Share

Chapter 2

Author: Mr. Kupido
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-24 09:16:04

Habang binabaybay ang kalsada ng lungsod, tumutugtog sa Bluetooth headset ni Jeric. Naalala niya bigla kung paano rin tumutugtog ang kantang iyon tatlong taon na ang nakararaan, noong mga araw na nagdesisyon siyang pumasok sa buhay ng pamilya Monterey at magpakasal kay Mariela. Akala niya noon, pag-ibig at pagsasama ang bubuuin nila.

Ang hindi alam ng nakararami, si Jeric ay nagmula sa pinakamakapangyarihang angkan sa buong mundo, ang pamilya Israel. Ang kanilang yaman ay lumalagpas sa daan-daang bilyong piso, ngunit nakatago ang kanilang tunay na pagkatao para sa proteksyon ng pamilya.

Sa edad na labing-walo pa lamang, natapos na niya ang kanyang business degree sa Amerika habang bihasa rin sa martial arts at musika. Ang tatlong taong pagpapanggap at pagtitiis bilang isang maralitang bayaw ay bahagi lamang ng pagsubok na ibinigay ng kanyang lolo upang subukin ang kanyang pagpapakumbaba at pagkatao.

Plano niya sanang sabihin ang totoo kay Mariela ngayong araw dahil natapos na ang takdang panahon. Naisip niyang isama ito sa isang magandang buhay at iangat ang pamilya nito. Ngunit huli na ang lahat. Ang babaeng inakala niyang tapat ay mas pinili ang panandaliang karangya at panloloko.

Pagdating sa condo unit sa Fort Bonifacio Executive Village ganap na alas-otso ng gabi, dahan-dahang pumasok si Jeric. Nadatnan niya si Mariela na nakaupo sa sala habang may hawak na baso ng juice at nanonood sa malaking TV. Tumingin lang ito nang bahagya sa kanya na tila walang nangyaring kaguluhan sa hotel kanina.

"Nandito ka na pala? 'Wag ka nang magluto, nagpa-deliver na ako ng pagkain," malamig na wika ni Mariela habang hindi man lang tumitingin nang diretso sa kanya.

Hindi kumain si Jeric at hindi rin gumalaw papunta sa kusina. Dere-deretso lang ang tingin niya.

"Huwag na," sagot ni Jeric sa mababang boses. "Naparito lang ako para mag-empake ng mga gamit ko."

Pumasok siya sa sariling kuwarto, ang maliit na kwarto sa tabi ng laundry area na kailanman ay hindi naging silid ng isang tunay na mag-asawa. Kinuha niya ang isang lumang maleta sa ilalim ng kama at sinimulang ipasok ang iilang piraso ng kanyang mga damit.

Narinig niya ang mabilis na yabag ng mga paa. Sumunod si Mariela sa p***o habang nakapamaywang, nakataas ang isang kilay at galit ang mukha.

"Ano? Maglalayas ka na naman?" iritableng asik ni Mariela habang nakatayo sa may p***o. "Dahil lang ba 'yon sa nangyari sa hotel kanina? Malaking bagay ba talaga 'to para mag-inarte ka nang ganyan? Sinabi ko na sa'yo, trabaho lang 'yon!"

Humarap si Jeric sa kanya, at sa unang pagkakataon ay itinaas niya ang kanyang boses na dumagundong sa loob ng maliit na kwarto. "Iyon lang?! Sa tingin mo maliit na bagay lang ang pagtataksil, Mariela?!"

Napatigil si Mariela sa lakas ng boses ni Jeric, ngunit agad ding bumalik ang kanyang yabang. Hindi na siya nag-abalang magsinungaling o humingi ng paumanhin.

"O ngayon, ano naman?!" sagot ni Mariela habang dinuduro si Jeric. "Inaasahan mo bang hihingi ako ng tawad sa 'yo? Tumingin ka nga sa paligid mo! Nakikikain ka at nakikitira sa bahay ko! Wala ka ngang maipagmamalaki kundi ang pagiging rider mo! Kahit may magawa akong mali, dapat mo lang 'yang tiisin dahil pinalalamon ka ng pamilya ko!"

Ibinagsak ni Jeric ang takip ng kanyang maleta sa ibabaw ng kama habang matalim ang tingin sa asawa.

"Tatlong taon! Tatlong taon kong tiniis ang pamilya ninyo!" sigaw ni Jeric habang nanginginig ang mga kamay sa galit. "Itinuring kitang reyna sa bahay na 'to pero ni hindi mo man lang ako tiningnan nang maayos! Ang nanay mong si Margarette, paulit-ulit akong ipinahiya sa harap ng mga bisita ninyo! Ang tatay mong si Alberto, ginawa akong libreng katulong at driver! Ang mga kamag-anak mo, pinagtutulungan akong bulyawan araw-araw! Lahat 'yon tinanggap ko para sa'yo! Pero simula ngayong araw, hindi ko na 'to titiisin."

Tumingin nang diretso si Jeric sa mga mata ni Mariela. "Mariela, magdivorce na tayo."

Sandaling natigilan si Mariela. Halatang nagulat siya sa direktang salita ni Jeric dahil sanay siyang tahimik at sunud-sunuran lang ito lagi. Ngunit pagkalipas ng ilang segundo, agad ding humagalpak ng tawa si Mariela, isang tawang puno ng pang-aasar.

"Magdivorce?!" Tumawa pa si Mariela habang nakahawak sa kanyang tiyan. "Ang kapal din naman ng mukha mo! Akala mo ba matatakot ako sa'yo? Kapag naghiwalay tayo, mawawalan ka ng matitirhan, kakain ka sa kalsada, at hindi ka na makakasakay kahit kailan sa kotse ko!"

Ipinasok ni Jeric ang huling gamit sa maleta at isinara ang zipper nito. "Malaking bahay? Magandang kotse? Hindi ko kailangan 'yan. At lalong hindi ko kailangan ang tulong mo."

"Mabuti pa nga!" ganti ni Mariela habang isinasaayos ang kanyang buhok. "Ang pamilya Monterey ay may ari-ariang mahigit isang bilyon at patuloy pa kaming yumayaman. Ikaw na isang dukha at walang silbi, kailanman ay hindi ka naging karapat-dapat na maging asawa ko!"

"Mabuti kung ganun," malamig na giit ni Jeric habang binubuhat ang maleta. "Bukas na bukas din, magkita tayo para asikasuhin ang mga papel sa korte."

Napatigil si Mariela at bahagyang kumunot ang noo. "Hindi pwede bukas."

"At bakit hindi?" tanong ni Jeric.

"Ika-80 kaarawan ng lola ko bukas at magkakaroon ng malaking handaan sa mansyon," tanggi ni Mariela habang nakataas ang ulo. "Kailangan kong ipaalam muna ito sa buong pamilya para pormal kang mapalayas sa angkan namin."

"Sige," huling wika ni Jeric habang humahakbang papalabas ng kwarto. "Ipaliwanag mo sa pamilya mo sa lalong madaling panahon. Hihintayin ko ang tawag mo kung kailan natin pipirmahan ang hiwalayan."

Tuluyan nang naglakad si Jeric patungo sa pintuan ng condo nang hindi na muling tinitingnan ang paligid ng bahay na iyon.

Habang isinasara niya ang p***o, umalingawngaw pa ang galit na sigaw ni Mariela mula sa pasilyo: "Pagsisisihan mo 'to, Jeric! Tandaan mo 'yan! Sa loob lang ng ilang araw, luluhod ka rin sa harap ko at magmamakaawa para balikan kita!"

Isinaradong tuluyan ni Jeric ang p***o at naglakad patungo sa elevator.

Habang pababa ang elevator at nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin, isang mapait at malamig na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi.

Isang bilyonaryo na may hawak ng daan-daang bilyong ari-arian sa buong mundo, luluhod sa pamilyang may iilang bilyon lamang?

Napailing na lang si Jeric habang lumalabas sa lobby ng building. Bukas, malalaman ng pamilya Monterey kung sino talaga ang pinalayas nila. Magsisisi silang lahat.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I'M THE RICHEST MAN IN DISGUISE    Chapter 5

    Mabilis at may lakas ang ibinatong suntok ng lalaki, ngunit para kay Jeric, na bata pa lamang ay dumaan na sa pinakamalupit na pagsasanay sa ilalim ng mga kilalang martial arts master sa mundo, tila mabagal na mabagal ang bawat galaw nito.Bahagyang inilag ni Jeric ang kanyang ulo pakanan upang ilihis ang suntok sa hangin. Bago pa man makabawi ang lalaki, mabilis na hinawakan ni Jeric ang wrist nito, inikot ang kanyang katawan, at sa isang maayos na hip throw ay malakas na ibinalibag ang lalaki sa semento.Napadaing sa matinding sakit ang unang lalaki habang napahawak sa kanyang likod na halos mabali sa lakas ng bagsak.Hindi pa man nakakatayo ang isa, ang pangalawang lalaki ay mabilis na naglabas ng isang foldable knife mula sa bulsa nito. Nanlilisik ang mga mata nitong sumugod at direktang isinaksak ang patalim patungo sa tiyan ni Jeric."Mamatay ka na, hayop ka!" sigaw ng pangalawang lalaki habang nakadikit ang tingin sa patalim.Hindi man lang kumurap si Jeric. Sa isang iglap, tin

  • I'M THE RICHEST MAN IN DISGUISE    Chapter 4

    Lumabas si Lester ng mansyon na may malaking ngiti sa kanyang mukha. Pumasok siya sa kanyang bagong sasakyan at agad na tinawagan ang numero ni Jeric habang binabagtas ang kalsada ng Makati."Nasaan ka?!" bulyaw ni Lester sa telepono pagkasagot pa lang ng kabilang linya. "Magkita tayo ngayon din!""Sino 'to?" malamig na tanong ni Jeric mula sa kabilang linya habang kasalukuyang nag-aayos ng panibagong delivery order sa may Fort Bonifacio."Si Lester 'to! 'Wag ka nang magmaang-maangan diyan," sagot ni Lester habang sumisindi pa ng sigarilyo habang nagmamaneho. "Nalaman ko mula kay Mariela ang lahat ng ginawa mo. Hindi ko akaling may lakas ka pala ng loob para gawin 'yon! Pero kahit papaano, natutuwa ako dahil lumabas din ang tunay mong kulay."Kumunot ang noo ni Jeric sa kabilang linya. Inakala niyang tumawag si Lester dahil nag-aalala o nahihiya ang pamilya sa nangyaring pagtataksil ni Mariela sa hotel."Nalulungkot man ako sa nangyari, pero tapos na ang lahat," bunton-hininga ni Jeri

  • I'M THE RICHEST MAN IN DISGUISE    Chapter 3

    Kinabukasan, sa isang grandeng mansyon sa Circuit Park, Makati, pumasok ang sunod-sunod na mamahaling kotse. Nagkatipon-tipon ang buong pamilya Monterey para ipagdiwang ang ika-80 kaarawan ng ilaw ng pamilya na si Donya Aurora.Puno ng mararangyang palamuti ang malaking sala, at maririnig ang kalansing ng mga baso at tawanan ng mga bisita. Sa gitna ng kwarto, nakaupo ang matanda sa isang mamahaling silyang gawa sa velvet habang nakasuot ng kumikislap na alahas. Sa kanyang kandungan, hawak-hawak niya ang kanyang paboritong alagang Shih Tzu.Nakaipon sa paligid ang dalawa nitong anak na sina Fedelin at Alberto, kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Lahat sila ay nakasuot ng magagandang damit, nagpapakitang-gilas at nagpataasan ng tapang sa harap ng matanda.Habang hinihimas ng Donya ang kanyang aso, bigla itong yumuko nang makakita ng dumi ng hayop sa mismong gilid ng mamahaling carpet. Agad na kumunot ang mukha ng matanda at nagsalubong ang kanyang mga kilay sa matinding inis."Nasaan

  • I'M THE RICHEST MAN IN DISGUISE    Chapter 2

    Habang binabaybay ang kalsada ng lungsod, tumutugtog sa Bluetooth headset ni Jeric. Naalala niya bigla kung paano rin tumutugtog ang kantang iyon tatlong taon na ang nakararaan, noong mga araw na nagdesisyon siyang pumasok sa buhay ng pamilya Monterey at magpakasal kay Mariela. Akala niya noon, pag-ibig at pagsasama ang bubuuin nila.Ang hindi alam ng nakararami, si Jeric ay nagmula sa pinakamakapangyarihang angkan sa buong mundo, ang pamilya Israel. Ang kanilang yaman ay lumalagpas sa daan-daang bilyong piso, ngunit nakatago ang kanilang tunay na pagkatao para sa proteksyon ng pamilya.Sa edad na labing-walo pa lamang, natapos na niya ang kanyang business degree sa Amerika habang bihasa rin sa martial arts at musika. Ang tatlong taong pagpapanggap at pagtitiis bilang isang maralitang bayaw ay bahagi lamang ng pagsubok na ibinigay ng kanyang lolo upang subukin ang kanyang pagpapakumbaba at pagkatao.Plano niya sanang sabihin ang totoo kay Mariela ngayong araw dahil natapos na ang takd

  • I'M THE RICHEST MAN IN DISGUISE    Chapter 1

    Malamig ang hangin sa labas, ngunit abala ang paligid ng kilalang Greenfield Hotel sa Maynila. Daan-daang sasakyan ang nag-uunahan sa kalsada habang ang mga ilaw mula sa matatayog na gusali ay nagbibigay ng buhay sa gabi.Sa harap ng isa sa mga pinto sa itaas na palapag, nakatayo ang isang lalaking nakasuot ng dilaw na uniporme at may bitbit na insulated delivery bag. Siya si Jeric. Inayos niya ang kanyang tindig, pinalitan ang pagod na mukha ng isang maayos na ngiti, kumatok nang tatlong beses, at naghintay."Magandang araw po, Sir! Narito na po ang delivery ninyo," sigaw niya nang may sigla sa mga labi."Sandali lang!" tugon ng isang boses-lalaki mula sa loob. May narinig pa siyang kaunting kaluskos bago ang yabag ng mga paa na papalapit sa pinto.Dahan-dahang bumukas ang pinto. Ngunit sa isang iglap, napawi ang propesyonal na ngiti sa mukha ni Jeric. Nanigas ang kanyang buong katawan, tumigil ang paghinga niya, at tila binuhusan siya ng yelo sa kanyang kinatatayuan.Sa loob ng sili

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status