Share

Chapter 2: Theo Angelou

Yasmine's Pov

PAGKATAPOS naming mag-usap ng Señorito Theo, lumakad na ako patungong kuwarto nina Señorito Warren. Hindi ko siya mahanap kaya alam kong nasa kuwarto lang siya ngayon. Pero bago ko pa maitapak ang paa ko sa hagdan ay nakarinig ako ng pamilyar na boses.

"Hep! Hep! At saan ka naman pupunta?" pasigaw na tanong sa akin ng pamilyar na boses.

Kaagad ko itong nilingon at napangiti nang malapad. Napatakbo ako pababa para puntahan siya. Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap.

"Ikaw lang pala. Akala ko kung sino na," sabi ko. Ginantihan ko din naman siya ng yakap. Matagal-tagal ko ding hindi nakita ang matalik kong kaibigan.

"Omg! Na-miss kita bestfriend ko!" masayang saad ni Aye.

"Na-miss din kita, Aye. Hindi ko alam na pati ikaw pala ay sumama sa pagbalik nina Señorito Warren." kunyare ay nagtatampong sabi ko. Matagal din naman kasi hindi nagkaroon ng koneksyon. Samantalang ibinigay ko naman ang number ko sa kanya.

"Sorry, hindi man lang kita na tawagan nu'ng nasa Maynila na ako. Nasira kasi iyong luma kong cell phone at doon naka-save ang number mo." she apologetically said. I smiled. Now I know what her reasons for not texting and calling me no'ng nasa Manila na siya.

Habang nagsasalita siya, hindi ko mapigilang titigan siya ng mabuti. Kung maganda na ito mas lalong gumanda pa ito. Balinkinitan na ang katawan at mas lalong pumuti ang kutis. Iba na talaga kapag galing Maynila.

"Ano ka ba! Okay lang iyon. Alam ko naman na magiging busy ka sa Maynila. Lalo na dahil doon ang buong angkan ng mga Gallardo."

Nasa Maynila kasi ngayon ang buong pamilya Gallardo. Walang naiwan sa Hacienda kun'di ang mga kasambahay at mga trabahador lamang. Kasama na do'on ang aking ina at ama. Tuwing Abril lang nakakauwi ang mga Gallardo at babalik naman ng Maynila tuwing kakailanganin sila ng dahil sa trabaho.

"Oo nga, eh. Pero worth it naman ang pagiging busy ko. Malaki naman naman kasi ang sweldo. Mababait pa ang mga Gallardo."

Malaki nga magpa-sweldo ang mag-asawang Gallardo. Mababait pa ang mga ito kahit sa hindi nila mga ka-level na tao. Kung sila kasi ay langit, lupa naman kaming nakatingala sa kanila. Kaya isang suicide ang magka-gusto sa mga mayayaman. Swerte mo lang talga kapag nagka-gusto sa iyo ang mayamang lalaki at kaya kang ipaglaban.

I shook my head with the thoughts. Bakit ba napunta do'n ang pag-iisip ko?

"Nga pala, nakita mo na ba si Señorito Warren?" she excitedly asked.

Her eyes sparks by just mentioning his name.

I shook my head. "Hindi pa nga, eh. Pupuntahan ko na sana sa taas."

Siguro kung hindi ako nakita ni Aye, kanina pa ako nakaakyat sa taas at kausap na ang Señorito Warren.

"Naku! Sobrang gwapo na ng Señorito Warren!"

Kumislap naman ulit ang mga mata niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang paghanga niya para kay Señorito Warren. Natatandaan ko dati ng inamin niya sa akin na crush niya si Señorito Warren. She was even hesitant to tell me dahil ka-close ko ang Señorito Warren. Natatakot siyang baka sabihin ko kay Señorito Warren ang nararamdaman niya. Hindi ko alam na hanggang ngayon pala ay dala-dala niya parin ang nararamdaman para sa Señorito.

"Until now, crush mo parin siya no?" patudyong tanong ko.

Natigilan siya at unti-unting nawala ang sigla na kanina ay nakikita ko sa kanya.

"H-hindi no. Napopogi-an lang talaga ako,"

nakayukong sabi niya.

I grinned even she's not looking at me. kahit na matagal kaming hindi nagkita, kilalang-kilala ko pa din siya. Kaya alam kong nagsisinungaling siya sa.

"Talaga?" I arched my left brow.

Tumingala siya at tiningnan niya ako. "Oo nga."

Oo daw, pero tagos sa ilong naman ang sinasabi. Sinungaling!

"Eh, si Señorito Theo, nakita mo na ba? Di ba, never mo pa siyang nakita?" At tila this time, ako na naman ang napatigil.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagdinig ko lamang ng pangalan niya.

"O-oo." I curtly and stutterly replied.

"So, what can you say? Don't you find him handsome? Attractive?" she asked and eyed me like the hawk's eye.

She didn't let her eyes leave on me until I answered her.

"A-anong klaseng tanong 'yan, Aye?"

Ang bilis nga talagang bumalik ng karma. Kanina ako iyong nangha-hot seat ngayon ako naman ang hina-hotseat

"Ha? Bakit anong klaseng tanong ba ang tanong ko?"

Nameywang siya sa harap ko at tinitigan ako nang mabuti.

"I need to go. Pupuntahan ko lang si Señorito Warren." Hindi ko na siya hinintay

na makapagsalita ulit. Tinalikuran ko siya at pumatongo sa hagdan.

"Naku! I smell something fishy!" sigaw ni Aye.

Hindi ko nalang nilingon si Aye at baka mabisto niya pa ako.

INAYOS ko ang sarili ko muna bago lumapit sa pinto ng kwarto ni Señorito Warren. Kumatok ako ng dalawang beses. Nang hindi ito bumukas, kakatok sana ako muli ng bigla itong bumukas. Bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ng Señorito Warren.

"Yasmine!" Hindi na ako nakaiwas nang bigla niya akong hinapit sa beywang at niyakap ng mahigpit.

"Señorito Warren..." I only mumbled.

Kaagad din naman itong napabitaw sa akin. He looked at me and shook his head. Anong problema't ganito siya maka-react ngayon?

"Still stubborn as ever," he said as he crossed his arms against his chest. Tinitigan niya ako habang naka-labi. He was like looking at me na para bang ako ang pinaka-malaking problema niya sa buhay.

"B-bakit po?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na stop addressing me with 'po at opo' and to call me only Kuya Warren."

"I-im sorry. Sabi ko naman po sa iyo, nakasanayan ko na iyon." I apologized.

Gano'n naman talaga. Kapag nakasanayan mo na isang bagay, mahirap na iyong bagohin pa. Ang sabi kasi sa akin dati ni Señorito Warren, tatrohin ko daw siya na parang Kuya. Pagdating naman sa mga gawain dito sa mansyon nila, hindi daw dapat ako mangialam dahil hindi naman daw ako kasambahay dito.

"Ang sabihin mo matigas lang talaga itong ulo mo." Sabay turo niya ng ulo ko.

Napapikit ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko. I lowly gasped and looked at him annoyingly. Ang sakit kaya ng ginawa niya.

I heard him chuckled.

"Kuya Warren naman, eh."

"There, kaya mo naman pala, eh," masayang sabi niya.

"Have you met my brother?" he seriously asked.

"Opo, bakit?"

Natigilan ako sa sinabi. Mukhang hindi ko talaga maiwawala ang 'po at opo' sa tuwing kinakausap ko siya. Okay lang naman siguro kasi sign of respect naman iyon kasi mas matanda pa din siya sa akin.

"Stay away from him as long as you can. Don't ever let yourself involve with him," he commanded me.

I saw the worriness and seriousness through his eyes. Pero hindi ko magawang um-oo sa utos niya. Siguro dahil matigas nga ulo ko.

"Okay?" he's now asking my respond.

This time, he didn't left his eyes on me. He even firmly looked at me with his eyes. I left no choice so I just shook my head. Kahit na labag man sa kaloob-looban ko.

HINDI naman natagal ang pag-uusap namin ni Kuya Warren dahil sinabi kong pupuntahan ko pa si Tatay. Nalaman ko kay Kuya Warren na silang dalawa lang ni Señorito Theo ang umuwi sa Hacienda habang ang dalawang mag-asawa ay susunod na lang daw sa linggo.

Paliko na sana ako sa isang hallway ng bigla akong napatigil. My heart beat fast erratically that almost took my breath away.

I saw Señorito Theo leaning his back against the wall while crossing his arms to his chest and eyes are closed. Sa posing niya ay nagmumukha siyang nagmo-model.

Pinkiramdaman ko ang sarili. Nang maramdaman kong humupa na ang pagbilis nang tibok ng aking puso, I decided to continuously walked. But I was halted again. I saw him slowly opened his eyes and lifted his head to looked at me.

Again, I saw him looked at me from head to toe. That made me felt conscious. I'm not a self-conscious person. Pero simula nang makita ko siya hindi ko mapigilang maging conscious sa sarili.

"So, what did my little brother told to you?" tanong niya kahit hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa akin.

Nangunot ang noo ko. Did he evedrops on us while we're talking? O baka naman napadaan lang siya at narinig niya lang?

"Señorito Theo," nahihiyang sabi ko sabay yuko.

"Señorito... You're calling me Señorito while you're calling him Kuya Warren? Isn't that unfair?" he asked in disbelief and even tsked.

Napatingala ako at hindi ko ine-expect na makakasalubong ko ang kulay abo niyang mga mata. That made my heart thump in an abnormal pace. I bit the inside of my mouth to ease the feeling.

"G-gusto niyo po bang tawagin ko din kayong Kuya?" tanong ko sa pagbabakasakaling gusto niya ding tawagin ko siyang Kuya.

"F*****g no!" he unbelievably hissed.

Umiba ang tabas ng mukha niya. Kitang-kita ko ang disgusto sa mukha niya ng dahil sa sinabi ko.

Muntik ko pang takpan ang taenga dahil sa narinig.

"Kung gan'on ano pong gusto niyo?" I curiously asked.

Kung ayaw niya pala na tawagin ko din siyang kuya, eh anong gusto niya?

Tsaka hindi naman kailangang magmura. Feeling ko kasi ako ang minumura niya kahit hindi naman.

Matagal siyang hindi nagsalita habang hinihintay ko naman ang sagot niya.

"Never mind. Go, go to your father now, " He lowly uttered. Inalis niya ang tingin sa akin at ipinukos sa kabilang side.

Hindi naman ako nag-komento pa. Yumuko na lang ako para senyales na aalis na ako. But he never looked at me back again. Bigla naman akong nakaramdam ng kalungkutan.

Nagmadali na lang akong umalis sa paningin niya. Tama nga ang sinabi ni Kuya Warren. I should stay away from him.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status