Share

I Love You, Señorito (GBS #1)
I Love You, Señorito (GBS #1)
Author: Authornette

Chapter 1: The Arrival

Yasmine's Pov

KAY sarap langhapin ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat sa katawan at mukha. Kay sarap din tingnan ang mga halaman na tila bang sumasayaw kasabay nang pag-ihip ng hangin.

Tahimik din ang buong kapaligiran at tanging huni lamang ng mga ibon ang maririnig. Sa kalagitnaan ng aking pagdidilig ay narinig ko ang panggalan kong sinisigaw ni nanay.

"Yasmine!" sigaw ulit ni nanay ng hindi ako nakasagot.

"Nandiyan na, Nay. Sandali lang po!" sigaw ko pabalik kay Nanay.

Tinapos ko muna ang pagdilig sa mga halaman bago bumalik sa loob ng bahay.

Hinanap ko si Nanay sa iba't-ibang sulok ng bahay ngunit hindi ko siya makita. Kaya napagdisiyonan kong pumanhik patungong kwarto nina Nanay at Tatay.

And I was right. Nandito nga sa kwarto nila si Nanay.

"Nay, bakit niyo po ako tinawag? May problema po ba?" tanong ko. Bumaling naman kaagad si Nanay sa akin.

"Wala naman, 'nak. O, bakit hindi ka pa bihis?" nagtatakang tanong ni Nanay. Pagkatapos ay 'agad naman itong bumalik sa ginagawa. Nagtutupi ito ngayon ng mga damit namin.

Naguguluhan man ay lumapit ako kay Nanay upang tulungan siya nang tumigil ulit siya sa ginagawa.

"Ano pang ginagawa mo dito, Yasmine? Magbihis kana at pumunta ka na sa mansiyon ng mga Gallardo," saad ni nanay. Nakapameywang na ito sa harapan ko. Lalo namang nangunot ang noo ko.

"Nay, ano naman po ang gagawin ko doon? Eh, the last time na pumunta ako sa mansiyon ng mga Gallardo, upang tumulong ay hindi nila ako pinayagan," pagsusumbong ko.

Totoo naman kasi, ayaw nila akong pagtrabahuin sa mansiyon. Kahit na tulungan lang sila sa pagllilinis ng mansiyon ay ayaw pa din.

Hindi na nga ako makatulong kay Tatay, ay hindi pa ako makatulong kahit sa mga kasambahay man lang doon.

"Anak naman. Eh, siyempre hindi ka naman kasi kasambahay doon. 'Di ba nilinaw na sa iyo iyan ni Señorito Warren?" Page-explain sa akin ni Nanay.

I just nodded my head as a respond.

Naalala ko tuloy si Señorito Warren. Nami-miss ko tuloy siya. Ako kaya na miss din kaya niya?

"Naku, bihis na! Nang maabutan mo ang pagdating nina Señorito!" sigaw ni Nanay na para bang natataranta.

Bigla akong nakaramdam ng excitement kahit na hindi ako sigurado sa narinig. Kahit na sobrang lakas ng pagkakasabi ni Nanay.

"Anong sabi niyo, Nay? Uuwi ngayon si Señorito Warren?" pagko-kompirma ko. Mas mabuti nang sigurado.

"Oo, uuwi sila ngayon. Bakit? Hindi ka ba sinabihan ng Tatay mo?" Hindi na ako sumagot sa tanong ni Nanay.

Kaagad akong tumalikod at kumarepas ng takbo papunta sa kwarto ko. Pero na dinig ko pa din ang sinabi nito.

"Hinay-hinay lang, Yasmine. Siguradong wala pa sa mansiyon sila."

Bakit ba kasi hindi ako sinabihan ni Tatay? Kung sabagay, makakalimutin na rin kasi iyon.

Tinahak ko ang daan papuntang hacienda ng mga Gallardo. Minadali ko itong tinakbo kahit na halos nagakakarandapa na ako sa daan.

"Ayan na, Yasmine. Malapit ka na," aniya ko sa sarili nang makita ko na ang malawak na Hacienda ng mga Gallardo. Ang nasa hulihan nito ay ang mansiyon ng mga Gallardo na pinapalibutan ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak. Na siyang si Tatay ang nag-aalaga.

"Magandang umaga po, Manang Aida," bati ko sa isa sa mga kasambahay na nakita kong nagwa-walis sa labas ng mansiyon.

"Magandang umaga din sa iyo, Yasmine!" masiglang bati din nito. Makikita ang malawak na ngiti sa mga labi niya.

Hindi na ako napaisip kung bakit. Malamang na masaya ito dahil uuwi ngayong araw si Señorito Warren.

"Mukhang maganda po ang gising natin, ah," komento ko.

"Eh, bumalik na sina Señorito. Kaya masaya ako ngayon," sagot ni Manang Aida.

Ang alam ko kasi ay isa si Manang Aida ang nagpalaki kay Señorito Warren noon at sa kapatid nito na si Señorito Theo. And that explains her happiness. Ngunit si Nanay Osa talaga ang nag-alaga at nagpalaki sa kanila sa Maynila. At no'ng nagka-edad sila ay iyon na ang simula nang pagpunta ni Señorito Warren dito sa mansiyon. Nagbabakasyon siya dito tuwing walang pasok. Habang si Señorito Theo ay hindi ko pa nakikita buong buhay ko kahit nasa litrato lamang. Pumupunta naman siya dito iyon nga lang ay never ko pa siyang nakakasalamuha.

"Kaya po pala. Eh, ano po bang oras dadating si Señorito Warren?" atat na tanong ko.

Gusto ko na kasing makita si Señorito Warren... Miss na miss ko na kasi siya. It's been what? one year na rin 'ata ng huli ko siyang nakita.

"Anong oras... Eh, dumating na sila, ija. Kanina--" nabitin sa pagsasalita si Manang Aida nang bigla akong nagmadaling pumasok sa mansiyon.

Ba't gano'n? Ang sabi ni Nanay hindi pa daw dumadating.

"Maraming salamat po sa impormasyon," pahabol ko bago ako makapasok sa loob. Manang Aida just smiled at me.

Nang nasa sala na ako ay hindi ko mapigilang ngumiti nang makita ko ang isang lalaki na nakatalikod. Nakatayo ito habang may hawak na telepono sa kanang kamay nito. Sa tindig at laki ng katawan ay alam ko kung sino ito.

Inayos ko ang aking puting bestida na hanggang tuhod. Talagang ito ang pinili kong isuot dahil kakabili lang ito sa akin ni Nanay. I slowly walked towards him. Gusto ko kasi siyang sorpresahin.

Pero bakit may kakaiba akong nararamdam habang papalapit ako sa kanya? Ano itong nararamdam ko? Bakit kinakabahan ako?

May gusto na ba ako kay Señorito Warren?

Nagpatuloy pa din ako sa paglalakad ng hindi gumagawa nang ingay. Nang makalapit na ako sa kanya ay walang pag-aalinlangang niyakap ko siya sa likod.

"I miss you, Señorito Warren. Welcome back," saad ko nang may tamis na ngiti sa labi.

Naramdaman ko ang pagkislot nito sa ginawa ko. Hindi ko binigyan iyon ng pansin.

Ba't parang mas lalong tumaas si Señorito Warren? Posible kayang puwedi pa siyang tumaas? Dati kasi hanggang taenga niya lamang ako. Ngayon ay hanggang leeg niya na lang ako.

"What do you think you're doing?" He asked in a hoarsed voice. Bakit parang umiba ang boses niya? Pati ang amoy ng pabango niya?

Nagtataka man ay hindi pa din ako bumitaw sa pagyakap sa kanya. Masyado ko siyang na miss para gawin iyon.

"I said what are you doing?!" he suddenly hissed. Nabigla ako kaya napabitaw ako sa kanya.

"Po?" tanging na sabi ko. Hindi ako makapaniwalang sinigawan niya ako.

And I was more shocked when I finally saw his face. My heart beat erratically. Pinagpawisan ako kahit nakatingin lamang sa kanya.

Sino siya? He's not Señorito Warren. Posible kayang... Siya si...

Kahawig niya din kasi si Señorito Warren ngunit mas maputi at mas matangkad ang lalaking kaharap ko. Mas makapal ang kilay at brusko ang pangangatawan.

Kaya ba kakaiba ang tibok nang puso ko dahil hindi siya si Señorito Warren? At dahil siya ang panganay na anak ng mga Gallardo? Si Señorito Theo Angelou...

Gusto ko na ba siya kaagad? Bakit sa dinami-dami ng mga lalaki ay siya ang pa ang nakakuha ng interest ko? Ang nakabihag ng pihikan kong puso?

"So you are?" tumaas ang kilay niya.

Nakita ko ang paghagod ng mga mata niya sa akin, mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng hiya sa paraan ng pagtitig niya.

Napalunok ako at tumikhim. "I'm sorry po. Akala ko po kasi kayo si Señorito Warren," paghingi ko nang paumanhin imbis na sagutin ang tanong niya.

Yumuko ako para mas convincing ang paghingi ko ng tawad.

"So you think he's me? Well, I'm not him. Ibang-iba ako sa kanya," seryosong saad niya.

Alam kong may malalim na dahilan sa mga sinabi niya. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ko.

"Pasensiya na po," ulit kong saad.

"You must be the girl. Papasa din naman. Puwedi na," saad niya ng hindi ko naintindihan. He even click her tongue.

Kanina lang at seryoso ito. Ngayon naman ay iba naman ang mood niya. Hindi ko siya maintindihan. Hindi kaya may saltik itong kapatid ni Señorito Warren? May sakit sa utak?

"I'm sorry pero hindi ko po kayo gets," diretso ngunit may paggalang kong saad.

He raise his hand and shake it. "Never mind. Just forget it," he said.

"Ahmm. Sige po aalis na po ako, Señorito Theo." No more doubts. Alam kong siya ang panganay na anak ng mga Gallardo.

Sa tindig at pananalita, one hundred percent akong sigurado. Mas na-confirm ko iyon ng tumango siya. Kasabay noon ay ang pagguhit nang sakit sa puso ko. Isa siyang Gallardo kaya mahirap pangarapin ang isang katulad niya.

Yumuko ako upang magpakita ng respeto. I was about to turned my heels but I stopped when I heard him spoke.

"But honestly, I don't like you mistaken me as my brother. I don't really like it," mariin na saad niya. Alam at damang-dama ko kahit na nakatalikod pa ako sa kanya.

Napabaling ulit ako sa kinatatayuan niya upang magsalita ulit ngunit huli na dahil nakaalis na ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status