LOGINBahagyang ngumiti si Sarina. Isang napakagaan na ngiti na halos hindi mapansin pero taglay nito ang matinding pangungutya na parang kayang manakit ng sinumang makakakita."Facts demand evidence. Where is your evidence, Avionna?" kalmado ngunit matatag na sagot ni Sarina. "Does anything spoken from your lips automatically become absolute truth? Wala man lang kayong kahit katiting na ebidensya pero handa na kayong ideklarang guilty ako at hatulan agad? What is this, your personal courtroom?"Lalong nagdikit ang mga kilay ni Avionna. Binuka nito ang bibig para magsalita pero tila nahirapan pang ilabas ang mga salita. Sa mahinang boses na para bang siya ang inaapi ay sumagot ito, "Isn't the fact that you were expelled from university the greatest proof of all?"Ngumisi ng nakakaloko si Sarina. Halata namang naninira lang ito at walang sapat na ebidensya lalo na at ito marahil ang nagpakalat ng paninirang iyon tungkol sa kanya."That's absurd." Nakangising komento ni Sarina."Kung itatangg
Malakas na kumabog ang dibdib ni Dr. Yang.Hindi niya inaasahan na magiging ganun katalas at kaagresibo si Sarina sa pagsagot. Nakaka-intimidate na nga ang pakikinig pa lamang sa mga nauna nitong sinabi ay ngayong direktang nakatuon sa kanya ang matalim at mapanghamong mga mata nito ay hindi niya namalayang napigil niya ang sariling paghinga.Para bang kailangan niyang maghanda sa anumang susunod na gagawin nito.Hinayaan muna ni Sarina na bumalot ang katahimikan sa buong opisina. Pagkaraan ng ilang sandali ay kaswal niyang inilipat ang tingin kay Avionna na halatang hindi na mapakali sa kinauupuan nito.“Una kong narinig kay Avionna ang mga parang na sinabi mo ngayon ngayon lang. So, I'm taking it that it was Dr. Ruiz the one who fed you all this false narrative.” Mariing tiningnan ni Sarina si Avionna na halatang hindi na mapakali at namumutla na sa kaba.“I… ahm…”Hindi inaasahan ni Avionna ang direktang pag-atakeng iyon. Sa isang iglap ay namutla ang mukha niya hanggang sa halos m
“I am aware of that.” Diretsong sagot ni Sarina habang nananatiling kalmado at walang bahid ng emosyon ang mukha.Lalong kumunot ang noo ni Vice President Yang. Bumigat ang aura nito at halos nakakasakal ang presensya na pinaparamdam sa buong opisina."This hospital is filled with senior physicians who possess decades more experience, far greater seniority, and vastly superior prestige than you. What on earth makes you think you have the right to bypass every single one of them and step straight into the Chief of Cardiothoracic Surgery position?" Aroganteng tanong ng vice president."Because my clinical capability is superior, and because Director Lee has a sharp eye for true talent.” Kampanteng sagot ni Sarina.Sa sobrang tapang sumagot ni Sarina, at sa hindi matinag na kumpiyansa nito ay saglit na nawalan ng masabi si Vice President Yang. Sa tindi ng inis nito ay napatawa na lamang ito ng sarkastiko at hindi makapaniwala."You are far too arrogant," singit ni Professor Ramirez haban
Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay halos buong oras ni Damon ay inuubos nito sa trabaho. Kahit masikap si Sarina na naghahanda ng tatlong meals sa isang araw at matiyagang naghihintay sa pag-uwi nito ay napakadalang ng pagkakataong makaupo silang dalawa at sabay na kumain nang ganito.Maraming beses na rin niyang inilagay sa insulated containers ang mga niluto niya at personal na dinala sa opisina ni Damon pero kadalasan ay umuuwi siyang hindi man lang nasisilayan ang mukha nito.Kaya naman ang simpleng pagkakataong makaupo sila sa magkabilang panig ng mesa at kumain nang magkasama ay maituturing nang isang pambihirang pribilehiyo. Hindi tuloy maiwasan ni Sarina na makaramdam ng bahagyang pagkailang.Napansin ni Damon na hindi pa man lang niya nagagalaw ang kutsara at tinidor niya kaya ibinaling nito ang tingin sa kanya at mahinahong pinaalalahanan."Eat." Paalala nito.Napakislot si Sarina sa narinig na pagkausap ni Damon sa kanya. Mahina siyang sumagot bago
Samantala, buong umaga namang abala si Sarina sa pag-consult ng mga pasyente. Tuluy-tuloy ang trabaho niya nang walang kahit anong pahinga hanggang mag-alas-dose y medya ng tanghali.Kasalukuyan na sana siyang naghahanda na ipagpaliban muna ang lunch niya at dumiretso na lamang sa cafeteria mamaya nang bigla niyang maalala ang isang bagay.Nangako pala siyang kakain ng lunch kasama si Damon ngayong araw!Mabilis siyang sumulyap sa orasan sa dingding. Agad niyang itinali ang buhok sa isang maayos na ponytail bago nagmamadaling lumabas.Pagdating niya sa mamahaling restaurant na pinareserve ni Damon ay halos mag-a-ala-una na ng hapon.Dahil alam niyang late na siya ay mas lalo niyang binilisan ang paglalakad habang papalapit sa restaurant. Pero labis siyang nagtaka nang makita ang restaurant na iyon. Isa kasi iyon sa mga paborito niyang kainan.Karaniwan ay napaka-busy ng lugar na ito. Kahit weekdays ay inaasahan niyang may mga customer pa ring kumakain sa loob. Pero ngayon ay para ban
Nataranta si Dr. Yang at dali-daling inayos ang salamin niya bago aligagang iniabot kay Avionna ang isang tissue para punasan ang mga luha nito."It's my fault, Avionna. Don't be upset. You are worthy, you're worthy of everything! Trust me, Avionna. Hangga't nandito ako, Sarina won't get to keep that Department Chief seat. Alam mong executive vice president ang byenan ko. I am going straight to find my father-in-law right now."Pagkarinig sa eksaktong mga salitang gusto niyang marinig ay agad na nagliwanag ang mga mata ni Avionna.Kung hindi lang ito manugang ng executive vice president ay hindi niya sasayangin ang napakaraming effort para lang hawakan sa leeg at kontrolin ang lalaking ito."Will that actually work?" tanong ni Avionna habang tinatanggap ang tissue at marahang pinupunasan ang mga mata niya. May bahid ng pag-aalinlangan ang boses niya na para bang napakahina at nakakaawa siyang babae."Avionna, trust me just this once. Leave this entirely to me."Mariing tinapik ni Dr.







