Share

249 - HER PAST

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-03-18 13:00:10

Nang umuwi si Anthony, tulog na si Analyn. Pinagmasdan niya ang natutulog na mukha nito. Naiisip pa lang niya na may minahal siyang iba ay nag-iinit na ang ulo niya.

Maingat ang naging mga pagkilos ni Anthony. Ayaw niyang magising pa ang asawa. Malalim na ang gabi at ayaw niyang mapuyat ito. Kilala niya ang asawa, kahit mapuyat ito, gigising pa rin ito ng maaga para pumasok sa opisina niya.

KINABUKASAN, nagising si Anthony na wala na si Analyn sa tabi niya. Agad siyang bumangon para hanapin ito. Natagpuan niya ito na nag-almusal na. Pero ng lapitan niya ito para sana saluhan sa pag-aalmusal, bigla itong tumayo at binitbit na ang bag.

“Hey! Galit ka ba?” tanong ni Anthony.

Nakasimangot na nilingon siya ni Analyn.

“Hindi ka tumupad sa pangako mo kahapon na susunduin mo ako sa bahay ni Lolo Greg.”

Biglang lumambot ang mukha ni Anthony.

“Sorry, bigla kasing nag-imbita si Raymond. Birthday niya. Naparami ang inom ko.”

Hindi na siya sinagot ni Analyn at tinalikutan na siya.

“Analyn!
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lourdita Azon
tagal matapos Ng Oras gusto Kuna mabasa next epe.i like this story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I SECRETLY WED the BOSS   384 - CHILI

    Dahan-dahang inangat ni Analyn ang isang kamay at saka hinawakan ang ulo ng aso. Marahan niyang kinamot-kamot iyon. Mahina namang umingit ang aso na tila nagustuhan ang ginagawa sa kanya ni Analyn. “Kumusta naman si Chili?” tanong ni Mercy habang pinagmamasdan ang aso at si Analyn.“Okay naman po siya,” sagot ng kasambahay, peo kagabi po maligalig siya. Parang may gustong puntahan.”“‘Yan si Chili. Lagi kasi kaming nasa biyahe ni Sixto noon. Naaawa ako sa anak ko na nag-iisa lang siyang naiiwan sa bahay. Kaya binili ko si Chili. Mahilig siya sa mga sili kaya Chili ang naging pangalan niya. Pero hindi niya kinakain ang mga sili. Inaamoy-amoy lang niya. May mga tanim kasi kaming sili sa likod-bahay. Lagi niyang pinupuntahan ang mga tanim tapos aamuyin niya hanggang sa magsawa siya.”Ang aso ay bumitaw kay Analyn at saka nahiga sa lapag nang patihaya na tila nagpapakamot ng kanyang tiyan. Kaya naman si Analyn ay bumaba at tumalungko para pagbigyan ang aso.“Kaya lang… mula ng nawala si

  • I SECRETLY WED the BOSS   383 - A CHILD'S PAINTING

    Para maisalba si Analyn, agad na nagyaya na si Mercy sa babae. “Tara na.” Sumunod na si Analyn kay Mercy. Pero bago siya tuluyang lumabas doon ay sinulyapan niya ng tingin si Anthony at Sixto. NAPANSIN ni Analyn na ang bahay ng mga Esguerra ay lubhang malaki. Kakaiba rin ang mga disenyong makikita mo sa loob at labas nito. “Iyong mga nakikita mo, hindi ‘yan ang original design nitong bahay. Pero noong ni-renovate ito, marami akong naging suggestion na mga designs,” komento ni Mercy habang naglilibot sila ni Analyn. “Ibig n’yo pong sabihin, nagde-design din kayo by profession?” Kaya siguro gusto niyang siya ang sumama sa akin sa paglilibot sa bahay nila…Tumango si Mercy. “Oo, pero hindi ako nakatapos ng kurso. Pero iyan ang hilig ko maski noong bata pa ako.”Nagulat naman si Analyn sa pagkakahalintulad nila ni Mercy sa hilig nila.Nasa likod-bahay sila ng napansin ni Analyn ang mga maliliit na mga punong-kahoy doon na may mga kulay puti at pink na mga bulaklak. Napakarami ng mga

  • I SECRETLY WED the BOSS   382 - HOUSE TOUR

    Sa loob ng kuwarto ni Elle, nakahiga na si Analyn habang nasa loob ng banyo si Elle. Wala pa ring tigil ang pag-ulan at tila lalo pa itong lumakas. Matagal-tagal na ring nasa loob ng banyo si Elle at naiinip na si Analyn. Naisipan niyang lumabas muna ng kuwarto.Nilakad ni Analyn hanggang sa dulo ng pasilyo. Pero napahinto siya ng may nakitang bulto ng lalaki sa madilim na parte ng beranda. Babalik na sana siya ng magsalita ang lalaki. “Nasa kanan ang study room ni Papa Sixto, iyon ba ang hinahanap mo?” Pagkasabi ni Edward nun ay lumapit siya kay Analyn.“Bakit ko naman hahanapin ‘yun?” sagot ni Analyn.“Huwag mong sabihin na napadaan ka lang?”“Bakit hindi ka pa natutulog?” sa halip ay sagot ni Analyn sa lalaki.“Kalalabas ko lang mula sa study room ni Papa Sixto, tapos nanigarilyo na ako.” Ininguso pa niya ang pinagtayuan niya kung saan siya nakita ni Analyn.“Bakit? Ano’ng pinag-usapan n’yo?”Ngumisi si Edward. “Bakit mo gustong malaman? Alam mo, bilib ako sa tapang mo. Hindi mo

  • I SECRETLY WED the BOSS   381 - BAKIT KA NANDITO?

    “Pumunta ako para kumustahin ang kalagayan mo. Hindi ba ako welcome?” Bago pa makasagot si Brittany ay narinig nila ang pagbukas ng pintuan kaya sabay-sabay na lumingon doon ang lahat. Iniluwa ng pintuan si Sixto. Tahimik ang lahat habang lumalapit si Sixto sa kama ni Brittany. Napansin ni Sixto si Analyn na naroroon sa kuwarto. Mataman niya itong tinignan pero hindi naman niya kinuwestiyon ang babae. “I’m sorry, anak… patawarin mo ako. Huwag mo ng uulitin ‘yan. Pangako, uunahin ko munang intindihin ka…” Seryosong sabi ni Sixto sa anak ng nasa tapat na ito ni Brittany.Pero matigas ang mukha ni Brittany. Mukhang ayaw niyang tanggapin ang paghingi ng tawad ng ama. “Huwag n’yo muna akong kausapin ngayon. Lumabas na kayo. Lumabas na kayong lahat!” “Ganyan ka katigas? Ayaw mo akong kausapin? Ako na ang nagpapakumbaba sa iyo? Ako na ama mo?”“Naglolokohan lang naman kasi tayo, Papa.”“Brittany!” pagsaway ni Mercy sa anak.Nilingon ni Brittany si Mercy, walang makikitang emosyon sa mu

  • I SECRETLY WED the BOSS   380 - GISING NA SI BRITTANY

    Naputol ang pag-iisip ni Analyn ng may kumatok sa pintuan. Tumayo si Elle para buksan ang pinto. Isang kasambahay ang nasa labas nun. “Mam Elle, nagpahanda po ng hapunan ang senyora. Sabay-sabay na raw kumain. Pati si Miss Analyn pinapa-imbitahan ni Senyora sa hapunan.”Nilingon ni Elle si Analyn. “Tara?” Tumango naman si Analyn. Pagdating nila sa kainan ay naroroon na ang lahat ng pamilya Esguerra pati na si Anthony, maliban kay Sixto. Sa kabisera nakaupo si Mercy at nasa magkabilang tabi niya sila Ailyn at Alfie. Katabi naman ni Ailyn si Anthony. May bakanteng upuan sa pagitan nila Alfie at Edward kaya doon naupo si Elle. Wala ng pagpipilian si Analyn kung hindi ang maupo sa tabi ni Anthony. Napansin pa niya ang bahagyang pagsimangot ni Ailyn sa pag-upo niya.Mula ng pumasok sila Analyn at Elle sa dining room hanggang sa paglalakad ni Analyn papunta sa upuan niya ay nakasunod ng tingin sa kanya si Mercy. “Akala ko kanina ay nakaalis ka na, Analyn. Nagulat ako ng sabihin ng kasa

  • I SECRETLY WED the BOSS   379 - ROOF TOP

    Binitiwan ni Anthony ang mga labi ni Analyn, at saka ito pinatalikod sa kanya. “A-Anthony!” pagtawag ni Analyn sa lalaki, “ano’ng binabalak mo?” Bahagyang kinabahan si Analyn, meron siyang naiisip na posibleng gawin ni Anthony ngayon. Nang pilit na itinaas ni Anthony ang ibabang bahagi ng bestida niya at hawakan ang garter ng panloob niya, doon na niya natiyak ang nasa isip niya.“Anthony! Hiwalay na tayo, ano ka ba?!” saway ni Analyn habang pilit nilalabanan ang pagbababa ni Anthony sa panloob niya. Narinig pa ni Analyn ang pagtunog ng bakal ng sinturon ni Anthony. “Para sa akin, asawa pa rin kita.” Pagkasabi nun ay naramdaman na ni Analyn ang pagpasok ni Anthony sa kanya. Napakagat-labi na lang si Analyn. Gustuhin man niyang sawayin pa si Anthony, pero lubha siyang marupok pagdating sa lalaking ito. “Nasaan si Anthony?” Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Kilala niya ang boses na iyon. Si Edward! Bumalik na siya! Humigpit naman bigla ang pagkakahawak ni Anthony sa magkabila

  • I SECRETLY WED the BOSS   378 - REVENGE IN MY BEHALF

    Nang dumating sila Elle at Analyn sa bahay ng mga Esguerra, marami ng sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay hanggang sa labas ng gate. Maaaring sasakyan ng mga doktor o mga kapamilya ng mga Esguerra. Pero ang nakatawag ng atensyon ni Analyn ay ang sasakyan ni Anthony. Dumiretso sila sa isang kuwarto. Malaki iyon, pero hindi alam ni Analyn kung personal na kuwarto iyon ni Brittany o isa sa mga guest room at ipinagamit lang muna kay Brittany dahil malaki ito at nasa bungad lang. Ang unang nakita ni Analyn sa loob ay si Mercy na nakaupo sa tabi ng tila wala pang malay na si Brittany. Nasa kabilang panig naman ng kama si Anthony na may ibinubulong sa katabing si Ailyn. Si Alfie naman na nakasandal sa gilid ng pintuan ay agad na napatuwid ng tayo ng nakita si Analyn na kasunod ni Elle. “Bakit mo isinama rito ‘yang babaeng ‘yan?” Dahil sa pagkakasabi nun ni Alfie ay napalingon ang lahat sa gawi ni Analyn. Matamang tinitigan ni Anthony ang dating asawa."Ipinag-drive ako ni Analyn p

  • I SECRETLY WED the BOSS   377 - SI ERIC ANG NAG-IISANG TAGAPAGMANA

    Sa pagbalik ni Analyn sa Tierra Nueva, kumuha siya ng maliit na apartment para may matuluyan siya. Nag-concentrate din siya sa kumpanya niya. Inayos niya ang lahat ng project at iniwan niya kay Michelle ang pangangasiwa muna sa Blank. Si Anji ang PIC sa mga proyekto ng DLM Group. Pinili niya na mag-concentrate muna siya sa pagsubaybay sa mga Esguerra.Tinitingnan niya ang litrato nila Anthony at Ailyn sa social media ng dumating si Elle. “Hindi ako nahirapang hanapin itong apartment mo, pero aanhin mo naman ito? Hindi naman kita pina-alis dun sa condo ko. Isa pa, ang laki namang di hamak nun kumpara mo rito.”Pilit na ihiniwalay ni Analyn ang tingin niya sa larawan nila Anthony, na halos magkalapit na magkalapit sa isa’t isa at para sila talagang may relasyon na kung pagbabasehan ang larawan. Ang sabi pa sa article ay namanhikan na si Anthony at pinag-uusapan na ang kasal ng dalawa.Umusod si Analyn sa inuupuang sofa para magbigay ng espasyo kay Elle. “Nakakahiya na sa ‘yo. Pakiramd

  • I SECRETLY WED the BOSS   376 - RETOKE

    Pagkalabas ni Analyn sa airport, agad niyang tinawagan si Elle. Pero pinapatayan siya ng tawag niro. Kaya nagpadala na lang siya ng mensahe rito. To: ElleNasaan ka? May ipapakisuyo sana ako sa ‘yo.Nasa sasakyan na si Analyn ng sumagot si Elle. From: ElleBusy ako. I-message mo na lang kung ano ang sasabihin mo. Or puntahan mo ako ngayon dito sa Grand Hotel kung urgent. Doon nga nagpunta si Analyn sa sinabing lugar ni Elle. Pagbaba ni Analyn sa sasakyan niya ay may tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Jean na kabababa lang din ng sasakyan. “Jean! What a coincidence?”Lumingon si Jean sa paligid. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Analyn. ‘“Ikaw lang mag-isa?”“Oo. Bakit?”“Sikat na sikat ka na. Kasing-sikat ka na ng mga artista. Hindi ka ba natatakot na mapictyuran ka rito?”Ngumiti si Analyn. “Nandito ka naman. Lagi ka namang may paraan para ma-protektahan ako, hindi ba?”Kahit mismo si Analyn ay nagtataka. Hindi sila matalik na magkaibigan ng babae, at b

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status