Share

28 - MAY NATUKLASAN SI OLIVIA!

CHAPTER 28 - MAY NATUKLASAN SI OLIVIA!

INIWAN ko na lang sina Bong at Sophia, ayoko namang maging sagabal sa dalawang taong alam kong nagmamahalan, masaya na rin ako para sa matalik kong kaibigan, at sa impostora kong kapatid, hindi ko pa sila tanggap, ngunit wala akong balak na pigilan sila sa kanilang pagniniig sa gabing ito, pinatay ko ang audio device sa cellphone ko, nakakabit kasi sa tainga ko ang isang ear phone at pinakikinggan ko ang lahat ng kanilang pinag-uusapan.

Ano pa nga bang aasahan ko sa dalawang taong nagkakagustuhan kundi ang magsiping sa kanilang muling pagkikita, naiirita kong tinanggal ang aparato na iyong sa aking tainga, paano naman, puro na lang halinghingan ang dumadako sa aking pandinig.

Naiiling kong inilapag iyon sa aking kadungan, napalingon naman sa akin si JC, ang driver ko at bodyguard na rin. "Bakit mo pinatay? Ayaw mo na bang marinig ang mga pinag-uusapan nila?" nakangising tanong nito sa akin, pairap ko naman siyang tiningnan at ibinaling na lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status