Share

Chapter 2: Two Cries

Author: Author W
last update publish date: 2026-08-31 10:55:27

South Korea was supposed to be an escape.

Pero habang nakatayo si Serenity sa maliit na apartment na magiging tahanan niya sa mga susunod na buwan, saka niya unang naramdaman kung gaano siya nag-iisa.

Ilang araw matapos ang welcoming banquet, sinabi niya sa kanyang biological parents na pansamantala siyang pupunta sa South Korea para dumalo sa botanical formulation training program na matagal na niyang pinasahan.

It wasn't a lie.

Months before she became Serenity Heavenwood, nag-apply na siya sa program.

Tahimik lamang siyang pinakinggan ng kanyang mga magulang.

Tumango ang kanyang ama.

"All right."

Wala nang sumunod na tanong.

Walang nagtanong kung bakit biglaan ang desisyon niya o kung kailan niya balak bumalik.

At ganoon lang iyon.

For them, she was leaving for training.

For Serenity, she was running away.

May dala siyang bank card na ibinigay sa kanya noong basahin ng family lawyer ang last will ng kanyang late grandfather. Bahagi iyon ng mga personal funds na nakalaan para sa kanya bilang isang Heavenwood.

Sapat para hindi niya problemahin ang airfare, apartment, at pang-araw-araw na gastusin habang nasa South Korea.

Pero sa tuwing nakikita niya ang card, bumabalik sa isip niya ang araw na ibinigay iyon sa kanya.

At ang isa pang bagay na nalaman niya kasabay ng inheritance.

...

Dalawang araw matapos makumpirma ang identity niya, binasa sa harap ni Serenity ang last will ng kanyang grandfather.

May inheritance at shares na nakapangalan sa kanya.

Pero may kondisyon.

May matagal nang marriage agreement ang dalawang pamilya.

At kailangan niyang pakasalan si Emrys Knox Vaughn.

Hindi niya kilala ang lalaki.

Ni mukha nito ay hindi niya nakita.

Pero noong araw na iyon, tahimik niyang tinanggap ang kondisyon.

Kakabalik pa lamang niya sa pamilyang matagal siyang nawalay. Pakiramdam niya, bilang isang Heavenwood, may tungkulin siyang kailangang gampanan.

Kung iyon ang huling habilin ng grandfather na hindi man lang niya nabigyan ng pagkakataong makilala, handa sana siyang tuparin iyon.

Then the welcoming banquet happened.

...

Napaupo si Serenity sa gilid ng kama sa maliit niyang apartment.

May lalaking dapat niyang pakasalan.

Isang lalaking wala namang kasalanan sa nangyari sa kanya.

At ngayon, hindi niya alam kung paano niya haharapin ang marriage agreement pagkatapos ng gabing iyon.

Doon nagsimulang tumulo ang luha niya.

Tatlong araw pa lamang siyang Heavenwood nang mangyari iyon.

Hindi pa niya nauunawaan ang bagong pamilya niya, pero pakiramdam niya ay nabigo na agad niya ang tungkuling handa sana niyang tanggapin.

Kaya sa mga sumunod na araw, ibinaon niya ang sarili sa training.

Botanical extracts.

Product safety.

Formulation.

Mas madaling pag-aralan ang mga iyon kaysa harapin ang sariling buhay.

Hanggang ilang linggo matapos siyang dumating, nagsimula ang pagsusuka.

Una, inakala niyang pagod lang.

Pero nang ilang umaga iyong maulit, bumili siya ng pregnancy test.

Dalawang guhit.

Positive.

Matagal iyong tinitigan ni Serenity.

Dahan-dahang napunta ang kamay niya sa tiyan.

Bumalik ang hotel room sa alaala niya.

The stranger.

His arms.

The clothes on the floor.

The bloodstain.

"I'm pregnant..."

Doon tuluyang bumigay ang luha niya.

Napaupo siya sa malamig na sahig ng bathroom.

Hindi niya alam ang pangalan ng ama.

Hindi niya alam kung nasaan ito.

At may lalaking dapat sana niyang pakasalan na walang alam sa anumang nangyari.

"I don't know what to do."

Hindi niya kayang magkunwaring hindi siya natatakot.

Pero habang nakatitig sa dalawang guhit, alam din niyang walang kasalanan ang batang maaaring nabuo mula sa gabing iyon.

...

Lumipas ang ilang linggo bago muling bumalik si Serenity sa clinic.

Tahimik siyang nakatingin sa monitor nang marinig ang mabilis na heartbeat.

Then the doctor moved the probe.

May isa pang tunog.

Serenity frowned.

"Wait..."

The doctor smiled.

"There are two."

Napakurap siya.

"Two?"

"You're having twins."

Napatingin si Serenity sa monitor.

Dalawa.

Two tiny lives.

Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya.

For weeks, ang pregnancy ay naging alaala ng gabing gusto niyang kalimutan.

Pero habang nakikinig sa dalawang heartbeat, may nagbago.

Hindi na lamang sila bahagi ng nangyari sa kanya.

They were her children.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang tiyan.

And for the first time, fear wasn't the only thing she felt.

...

Sa Pilipinas, isang report ang inilapag sa harap ni Vivienne Vaughn.

"The surrogate never reached the hotel."

Napatingin siya sa tauhan.

"What happened?"

"She was involved in an accident on the way. The advance payment was returned."

Tumahimik si Vivienne.

Kung hindi nakarating ang babaeng inayos para sa anak niya, ibang babae ang nakasama ni Emrys noong gabing iyon.

"Find her."

Ilang araw ang lumipas bago dumating ang sagot.

"Serenity Heavenwood."

"And where is she now?"

"South Korea."

"Keep watching her."

...

Habang lumalaki ang tiyan ni Serenity, naging mas sensitive rin ang kanyang balat.

Ilang products na dati niyang ginagamit ang biglang nagdulot ng irritation.

Doon niya sinimulang gamitin ang kaalaman niya sa plants at ang mga bagong techniques mula sa training para gumawa ng sariling botanical formula.

Hindi naging successful agad.

Ilang beses niyang binago ang concentration at combinations hanggang makagawa siya ng formula na gentle sa kanyang balat.

Napansin iyon ng isa sa mga kasama niya sa training.

"You made this?"

"Yes."

"Can you make one for me?"

Ilang araw matapos niyang ibigay ang sample, bumalik ito para humingi ng isa pa.

This time, nagbayad ito.

Matagal na tinitigan ni Serenity ang perang nasa kamay niya.

Her first sale.

Hindi galing sa Heavenwoods.

Hindi mula sa bank card.

Kanya.

Pag-uwi niya, inilagay niya ang Heavenwood card sa drawer.

Hindi pa sapat ang kinikita niya para tuluyang tumayo nang mag-isa.

Pero simula na iyon.

...

"She's pregnant."

Napatingin si Vivienne sa panibagong report.

"The timing?"

"It matches."

"Anything else?"

"Twins."

Doon nagbago ang ekspresyon ni Vivienne.

"Are you certain?"

"Yes."

Isinara niya ang folder.

"Don't lose sight of her."

...

Months later, halos wala nang marinig si Serenity kundi sariling paghinga at mga boses ng medical staff sa delivery room.

Pagod na siya.

Masakit ang buong katawan.

Then she heard it.

The first cry.

Napaluha siya.

"My baby..."

Ilang sandali lang, isa pang iyak ang pumuno sa silid.

Dalawa.

"Both boys," sabi ng nurse.

Serenity laughed weakly through her tears.

"Can I see them?"

Sandaling inilapit sa kanya ang unang bata.

Then the second.

Parehong maliit.

Parehong umiiyak.

Parehong buhay.

Gusto niyang hawakan silang dalawa, pero kailangan muna silang linisin at i-check.

Sa sobrang pagod, hindi na niya namalayang pumikit ang mga mata niya.

...

Pagmulat ni Serenity, isang sanggol lamang ang nasa silid.

Agad siyang kinabahan.

"Where's my other baby?"

Hindi agad sumagot ang nurse.

Nanlamig ang mga kamay niya.

"Nasaan 'yung isa?"

Pumasok ang doctor.

"Your second son developed complications. He was transferred for emergency neonatal care."

Serenity tried to sit up.

"Take me to him."

"You just gave birth. You need to rest."

"Anak ko 'yon."

Hindi siya mapakali.

Hanggang makalipas ang ilang oras, muling bumukas ang p***o.

Pagkakita niya sa mukha ng doctor, may kung anong nanlamig sa loob niya.

"I'm sorry."

"No."

"We did everything we could."

"No."

Hinila ni Serenity ang IV mula sa kamay niya.

"I heard him cry."

"Ms. Heavenwood-"

"I heard both of them!"

Tinangka niyang bumaba sa kama.

"I want to see my son."

Hindi siya tumigil hangga't hindi ipinakita sa kanya ang bata.

Sa isang tahimik na viewing room, may maliit na katawan sa ilalim ng puting kumot. Bahagi lamang ng mukha ang nakikita.

Nanginginig na lumapit si Serenity.

Hinaplos niya ang maliit na pisngi.

"I'm sorry..."

Doon tuluyang bumigay ang mga tuhod niya.

Hindi niya alam na habang umiiyak siya sa harap ng batang pinaniwalaang anak niya, ang tunay niyang anak ay palayo na nang palayo sa kanya.

...

Tatlong araw matapos manganak si Serenity, isang sanggol ang dinala sa Vaughn residence sa Pilipinas.

Nasa study si Emrys nang pumasok si Vivienne kasama ang nurse na may kargang bata.

Napakunot ang noo niya.

"What's this?"

"Your son."

Nawala ang lamig sa mukha ni Emrys.

"My son?"

"The woman from the hotel became pregnant."

Napunta ang tingin niya sa sanggol.

"Where is she?"

"South Korea."

"And she gave you the child?"

"She doesn't want him."

Dahan-dahang bumalik ang tingin ni Emrys sa ina.

"What?"

"She contacted my people after discovering the pregnancy. She knew what the arrangement was and agreed to give up the child after birth."

Tahimik si Emrys.

Bumalik sa isip niya ang gabing iyon.

Ang babaeng halos hindi makatayo.

Ang takot sa mukha nito.

Ang nanginginig nitong mga kamay.

Kung paano ito kumapit sa kanya habang pareho nilang pilit nilalabanan ang epekto ng kanilang mga inumin.

Naalala niyang naniwala siya rito.

Naawa siya.

For one stupid moment, he had thought they were both victims.

"But she was drugged."

Vivienne looked unconcerned.

"According to her, she took something herself before going to your room."

Emrys stared at his mother.

"Why?"

"Perhaps she needed courage. Perhaps she wanted to make sure she could go through with it." Bahagyang nagkibit-balikat si Vivienne. "Does it matter?"

Something in Emrys turned cold.

So she had done it deliberately.

The frightened eyes.

The trembling voice.

The way she had asked him to stop.

The way she had clung to him afterward.

Napangisi siya nang walang saya.

'Ang galing mong umarte.'

He had actually believed her.

"The compensation?"

"Handled."

Of course.

Emrys looked away.

She had known why she entered his room.

She had accepted the money.

And now she had given up the child and disappeared.

Samantalang si Vivienne ay tila walang pakialam sa anumang iniisip niya.

"Whatever happened between you and that woman is irrelevant," sabi nito. "This child is your son."

Doon muling napunta ang tingin ni Emrys sa sanggol.

Walang kasalanan ang bata sa anumang ginawa ng ina nito.

Lumapit siya.

Maingat na iniabot ng nurse ang sanggol sa kanya.

For a moment, awkward ang hawak ni Emrys.

Then a tiny hand moved from beneath the blanket and closed around his finger.

Nanahimik siya.

"What will you name him?" tanong ni Vivienne.

Matagal niyang tinitigan ang bata.

"Aiden."

"Aiden Vaughn," ulit ng ina.

Hindi na nagtanong si Emrys tungkol sa babaeng nakasama niya sa hotel.

As far as he knew, she had made her choice.

Aiden would never pay for it.

...

Sa South Korea, tahimik na yakap ni Serenity ang sanggol na naiwan sa kanya.

The nurse asked for his name.

Matagal niyang tinitigan ang maliit nitong mukha.

"Noah."

Hinaplos niya ang pisngi nito.

"Noah Heavenwood."

Isang anak ang nawala sa kanya.

Pero may isang batang nangangailangan pa rin sa kanya.

Humigpit ang yakap niya rito.

She had to survive.

For him.

...

Makalipas ang ilang buwan, mahimbing na natutulog si Noah sa maliit na crib sa apartment.

Sa mesa, limang kahon ang nakahilera sa harap ni Serenity.

Isa-isa niyang idinikit ang labels.

Lunara Essence.

Five orders.

Hindi pa iyon malaking kumpanya.

Pero limang tao ang nagbayad para sa produktong siya mismo ang gumawa.

Napatingin siya sa drawer kung saan nakatago ang Heavenwood bank card.

Then she closed it.

May anak siyang kailangang palakihin.

May buhay siyang kailangang buuin.

At sa pagkakataong ito, gusto niyang siya mismo ang pumili kung ano ang magiging buhay na iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Raised One Genius Son. The Ruthless CEO Raised the Other   Chapter 5: Coincidence

    "Just to confirm..."Napatingin ang competition coordinator kina Serenity at Emrys bago muling ibinalik ang tingin sa dalawang batang magkatabing nakatayo."Magkambal po ba sila?""No.""They're not."Sabay na sagot nina Serenity at Emrys.Nanigas ang ngiti ng coordinator."Okay. Not twins."Nagkatinginan sina Noah at Aiden."Ang cold nila," bulong ni Aiden."I noticed," sagot ni Noah.Nagkunwaring walang narinig ang coordinator at binuksan ang folder."Regarding the results, normally the two highest-ranking contestants ang magiging Philippine pair for the international finals."Ipinakita nito ang final scores.Parehong nasa pinakamataas na pwesto sina Noah at Aiden matapos makakuha ng identical overall scores."So instead of pairing either of them with the contestant who ranked next, the committee decided that Noah Heavenwood and Aiden Vaughn will represent the Philippine side together."Ngumiti agad si Aiden.Noah nodded approvingly."The finals require teamwork, kaya kailangan nila

  • I Raised One Genius Son. The Ruthless CEO Raised the Other   Chapter 4: Mirror Boys

    "Excuse me, that's my seat."Napatingala si Noah sa batang nakatayo sa tabi ng desk niya.Then he froze.Huminto rin ang bata.For several seconds, walang nagsalita.Parehong mukha.Parehong dark eyes.Halos parehong tangkad.Dahan-dahang hinawakan ni Noah ang sariling pisngi.Ginaya siya ng bata.Kumunot ang noo ni Noah."Why do you have my face?"Napataas ang kilay nito."I was about to ask you that."May contestant sa likuran nila ang napalingon."Wait..."Isa pa ang napatingin."Whoa. Dalawa sila."Unti-unting napunta sa kanila ang atensyon ng buong room....Matapos ang preliminary round, pinagsama-sama sa isang malaking examination hall ang pinakamataas ang scores mula sa iba't ibang rooms.Kasama roon si Noah Heavenwood.At ang batang kaharap niya ngayon.Aiden Vaughn.Lumapit ang isang teacher nang mapansin ang kumpol ng mga batang nakatingin sa kanila."What's going on?"Then she saw them.Napahinto rin ito."Are you two twins?""No."Sabay nilang sagot.Nagkatinginan sina No

  • I Raised One Genius Son. The Ruthless CEO Raised the Other   Chapter 3: Almost

    "Four minutes and thirty-seven seconds."Kakaupo pa lamang ni Serenity nang marinig ang boses ng anak.Napalingon siya.Seven-year-old Noah Heavenwood sat beside her, seryosong nakatingin sa maliit na relo sa kanyang pulso."Ano?""Your speech.""You timed me?""You said three minutes."Serenity stared at him."I just received an international business award, Noah.""I know." Tumango ito. "Congratulations, Mommy."Napangiti siya.Then Noah added, "But you exceeded your estimated time by one minute and thirty-seven seconds."Nawala ang ngiti ni Serenity."Noah.""What?"Napailing na lamang siya.Seven years had passed since South Korea.Ang limang kahong minsang siya mismo ang naglalagyan ng label sa maliit niyang apartment ay matagal nang lumaki bilang isang kumpanya.Noong four years old si Noah, sapat na ang paglago ng Lunara Essence para ilipat ni Serenity ang headquarters nito mula South Korea pabalik sa Pilipinas.Kasabay niyon, lumipat silang mag-ina sa isang villa sa Laguna, ma

  • I Raised One Genius Son. The Ruthless CEO Raised the Other   Chapter 2: Two Cries

    South Korea was supposed to be an escape.Pero habang nakatayo si Serenity sa maliit na apartment na magiging tahanan niya sa mga susunod na buwan, saka niya unang naramdaman kung gaano siya nag-iisa.Ilang araw matapos ang welcoming banquet, sinabi niya sa kanyang biological parents na pansamantala siyang pupunta sa South Korea para dumalo sa botanical formulation training program na matagal na niyang pinasahan.It wasn't a lie.Months before she became Serenity Heavenwood, nag-apply na siya sa program.Tahimik lamang siyang pinakinggan ng kanyang mga magulang.Tumango ang kanyang ama."All right."Wala nang sumunod na tanong.Walang nagtanong kung bakit biglaan ang desisyon niya o kung kailan niya balak bumalik.At ganoon lang iyon.For them, she was leaving for training.For Serenity, she was running away.May dala siyang bank card na ibinigay sa kanya noong basahin ng family lawyer ang last will ng kanyang late grandfather. Bahagi iyon ng mga personal funds na nakalaan para sa kan

  • I Raised One Genius Son. The Ruthless CEO Raised the Other   Chapter 1: The Wrong Room

    The first thing Serenity Heavenwood learned about her biological family was that wealth could make strangers smile without warmth.Three days ago, she had been Serenity Flores, living a quiet life in Nagcarlan, Laguna.Isang DNA test lang ang nagpabago sa lahat.Siya pala ang matagal nang nawawalang biological daughter ng Heavenwood family.Ngayon, pasuray-suray siyang naglalakad sa hallway ng isang marangyang hotel, hindi sigurado kung saang floor siya napadpad o kung saan talaga siya pupunta. Isang kamay niya ang nakadikit sa dingding para hindi matumba habang pilit niyang hinahabol ang sariling paghinga.Kanina lang, tahimik siyang umiinom ng juice sa welcoming banquet na inihanda para sa kanyang pagbabalik.Ngayon, mainit ang buong katawan niya kahit malamig ang hotel. Namumuo ang pawis sa kanyang batok, mabilis ang tibok ng puso, at tila lumalambot ang kanyang mga tuhod sa bawat hakbang.'What's happening to me?'Juice lang ang ininom niya.Napahinto si Serenity.Juice.Naalala n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status