Binuksan ni Anthony ang pintuan ng opisina ni Edward. Nagulat siya na sa halip na si Edward ang nakaupo sa silya niya ay isang babae ang naroroon. Napahinto sa pagpasok si Anthony nang hindi napansin ng babae ang pagbukas ng pintuan dahil hindi man lang ito nag-angat ng tingin mula sa librong binabasa niya na nakalapag sa ibabaw ng mesa. Dinig na dinig ni Anthony ang malakas na pagbabasa nito at linya per linya.Ngayon lang nakita ni Anthony ang babaeng ito. Hindi siya kagandahan, pero habang matagal mo na siyang tinitingnan parang may malakas siyang dating na aura na ayaw mo ng ihiwalay ang titig mo sa mukha niya. Pilit na binawi ni Anthony ang tingin niya sa babae at saka kinatok niya ang nakabukas ng pintuan, bakasakaling makuha niya ang atensyon ng babae. Huminto nga ang babae sa pagbabasa at nag-angat ng mukha. Bahagya pa siyang napatulala ng nakita niya si Anthony. Pero agad din siyang nakabawi. Mabilis siyang tumayo at saka tinanong si Anthony. “Sino sila? Sino ang hinahan
Bumukas na ang elevator, pasakay na sana si Anthony ng may tumawag sa pangalan niya mula sa likuran. “Sir Anthony!” Nilingon ni Anthony ang boses, at nakita niya si Ailyn na halos takbuhin ang kinatatayuan niya. May dala itong folder. “Pinapabigay ni Sir Edward,” sabi ni Ailyn nang makalapit na kay Anthony. Isang tango lang ang isinagot ni Anthony sa kanya at saka nagpatuloy na sa pagsakay. PAGKASAKAY ni Anthony sa sasakyan niya, agad niyang ibinigay ang folder na dala kay Karl. “Dalhin mo ito sa Business Inquirer, iabot mo kay Brittany.” Tumango lang si Karl at saka pinaandar na ang sasakyan. “Saan kita ihahatid, boss? Sa DLM o sa Grace Village?” “To where is my home.” Tumango lang si Karl. Iisang direksyon lang naman ang opisina ng Business Inquirer at ang Grace Village. Malapit na lang ang tinitirhan ng amo sa pupuntahang gusali ng kumpanya. Nang nakarating na sila sa harap ng gusali ng Business Inquirer, si Karl na lang ang bumaba sa sasakyan. Naiwan si Anthony sa loob
“Saan ka namin ihahatid?” tanong ni Anthony kay Brittany nang tumatakbo na ang sasakyan. “Uhm… under renovation pa kasi ‘yung tinitirhan ko rito…” “Hindi ka na ba umuuwi sa bahay n’yo?” Nag-iwas ng tingin si Brittany. “Medyo malayo din kasi. Mas komportable kung malapit lang din sa Business Inquirer ang uuwian ko.”“Karl, idiretso mo sa Green Valley.” “Yes, boss.”Pagkadating sa bahay ni Anthony sa Green Valley, binuksan ng lalaki ang pintuan at pinatuloy si Brittany. “May mabilis lang akong idi-discuss sa ‘yo,” sabi ni Anthony sa babae. Nasa sala sila ng bahay nun.“Okay.” Ipinatong ni Anthony ang laptop niya sa center table. “By the way, eto ang mga susi dito sa bahay,” sabay abot ni Anthony ng bungkos ng susi kay Brittany. Pilit na initago ni Brittany ang sayang nararamdaman habang inaabot mula kay Anthony ang nakabungkos na susi. Gustong-gusto niya talaga ang bahay na ito ni Anthony, at ngayon ay sa kanya na muna ang bahay na ito.“Here…” May binuksang file si Anthony s
Nag-ring ang telepono ni Anthony. [“Ang tagal mo namang umuwi.”]“Miss me already?” nakangiting tanong ni Anthony sa kausap. Umirap si Analyn sa hangin. [“Hindi kaya. May itinuro kasing bagong putahe sa akin si Manang Edna. Gusto kong ipatikim sa ‘yo.”]“Ayoko. Iba ang gusto kong tikman.”[“Huy!”]Tumawa si Anthony. Parang nai-imagine na niya ang itsura ng mukha ni Analyn ngayon. Paniguradong pulang-pula ang mukha nito ngayon dahil sa panunukso niya rito. [“Ano na? Uuwi ka na ba o hindi pa?”]Muling natawa si Anthony sa tono ng boses ni Analyn, mukhang inis na ang asawa. "Ayaw mong tikman ko 'yun?" ["Ha? Ano 'yun?"]"In denial."["Pauwi ka na ba kasi o hindi pa?"]Muling narinig ni Anthony ang inis sa boses ng asawa. Napangiti siya. Nagtagumpay siya sa pang-aasar dito.“Pauwi na. Malapit na ko.”[“Yehey!”]NANG dumating si Anthony sa bahay, agad siyang sinalubong ni Analyn. “Ang tagal mo namang dumating!” nakasimangot na sabi nito, “tara na, bilis!”Ni hindi na nakuhang sumagot
Araw ng contract signing sa pagitan ng Business Inquirer at DLM Group. Nagtataka si Brittany kung bakit wala sa eksena si Anthony. Sa halip, ang sekretarya nito ang ipinadala niyang representante ng DLM.Nasa labas lang si Anthony. Nasa loob ng sasakyan niya at naghihintay na matapos ang contract signing. Nasa isang tabi lang si Brittany, nakamasid sa contract signing. Hindi siya makapagsalita para sa mga taga-Business Inquirer. Siya ang dahilan kung bakit napasok ng DLM ang kumpanya. Hindi naman kasi niya akalain na magiging dehado ang B.I. Akala niya ay mahahawakan niya sa leeg si Anthony at masusunod ang gusto niyang mga kundisyon. Dahil dito, napatunayan ni Brittany na si Anthony ay si Anthony. Isang negosyante.Natapos na ang contract signing at lumabas na ang sekretarya ni Anthony sa naghihintay nitong sasakyan. Mabilis na pinaandar na ni Karl ang sasakyan, at habang nasa biyahe, inireport ng sekretarya kay Anthony ang mga nangyari sa contract signing. Tapos na ang pagre-r
Nang umuwi si Anthony, tulog na si Analyn. Pinagmasdan niya ang natutulog na mukha nito. Naiisip pa lang niya na may minahal siyang iba ay nag-iinit na ang ulo niya. Maingat ang naging mga pagkilos ni Anthony. Ayaw niyang magising pa ang asawa. Malalim na ang gabi at ayaw niyang mapuyat ito. Kilala niya ang asawa, kahit mapuyat ito, gigising pa rin ito ng maaga para pumasok sa opisina niya. KINABUKASAN, nagising si Anthony na wala na si Analyn sa tabi niya. Agad siyang bumangon para hanapin ito. Natagpuan niya ito na nag-almusal na. Pero ng lapitan niya ito para sana saluhan sa pag-aalmusal, bigla itong tumayo at binitbit na ang bag. “Hey! Galit ka ba?” tanong ni Anthony. Nakasimangot na nilingon siya ni Analyn.“Hindi ka tumupad sa pangako mo kahapon na susunduin mo ako sa bahay ni Lolo Greg.” Biglang lumambot ang mukha ni Anthony. “Sorry, bigla kasing nag-imbita si Raymond. Birthday niya. Naparami ang inom ko.” Hindi na siya sinagot ni Analyn at tinalikutan na siya. “Analyn!
Lumapit si Damian sa tatlong bagong dating, pero na kay Jiro ang atensyon niya. Nang nasa harapan na siya nung tatlo, sinabihan niya si Jiro. “Sumama ka sa akin sa kuwarto.” Pagkatapos nun ay tumalikod na si Damian.Nagkatinginan iyong tatlo. Pero agad ding sinenyasan ni Anthony si Jiro na sumunod na kay Damian sa kuwarto. Kinuha niya mula kay Jiro ang mga bitbit na pinamili. “At bakit ka nandito, Tonton?” tanong ni Greg sa apo. Ngumiti si Anthony sa lolo. “Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng magpunta rito? Bakit ayaw mo akong pumunta rito eh Papa ni Analyn ang nakatira rito sa bahay na ‘to?” Nagkibit-balikat si Greg. “Sabagay, ganyan naman talaga dapat ang ginagawa ng isang mabuting son-in-law.” Pagkatapos ay nilingon niya si Analyn. “Tinuruan mo sigurong magsipsip sa Papa mo ang mokong na ito, ano?”Namula ang pisngi ni Analyn. “Ha? Hindi po, ‘Lo. Nagulat na nga lang ako na kasabay ko siyang dumating sa labas.” “Ayaw mo ba talaga ako rito, ‘Lo? Ipagluluto ko pa naman kayo.” Itinul
Maghapong hindi makapagtrabaho si Analyn. Wala siyang ginawa kung hindi tingnan at sundan ng tingin si Elle sa opisina. Napansin naman iyon ni Elle ng lumaon. “Ano ba, Analyn? Ano ba’ng iniisip mo? Parang ako na lang ng ako ang binabantayan mo maghapon. Okay lang ako. See? Look. Eto, oh. Nakatayo lang ako rito, oh,” reklamo ni Elle.Naihilamos ni Analyn ang palad niya sa mukha niya. “Haist, Elle! Hindi ko alam kung paano’ng gagawin ko sa ‘yo? Kanina pa ako nag-iisip ng paraan para mabawi kita sa asawa mo. Aba, Elle…. Kapag may nangyari sa ‘yo, hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin itong Blank mag-isa.”“Ang advance mo namang mag-isip.” Naglakad si Elle palapit sa mesa ni Analyn. “May pa-dinner ang officials ng North City Business project natin. Kailangan nating magpadala ng representative. Alam ko, originally, trabaho ko iyon. Pero alam mo namang hindi ako pwedeng–” “Oo na, ako na,” sambot ni Analyn. “Uy… galit ka ba?” Napabuntong-hininga si Analyn. “Naiintindihan ko naman, E
Naunang bumaba ng sasakyan si Analyn, kasunod niya sa likuran si Anthony. Lahat ng madaanan nilang mga empleyado ay sabay silang binabati. Pagdating sa palapag ng President’s Office, wala pa ni isang staff ang nandoon pero naroroon na si Ailyn. Nasa loob na siya ng opisina ni Athony at ginagawa na ang trabaho niya. Nang narinig niya ang pagbukas ng pintuan, nag-angat agad siya ng tingin. Malapad ang ngiti niya dahil alam niyang dumating na si Anthony. “Tonton!” Pero agad na napawi ang ngiti niya ng nakita niya ang pagmumukha ni Analyn. “A- Miss Analyn…”Ngumiti si Analyn kay Ailyn. “You’re so early. Mukhang swak na swak ka talaga sa posisyon mo rito sa opisina ni Anthony.”Sinulyapan ni Ailyn si Anthony, tila ba humihingi ito ng tulong sa lalaki. Eksakto naman na may dumating na isang opisyal ng DLM Group na may dala-dala g dokumento. “Boss Anthony, mabuti nandito ka na. May nakalimutan kang pirmahan dun sa bagong project natin, kailangan na itong dalhin ngayon sa munisipyo.”T
20th floor. Sa condo unit ni Elle. Doon tumuloy si Analyn mula sa bahay ni Anthony. “Kanina, ipinatawag ni Papa Sixto ‘yung tatlong anak para hatiin na sa kanila ‘yung shares niya.”Nagulat si Analyn sa sinabi ni Elle. Nabasa naman ni Elle sa mukha ni Analyn na gusto nitong malaman ang dagdag na impormasyon pa kaya sinabi na niya. “20% kay Alfie, 15% kay Ate Brittany at 10% kay Ate Ailyn.” Lalong nagulat si Analyn. “Bakit pinakamalaki kay Alfie?” “Ang isa pang nakakagulat, kanina, may nagpuntang pulis sa bahay ng mga Esguerra. Kinuwestiyon sila isa-isa. Galit na galit ang matanda. Ikaw ba ang may pakana nun?”Napangiti si Analyn sa narinig. “Magaling si mamang pulis, ha… pagagawan ko nga siya ng tarpaulin, tapos ibabalandra ko roon sa police station nila.”“Sira!”Tumawa lang si Analyn. “Napapansin ko, lagi ka ng masaya ngayon.”“Hindi na kasi ako pinagbubuhatan ng kamay ni Alfie.”“Talaga ba? Himala yata? Nag-therapy ba siya?”“Natulungan ko siya sa isang project, tuwang-tuwa a
Samantala, tila naman napako na si Analyn sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan at hindi na niya nakuhang makababa. Nakatingin lan siya sa dalawang taong na nasa harapan ng bahay ni Anthony. Gusto na niyang bawiin ang tingin niya, pero hindi niya magawa kahit nasasaktan na siya. Mahal na niya kasi, kaya ramdam na niya ang sakit. Ngayon lang niya na-realize na ganun na pala kalapit sa isa’t isa sila Anthony at Ailyn. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang magtiwala kay Anthony, lalo na kung wala siya sa paligid nito.Habang papalapit si Anthony sa sasakyan na kinalululanan ni Analyn, mataman lang siyang nakatingin sa asawa. Nang huminto ito sa tapat ng bintana kung saan siya nakaupo at kinatok ang salamin, hindi pa rin siya natinag. Kahit na hindi nakikita ni Anthony ang sakay ng sasakyan dahil sa madilim na tint, alam niya sa puso niya na si Analyn ang nasa loob nito. “Analyn.” Ngayon ay may kasama ng pagtawag ang ginawa niyang pagkatok sa bintana. Huminga muna ng malalim si Analyn at
Malakas na itinulak ni Analyn si Anthony.“Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagtatrabaho na si Ailyn sa kumpanya mo?!”“Alam mo na ngayon.”“Huwag kang pilosopo!”“This is the reason why I didn’t tell you. Kapag sinabi ko, magagalit ka rin naman.”“Mahal mo na ba siya?!”Pumikit si Anthony, at saka hinilot-hilot ang pagitan ng mga kilay niya.“Na-inlove ka na talaga sa kanya?” hindi makapaniwalang tanong uli ni Analyn. Nilapitan niya si Anthony at saka hinila ang kamay nito para mapilitan siyang magdilat ng mga mata at tingnan siya.“Analyn…”“Sagutin mo ko, Anthony!”Hinila ni Anthony si Analyn palapit sa kanya. “Isa lang ang Mrs. De la Merced sa buhay ko.”Niyakap ni Anthony si Analyn at saka hinalikan ang buhok nito. Pilit namang humihiwalay sa kanya ni Analyn. “Pero maraming babae.”Pilit namang ibinalik ni Anthony ang asawa sa pagkakayakap. “No. Wala. Kahit isa.”Hinuli ni Anthony ang mukha ni Analyn at saka ito pilit hinalikan sa mga labi. Kahit anong piglas ni Analyn ay hind
Nang itulak ni Analyn ang pintuan ng opisina ni Anthony, nakita niyang nakaupo si Anthony sa mesa nito habang may pinipirmahang mga dokumento habang nakayukong nakaalalay dito si Ailyn, para ilipat ng pahina ang mga pinipirmahan ng aawa. Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa. Konting galaw pa siguro at mahahalikan na nila ang isa’t isa. “Kailan ka pa nagpalit ng sekretarya? Hindi ako na-inform na wala na pala rito ang dati mong sekretarya,” tanong ni Analyn pagkakita sa dalawa. Bahagyang nagulat si Anthony, pero hindi siya nagpahalata. “Analyn, ano’ng ginagawa mo rito? Ipinagbilin ko sa bahay na huwag kang paalisin.”Agad na tumayo si Anthony para salubungin si Analyn. “Bakit? Para hindi ko malaman itong sikreto n’yo?” Tumuwid ng tayo si Ailyn. Kalmado lang itong ngumti kay Analyn. “Miss Analyn, nandito ako as assistant ni Tonton. Ito kasi ang gusto ni Papa.” Matalim na tinitigan ni Analyn si Ailyn. Nakaramdam naman ng takot si Ailyn kaya lumipad ang tingin niya kay Anth
Nanginginig ang buong katawan ni Analyn habang ikinukuwento kay Anthony ang nangyari. Takot na takot pa rin siya, at tanging si Anthony lang ang makakapagtanggal ng takot niya. Hinagod ni Anthony ang likuran ni Analyn. “Itinawag mo na kamo sa pulisya, di ba? Dapat may resulta na ang imbestigasyon nila ngayon.” Umiling-iling si Analyn. “Hindi, Anthony. Masama ang kutob ko. Malakas ang paniniwala ko na hindi basta-bastang pagkawala ito. Malakas ang kutob ko na may kumuha sa Papa ko.”“Shh… huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Malapit na tayo sa dating bahay niya. Baka nandun lang siya.” “Sana nga, Anthony. Sana nga…”NANG dumating sila Anthony at Analyn sa dating bahay ni Damian, walang senyales na galing doon si Damian. Saradong-sarado ito, at naka-lock ng padlock ang pintuan sa labas. Imposibleng makapasok si Damian doon.“Wala siya rito, Anthony. Ano’ng gagawin natin?”Dinukot ni Anthony ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon at saka tumawag sa bahay. Pero wala pa rin d
“Kapag dumating siya riyan, pakitawagan agad ako.”[“Opo.”]Gustong-gusto ng magpunta ni Analyn sa istasyon ng pulis, pero nag-aalala siya na baka biglang dumating naman doon si Damian at hindi siya makita. Naisipang niyang tumawag na lang muna sa hotline ng pulisya. Mabilis namang may sumagot kay Analyn. Ipinaliwanag niya ang sitwasyon niya. “Sir, tulungan n’yo naman akong ma-view ang mga CCTV footages sa malapit sa area.”Mga ilang minuto lang ay may dumating ng apat na pulis. Pagkatapos magpakilala kay Analyn, nagkanya-kanyang lakad ang mga ito para puntahan ang mga bahay, establishimyento at barangay na malapit sa lugar. Pero halos sabay-sabay din silang bumalik na may malungkot na balita.Lahat ng CCTV sa paligid ay sira kaya wala silang nakuhang recording.“Imposible!” namamanghang sabi ni Analyn. “Totoo po, Mam. Nasira siya magda-dalawang oras na ang nakaraan,” sabat ng isang may-ari ng isang establishimyento na sumama roon sa pulis. “Itinawag namin siya agad sa provider, p
[“Ah, sa Secretary’s Office po ito. Nasa meeting po si Sir Anthony.”]Saka lang nakahinga ng maluwag si Analyn. “Pagkatapos ng meeting niya, pakisabing tawagan ako.”[“Okay.”]Pagkababa niya sa tawag ay may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Dumungaw doon si Damian.“Ano ba, Analyn? Tanghali na. Ang sabi mo, dadalhin mo ako sa tabing-dagat?” iritableng sabi nito.“Si Papa, parang bata… eto na nga, oh. Gising na ko.”Sumimangot si Damian. “Nangako ka kaya!”Tinawanan siya ni Analyn. “Oo na. Magbibihis lang ako.”SA isang malapit na resort dinala ni Analyn ang ama. Maaga pa lang, pero marami ng tao roon. Biglang naalala ni Analyn na weekend nga pala ng araw na iyon, at maaaring iyon ang dahilan. Tila naman masayang-masaya si Damian sa lugar. Pansin ni Analyn na tuwang-tuwa ang ama sa maraming tao na lugar. Naupo si Damian sa tabing-dagat at hinayaan na mabasa ng tubig-dagat ang mga paa niya. Nakatanaw siya sa malayong bahagi ng dagat habang tipid na nakangiti. “Analyn, naaalala mo ba n
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na