Share

Chapter 3: Almost

Author: Author W
last update publish date: 2026-08-31 11:00:25

"Four minutes and thirty-seven seconds."

Kakaupo pa lamang ni Serenity nang marinig ang boses ng anak.

Napalingon siya.

Seven-year-old Noah Heavenwood sat beside her, seryosong nakatingin sa maliit na relo sa kanyang pulso.

"Ano?"

"Your speech."

"You timed me?"

"You said three minutes."

Serenity stared at him.

"I just received an international business award, Noah."

"I know." Tumango ito. "Congratulations, Mommy."

Napangiti siya.

Then Noah added, "But you exceeded your estimated time by one minute and thirty-seven seconds."

Nawala ang ngiti ni Serenity.

"Noah."

"What?"

Napailing na lamang siya.

Seven years had passed since South Korea.

Ang limang kahong minsang siya mismo ang naglalagyan ng label sa maliit niyang apartment ay matagal nang lumaki bilang isang kumpanya.

Noong four years old si Noah, sapat na ang paglago ng Lunara Essence para ilipat ni Serenity ang headquarters nito mula South Korea pabalik sa Pilipinas.

Kasabay niyon, lumipat silang mag-ina sa isang villa sa Laguna, malapit sa bagong headquarters ng kumpanya.

Hindi siya bumalik sa Heavenwood estate.

Hindi rin siya nagparamdam sa biological family niya.

Sa apat na taon niya sa South Korea, nasanay na si Serenity na wala ang mga ito sa buhay niya. At nang bumalik siya sa Pilipinas, walang dahilan para baguhin ang distansyang iyon.

Three more years passed.

Lumawak ang Lunara sa iba't ibang bansa hanggang tuluyang naging Lunara Essence International.

At ngayong gabi, hawak ni Serenity ang isa sa pinakamahalagang business awards na natanggap niya.

Nag-vibrate ang cellphone niya.

Ma Vicky.

Sinagot niya agad ang video call.

"Ma?"

Lumabas sa screen ang mukha ni Vicky Flores, ang babaeng nagpalaki sa kanya sa Nagcarlan.

"Anak! Napanood kita."

"Thank you, Ma."

"Pero bakit parang pumayat ka?"

"Ma..."

"CEO ka nga, hindi ka naman kumakain."

Biglang sumingit si Noah sa camera.

"I told her that."

"Ayan!" sabi ni Vicky. "Makinig ka sa anak mo."

Napatingin si Serenity kay Noah.

"Whose side are you on?"

"Lola's."

"Traitor."

Tumawa si Vicky.

Pero ilang sandali lang, naging seryoso ang mukha nito.

"Anak, may itatanong ako."

"Hm?"

"Alam na ba nila tungkol kay Noah?"

Nawala ang ngiti ni Serenity.

Hindi na kailangang sabihin ni Vicky kung sino ang tinutukoy nito.

The Heavenwoods.

Napatingin siya kay Noah. Abala na naman ito sa relo nito, tila walang pakialam sa usapan ng matatanda.

"I don't know."

"Hindi mo sinabi sa kanila?"

Hindi agad nakasagot si Serenity.

Kung tutuusin, hindi naman siya nagtago.

Three years na silang nakabalik sa Pilipinas.

Noong una, lumalago pa lamang ang Lunara at maliit kumpara sa mga kumpanyang karaniwang nakakaharap ng Heavenwoods. Wala rin naman sa parehong industriya ang kanilang mga negosyo para magkaroon ng dahilan ang pamilya na mapansin agad ang pangalan ng Lunara.

Pero nagbago iyon habang lumalaki ang kumpanya.

Nagkaroon ng interviews.

Business articles.

Events.

At ngayong gabi, televised pa ang award ceremony.

Posibleng nakita na siya ng mga ito.

Posible ring hindi.

Hindi alam ni Serenity.

Ang alam niya, walang tumawag.

Walang lumapit.

At hindi rin naman siya gumawa ng unang hakbang.

"Serenity?"

Napakurap siya.

"Hindi ko alam kung alam nila, Ma."

Matagal siyang tiningnan ni Vicky bago marahang tumango.

Hindi na ito nagtanong.

"Congratulations ulit, anak."

"Thank you, Ma."

Pagkababa ng tawag, napansin ni Serenity na nakatingin sa kanya si Noah.

"What?"

"You look sad."

"I'm not."

Noah studied her face.

Serenity raised an eyebrow.

"Don't analyze me."

"I wasn't."

"You were."

"I was observing."

"That's worse."

Bahagyang ngumiti si Noah.

At kahit paano, gumaan ulit ang dibdib ni Serenity.

...

Noong bumalik sila sa Pilipinas three years earlier, gusto sana ni Serenity na isama si Vicky sa villa.

May sapat na espasyo roon at mas gusto niyang malapit ito sa kanila ni Noah.

Pero ayaw iwan ni Vicky ang halamanan at plant shop sa Nagcarlan. Marami pa rin itong regular customers na personal na naghahanap sa kanya, at masaya ito sa simpleng buhay na matagal nang nakasanayan.

Hindi na siya pinilit ni Serenity.

Malapit lang naman sila, kaya madalas silang magkita.

...

Ilang linggo matapos ang award ceremony, may panibagong desisyong kailangang gawin ni Serenity para sa anak.

Hindi problema si Noah sa school.

In fact, iyon mismo ang problema.

Masyado nang madali para sa kanya ang lessons.

Madalas ay tapos na siya sa activities habang nagsisimula pa lamang ang ibang classmates. Sa halip na manggulo, nagbabasa ito ng mas advanced na books habang naghihintay.

Sa latest academic assessment, kinausap si Serenity ng school.

Noah needed a more challenging environment.

Kaya niya pinili ang St. Lorenzo Premier Academy.

May specialized program ito para sa academically advanced students at mas maraming opportunities para sa batang tulad ni Noah. Malapit din ang campus sa villa at sa headquarters ng Lunara.

"How many books are in the library?"

Napatingin si Serenity sa anak habang naglalakad sila sa campus.

"I don't know."

"We should ask."

"First day mo. Classroom muna bago library."

Noah sighed.

"Priorities."

"Exactly. Mine."

Hindi nagtagal, sumailalim si Noah sa assessment ng St. Lorenzo.

Maging ang school ay nagulat sa resulta.

Dahil doon, napili siyang lumahok sa national qualifying competition na gaganapin mismo sa academy.

Hindi ordinaryong school competition ang naghihintay sa mga mananalo. Ang pinakamataas na scorers mula sa Philippine round ang magkakaroon ng pagkakataong lumaban sa international finals para sa elite students ages seven to ten.

Bagamat St. Lorenzo pa rin ang magiging host venue ng finals, international panel of educators at academic specialists ang mamamahala rito, kasama ang mga batang contestants mula sa iba't ibang bansa.

Pero bago makarating doon, kailangan munang manguna sa Philippine qualifiers.

Bawat contestant ay binigyan ng identification badge.

Kay Noah:

13 - Room 404.

"Check your room number," paalala ni Serenity.

"I know, Mommy."

"That's not an answer."

Noah glanced at his badge.

"Room 404."

"Good."

Sumama na ito sa ibang contestants.

Pero sa dami ng batang sabay-sabay na ginagabayan papunta sa fourth floor, maling linya ang nasundan niya.

Abala rin siyang nagbabasa ng competition booklet.

Hindi niya napansing pumasok siya sa Room 403.

...

"Daddy, you already checked my bag."

Tumingin si Emrys Knox Vaughn sa anak.

Seven-year-old Aiden Vaughn stood before him wearing a light-blue polo beneath a dark blazer.

"Yesterday, you forgot your pencil case."

"One time."

"Twice."

Aiden paused.

"Fine. Twice."

Isinara ni Emrys ang bag.

Sa ibang tao, malamig at mahirap basahin si Emrys.

Pero pagdating kay Aiden, kabisado niya maging ang maliliit na bagay.

School schedule.

Favorite food.

Mga gamit na madalas nitong makalimutan.

At ang mga pagkakataong kunwari ay hindi nito nakalimutan.

"Ready?"

Aiden grinned.

"Obviously."

"Confidence doesn't guarantee victory."

"No. But it makes losing less embarrassing."

Emrys stared at him.

Aiden smiled wider.

Sa badge nito:

26 - Room 403.

"Room?"

"403."

"Good."

Sumunod si Aiden sa ibang contestants.

Pero habang may kausap na batang kasabay niya, maling grupo ang nasundan niya sa hallway.

He entered Room 404.

...

Dumating si Serenity sa fourth floor ilang minuto bago magsimula ang competition.

Room 404.

Paglapit niya sa bukas na p***o, hinanap agad ng mga mata niya ang anak.

Then she saw him.

"Noah?"

Lumingon ang bata.

Huminto si Serenity.

For one second, wala siyang duda.

Anak niya iyon.

Same face.

Same dark eyes.

Same height.

Napahakbang siya.

Then she noticed the clothes.

Light-blue polo.

Dark blazer.

Kumunot ang noo niya.

White long-sleeved shirt at navy vest ang suot ni Noah nang iwan niya ito.

'Kailan siya nagpalit?'

Tumingin sa kanya si Aiden.

Hindi nito kilala ang babae.

Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, hindi rin nito agad maalis ang tingin sa kanya.

Serenity took another step.

"Noah?"

"Ms. Heavenwood!"

Napalingon siya.

Mabilis na lumapit ang isang staff member.

"May kailangan lang po kaming ipa-correct sa registration ni Noah. We need your signature before the competition."

"Can it wait?"

"It will only take a minute."

Muling napatingin si Serenity sa room.

Pero pinapaupo na ng marshal ang contestants.

Nawala ang bata sa paningin niya.

Hindi niya alam kung bakit may kakaibang bigat na naiwan sa dibdib niya habang sumusunod sa staff.

...

Sa kabilang corridor, huminto si Emrys sa tapat ng Room 403.

Nakita niya agad ang batang nakaupo sa loob.

"Aiden."

Lumingon si Noah.

Emrys stopped.

Mukha ng anak niya.

Pero may mali.

White shirt.

Navy vest.

'When did he change?'

Mas lalapit sana siya.

Noah stared back.

Hindi nito kilala ang lalaki.

Pero sa halip na mailang, tahimik lamang niya itong pinagmasdan.

May kung anong pamilyar.

Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang pakiramdam.

"Mr. Vaughn?"

Napalingon si Emrys.

Lumapit ang isang staff member.

"We need your signature, sir."

"Later."

"It has to be completed before the competition."

His jaw tightened.

Muling tumingin si Emrys sa room.

Pero tinatawag na ng marshal ang contestants para sa attendance.

...

"Participant thirteen?"

Tiningnan ng marshal sa Room 403 ang badge ni Noah.

Kumunot ang noo nito.

"You're supposed to be in Room 404."

Napatingin si Noah sa badge.

Then sa room number.

"Oh."

Sa kabilang room, napansin din ng marshal ang badge ni Aiden.

"Participant twenty-six. Room 403."

Aiden looked toward the door.

"I'm in 404."

"Exactly. Come with me."

Napabuntong-hininga si Aiden.

"The room number should be bigger."

"Just keep walking, Aiden."

"But I'm right."

"Keep walking."

...

Inihatid si Noah papuntang Room 404.

Si Aiden naman ay papuntang Room 403.

Sa hallway intersection, ilang segundo na lamang sana at magkikita sila.

Pero nakatingin si Noah sa badge niya, tila iniisip kung paano niya nagawang sundan ang maling linya.

Si Aiden naman ay hindi pa tapos sa reklamo.

"The participant number is bigger than the room number. That's inefficient."

"Just keep walking, Aiden."

"I'm walking."

Then a group of contestants crossed between them.

Napahinto si Noah para magbigay-daan.

Aiden turned right.

Noah turned left.

Neither looked back.

...

Si Serenity ang unang nakabalik.

"Noah."

Lumingon ang anak niya mula sa Room 404.

"Mommy?"

White shirt.

Navy vest.

Exactly what he had been wearing that morning.

Lumapit si Serenity.

"Hindi ka nagpalit ng damit?"

Noah frowned.

"No."

"Sure?"

"Why would I change clothes during a competition?"

Serenity stared at him.

Bumalik sa isip niya ang batang naka-light-blue polo.

'Then who did I see?'

...

Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Emrys sa Room 403.

"Daddy."

Lumapit si Aiden.

Light-blue polo.

Dark blazer.

Emrys narrowed his eyes.

"You didn't change clothes?"

Aiden looked down at himself.

"No?"

"You're sure?"

Dahan-dahang tumingin si Aiden sa ama.

"Daddy, are you feeling okay?"

Hindi sumagot si Emrys.

Bumalik sa isip niya ang batang nasa Room 403 kanina.

White shirt.

Tahimik na mga mata.

Mukha ng anak niya.

Pero hindi si Aiden.

...

Lumabas si Serenity mula Room 404.

Almost simultaneously, lumabas si Emrys mula sa kabilang room.

"Ms. Heavenwood?"

Napalingon si Serenity sa teacher na lumapit sa kanya.

Ilang metro lamang sa likuran niya, dumaan si Emrys kasama ang isang staff member.

Hindi siya lumingon.

Seconds later, natapos ang tanong ng teacher.

Serenity turned toward the hallway.

Empty.

Sa kabilang corridor, minsan ding napalingon si Emrys.

Wala na rin siyang nakita.

Serenity had almost reached Aiden.

Emrys had almost reached Noah.

The twins had almost crossed paths.

At sa iisang hallway, halos nagkita rin ang dalawang taong pitong taon nang hindi nagkakaharap.

Almost.

But not yet.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Raised One Genius Son. The Ruthless CEO Raised the Other   Chapter 5: Coincidence

    "Just to confirm..."Napatingin ang competition coordinator kina Serenity at Emrys bago muling ibinalik ang tingin sa dalawang batang magkatabing nakatayo."Magkambal po ba sila?""No.""They're not."Sabay na sagot nina Serenity at Emrys.Nanigas ang ngiti ng coordinator."Okay. Not twins."Nagkatinginan sina Noah at Aiden."Ang cold nila," bulong ni Aiden."I noticed," sagot ni Noah.Nagkunwaring walang narinig ang coordinator at binuksan ang folder."Regarding the results, normally the two highest-ranking contestants ang magiging Philippine pair for the international finals."Ipinakita nito ang final scores.Parehong nasa pinakamataas na pwesto sina Noah at Aiden matapos makakuha ng identical overall scores."So instead of pairing either of them with the contestant who ranked next, the committee decided that Noah Heavenwood and Aiden Vaughn will represent the Philippine side together."Ngumiti agad si Aiden.Noah nodded approvingly."The finals require teamwork, kaya kailangan nila

  • I Raised One Genius Son. The Ruthless CEO Raised the Other   Chapter 4: Mirror Boys

    "Excuse me, that's my seat."Napatingala si Noah sa batang nakatayo sa tabi ng desk niya.Then he froze.Huminto rin ang bata.For several seconds, walang nagsalita.Parehong mukha.Parehong dark eyes.Halos parehong tangkad.Dahan-dahang hinawakan ni Noah ang sariling pisngi.Ginaya siya ng bata.Kumunot ang noo ni Noah."Why do you have my face?"Napataas ang kilay nito."I was about to ask you that."May contestant sa likuran nila ang napalingon."Wait..."Isa pa ang napatingin."Whoa. Dalawa sila."Unti-unting napunta sa kanila ang atensyon ng buong room....Matapos ang preliminary round, pinagsama-sama sa isang malaking examination hall ang pinakamataas ang scores mula sa iba't ibang rooms.Kasama roon si Noah Heavenwood.At ang batang kaharap niya ngayon.Aiden Vaughn.Lumapit ang isang teacher nang mapansin ang kumpol ng mga batang nakatingin sa kanila."What's going on?"Then she saw them.Napahinto rin ito."Are you two twins?""No."Sabay nilang sagot.Nagkatinginan sina No

  • I Raised One Genius Son. The Ruthless CEO Raised the Other   Chapter 3: Almost

    "Four minutes and thirty-seven seconds."Kakaupo pa lamang ni Serenity nang marinig ang boses ng anak.Napalingon siya.Seven-year-old Noah Heavenwood sat beside her, seryosong nakatingin sa maliit na relo sa kanyang pulso."Ano?""Your speech.""You timed me?""You said three minutes."Serenity stared at him."I just received an international business award, Noah.""I know." Tumango ito. "Congratulations, Mommy."Napangiti siya.Then Noah added, "But you exceeded your estimated time by one minute and thirty-seven seconds."Nawala ang ngiti ni Serenity."Noah.""What?"Napailing na lamang siya.Seven years had passed since South Korea.Ang limang kahong minsang siya mismo ang naglalagyan ng label sa maliit niyang apartment ay matagal nang lumaki bilang isang kumpanya.Noong four years old si Noah, sapat na ang paglago ng Lunara Essence para ilipat ni Serenity ang headquarters nito mula South Korea pabalik sa Pilipinas.Kasabay niyon, lumipat silang mag-ina sa isang villa sa Laguna, ma

  • I Raised One Genius Son. The Ruthless CEO Raised the Other   Chapter 2: Two Cries

    South Korea was supposed to be an escape.Pero habang nakatayo si Serenity sa maliit na apartment na magiging tahanan niya sa mga susunod na buwan, saka niya unang naramdaman kung gaano siya nag-iisa.Ilang araw matapos ang welcoming banquet, sinabi niya sa kanyang biological parents na pansamantala siyang pupunta sa South Korea para dumalo sa botanical formulation training program na matagal na niyang pinasahan.It wasn't a lie.Months before she became Serenity Heavenwood, nag-apply na siya sa program.Tahimik lamang siyang pinakinggan ng kanyang mga magulang.Tumango ang kanyang ama."All right."Wala nang sumunod na tanong.Walang nagtanong kung bakit biglaan ang desisyon niya o kung kailan niya balak bumalik.At ganoon lang iyon.For them, she was leaving for training.For Serenity, she was running away.May dala siyang bank card na ibinigay sa kanya noong basahin ng family lawyer ang last will ng kanyang late grandfather. Bahagi iyon ng mga personal funds na nakalaan para sa kan

  • I Raised One Genius Son. The Ruthless CEO Raised the Other   Chapter 1: The Wrong Room

    The first thing Serenity Heavenwood learned about her biological family was that wealth could make strangers smile without warmth.Three days ago, she had been Serenity Flores, living a quiet life in Nagcarlan, Laguna.Isang DNA test lang ang nagpabago sa lahat.Siya pala ang matagal nang nawawalang biological daughter ng Heavenwood family.Ngayon, pasuray-suray siyang naglalakad sa hallway ng isang marangyang hotel, hindi sigurado kung saang floor siya napadpad o kung saan talaga siya pupunta. Isang kamay niya ang nakadikit sa dingding para hindi matumba habang pilit niyang hinahabol ang sariling paghinga.Kanina lang, tahimik siyang umiinom ng juice sa welcoming banquet na inihanda para sa kanyang pagbabalik.Ngayon, mainit ang buong katawan niya kahit malamig ang hotel. Namumuo ang pawis sa kanyang batok, mabilis ang tibok ng puso, at tila lumalambot ang kanyang mga tuhod sa bawat hakbang.'What's happening to me?'Juice lang ang ininom niya.Napahinto si Serenity.Juice.Naalala n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status