Share

Chapter 82 : His reason

Nagkwentuhan pa kami ni Dad at Mom pagkatapos nila mag-kwento sa akin tungkol kay Perrine, tungkol sa sarili ko. Sobrang saya ko na malaman at marinig mula sa bibig nila mahal nila ako at parating iniisip. Sapat na iyon sa akin para maramdaman ko ang pagkukulang ng pagmamahal nila sa akin noon bilang magulang. 

Natapos lamang ang kwentuhan namin nang mag-gabi na at kailangan na nilang umuwi dahil mayroon silang aasikasuhin. Ginawa na daw nilang mas busy ang kanilang sarili para mas madali nilang matanggap na wala na ako. 

Gusto ko silang pigilan sa iniisip nila na tanggapin nila na wala na ako dahil ito ako buhay na buhay at naghahanap ng ebidensya na nagpapatunay na ako si Perrine. Ngunit hindi ko magagawa iyon hanggat wala pa akong ebidensya na hawak. Pero, alam kong at ramdam kong malapit ko ng matuklasan ang katotohanan. 

Nang umuwi ako sa condo ni Scarlet ay dumiretso ako sa kwarto niya para manghiram ng mga damit. Wala kasi ako

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status