Bumaba ng taksi si Analyn. Nasa harap siya ngayon ng Peach Blossom Restaurant, isang fine dining na kainan. Ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa isang mamahaling restaurant sa kabila ng kakapusan niya sa pera? Isinet lang naman siya ng blind date ng Mama niya.
Tiningnan ni Analyn ang pambisig na relo. Sakto lang siya sa oras. Sinadya niyang hindi dumating ng mas maaga sa sinabing oras ng Mama niya. Hindi naman kasi siya interesado sa date na ito. Minabuti ni Analyn na pumasok na sa loob ng restaurant. Sinalubong siya ng staff pagkapasok niya ng pintuan.
“Hi. Reservation under Michael Corpuz?”
Hindi naman sa excited na si Analyn na makita ang itsura ng Michael Corpuz na iyon, pero gusto na niya kasing matapos na ang date na ito.
Tumingin ang staff sa monitor sa harapan niya. Piping ipinalangin ni Analyn na sana ay nag-kansel na lang sana ang ka-date.
“Yes, Mam. Table number 15. Kaya lang Mam, as of now, hindi pa po dumarating si Sir Michael.”
Nakaramdam ng tuwa si Analyn. Inisip niya kung hindi na tutuloy magpunta iyong Michael.
“Anyway Mam, Sir Michael called a while ago… saying na on the way na rin siya,” nakangiting dagdag nung staff habang nakatingin pa rin sa monitor na tila may binabasa roon.
Hindi napigilan ni Analyn ang mapasimangot. Akala pa naman niya ay magbubunyi na siya ngayon.
“Sige, Miss. I will just wait.”
“Let me lead you to your table, Mam,” sabi ng staff at saka nagpatiuna ng naglakad. Wala ng nagawa si Analyn kung hindi ang sumunod.
“Mam, gusto n’yo po bang umorder na?” tanong ng staff pagkaupo ni Analyn.
“Ay, hindi!” Paano kung hindi dumating ang lalaking iyon? Eh di, ako pa ang magbabayad? No way! “ Mamaya na lang, Miss. Water na lang muna.”
“Okay, Mam. Pahatiran ko po kayo ng water.”
TUMUWID ng upo si Analyn. Nangangawit na siya sa pagkaka-upo at nakaka-tatlong baso na siya ng tubig mula kaninang naupo siya. Treinta minutos na ang nagdaan at hindi pa rin dumadating ang lalaking katagpuan niya ngayon. Hindi maalis na mainis si Analyn. Sayang ang treinta minutos niyang itinunganga rito.
Sampung minuto pa uli ang hinintay ni Analyn nang may humahangos na lalaki palapit sa mesa niya.
“Analyn Ferrer?” nakangiting tanong ng lalaki kay Analyn.
Ngayong nasa tapat ni Analyn ang lalaki, hindi niya alam kung oo o hindi ang isasagot niya rito. Nakaka-turn off ang pawis na pawis at oily na itsura nito. Sungki-sungki ang mga ngipin nito na kitang-kita ngayon dahil sa pagkakangiti. Malalaki ang mga mata nito at parang gustong lumabas mula sa mga eyeball nito. Ang buhok niya ay tila napakatigas at nakakatakot hawakan. In short, kabaligtaran sa sinabi ng kanyang Mama na napakaguwapo ng magiging ka-date niya ngayon.
“A-Ako nga,” napilitang pag-amin ni Analyn.
“Good!” sabi nung lalaki sabay hila sa upuang nasa tapat ni Analyn.
“I’m Michael nga pala. Michael Corpuz,” pagpapakilala ng lalaki na tinanguan lang ni Analyn.
“Alam ko ang sitwasyon mo ngayon,” pagtutuloy ng lalaki, “nai-kuwento na sa akin ng Mama ko. Kaibigan niya raw ang Mama mo. Hindi naman ako mapili sa magiging asawa ko.”
Sinuyod ng tingin ni Michael mulo ulo pababa si Analyn, na ipinagtaka naman ng dalaga.
“Pagkakasal natin, mag-resign ka na sa trabaho at sa bahay ka na lang. Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin mo.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Analyn sa narinig. “Pardon?” tanong niya kay Michael. Hindi niya sigurado kung nagkamali lang ba siya ng rinig sa sinabi nito.
“Analyn… all you have to do is to take care of my two children and my parents. Iyon lang!”
Itinaas ni Analyn ang kamay niya, sumenyas siya ng STOP kay Michael.
“Wait. Sandali lang, ha… sa tingin ko, hindi ako ang hinahanap mo.”
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Michael.
“May problema ba? Meron ka bang ibang gusto? Look, meron akong pag-aaring kumpanya. At kapag nagpakasal ka sa akin, ibig sabihin nun–”
“Hindi ako magpapakasal sa ‘yo. Sorry, Michael.”
Or Tito Michael?
Sabi ni Analyn sa sarili. Paano ba naman ay pwede na nga niyang maging tatay ang lalaki base sa hula niyang edad nito. Di hamak na may edad na ito kumpara sa edad niya.
Agad na nalukot ang mukha ni Michael. Hindi niya nagustuhan ang ginawang pagtanggi ng babae sa kanya. Agad siyang tumayo at saka itinaas ang kamay para duruin si Analyn.
“Magsisisi kang babae ka!” galit na sabi ni Michael bago binirahan ng alis.
Nasundan na lang ng tingin ni Analyn ang papaalis na lalaki. Nang nakalabas na ng restaurant si Michael, napasandal si Analyn sa upuan niya habang minamasahe ang sintido niya. Sa susunod, hindi na siya maniniwala sa mga sasabihin ng Mama niya. Ang sabi nito sa kanya ay guwapo ang kanyang ka-blind date kaya pumayag na rin siya sa kabila ng pag-aalangang makipag-blind date.
Nasa ganoong pagmumuni-muni si Analyn kaya hindi niya napansin ang pares sa kabilang mesa. Isa pa ay natatakpan ng halaman ang pagitan ng mga mesa nila kaya imposible talaga na mapansin niya ang mga ito.
Ang babae ay halos hindi maihiwalay ang kanyang tingin sa lalaking kasama. Palibhasa ay napakaguwapo nito. Lalaking-lalaki ang porma. Tila may x-ray vision ang babae kung titigan ang katawan ng lalaki. Sa isip-isip niya, jackpot siya sa lalaking ito!
Napukaw lang ang atensyon ni Analyn nang marinig ang maarteng pagsasalita ng babae.
“Anthony, tutal ako naman ang bride… pwedeng mag-suggest kung saan tayo magpapakasal?” malapad ang ngiti na tanong ng babae na para bang wala sa sarili.
Bahagyang nagtaas ng isang kilay niya ang tinawag na Anthony.
“Sorry, Darleen. You did not pass the qualifications of my soon-to-be bride,” walang emosyon na sabi nito.
Biglang naglaho ang ngiti ng babae.
“It’s Charlene, not Darlene,” pagtatama pa nito.
Kumumpas ang kamay ni Anthony, “whatever. Anyway, you may go.”
Natigilan iyong Charlene sa narinig, pero agad din itong nakabawi.
“Anthony, first meeting pa lang naman natin ito. Why don’t we give it a try? Malay mo, sa pangalawa o pangatlong pagkikita natin, mag-jive na tayong dalawa? What do you think?”
Wala pa ring emosyon na tinitigan ni Anthony ang mukha ng babae. Dahil dito, nabuhayan ng loob si Charlene na baka pumayag si Anthony na bigyan siya ng isa pang chance na makilala pa siya nito.
Ngumiti si Charlene nang ubod tamis kay Anthony. Sa tingin niya, kayang-kaya niyang kunin ang loob ni Anthony.
“Do you want to go to a more private place with me?” tanong ni Charlene sa binata.
“Mas gusto ko pang mapag-isa kaysa makipagtitigan sa babaeng ilang patong ang foundation sa mukha.”
Napalakas ang pagkakasabi nun ni Anthony kaya narinig ni Analyn ang komentong iyon ng lalaki habang umiinom siya ng tubig. Dahil sa pagka-aliw sa komento ng nasa kabilang mesa kaya hindi niya napigilang maibuga ang tubig mula sa bibig.
“Ang harsh naman nun!” mahinang sabi niya habang pinupunasan niya ang bibig at baba na nabasa ng tubig.
Naulinigan ni Analyn ang ingay ng upuan sa kabilang mesa na parang may tumayo mula sa pagkaka-upo. Naisipan niyang tumayo na rin para umuwi na. Pero hindi pa siya nakaka-isang hakbang nang may baritonong boses ang tumawag sa pangalan niya.
“Miss Ferrer!”
-C.J.
Hindi namalayan ni Analyn na napalayo na siya sa kalalakad. Nakaramdam na siya ng pagod at nakarating sa isang parke. Minabuti niyang maupo na muna roon. May mga batang naglalaro sa parke at naengganyo siyang manood sa paglalaro nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga impormasyon na nalaman. Nang umalis na ang mga batang naglalaro ay naiwan pa rin si Analyn doon, nakatingin lang sa kawalan. Sakto na may dumating na isang pamilyar na sasakyan at bumaba roon ang lalaking kanina pa nag-aalala kay Analyn. “Ai-Ai!” Saka lang naputol ang mga iniisip ni Analyn. Nilingon niya ang tumawag sa kanya. “Sabi ni Jiro kanina ka pa umalis sa bahay mo. Ano’ng nangyayari?”“Sinusundan n’yo ko?” Alanganin si Anthony kung sasagutin ang tanong ni Analyn. Pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo. “Kailangan. Ayaw na kitang mawala uli.”Si Analyn naman ang hindi nakasagot. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa sa isinagot ng lalaki. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba galit sa akin? Iniiwas
Sa unang pagkakataon, kinailangan ni Analyn na kausapin si Sixto. Nakauwi na ito sa bahay nila at nagpapalakas. “Senyor, nandito po si Mam Analyn,” anunsiyo ng mayordoma ng mga Esguerra. Nagulat man ay sabik na naghintay sila Sixto at Mercy sa pagpasok ni Analyn sa loob ng kuwarto. Nang pumasok na si Analyn sa loob ng kuwarto, hindi malaman nila Sixto at Mercy ang gagawin. Nahihiya sila kay Analyn. Sa anak nila. Kung bakit kasi hindi nila ito agad nakilala nung una pa nila itong nakita. Naglakad si Analyn palapit sa kama kung saan nakahiga si Sixto at nakaupo naman sa tabi nito si Mercy. “A-Anak…”“Huwag po muna nating pilitin. Alam kong mahirap para sa ating lahat ang tanggapin ang kung ano ang totoo. Kaya ako nagpunta rito ay para humingi ng tulong sa inyo. Pwedeng-pwede akong humingi ng tulong kay Anthony, at alam kong hindi siya magdadalawang-isip na tulungan ako. Pero pakiramdam ko, lubog na lubog na ako sa utang na loob sa kanya. At tutal naman, para kay Papa Damian naman an
“Bakit bigla kang nagka-interes sa kanya?” nagtatakang tanong ni Jiro.“Wala lang. Gusto ko lang siyang kumustahin. After all, sa kanya ako lumaki. Hindi man kami naging magkasundo, pero tinatanaw ko pa rin iyon na utang na loob. So ano? Sasamahan mo ba ako sa kanya?” BIGLANG bumalik sa isip ni Analyn ang mga magaganda at mga pangit na alaala niya sa dating lugar nila, kung saan naroroon ang bahay nila Analyn at ng pamilya ni Damian. “Nung nagising si Papa mula sa pagka-comatose, hiniwalayan na niya agad si Mama.” Napahinto sa pagmamasid si Analyn sa mga lumang bahay na narooon. Nilingon niya ang nagsalitang si Jiro. “Wala namang trabaho si Mama, at hindi siya sanay ng nagtatrabaho. Sanay siyang nasa bahay lang. Mula noon, mag-isa lang siyang nakatira riyan. Buwan-buwan ko siyang inaabutan ng pera. Huwag ka sanang magagalit.”“Bakit naman ako magagalit? Nanay mo siya, natural lang na tulungan at arugain mo siya.”“Pero huwag kang mag-alala. Nagbago na siya. Mabait na siya ngayon.
Atubiling sumagot si Eric. Kinakabahan na hindi magustuhan ni Analyn ang sagot niya.“Nagkaroon ng aksidente. Na-delay kami.”“Na-delay? Isang sasakyan lang ba ang meron ka? Ang gamit n’yo? Wala ka man lang back-up kung sakaling magka-aberya ka o ang mga tao mo?” Muling nagbuga ng hangin si Eric. “I know… alam ko… may kasalanan ako sa nangyari. Pero siguro naman hindi ko na kailangan pang sagutin ang mga tanong mo. Tapos na! Nangyari na ang dapat mangyari. Naibuko mo na si Ailyn. I mean, si Anna. Okay na ang Papa mong si Sixto, buhay siya. In the future, pwede ka ng–”“Huwag mong dibdibin, Eric. Wala kang kasalanan. Hindi ako dapat naging depende sa kung sino man sa inyong lahat. Laban ko ‘yun. Laban kong mag-isa. Hindi ko na dapat kayo idinamay lahat.” Matamang tiningnan ni Eric si Analyn. Mukha naman itong hindi galit. Kalmado lang siya. “Galit ka ba sa akin? Sabihin mo lang. O kung galit ka sa kung sino man, si Anna– sa akin mo na lang ibuhos ang galit mo. Huwag mong kimkimin.”
Ilang araw ng naging usapan sa buong Tierra Nueva si Anna. Lahat ng search topic sa mga social media sites ay tungkol kay Anna Gonzales, sa mga Esguerra at De la Merced, at sa totoong Ailyn Esguerra. Hinintay ng mga tao na lumutang o ilabas ng mga Esguerra ang totoong Ailyn, pero hindi iyon nangyari. Ni wala ring balita kung ano ang nangyari kay Anna Gonzales at kung nasaan na ito. Basta nag-isyu ng pahayag ang opisina ng DLM para sabihing walang bisa ang nangyaring kasal sa pagitan nila Anthony at Anna dahil hindi ito naka-rehistro. “Mrs. Esguerra, nag-stabilize na lahat ng vital stats ng asawa n’yo. Pwede na siyang ilipat sa regular room.”“Dok, kailan kaya siya magigising?”“Actually, iyon nga ang nakakapagtaka. Dapat sa ngayon ay gising na siya. Para kasing siya mismo, ayaw pa niyang gumising. Parang pinipigilan niyang magising.”Tahimik na tumango si Mercy at saka tiningnan ang asawa na nakapikit. Parang nahuhulaan na niya ang dahilan. Ilang araw na rin sa ospital si Analyn,
Nagtaka ang nakapikit pa ring si Analyn kung bakit tila walang masakit sa katawan niya. Pagdilat niya ng mga mata ay saka niya nakita sa harapan niya si Sixto. Nahihirapan itong huminga at namumutla ang mukha. Pagkatapos ay nakita niya ang duguang patalim na hawak pa rin ni Ernest. Sinalo ni Sixto ang dapat ay para sa kanya?“Sir Sixto!” Hindi malaman ni Analyn ang gagawin. Napatingin siya kay Ernest. Parang ngayon lang napagtanto ng lalaki ang pagkakasaksak niya kay Sixto. Namumutla rin ito at bakas ang takot sa mukha nito. Unti-unti ng bumabagsak si Sixto sa harapan ni Analyn kaya agad siyang dinaluhan ni Analyn. “Sir Sixto! Huwag kang mamamatay… lumaban ka… lumaban ka!” nagpa-panic na sabi ni Analyn sa lalaki.Panay-panay ang tulo ng mga luha niya. Sinubukan namang itaas ni Sixto ang isang kamay niya para punasan ang basang pisngi ni Analyn pero hinang-hina na talaga siya. “Ai-Ai… s-sorry…”Hindi makasagot si Analyn, hindi niya alam kung ano ba dapat ang isagot niya sa lalaki