Umalis na kami ni Sir sa hotel at hindi ko na alam ang tinutungo namin ngayon. Tahimik lang ako dito sa loob ng kotse at masayang pinapanuod ang mga tanawin sa labas. Nakarating kami sa isang lugar na medyo mapuno pero maganda. Malinis ang lugar marami ring turista ang namamasyal.
“Wow ang ganda pala talaga dito.” Bulalas ko habang bumababa kami ng sasakyan ni Sir. Nang makababa ako para akong batang nakawala sa hawla. Takbo dito takbo doon. Kung pwede na lang na ganito na lang araw araw ang payapa ng buhay.“Sir dito tayo.” Sigaw ko kay Sir Kyler na nakasandal pa rin sa sasakyan niya. Ayaw niya bang mamasyal dito? Pero siya nag-ayang pumunta kami dito.“Mauna ka na.” Aniya napailing na lang ako dahil bakit parang ako lang ang masaya at mukhang laging excited kapag lumalabas kaming dalawa. Nilapitan ko siya at hinila. Ang kj kasi eh.“Yaah let me go.” Saad niya pero hindi ko siya pina“Were going home tomorrow.” Biglang saad ni Sir pero diba sa isang araw pa bakit napaaga pero sabagay last day naman na ng event. Tumango na lang ako sa kaniya pero unti unti ng kumukunot ang noo ko dahil parang ibang direksyon na ang tinutunguhan namin.“Sir parang hindi naman po dito ang daan papunta ng event eh.” Sambit ko pero kalmado lang siya.“Hindi na tayo dadalo sa last day ng event dahil victory ball lang iyun.”“Eh san tayo pupunta Sir?” tanong ko na lang ulit dahil san naman sana kami pupunta maliban sa event.“Malalaman mo na lang.” Sagot niya hindi ko na lang siya sinagot pa dahil kung tatanungin ko kung saan at sinagot niya hindi ko rin naman alam iyun. Bumyahe pa kami ng ilang oras bago siya huminto. Ano kayang kalugar ito? ang gaganda talaga ng mga tourist destination dito. Sa buong maghapon halos namasyal lang kami ni Sir. May magandang pa
“Keisha can you help me with this? kailangan ko na kasi itong matapos.” Sambit ni Sir habang palipat lipat ang tingin nito sa mga papel at laptop niya. Nilapitan ko naman siya at tiningnan ang ginagawa niya.“Naku Sir alam niyo naman pong 2nd year lang natapos ko. Hindi pa po ako bihasa jan.” Saad ko ng makita ko ang ginagawa niya na subject sana namin kapag nakapasok kami ng 3rd year.“Tuturuan naman kita at alam kong mabilis kang matuto.” Itinuon ko na lang ang paningin ko sa ginagawa ni Sir at nakinig sa mga sinasabi niya.Nakailang turo pa siya sakin bago ko nakuha ang gusto niyang gawin ko.“Basta ito huwag mong kakalimutan ha?” turo niya sa sinasabi niya inilapit ko naman ang mga mata ko dun para makita ko ng malinaw.“Naiintindihan mo-.” Pareho kaming napatigil ni Sir sa ginagawa namin ng muntikan ng maglapit ang mga labi namin dahil nilingon niya ako.Mabilis naman akong lum
“Grabe ang sarap po.” Komento ni bakla sa matandang babae na nagluto ng ulam namin. Nginitian naman siya ng matanda at halos daigin ni bakla ang naggym dahil sa pawis niya. Hahaha natatawa talaga ako dito sa lalaking ito eh. “Baka gusto mong punasan pawis mo.” Abot ko ng panyo kay bakla na humihigop ng sabaw ng manok. “Salamat bakla. Si nanay kasi ang sarap magluto mukhang masisira diet ko nito eh.” Hahaha napapailing na talaga ako sa lalaking ito dahil magdadiet ang payat na nga. Pagkatapos naming kumain nanatili muna kami dito sa ilalim ng puno dahil kung pupuntahan agad namin ang taniman ng aloe vera at mint ay masusunog na ang balat namin dahil sa init ng sikat ng araw. Nagkaniya kaniyang mundo muna kami habang hinihintay namin ang pagbaba ng araw, may mga natulog, may nagcellphone at ako naman pinapanuod lang ang bawat pagsayaw ng mga sanga ng puno dahil sa hangin. “Gising na.” N
KYLER POVNapakalawak ng gubat na ito, paano ko siya makikita. Isa isa kong hinawi ang mga baging na humaharang sa paglalakad ko."Keisha!" sigaw ko subalit walang sagot. San ba siya pumasok dito? Bakit ba hindi ko natanong kay Lalaine kung saan sila sumuot sa gubat na ito.Napatitig ako sa kapaligiran at unti unti ng dumidilim at nagsisimula ng umingay ang mga kuliglig at ibang mga insekto. Inilabas ko ang cell phone ko pero walang cignal."Fuck, where the hell are you Keisha. Keisha?!" malakas ko pang sigaw pero walang sumasagot. Madilim na sa gubat na ito. Hindi ko alam kung ano ng nangyari sa kaniya. Takot pa naman sa dilim ang babaeng iyun.Nagpatuloy pa ako sa paghahanap sa kaniya pero lumipas na ang isang oras na paglilibot ko sa gubat na ito wala pa ring nangyayari sa paghahanap ko. Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa inis.
"Anong nangyari at bakit ganiyan ka maglakad?" at tiningnan ang paa kong pipilay pilay."Naku Sir huwag niyo na po yan alalahanin." Sabi ko dahil umupo siya para makita ang paa kong namamaga dahil sa pilay ko."Ayos pa ba yang paa mo mukhang magang maga na eh, hindi ko naman nahalata kagabi." Sambit niya at pilit na hinahawakan ang paa kong nasprain, hindi naman ako makaatras dahil baka mapaupo pa ako."Halika nga dito." Napasigaw na lang ako ng bigla niya akong buhatin ng parang bride."Sir ibaba niyo na po ako." Sabi ko at tinitingnan tingnan ang nasa paligid namin dahil na sa amin na ang mga atensyon ng mga trabahador niya."Huwag kang magulo kung ayaw mong bitawan kita at hayaang mahulog." Napakapit naman ako sa sinabi niya bwesit talaga itong lalaking ito hindi mo alam kung concern ba talaga o hindi eh. Ibinaba niya ako sa isang upuan kung saan ako umupo kanina at naabutan namin sila bakla at Diane na gulat na gulat. Pagkatapos akong ibaba ni
“Are you sure na ok ka na?” bungad na tanong sakin ni Sir Kyler ng makapasok ako ng opisina niya.“Opo Sir saka nakakahiya na po sa ibang empleyado dito at ilang araw na po akong absent.” Paliwanag ko. Unti unti naman na siyang tumango at he said okay kaya umupo na ako sa upuan ko. Tinanong ko si Sir kung may gagawin ba ako dahil alam kong tambak ang gawain ko dahil almost 1 week akong absent pero kumunot na lamang ang noo ko dahil sa sinabi niyang wala naman daw kaya para akong tangang naghihintay ng kalahating araw dito sa upuan ko para sa gagawin ko pero wala.Napapabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad patungong cafeteria.“Problema mo? Parang mas malaki pa problema mo kesa samin ah?” tanong ni Diane. Nilingon ko siya at napabuntong hininga na lamang ulit ako.“Wala naman.” Kung kanina ako ang napapabuntong hininga ngayon naman halos salitan silang dalawa ni Bakla.
“Sagot ko.” –Sir Louie“Eh sagot naman pala bakla eh.” Wala na ata akong maidadahilan sa kanila.“Fine.” Suko kong sabi. Nagtilian naman silang dalawa.“Thank you” nakangiti niyang sabi. Tinanguan ko na lang siya.Umuwi na lang ako dahil nakakapagod kahit hindi haha.--“Ako po si Jin ma’am ang susundo sa inyo. Pinapasundo po kayo sakin ni Sir Louie.” Sumakay na lang ako sa kotse niya at inihatid ako sa isang boutique. Pero ito lang din ang pinuntahan namin ni Sir Kyler nun. Kung sabagay para sa mga mayayaman ang boutique na ito dahil sa disenyo pa lang ng damit at sa galing ng pag-aayos panalo na.“Good afternoon ma’am, Sir.” Bati ni bakla yung dating nag-ayos sakin.“Uiy bakla ikaw nanaman?” tanong niya ng makilala ako. Nginitian
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong ni Sir. Ano bang dapat sabihin? Na inaya niya ako na kadate ngayong gabi? Pero baka iba naman kasi isipin niya eh.“Ah ano po Sir.” Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kaniya.“Are you his date?” bumaling ulit ang tingin ko sa kaniya. Ewan ko ba pero parang iba ang emosyon na pinapakita ng mga mata niya para bang hindi iyun ang mga tinging pagiging boss niya.“Ayaw ko po sana Sir pinilit lang ako ng mga kaibigan ko.” Mariin na lang akong napapikit dahil bakit ba pakiramdam ko kailangan kong ipaliwanag sa kaniya, either yes or no lang ang sagot pero ang layo ng sagot ko sa tanong niya.“Yes or no.” Kalmado niyang tanong.“Y-yes.” Sambit ko saka umiwas ulit ng tingin sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya na animoy nagpapasensya.