Home / Romance / I'M THE BILLIONAIRES SLAVE / CHAPTER 1 – Alipin ng Kapalaran

Share

I'M THE BILLIONAIRES SLAVE
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE
Author: M.E.M.TSOLEN

CHAPTER 1 – Alipin ng Kapalaran

Author: M.E.M.TSOLEN
last update Last Updated: 2025-11-12 21:37:38

Tahimik ang umaga sa Monteverde Mansion, isang bahay na parang kinulayan ng ginto at karangyaan. Ang mga kristal na chandelier ay kumikislap sa sikat ng araw, ang mga sahig ay makintab na tila salamin, at kahit ang hangin ay amoy mamahaling pabango.

Sa gitna ng katahimikan, maririnig ang mahinhing pagwalis ni Rosa Cruz, ang matagal nang kasambahay ng pamilya. Pawis na pawis siya kahit maaga pa lang, ngunit may ngiti pa rin sa labi habang nililinis ang mga marmol na sahig.

“Buti na lang mabait si Ma’am Teresa,” bulong niya sa sarili. “Kahit papano, may pinagkukunan kami ng kabuhayan.”

Sa labas, sa maliit na kubong tinirhan nila ng kanyang anak, si Elena ay naglalaba. Maganda ito kahit sa pinakasimpleng anyo — kutis porselana, mahaba ang buhok, brown ang mata, at payat ngunit seksing katawan. Kapag tumingin, parang may lalim ang bawat titig. Marami na nga sa barangay ang nagsasabing, “Sayang, kung mayaman lang sana ’to, parang artista na.”

Habang pinipiga niya ang mga damit, napatingala siya sa mansyon sa malayo. Sa isip niya, ganyan siguro ang buhay na walang problema. Walang utang, walang galit, walang takot.

Pero mabilis naputol ang iniisip niya nang marinig ang sigaw ng isang lasing na boses.

“Rosa! Rosa, lumabas ka nga diyan!”

Si Tomas, ang asawa ni Rosa — at ama ni Elena — ay muling lasing. Dumating ito sa gate ng Monteverde Mansion, pawis at pawing amoy alak.

“Ano na naman ‘to?” bulong ni Rosa, halatang kinakabahan. Agad niyang tinanggal ang apron at lumabas. “Tomas, anong ginagawa mo rito? Baka makita ka nila—”

“Wala akong pakialam!” singhal ni Tomas. “Wala na akong pera, Rosa. May utang ako, at kailangan ko magbayad ngayon din!”

“Wala akong perang maibibigay! Hindi pa nga ako suweldo—”

“’Wag mo kong ginagago!” biglang hinawakan ni Tomas ang braso ng asawa at marahas na niyugyog ito. “Alam kong may tinatago kang pera! Baka may mga alahas d’yan sa loob, kunin mo na!”

“Tomas, para kang walang hiya—!”

“Walang hiya? Ako pa? Eh kung hindi ka kasi puro trabaho, baka hindi tayo ganito kahirap!”

Umiikot ang mga mata ni Tomas sa paligid, parang hayop na naghahanap ng mabibiktima. Nakita niya ang bukas na pinto ng isang guest room — doon madalas nag-iwan ng mga gamit ang mga Monteverde.

At bago pa siya mapigilan ni Rosa, pumasok na ito. Sa ibabaw ng dresser, nandoon ang isang maliit na kahon ng alahas ni Lance Monteverde, ang tagapagmana ng lahat ng ito.

“’Wag, Tomas!” sigaw ni Rosa, pero huli na. Kinuha ni Tomas ang ilang piraso — isang relong mamahalin, kwintas na may brilyante — at mabilis na isinilid sa bulsa.

“Para ’to sa atin,” sabi niya, habang nanginginig. “Para sa pamilya natin, Rosa. Para makabayad ako!”

“Hindi mo kailangang magnakaw! Diyos ko, kapag nalaman nila—”

“Tatahimik ka! Hindi nila malalaman!”

Bago pa siya masaway, tumakbo na palabas si Tomas, dala ang mga ninakaw. Naiwan si Rosa, nanginginig, hindi alam kung iiyak o tatakbo para pigilan ang asawa.

Sa loob ng security room ng Monteverde Mansion, dalawang araw matapos ang insidente, umilaw ang screen ng CCTV playback.

Isang lalaki — si Tomas — ang malinaw na nakuhanan habang kinukuha ang mga alahas. At sa harap ng monitor, nakatayo si Lance Monteverde, CEO ng Monteverde Holdings.

Suot niya ang itim na suit, nakakunot ang noo, malamig ang mga mata. Tahimik siyang nakatingin sa screen habang hawak ang baso ng whisky.

“Who is this man?” tanong niya sa head security.

“Sir, husband po ng isa sa mga kasambahay. Si Rosa Cruz.”

“Kasambahay?” marahang ulit ni Lance, bago uminom ng alak. “Interesting. Keep this video. Don’t say anything yet. I’ll deal with it personally.”

Tahimik ang buong kwarto. Sa mga mata ni Lance, halatang hindi siya galit — pero may kakaibang interes sa pangalang Rosa Cruz.

Kinagabihan, sa bahay ng mga Cruz, dumating si Tomas, pawis na pawis, at amoy alak pa rin. Nakita siya ni Elena na pilit tinatago ang isang envelope ng pera.

“Tay, saan n’yo nakuha ‘yan?” tanong ni Elena.

“’Wag kang makialam,” malamig na sagot nito.

“Tay naman eh… kung sa sugal na naman ‘yan—”

“’Wag kang makialam sabi!” biglang sumigaw si Tomas. “Lahat ginagawa ko ‘to para sa atin!”

“Para sa atin? Eh pati ipon ko, kinuha n’yo!”

Hawak ni Elena ang basag na alkansya, punô ng piraso ng baryang nagkalat sa sahig.

“’Yan lang po sana ang pambayad ko sa tuition, Tay!”

“’Wag kang magdrama! Ako ‘tong nagtatrabaho, hindi ikaw!”

Nabitawan ni Tomas ang envelope sa galit, tumilapon ang mga pera. Niyakap ni Elena ang sarili habang umiiyak, at si Rosa naman ay tahimik lang sa isang tabi, hindi makapagsalita.

Sa loob-loob ni Rosa, anong ginawa mo, Tomas? Anong klaseng asawa ka na ngayon?

Kinabukasan, dumating ang isang mensahero sa bahay nila. Dala nito ang isang liham — Summon from Monteverde Mansion.

“Pinapatawag ka raw ni Sir Lance,” sabi ng messenger.

Nanlamig si Rosa. “Bakit daw?”

“Hindi ko alam, Ma’am. Pero urgent daw.”

Tahimik lang si Elena, pero ramdam niya ang kaba ng ina. Baka natuklasan na nila… baka alam na nila ang ginawa ni Tatay.

Samantala, sa Monteverde Mansion, naglalakad si Lance sa hardin habang kausap ang fiancée niyang si Cassandra Villaverde. Maganda si Cassandra, maputi, sosyal, at halatang sanay makuha ang gusto.

“Lance, darling, about the engagement party next month…”

“Postpone it,” putol ni Lance. “I’m busy.”

“Busy? Or you just don’t care?”

“Cassie, I told you—”

“Don’t Cassie me!” singhal ni Cassandra. “You think I don’t know what you’re doing? Lagi ka na lang sa trabaho. Don’t forget, our fathers are business partners! You owe me—”

“I don’t owe anyone anything,” malamig niyang sagot, bago siya naglakad palayo.

Naiwang galit si Cassandra, habang sa loob ng mansion, naghahanda si Rosa para humarap sa amo.

Habang nag-aayos si Rosa, napansin ni Elena ang nanginginig na kamay ng ina.

“Ma, ako na lang po kaya ang pumunta? Baka pagalitan lang po kayo.”

“Hindi pwede, anak. Trabaho ko ‘to. Huwag kang mag-alala, maaayos ko ‘to.”

Ngunit bago siya umalis, narinig nila sa radyo ang balitang may mga loan shark na naghahanap kay Tomas Cruz, isang lalaking sangkot daw sa pagnanakaw at utang.

Tumahimik silang dalawa. Alam nilang iyon ang ama nila.

Sa labas, maririnig ang kalansing ng tricycle ni Rosa papunta sa mansyon. Si Elena, naiwan sa pinto, nakatitig sa langit.

“Lord, sana hindi siya mapahamak,” bulong niya. “Sana hindi nila malaman.”

Samantala, sa Monteverde Mansion, habang papasok si Rosa sa loob ng opisina, muling binuksan ni Lance ang CCTV footage sa malaking monitor.

Tahimik siyang nakaupo sa likod ng mesa, habang pinapanuod si Tomas na ninanakawan ang kwarto.

Pagbukas ng pinto, halos matumba si Rosa sa kaba.

“Sir… Sir Lance,” mahinang wika niya, halos hindi makatingin. “Tinawag n’yo raw po ako?”

Hindi agad sumagot si Lance. Umikot siya sa upuan, humawak sa mesa, at tinignan si Rosa mula ulo hanggang paa.

“Do you know this man?” tanong niya, habang pinipindot ang remote. Sa screen, lumitaw ang video ng pagnanakaw.

Nanlaki ang mata ni Rosa. Napasapo siya sa bibig. “Diyos ko…”

“So, it’s true,” sabi ni Lance, malamig ngunit kontrolado. “Your husband stole from me.”

“Sir, hindi ko po alam—hindi ko po alam na ginawa niya ‘yan! Wala po akong kinalaman—”

“He’s your husband,” putol ni Lance. “You live under my roof, you eat from my table, and yet you allow this kind of betrayal?”

Lumuhod si Rosa, umiiyak. “Patawad po, Sir. Wala po akong alam. Wala po akong balak sirain ang tiwala n’yo.”

Tahimik lang si Lance. Hindi siya galit — pero ang bigat ng presensiya niya. Parang pinipiga ang puso ni Rosa sa bawat titig nito.

“You have until tomorrow,” sabi ni Lance sa huli. “Tell your husband to return what he took… or face the consequences.”

Tumango si Rosa, nanginginig, bago mabilis na lumabas ng opisina. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Tomas — o kay Elena — ang lahat.

Habang naglalakad siya palabas ng mansyon, mabigat ang dibdib niya. Sa isip niya, Paano kung hindi ko na ito maayos? Paano kung ito na ang katapusan namin?

Sa dulo ng kalsada, nakatanaw si Elena, naghihintay sa pagbabalik ng ina. Hindi niya alam, habang pinagmamasdan niya ang lumang tricycle na papalayo, nagsisimula na ang bagyong magbabago sa buhay nila — isang bagyong magdadala sa kanya sa mundo ng kapangyarihan, kasalanan, at pag-ibig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 20 – THE GARDEN DATE

    ELENA’S POVHindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.Hello?Date lang ’to.Well… technically hindi lang date kasi si Lance ’yong kasama ko.At si Lance, kapag may ginawa, hindi pwedeng simple. Lagi siyang may pa-“wow effect.”Kanina pa siya naglalakad paikot sa sala, naka-white button-down, sleeves rolled up, at naka-black slacks na parang sinadya niyang patibukin ang puso ko na parang sirang tambol.“Ready?” tanong niya, checking his watch.“Yeah,” sagot ko, kahit hindi naman.Kasi bakit parang nakadikit sa dibdib ko ang kaba?He offered his hand.Hindi ko alam kung bakit automatic akong napahawak.At bakit parang…Mas gusto ko nang hindi niya ito bitawan.No no no.. erase erase..LANCE’S POVShe looks like spring.Fresh.Soft.Warm.At damn, hindi siya nag-effort. Naka-simple flower dress lang siya, but she’s the most beautiful thing I’ve ever seen.“Where are we going?” she asked, trying to sound chill.“Secret.”“Lance—”“Elena,” sagot ko, raising a brow, “just trust me.”She pur

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 19 – DINNER WITH FIREWORKS Lance & Elena POV

    LANCE’S POVKumakain siya ng cereal sa harap ko habang nakaupo sa barstool, naka-oversized shirt na parang sinadya niyang akitin ako nang hindi sinasadya, na ewanOr sinasadya niya—pero ayaw niya aminin. Alam ko. Ako pa ba? Kanina pa siya umiiwas ng tingin, pero sinusulyapan ako paminsan-minsan. At ako? Kanina pa ako nakakunot-noo kahit wala namang dahilan. Nakaka-badtrip ang ganda niya lalo sa mga mata koPinatong ko ang coffee mug sa countertop at huminga nang malalim.“Elena.”“Ano?” S****p niya ng cereal, hindi man lang tumitingin.“May rules tayong bago.”Napahinto siya at tumingin sa akin ng nakakunot-noo. “Ha? Rules ulit? Para ka namang—”“Asawa mo?” putol ko. I smirk.She choked on her cereal. Good. Deserve.“O-oy! Hindi ko ’yun sinabi—”“Well, I’m saying it.”She turned red. And I loved it way too much.“Starting today,” I continued, leaning closer, “hindi ka aalis ng hindi nagpapaalam.”“Lance—”“And you stay beside me. Always. Hindi ka pupunta kung saan-saan mag-i

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 18 – CLAIMED BY HIS SHADOW

    Elena’s POVMainit.’Yun agad ang naramdaman ko pagdilat ko—para bang may nakayakap sa’kin, mahigpit, sobrang higpit, pero… hindi masakit yung pagka yakap niya sa akin actually it's comforting in a terrifying way.And then na-realize ko kung bakit.Si Lance.Huminga ako nang malalim, halos mapasinghap. He was pressed against my back, one arm wrapped around my waist, the other tucked under my neck. His breath ghosted against the side of my cheek—ang init ng hininga niya..We slept together not just once, but twice gosh! Not just in the same bed— But like that. Like something happened. Like something changed.Pinilit kong kumilos ng kaunti, pero mas hinigpitan niya ang hawak, para bang kahit sa panaginip ayaw niya akong pakawalan.“Lance…” bulong ko tinatantiya kung gising na siya.Walang tugon, pero mas humigpit pa lalo ang pagyakap niya.Oh God.Hindi ko alam kung iiyak ako sa hiya o masisigawan ko siya o matutunaw ako sa init ng hininga niya sa batok ko.Pero bago pa ako

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 17 – THE MORNING AFTER

    Lance’s POVUmaga na.At ang unang bagay na nakita ko pagdilat ko… ay siya.Si Elena.Mahimbing ang tulog. Tahimik. Mukha siyang anghel.And God—she was lying beside me. Under the same sheets. Skin to skin.At wala kaming suot.For a moment, akala ko nananaginip pa rin ako. Akala ko hallucination lang ito dahil sa kahapon—yung takot, yung galit, yung tensyon, yung init—lahat ng iyon sumabog kagabi.Pero hindi. Totoo ito.Totoong katabi ko siya. Totoong nakahilig ang ulo niya sa balikat ko. Totoong nakapulupot pa ang kamay niya sa may tadyang ko. Totoong magulo ang buhok niya dahil sa… dahil sa kagabi.And me?I felt like I won the damn lottery.The real one. Yung 900-million-jackpot-level.Because for the first time — she wasn’t pushing me away. She wasn’t scared of me. She wasn’t angry.She was just… there. With me. Sa kama niya. Sa yakap ko.And God, hindi ko alam kung paano ko iha-handle ‘to.Huminga ako nang malalim, trying not to wake her. Kahit ko

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 16 – INIT NG GABI

    Elena's POVTiningnan ko ang likod niya habang humahakbang palayo. Ang bawat yapak niya, bumabaon sa puso ko. Gusto kong hilahin siya pabalik, yakapin nang mahigpit, pero ang mga salita ko, parang nakakadena. Hindi ko mailabas. Ang hangin sa paligid, biglang lumamig.“Pumapayag na ako,” lumabas sa bibig ko. Isang bulong na halos di marinig, pero sapat para huminto siya.Naramdaman ko ang pagtigil ng mundo. Hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatalikod, ang mga balikat niya, parang may bigat na dinadala.“I want to be your slave,” sabi ko, mas malakas na ngayon. Napasabunot siya sa buhok. Ang katawan niya, bahagyang umiling. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi siya lumingon? Bakit hindi siya nagsasalita? Hindi ba sya masaya? Galit ba sya?Ilang sigundo ang nag daan at..Dahan-dahan siyang lumingon. Ang mga mata niya, parang may apoy na nagliliyab. Naglakad siya pabalik sa akin, ang bawat hakbang ay mabigat. Naramdaman ko ang tibok ng puso ko sa tenga. Bakit nga ba kasi ako kinakabaha

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 15 – SA GITNA NG DILIM

    Elena’s POVHindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ako naglakad palabas ng mansion na naka-robe lang. Siguro dahil sobrang bigat ng dibdib ko. Yung pakiramdam na parang nilunod ka ng mundo tapos ikaw pa ang may kasalanan kung bakit ka humihinga ang saklap diba?Sobrang sakit.Pinapirma ako ni Lance sa kontrata na parang wala akong halaga. “The Billionaire’s Slave.” Grabe. Ni hindi ko kayang banggitin nang hindi nanginginig yung kamay ko. Napaka-unfair. Napaka—walang puso.At ang mas masakit? Hindi man lang niya ako pinigilan nang tumanggi ako. Hindi niya ako hinabol. Hindi siya nagalit. Hindi siya nagpilit. Wala. Pinabayaan lang niya ako na parang hindi ko siya asawa sa papel.Tao pa ba ako sa paningin niya?Napahigpit ang hawak ko sa robe habang naglalakad ako sa madilim na kalsada. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Ang alam ko lang, malayo sa mansion na iyon. Sa lugar na iyon. Sa lalaki na iyon.Hanggang sa may mapansing mga lalaki sa gilid-gilid ng street. Mga ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status