Home / Romance / I Left Him, Now He Wants Me Back! / Chapter 002- The Truth I Couldn’t Deny

Share

Chapter 002- The Truth I Couldn’t Deny

Author: Bella Hart
last update publish date: 2026-05-20 20:17:48

Nanigas si Naya sa kinatatayuan niya habang nakatitig kay Kael. Para bang huminto ang oras sa mismong sandaling iyon. Unti-unting naglaho ang ingay ng paligid hanggang ang tanging naririnig na lang niya ay ang sariling paghinga niyang nanginginig sa kaba at galit. 

Ang tanging malinaw lang sa kanya ay ang eksenang nasa harapan niya.

Mas lalong sumikip ang dibdib niya nang marinig niyang magsalita si Ivy.

“Thank you talaga, Kael. Kung wala ka, hindi ko alam kung paano ko kakayanin lahat.” 

Mahina itong natawa bago muling nagsalita, habang ang mga mata nito ay punong-puno ng lambing na nakatuon kay Kael. 

“Mula noong manganak ako hanggang sa recovery ko sa ospital, hindi mo ako iniwan. Lagi kang nagbabantay sa akin, kahit madaling-araw. Pinagluluto mo pa ako araw-araw. Kapag bumalik si Royce galing abroad, siguradong sobrang magpapasalamat siya sa’yo sa pag-aalaga mo sa amin ni Zach,” dugtong pa nito.

Parang may mabigat na bagay na tuluyang dumagan sa dibdib ni Naya.

Buong buwan niyang tiniis mag-isa ang lahat ng sakit, pagod, at takot… samantalang ang pagmamahal at pag-aalagang hinihingi niya bilang asawa ay kusang ibinibigay ni Kael sa iba.

Ngumiti si Kael habang inaayos nito ang damit ng batang nasa bisig niya.

“Matalik kong kaibigan si Royce,” mahinahon nitong sagot. “Responsibilidad kong alagaan kayo ni Zach habang wala siya. Hindi ko naman sila puwedeng pabayaan.”

Responsibilidad?

Parang may mapaklang lasa na kumalat sa bibig ni Naya nang marinig niya iyon.

Kung ganoon… ano sila ni Luna?

Hindi ba sila ang tunay nitong responsibilidad? Hindi ba sila ang pamilya nito? Pero bakit nagawa nitong iwan silang mag-ina sa ospital habang buong pag-aalaga nitong inaalagaan ang ibang babae at anak nito?

Halos mawalan ng lakas si Naya.

Biglang nanghina ang mga tuhod niya at napahawak siya sa malamig na pader sa tabi niya para hindi tuluyang bumagsak. Pakiramdam niya, may kung anong matalim na bagay ang paulit-ulit na tumatarak sa puso niya habang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng asawa niya.

Ngayon niya lang tuluyang naintindihan ang lahat. At dahil doon, parang gusto nang sumabog ng dibdib niya sa sobrang sakit.

Hindi niya maintindihan kung bakit parang napakadali para kay Kael na mahalin at alagaan ang iba, pero ni katiting na lambing ay hindi nito maibigay sa kanila ng anak niya.

Masayang karga ni Kael ang bata habang magkatabi silang naglalakad ni Ivy papasok sa ballroom hall. Paminsan-minsan ay yumuyuko pa ito para may sabihin sa babae, dahilan para matawa ito nang mahina.

At habang pinagmamasdan sila ni Naya, pakiramdam niya ay may sarili nang pamilya si Kael.

Maya-maya, biglang nag-vibrate ang cellphone niya.

Awtomatikong ibinaba niya ang tingin doon at nakita ang bagong text message mula kay Kael.

From Kael:

Don’t stress yourself too much, Naya. I know you can handle things well. Rest ka na muna with Luna tonight. Babalik ako bukas after I finish everything here.

Napapikit si Naya habang mahigpit na hawak ang cellphone niya.

Sobrang sakit.

Ibang-iba ang tono ng mensaheng iyon kumpara sa lambing na narinig niya habang kausap nito si Ivy.

Sa kanya, puro malamig na encouragement lang ang ibinibigay nito. Na para bang obligasyon niyang sundin ang lahat ng iniuutos ng asawa niya. 

Unti-unting nanginig ang mga daliri ni Naya habang napapascroll siya paitaas sa mga lumang mensahe ni Kael.

“Eight months pregnant ka na pero you still managed to finish the final concept design for the Pristine Grand Tower. I’m impressed, Naya. You’re really talented.”

“Alam kong hindi madali ang pagbubuntis mo, pero I’m proud of you kasi hindi ka katulad ng ibang babae na madaling sumuko.”

“You’re amazing. Mukhang hindi ka naman gaanong nahirapan sa pregnancy mo kasi nakakaya mo pa rin ang heavy workload and complex design drafts. Honestly, mas kampante ako kapag ikaw ang humahawak ng projects.”

Isa-isang bumalik sa alaala ni Naya ang mga gabing halos hindi na siya makahinga sa pagsusuka dahil sa matinding morning sickness, pero pinipilit pa rin niyang tapusin ang blueprints at revisions ng projects ng kompanya.

Naalala niya kung paano namamaga ang mga paa niya habang overtime na nakaupo sa harap ng computer.

Kung paano siya nahimatay minsan sa opisina dahil sa sobrang taas ng blood pressure at blood sugar niya habang buntis.

Pero kahit ganoon, hindi siya tumigil. Dahil naniwala siya sa mga salita ni Kael.

Akala niya, proud lang talaga sa kanya ang asawa niya.

Akala niya, siya ang pinakapinagkakatiwalaan nito.

At akala niya, importante siya rito.

Tinanggap niya ang lahat ng papuri at encouragement na iyon na parang mga medalya. Iyon ang naging inspirasyon niya para tiisin ang pagod, at hirap habang buntis.

Ginawa niya ang lahat para makatulong sa kompanya ni Kael dahil mahal niya ito.

Pero ngayon, saka lang niya naintindihan ang katotohanan. Hindi siya tinitingnan ni Kael bilang asawa. Dahil alam nitong isa siyang mahusay na architect. Isang taong convenient para sa negosyo nito.

May mga pagkakataon noon na nagtataka siya kung bakit parang boss kung tratuhin siya ni Kael at hindi tulad ng isang lalaking mahal ang asawa niya.

Pero nasanay na siya.

Sinabi niya sa sariling ganoon lang talaga si Kael sa lahat ng tao—malamig, seryoso, at hindi expressive.

Ngunit naglaho ang paniniwalang iyon sa sandaling makita niya kung paano nito titigan si Ivy. Kung paano nito hawakan ang babae at alagaan ang anak na parang sariling dugo nito.

Dahil sa unang pagkakataon, malinaw niyang nakita na marunong pala talagang magmahal si Kael. Hindi nga lang siya ang minahal nito nang ganoon.

Hindi niya namalayang gumagalaw na pala ang mga paa niya habang sinusundan sina Kael at Ivy papasok sa loob ng hotel.

Gusto niyang malaman kung anong klaseng sorpresa ang inihanda ng asawa niya para kay Ivy.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 111- Five Years Too Late 

    Sa kabilang ward, magkatabing nakaupo sina Ivy at Veronica, parehong halatang balisa at pagod. Simula nang malaman nilang hawak na ni Naya ang ebidensiya tungkol sa sunog sa Velvet Night Club, halos hindi na sila mapakali. Nakayuko si Ivy habang paulit-ulit na pinipisil ang kaniyang mga daliri.“Mommy, ano na’ng gagawin natin?” mahina ngunit desperadong tanong niya. “Paano naging ganito kalakas si Naya? Ang bilis niyang nalaman na tayo ang nasa likod ng sunog. Ngayon galit na sa atin si Tita Nora, pati si Kael.”Napabuntong-hininga siya at tuluyang sumandal sa kama. “Akala ko makakabawi tayo. Pero ngayon, tayo pa ang nawalan ng lahat. Tapos kailangan pa nating magbayad ng sobrang laki.”Masama ang tingin ni Veronica sa anak. “Ano pa bang magagawa natin? Kung hindi tayo magbabayad, ibibigay niya ang evidence sa police. At huwag mong kalimutan, kung hindi ka naging ganoon ka-obsessed kay Kael, hindi sana tayo umabot sa ganito.”Agad na sumimangot si Ivy. “Mommy, bakit ako na naman ang s

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 110- She’s Coming Back to Deal With Naya 

    Nang marinig ang boses mula sa pintuan, bahagyang nanginig si Nora. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita si Lorenzo Madrigal na nakatayo roon, nakasuot ng simpleng itim na casual clothes. Kahit nasa middle age na, maayos pa rin ang tindig nito dahil sa matagal na pag-aalaga sa katawan. Malaki rin ang pagkakahawig ni Kael sa ama—mula sa matalim na mata hanggang sa malamig na aura kapag seryoso.Sa mga nakaraang taon, unti-unti nang ipinasa ni Lorenzo kay Kael ang pangunahing responsibilidad sa Madrigal Group. Mas madalas siyang nasa ibang lungsod para asikasuhin ang ibang assets at investments ng pamilya, kaya masasabi nang semi-retired siya. Gayunpaman, malaki pa rin ang impluwensiya niya sa buong Madrigal family. Marami pa ring mahahalagang desisyon ang dumadaan sa kaniya, at kahit si Nora ay hindi basta-basta sumasalungat kapag seryoso na ang asawa.“Lorenzo…” Mahina ang boses ni Nora. “Pati ikaw, ganiyan din ang iniisip?”Hindi agad sumagot ang lalaki. Magkakrus ang kamay nito s

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 109- Stop Calling Luna a Bastard 

    Pagkarinig sa sinabi ng nakatatandang kapatid, parang nabawasan nang kaunti ang bigat na matagal nang nakadagan sa dibdib ni Kael. Sa mga nakaraang araw, halos siya lang ang humaharap sa sunod-sunod na gulo sa pamilya. Sa totoo lang, mas nakakapagod pa para sa kaniya ang family problems kaysa sa pag-aasikaso ng multinational businesses ng Madrigal Group. Ngayon niya lubos na naintindihan kung gaano kalaking pinsala ang kayang gawin ng isang pamilyang walang katahimikan.Mas lalo niyang pinagsisihan ang dati niyang pagiging malamig at pabaya kay Naya. Habang binabalikan niya ang mga nangyari, unti-unti niyang nakikita na siya rin ang nagtulak sa babaeng dati namang tahimik, maunawain, at laging nag-a-adjust hanggang sa dumating ito sa puntong ayaw nang magbigay kahit isang hakbang pa.“Ate,” mahina niyang sabi habang hinawakan ang kamay ni Athena, “buti na lang naiintindihan mo na rin.”Napatingin si Athena sa kaniya.“Kung matutulungan mong ayusin ang relasyon ni Mommy kay Naya, at ku

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 108- Too Late to Heal a Dead Heart 

    “Kael… sinampal mo ako?”Nakahawak si Ivy sa namumulang pisngi habang nakatitig kay Kael na para bang hindi niya makilala ang lalaking nasa harapan niya. Sa lahat ng tao sa mundo, si Kael ang huli niyang inaasahang gagawa niyon sa kaniya. Sa loob ng maraming taon, ito ang unang tumatakbo para protektahan siya, unang naniniwala sa kaniya, at unang gumagawa ng paraan tuwing may problema siya. Kaya nang mapagtanto niyang si Kael mismo ang sumampal sa kaniya, tuluyan siyang napaiyak.Maging sina Veronica at Nora ay natigilan sa lakas ng sampal. Halos instinctive na lumapit si Nora kay Ivy at hinila ito palapit sa kaniya. “Kael, nababaliw ka na ba?” galit niyang sigaw habang pinoprotektahan ang babae. “Matagal na tayong ginugulo at pinapahiya ni Naya, wala kang sinabi. Tapos ngayon, si Ivy pa ang sasaktan mo? Ano'ng ginawa sa ’yo ng babaeng iyon?”Malamig lamang na tumingin si Kael sa ina. Wala ni katiting na lambot sa mga mata niya. “Bago mo ako sisihin, tanungin mo muna sila kung ano ang

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 107- This Time, She Chose to Walk Away 

    Tahimik na naglakad si Naya patungo sa bakanteng private room sa tabi. Ilang segundo lamang ang lumipas bago sumunod si Kael. Madilim ang mukha nito at halatang magulo ang isip matapos ang lahat ng nangyari nang gabing iyon. Sa loob lamang ng ilang oras, nakita niya ang mga taong matagal niyang pinagkakatiwalaan sa paraang hindi niya kailanman inakala—si Ivy, si Veronica, pati si Nora. Parang biglang bumagsak ang mga imahe na matagal niyang pinaniwalaan.Gayunpaman, may isang bagay na malinaw kay Kael. Hindi maaaring magpatuloy ang kaguluhan sa kabilang silid. Kapag kumalat ang scandal, mas maraming pamilya at negosyo ang madadamay. Kaya kahit hindi pa niya lubos na naiintindihan ang lahat, nagdesisyon siyang siya na ang aayos ng sitwasyon.Lumapit siya kay Naya at marahang inilagay ang kamay sa balikat nito. “Naya, nakita mo naman. Halos kalkalin na nina Ivy at Tita Veronica lahat ng accounts nila. Iyon lang talaga ang cash na kaya nilang ilabas ngayon.”Hindi gumalaw si Naya.“Kung

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 106- High-Society Queens Fighting Like Street Rivals 

    “Naya, saan naman kami kukuha ni Mommy ng fifty million nang ganito kabilis?” Halos mawalan na ng boses si Ivy sa kakasigaw. Namumula ang mga mata niya habang desperadong nakatingin kay Naya. “Sobra ka na! Huwag mong isipin na palagi kang mananalo. Babalik din sa ’yo lahat ng ginagawa mo!”Pagkatapos ay mabilis siyang lumingon kay Kael at Nora na para bang sila na lamang ang huling makapagliligtas sa kaniya. “Kael, wala ka bang gagawin? Hahayaan mo lang siyang tratuhin kami nang ganito? Tita Nora, please! Sabihin mo sa kaniya na tama na!”Hawak ni Ivy ang sariling ulo habang umiiyak, halatang tuluyan nang nawawalan ng kontrol. Kanina lamang ay matapang pa siyang nang-aasar kay Naya sa cellphone, ngunit ngayon ay halos hindi na niya alam kung kanino siya lalapit para humingi ng tulong.Napabuntong-hininga si Nora. Alam niyang mahirap nang pilitin si Naya, kaya sinubukan niyang gumamit ng ibang paraan. “Naya, basta huwag mong hayaang kumalat online ang mga video at picture na ’yan, maaa

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 007- He Finally Held Luna 

    Nagmadaling lumabas si Lourdes mula sa silid, bakas sa mukha ang matinding gulat habang sumisigaw.“Lindol ba ’to?! May lindol ba?!”Samantal

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 006- When Naya Finally Broke

    Napakunot ng noo si Naya, nakakapagtataka dahil kakaiba ang boses nito. Boses ng isang lalaki.Mabilis na napagtanto ni Naya na

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 005- The Photos That Broke Me

    Nanigas si Kael habang dahan-dahan itong napalingon pabalik kay Naya. Halatang hindi nito inaasahang magagawa iyon ng asawa niya.Samantalang si Naya, namumula ang mga mata habang galit na galit itong nakatitig dito. Nanginginig pa rin ang dibdib niya dala ng emosyon.“You’re right,” nanginginig niy

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 004- Why Wasn’t I Worth It?

    Hindi na hinintay ni Kael ang sunod na magiging reaksyon ng mga tao. Agad itong bumaba ng stage at mabilis na hinawakan ang braso ni Naya bago pa siya muling makapagsalita. “Come with me.”Mariin ang pagkakahawak nito sa kanya habang halos kaladkarin siya palayo sa gitna ng ballroom. Ramdam ni Nay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status