy-tuloy niyang sabi ha
Hindi na hinintay ni Kael ang sunod na magiging reaksyon ng mga tao. Agad itong bumaba ng stage at mabilis na hinawakan ang braso ni Naya bago pa siya muling makapagsalita. “Come with me.”Mariin ang pagkakahawak nito sa kanya habang halos kaladkarin siya palayo sa gitna ng ballroom. Ramdam ni Naya ang mga matang nakasunod sa kanila, ang mahihinang bulungan sa paligid, pero wala na siyang pakialam.“Ano bang iniisip mo?” madiing bulong nito habang pinipigilan ang galit. “Why would you do that here?”Dahan-dahang tinanggal ni Naya ang suot niyang mask. Namumula ang mga mata niya, at nanginginig ang labi habang pilit niyang pinipigilan ang emosyon.“Tatanungin mo ako kung bakit ako nandito?” natatawa niyang sabi, ngunit basag na ang tunog nito dahil halos maiyak na siya. “Ako pa talaga ang may mali?”Humugot nang malalim si Kael at mariing napapikit.“Naya, not tonight. Huwag kang gumawa ng eksena dito.”“Eksena?” Napailing si Naya habang napapatawa sa sobrang sakit. “Kael, regalo iyon
Sa loob ng engrandeng ballroom, hindi maalis ang tingin ni Naya kay Kael.Nakatayo ito sa gitna ng mga bisita, may hawak na wine glass habang nakangiti at maayos na inaakay si Ivy sa bawat mesa upang makipag-toast sa mga bisita. Napakagaan ng aura nito, malayo sa malamig at seryosong lalaking kilala niya sa loob ng limang taon nilang pagsasama.“Nasa abroad pa rin si Royce at matatagalan pa bago makauwi,” sabi ni Kael habang marahang hawak ang likod ni Ivy para alalayan ito. “Kaya habang wala siya, sisiguraduhin kong walang magiging problema kina Ivy at Zach.” Napatawa nang mahina ang ilang bisita habang itinaas ni Kael ang wine glass nito.“Ivy just gave birth recently, kaya hindi ko siya hahayaang uminom. I’ll take every toast for her tonight.” Tumikhim ang ilang bisita habang natatawa at humahanga sa pagiging maalaga ni Kael. May ilan pang nagsabing napakaswerte raw ni Ivy dahil may ganoong klaseng lalaking nag-aalaga rito.Pero si Naya…Pakiramdam niya, unti-unting nanlalamig an
Nanigas si Naya sa kinatatayuan niya habang nakatitig kay Kael. Para bang huminto ang oras sa mismong sandaling iyon. Unti-unting naglaho ang ingay ng paligid hanggang ang tanging naririnig na lang niya ay ang sariling paghinga niyang nanginginig sa kaba at galit. Ang tanging malinaw lang sa kanya ay ang eksenang nasa harapan niya. Mas lalong sumikip ang dibdib niya nang marinig niyang magsalita si Ivy.“Thank you talaga, Kael. Kung wala ka, hindi ko alam kung paano ko kakayanin lahat.” Mahina itong natawa bago muling nagsalita, habang ang mga mata nito ay punong-puno ng lambing na nakatuon kay Kael. “Mula noong manganak ako hanggang sa recovery ko sa ospital, hindi mo ako iniwan. Lagi kang nagbabantay sa akin, kahit madaling-araw. Pinagluluto mo pa ako araw-araw. Kapag bumalik si Royce galing abroad, siguradong sobrang magpapasalamat siya sa’yo sa pag-aalaga mo sa amin ni Zach,” dugtong pa nito.Parang may mabigat na bagay na tuluyang dumagan sa dibdib ni Naya.Buong buwan niyan
“Honey, one month old na si Luna, at kaka-discharge lang namin ngayon. Pwede mo ba kaming sunduin?” Mahigpit na karga ni Naya ang kanyang anak habang nakatayo sa labas ng ospital. Nakabalot si baby Luna at mahimbing na natutulog sa kanyang dibdib, tila walang kamalay-malay sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan nilang mag-ina.Isang buong buwan silang nanatili sa ospital.Premature na ipinanganak si Luna dahil sa biglaang komplikasyon sa pagbubuntis ni Naya. Kinailangan itong ilagay agad sa NICU dahil sa respiratory distress at mababang oxygen levels. Ilang araw ding nakakabit ang maliit nitong katawan sa iba’t ibang tubo at monitor habang araw-araw na nagdarasal si Naya na sana ay kayanin ng anak niya.Pero hindi lang si Luna ang muntik mawalan ng buhay.Dahil pagkatapos manganak si Naya, nagkaroon naman siya ng postpartum infection at severe uterine inflammation na halos mauwi sa impeksyon sa dugo. Mataas ang lagnat niya sa loob ng ilang araw, hirap siyang makatayo, at paulit-ulit s







