“Oh heto kainin mo.” Iniabot sakin ni Sir Louie yung kanina pa niyang binabalatan na mansanas.
“Thank you po.”
“Sa susunod na gagabihin ka sa trabaho. Magpahatid ka na lang kay Kyler o di kaya tawagan mo ako, ako maghahatid sayo. Lalo na ngayon delikado.” Tiningnan naman siya ni Sir Kyler dahil sa sinabi ni Sir Louie.
“What?” inosente niyang tanong dahil matalim na nakatingin si Sir Kyler kay Sir Louie. Ewan ko kung matalim nga ba ang tingin niya o namamalikmata lang talaga ako. Hindi na sumagot si Sir Kyler at tumingin na ulit sakin.
“Dito ka na muna tawagan mo ako agad kapag may ginawang kalokohan si Louie sayo. Bibili lang akong pagkain mo.”
“Ano? Pinag-iisipan mo pa talaga ako ng ganiyan? Ano tingin mo sakin masamang tao?” kunot noong tanong naman ni Sir Louie.
“Parang.” Walang ganang sagot ni Sir Kyler at lumabas na.
“Ha! at ako pa talaga an
“Huwag mong sabihin na magdamag kang sinamahan dito ng dalawang oppa’ng yun?” pagbabago niya naman sa usapan.“Oh eh ano naman sayo bakla?” si Lalaine.“Aba ay syemre maiinggit ako ng bongga. Dalawang oppa magdamag mong kasama.”“Oo.” Sagot ko.“Anong oo?” nanlalaking mata pa niyang tanong.“Binantayan nila ako. Nang magising kasi ako kanina naabutan ko silang tulog pa.” Napatakip pa siya sa bibig niya na akala mo ay gulat na gulat talaga!“OMG. Makasarili ka. Hindi ka man lang nagshare. Oh anong nangyari?” usisa niya.“Tanga ka ghorl? Kita mong wala nga siyang malay tapos tatanungin mo siya ng ganiyan? Utak nasan?” pambabara nanaman ni Lalaine.“Oo nga ano.” Si bakla.“Hoooy makasabi ka ng ta
“Uwi muna ako Kyler, Keisha” paalam ni Sir Louie. Tinanguan naman siya ni Sir Kyler. Huwag nilang sabihin na iiwan nila ako kay Sir Kyler.“Ah Sir kayo rin po umuwi muna. Ok naman na po ako dito.” Nahihiya ko pang sabi sa kaniya.“Ah-.” Hindi natuloy ni Sir Kyler ang sasabihin niya ng putulin siya ni Sir Louie.“Hindi ka pwedeng iwan mag-isa dito kaya kailangang may maiwan man lang sayo. Pahinga ka, may swimming pa tayo. Mauna na ako Kyler.” Kinuha niya na ang coat niyang nasa ibabaw ng sofa saka tumalikod at lumabas. Napapikit na lang ako ng magsarado na ang pintuan.“Matutulog ka na?” napamulat ako sa tanong ni Sir at nakatingin na siya sakin.“Sige na magpahinga ka na muna. Alam kong kanina mo pa gustong matulog.” Paano niya nalaman na kanina ko pa gusto matulog? Masyado ba akong halata? O sadyang nawili lang silang tatlo kaya hindi nila ako napansin na inaantok na?U
“Ano kayang ginagawa niya dito?”“Kasama niya yung babaeng nakasunod sa kaniya.” Dahil sa pakikinig ko sa kanila ay hindi ko napansin na huminto pala si Sir Kyler kaya nabunggo ko ang malapader niyang likod.“Aray.” Sambit ko.“Are you okay? I’m sorry.” Natigilan ako sa ginawa niya dahil hinawakan niya ang hawak hawak kong noo.“Oh my God.” Rinig kong sabi ng ilang mga taong nasa paligid namin.“Girlfriend niya?”“Maybe. Look at them ang sweeeet.” Ilan pa sa mga narinig ko.“Ok lang po ako Sir. Tara na po.” Aya ko dahil nahihiya na ako sa mga naririnig ko.“Let’s go.” Aniya saka naglakad na sinundan ko naman. Nakarating kami kung saan nakapark ang kotse ni Sir. Nahiya naman ako lalo dahil pinagbuksan pa niya ako ng
Papasok na ako ng building ng mula pa lang dito ay kita ko na silang tatlo sa entrance. Nilapitan ko sila at unti unti na ring naririnig ang pinag-uusapan nila.“Tingin mo papasok kaya si Keisha ngayon?” rinig kong tanong ni Diane.“Alam kong papasok yun.” Siguradong sigurado ni bakla.“Hi.” Bati ko ng makalapit na ako.“Baklaaa. Ano? Ok ka na?” nag-aalalang tanong ni bakla.“Ok na ako. Salamat pala sa inyo ha?”“Sa susunod huwag ka ng dadaan dun ha?” si Diane.“Oo naman. Ok na talaga ako.” Pangungumbinsi ko dahil sa mga itsura nila ngayon ay parang mga hindi sila naniniwala.“Ang daya kasi ni Sir. Parang gusto niya lang na solohin ka eh.” Ewan ko kung naiinis ba ito o nang-aasar.“Ano ba talaga Lalaine?” taas kilay kong tanong sa kaniya.“Hahahaha pede both?” maarte niyang sabi. Natawa na
“Come here.” Tawag niya sakin. Nahihiya naman akong lumapit sa kaniya. Akala ko ba si Mr. Enriquez ang kameeting niya eh bakit babae ang nasa harap niya ngayon. Nang makalapit ako kay Sir ay pansin ko ang ang pag-asim ng mukha ng babae ng makita ako.“Who is she?” turo niya sakin. Inilabas naman ni Sir Kyler ang upuan sa ilalim ng lamesa.“Sit down Keisha.” Gulat ko pang itinuro ang sarili ko at tumango naman si Sir kaya naupo na ako sa upuang inilabas niya kanina. Naglabas rin siya ng upuan sa tabi ko at umupo.“Who is she Kyler?” tanong niya habang sakin pa rin ang tingin niya. Nilaro ko naman ang kuko ko sa ilalim ng lamesa dahil para akong third party sa date nila.“My secretary.” Sagot ni Sir.“Anong ginagawa niya dito?” ngiwi niyang tanong. Eh ikaw anong ginagawa mo rito? Eh si Mr. Enriquez ang kameeting namin.“Kasama ko malamang. Ikaw anong gina
“Sumunod ka na lang ng office.” Sambit ni Sir saka uminom ng tubig niya at umalis. Tapos na agad yun? Eh hindi pa niya ubos yung pagkain niya ah. “Ang bilis naman ni Sir.” Sabi ni Lalaine habang nakasunod pa ang tingin kay Sir Kyler na palabas na ng cafeteria.“Ewan ko dun. Badtrip ata.” Sagot ko na lang saka sumubo ulit.“Nag-away kayo?” tinaasan ko naman ng kilay si bakla. Ano naman sanang pag-aawayin namin.“Hindi ah.”“Eh bakit ganun itsura niya?” Si Bakla.“Naging ganun na lang ng hindi naman pala si Mr. Enriquez ang kameeting niya. Yung Dhia ang pumunta, anak ni Mr. Enriquez.”“Oh eh anong masama?” Si Diane.“Eh kasi ayaw ni Sir ng nakikipagkita kung kanino lalo na kung hindi naman tungkol sa negosyo.”
Nakakainis! Binigyan pa ako ng isipin imbis na tahimik at maayos akong nagtatrabaho dun eh hindi at pinauwi pa ako. Nag-away pa kami! Alam kong hindi ko naman alam yung rason ng galit niya pero pinili ko pa ring sigawan din siya kanina. Nakakaasar naman talaga oo!! Bahala na nga lang. Hindi niya naman ako tinatanggal sa trabaho eh kaya ok lang. Siguro nga mas gusto niyang pagtiisan ang ugali ko kesa sa mga lumalandi sa kaniya. Tsss. KYLER POVNakakabadtrip! Bullshit! Hindi ako mapakali sa office ko. Bakit parang napapadalas ang pagkakamali ng nasa Finance department. Sila ang may hawak ng pera ng kompanya. Mula sa mga nilalabas at pumapasok. Paanong ang Cost ay halos pumantay na sa income. Maayos pa sana ang mood ko kanina ng matapos naming puntahan si Dhia pero nadagdagan ang inis ko ng pumasok sa office ko si Zhenny at ibigay sakin ang records ng mga transaction. Nung isang araw ko pa
“What happened yesterday between you and Sir Kyler?” kuryoso niyang tanong.“Pasensya na Mrs. Santos. Eh alam niyo namang may mga bagay na hindi namin mapagkasunduan ng maayos ni Sir Kyler.”“Dahil nanaman ba sa may napagalitan siyang empleyado kahapon?” tumango naman ako sa kaniya.“Follow me.” saad niya saka tumalikod at lumabas. Wala naman na akong nagawa kaya sinundan ko na lang. Inilibot pa niya nag paningin niya bago humarap sakin.“Minsan may mga bagay na hindi mo alam Keisha. Kaya bago ka magalit kay Sir alamin mo muna. Hmmf?”“Hindi ako ang unang nagalit Mrs. Santos. Malumanay ko siyang kinausap dahil natatakot niya na yung babae kahapon dahil sa sigaw niya. Sinabi ko lang na ikalma niya yung sarili niya pero nagalit siya sakin. Pero kahit na nagalit na siya sakin kinalma ko pa rin yung sarili ko kaso lang pati sakin nagalit na eh edi nagkasigawan nanaman kami.”