Home / Romance / I'M THE BILLIONAIRES SLAVE / CHAPTER 2 – Nakaw na Dangal

Share

CHAPTER 2 – Nakaw na Dangal

Author: M.E.M.TSOLEN
last update Huling Na-update: 2025-11-12 21:46:06

Mainit ang hangin nang umagang iyon, pero mas mainit ang tensyon sa loob ng bahay ng mga Cruz.

Sa isang lumang mesa, nakaupo si Tomas, nakatingin sa envelope ng pera na ninakaw niya mula sa mansion. Namumuo ang pawis sa noo niya, at sa gilid ng mga mata, bakas ang takot.

“’Yan na lang ang natira sa atin,” bulong ni Rosa habang pinagmamasdan siya. “Tomas, ibalik mo na ‘yan. Baka mapahamak pa tayo.”

“Tigil mo ‘yang drama mo,” iritadong sagot ni Tomas. “Wala akong ibang choice. Kung hindi ko mababayaran ‘yung mga pinagkakautangan ko, patay tayo.”

“Hindi mo dapat dinadaan sa ganyan! Ang ninakaw, kailangang isoli!”

“Anong gusto mong gawin ko, ha?” biglang sigaw ni Tomas, habang tinatapon sa mesa ang basong may laman pang gin. “Magpakamatay? Wala na nga akong trabaho! Wala tayong pera! Wala kang alam sa hirap!”

Tahimik lang si Rosa. Nakayuko. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng asawa ay parang kutsilyong bumabaon sa puso niya.

Si Elena, na kanina pa nakikinig mula sa likod ng pinto, halos mapahikbi. Hindi niya kayang pumasok; natatakot siyang marinig ang sagutan pero hindi rin siya kayang tumalikod.

Sa loob-loob niya, bakit ganito? Bakit lagi na lang kami nasa ganitong sitwasyon?

Kinahapunan, habang tulog si Tomas, lumabas si Rosa para magpunta sa tindahan. Naiwan si Elena sa bahay, nag-aayos ng mga lumang gamit. Ngunit napansin niya, ilang piraso na ng gamit nila ang nawala — TV, lumang radyo, pati ref.

“Tay?” sigaw niya, habang binubuksan ang cabinet. “Nasaan po ‘yung mga gamit dito?”

Walang sumagot. Pero sa ilalim ng kama, nakita niya ang sako ng mga damit — at ang basag niyang alkansya.

Tumigil ang mundo ni Elena. Basag na ang alkansya na pinag-ipunan niya ng tatlong taon — pera mula sa mga sideline sa tindahan, mga barya galing sa pamamasura, at mga tip mula sa paglalaba sa kapitbahay.

Walang natira. Lahat kinuha.

“Hindi… hindi totoo ‘to…” bulong niya habang dinadampot ang mga baryang natira sa sahig.

Biglang bumukas ang pinto. Dumating si Tomas, amoy alak, pawis, at may hawak na sigarilyo.

“Ano’ng ginagawa mo d’yan?” tanong niya, malamig at makikita mong wala siyang paki alam.

“Tay, bakit? Bakit pati ipon ko kinuha n’yo?”

Umiiyak na si Elena, pero pinilit niyang maging matapang. “Para saan ‘to, Tay? Sugal na naman? Utang na naman?”

“’Wag mo akong turuan!” sigaw ni Tomas, at bago pa makaiwas si Elena, nasampal siya.

Tumahimik ang paligid. Ang tanging maririnig ay ang malakas na tibok ng puso ni Elena at ang paghingal ng ama.

“Hindi mo naiintindihan, anak,” sabi ni Tomas, nanginginig. “Ginagawa ko ‘to para mabuhay tayo. Wala kang alam!”

“Mabuhay? O tuluyan tayong masira?” sagot ni Elena, nangingilid ang luha. “Tay… tama na po. Please…”

Ngunit lumabas lang si Tomas, dala ang pera. Naiwan si Elena, nakaluhod sa sahig, umiiyak habang nakatingin sa alkansyang basag.

Lumipas ang ilang araw.

Sa maliit na bar sa gilid ng bayan, nagkakagulo. Si Tomas, pinapalibutan ng mga lalaki—ang mga loan shark na matagal nang humahabol sa kanya.

“Saan na ang bayad mo, Tomas?” tanong ng matabang lalaki na may malaking peklat sa pisngi.

“Bigyan n’yo pa ako ng isang linggo,” pakiusap ni Tomas. “Makakabayad ako, promise. May plano ako.”

“Plano?” tumawa ang lalaki. “Eh ‘yung plano mo nung nakaraang linggo, nasaan na?”

Isang suntok ang dumapo sa sikmura ni Tomas. Napayuko siya, halos mawalan ng hangin.

“Isa na lang, Tomas. Kapag hindi mo kami nabayaran, baka hindi ka na masisikatan ng araw!.”

Iniwan siyang duguan at sugatan. Habang naglalakad pauwi, ang isip niya’y naguguluhan. Wala nang pag-asa. Wala nang bukas.

At doon pumasok ang ideya — ang pinakamasahol na desisyong magpapabago ng lahat.

Kinagabihan, habang tulog si Elena, maririnig ang amoy ng gasolinang pumapasok sa hangin.

Nagising siya, sinundan ang amoy, at bumungad sa kanya ang tatay niyang may dalang posporo at galon ng gasolina.

“Tay?! Anong ginagawa n’yo?!”

“Tapos na tayo, Elena,” sabi ni Tomas, habang tumatawa ng mahina. “Wala nang matitira sa atin. Mas mabuti nang matapos na lahat.”

“Huwag po! Tay, huwag—!”

Pero huli na. Tumalsik ang posporo, at sa isang iglap, lumiyab ang apoy.

“Tay!!!”

Nangigigil sa takot si Elena habang tinutulak ang ama palabas, pero nahulog siya sa lupa sa lakas ng pagsabog. Umuusok ang paligid, at sa gitna ng apoy, halos di niya marinig ang sarili niyang sigaw.

Nang magising siya, nasa ospital na siya. Sunog ang ilang parte ng balat, pero ligtas.

Ang bahay nila — abo na lang.

Ang ama niya — tumakas. Walang nakakaalam kung nasaan.

Sa ospital, nakaupo si Rafael Vergara — ang matagal nang kaibigan ni Elena mula pagkabata, at ang karibal ni Lance sa negosyo.

“Raf…” mahina ang boses ni Elena. “Bakit ka nandito?”

“Nabalitaan ko ‘yung sunog,” sagot ni Rafael. “Hindi ko kayang hindi tumulong. Doon ka na muna sa amin, okay?”

Tahimik si Elena. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang kabutihan ng kaibigan, pero ramdam niyang may bigat sa mga mata nito — lihim na damdamin na pilit nitong tinatago.

“Salamat, Raf,” bulong niya. “Pero ‘wag kang mag-alala. Kaya ko ‘to.”

“Hindi mo kailangang kayanin mag-isa,” sagot ni Rafael. “Hindi ka nag-iisa, Elena.”

Sa likod ng mga salitang iyon, may lambing sa boses nito. Pero hindi alam ni Rafael — may paparating na unos na mas malala pa sa apoy.

Samantala, sa Monteverde Mansion, hawak ni Lance ang report mula sa kanyang head of security.

“Sir, confirmed. Yung husband ng kasambahay na si Rosa Cruz, siya ‘yung nasa CCTV. May record na rin sa pulis.”

Tumango si Lance, seryosong nakatingin sa dokumento.

“I see.”

“Gusto n’yo po bang ipahanap?”

“Hindi. Hindi na kailangan,” malamig niyang sagot. “Tell the police to handle it. Pero… tawagin si Rosa. Gusto ko siyang makausap.”

Kinabukasan, bago pa makaalis si Rosa patungong mansyon, pinuntahan muna niya ang anak sa ospital.

“Anak, aalis muna si Mama, ha?”

“Bakit po, Ma?” tanong ni Elena. “Hindi pa kayo nagpapahinga.”

“Kailangan ko harapin si Sir Lance. Sana maayos ko pa ‘to, anak.”

“Ma, huwag po muna—”

Ngunit ngumiti lang si Rosa, hinaplos ang buhok ni Elena, at umalis. Sa likod ng ngiti niya, may kaba.

Hindi niya alam kung makakabalik pa siya ng buhay mula sa kahihiyan at takot.

Habang papalapit siya sa Monteverde Mansion, nanginginig ang tuhod ni Rosa. Nasa gate pa lang siya, parang gustong umatras.

Ngunit kailangan niyang harapin ang katotohanan.

Sa loob ng opisina ni Lance, pinakita sa kanya ang CCTV footage.

Sa bawat segundo ng video, ramdam niya ang pagdurog ng puso niya.

“Sir… hindi ko po alam. Hindi ko po alam na ginawa niya ‘yan,” iyak niya habang lumuluhod. “Maawa po kayo sa amin.”

Tahimik lang si Lance. Matagal siyang nakatingin sa umiiyak na kasambahay bago siya nagsalita.

“You’ve been with us for ten years, Rosa,” sabi niya, malamig ang boses nito pero walang bahid ng pangamba sa mga nang yayri. “I trusted you.”

“Sir, ibabalik ko po ang lahat. Magtrabaho po ako kahit walang bayad, basta huwag n’yo pong ipapahuli ang asawa ko.”

Huminga nang malalim si Lance.

“Hindi ko siya ipapahuli. Pero may kapalit ‘to. Simula ngayon, hindi ka na pwedeng umalis dito hanggang mabayaran niyo ang lahat ng ninakaw. Naiintindihan mo?”

Tumango si Rosa, luhaan.

“Salamat po, Sir… salamat po…”

Ngunit paglabas niya ng mansyon, mahigpit ang dibdib niya. Sa isip niya, paano ko babayaran ang kasalanan ng isang taong unti-unti na akong pinapatay?

Sa gabing iyon, umulan nang malakas. Si Elena, nakaupo sa ospital, tahimik na umiiyak. Wala siyang alam na habang humahalik ang ulan sa bubong, nagsisimula nang umikot ang kapalaran — patungo sa kamay ng lalaking may hawak ng lahat.

At sa dilim ng gabing iyon, isang usok ng sigarilyo ang bumuga sa veranda ng Monteverde Mansion.

Nakatayo si Lance, malamig ang titig sa labas, habang nasa isip ang mga salitang paulit-ulit na bumabalik:

“The Cruz family owes me. And I always collect what’s mine.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 20 – THE GARDEN DATE

    ELENA’S POVHindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.Hello?Date lang ’to.Well… technically hindi lang date kasi si Lance ’yong kasama ko.At si Lance, kapag may ginawa, hindi pwedeng simple. Lagi siyang may pa-“wow effect.”Kanina pa siya naglalakad paikot sa sala, naka-white button-down, sleeves rolled up, at naka-black slacks na parang sinadya niyang patibukin ang puso ko na parang sirang tambol.“Ready?” tanong niya, checking his watch.“Yeah,” sagot ko, kahit hindi naman.Kasi bakit parang nakadikit sa dibdib ko ang kaba?He offered his hand.Hindi ko alam kung bakit automatic akong napahawak.At bakit parang…Mas gusto ko nang hindi niya ito bitawan.No no no.. erase erase..LANCE’S POVShe looks like spring.Fresh.Soft.Warm.At damn, hindi siya nag-effort. Naka-simple flower dress lang siya, but she’s the most beautiful thing I’ve ever seen.“Where are we going?” she asked, trying to sound chill.“Secret.”“Lance—”“Elena,” sagot ko, raising a brow, “just trust me.”She pur

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 19 – DINNER WITH FIREWORKS Lance & Elena POV

    LANCE’S POVKumakain siya ng cereal sa harap ko habang nakaupo sa barstool, naka-oversized shirt na parang sinadya niyang akitin ako nang hindi sinasadya, na ewanOr sinasadya niya—pero ayaw niya aminin. Alam ko. Ako pa ba? Kanina pa siya umiiwas ng tingin, pero sinusulyapan ako paminsan-minsan. At ako? Kanina pa ako nakakunot-noo kahit wala namang dahilan. Nakaka-badtrip ang ganda niya lalo sa mga mata koPinatong ko ang coffee mug sa countertop at huminga nang malalim.“Elena.”“Ano?” S****p niya ng cereal, hindi man lang tumitingin.“May rules tayong bago.”Napahinto siya at tumingin sa akin ng nakakunot-noo. “Ha? Rules ulit? Para ka namang—”“Asawa mo?” putol ko. I smirk.She choked on her cereal. Good. Deserve.“O-oy! Hindi ko ’yun sinabi—”“Well, I’m saying it.”She turned red. And I loved it way too much.“Starting today,” I continued, leaning closer, “hindi ka aalis ng hindi nagpapaalam.”“Lance—”“And you stay beside me. Always. Hindi ka pupunta kung saan-saan mag-i

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 18 – CLAIMED BY HIS SHADOW

    Elena’s POVMainit.’Yun agad ang naramdaman ko pagdilat ko—para bang may nakayakap sa’kin, mahigpit, sobrang higpit, pero… hindi masakit yung pagka yakap niya sa akin actually it's comforting in a terrifying way.And then na-realize ko kung bakit.Si Lance.Huminga ako nang malalim, halos mapasinghap. He was pressed against my back, one arm wrapped around my waist, the other tucked under my neck. His breath ghosted against the side of my cheek—ang init ng hininga niya..We slept together not just once, but twice gosh! Not just in the same bed— But like that. Like something happened. Like something changed.Pinilit kong kumilos ng kaunti, pero mas hinigpitan niya ang hawak, para bang kahit sa panaginip ayaw niya akong pakawalan.“Lance…” bulong ko tinatantiya kung gising na siya.Walang tugon, pero mas humigpit pa lalo ang pagyakap niya.Oh God.Hindi ko alam kung iiyak ako sa hiya o masisigawan ko siya o matutunaw ako sa init ng hininga niya sa batok ko.Pero bago pa ako

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 17 – THE MORNING AFTER

    Lance’s POVUmaga na.At ang unang bagay na nakita ko pagdilat ko… ay siya.Si Elena.Mahimbing ang tulog. Tahimik. Mukha siyang anghel.And God—she was lying beside me. Under the same sheets. Skin to skin.At wala kaming suot.For a moment, akala ko nananaginip pa rin ako. Akala ko hallucination lang ito dahil sa kahapon—yung takot, yung galit, yung tensyon, yung init—lahat ng iyon sumabog kagabi.Pero hindi. Totoo ito.Totoong katabi ko siya. Totoong nakahilig ang ulo niya sa balikat ko. Totoong nakapulupot pa ang kamay niya sa may tadyang ko. Totoong magulo ang buhok niya dahil sa… dahil sa kagabi.And me?I felt like I won the damn lottery.The real one. Yung 900-million-jackpot-level.Because for the first time — she wasn’t pushing me away. She wasn’t scared of me. She wasn’t angry.She was just… there. With me. Sa kama niya. Sa yakap ko.And God, hindi ko alam kung paano ko iha-handle ‘to.Huminga ako nang malalim, trying not to wake her. Kahit ko

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 16 – INIT NG GABI

    Elena's POVTiningnan ko ang likod niya habang humahakbang palayo. Ang bawat yapak niya, bumabaon sa puso ko. Gusto kong hilahin siya pabalik, yakapin nang mahigpit, pero ang mga salita ko, parang nakakadena. Hindi ko mailabas. Ang hangin sa paligid, biglang lumamig.“Pumapayag na ako,” lumabas sa bibig ko. Isang bulong na halos di marinig, pero sapat para huminto siya.Naramdaman ko ang pagtigil ng mundo. Hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatalikod, ang mga balikat niya, parang may bigat na dinadala.“I want to be your slave,” sabi ko, mas malakas na ngayon. Napasabunot siya sa buhok. Ang katawan niya, bahagyang umiling. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi siya lumingon? Bakit hindi siya nagsasalita? Hindi ba sya masaya? Galit ba sya?Ilang sigundo ang nag daan at..Dahan-dahan siyang lumingon. Ang mga mata niya, parang may apoy na nagliliyab. Naglakad siya pabalik sa akin, ang bawat hakbang ay mabigat. Naramdaman ko ang tibok ng puso ko sa tenga. Bakit nga ba kasi ako kinakabaha

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 15 – SA GITNA NG DILIM

    Elena’s POVHindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ako naglakad palabas ng mansion na naka-robe lang. Siguro dahil sobrang bigat ng dibdib ko. Yung pakiramdam na parang nilunod ka ng mundo tapos ikaw pa ang may kasalanan kung bakit ka humihinga ang saklap diba?Sobrang sakit.Pinapirma ako ni Lance sa kontrata na parang wala akong halaga. “The Billionaire’s Slave.” Grabe. Ni hindi ko kayang banggitin nang hindi nanginginig yung kamay ko. Napaka-unfair. Napaka—walang puso.At ang mas masakit? Hindi man lang niya ako pinigilan nang tumanggi ako. Hindi niya ako hinabol. Hindi siya nagalit. Hindi siya nagpilit. Wala. Pinabayaan lang niya ako na parang hindi ko siya asawa sa papel.Tao pa ba ako sa paningin niya?Napahigpit ang hawak ko sa robe habang naglalakad ako sa madilim na kalsada. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Ang alam ko lang, malayo sa mansion na iyon. Sa lugar na iyon. Sa lalaki na iyon.Hanggang sa may mapansing mga lalaki sa gilid-gilid ng street. Mga ta

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status