/ Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 324 - LIPAT BAHAY

공유

324 - LIPAT BAHAY

작가: Cristine Jade
last update 최신 업데이트: 2025-04-21 21:31:38

Nakahinga ng maluwag si Analyn ng nakita niya ang Papa niya at si Jan na magka-usap sa labas ng clinic nito.

Naramdaman siguro ng dalawang lalaki ang presensiya niya dahil sabay itong lumingon sa direksyon niya.

Agad na ngumiti si Damian kay Analyn.

“Etong si Analyn, masyadong nag-aalala sa akin. Hindi naman ako mawawala,” sabi ni Damian habang papalapit na si Analyn.

Akmang tatayo si Damian kaya agad itong inalalayan ni Jan.

“Ganun lang talaga ang mga anak. Gusto lang nila masiguro na okay ang magulang nila,” sabi ni Jan habang nakaalalay kay Damian.

Nahihiyang hinarap ni Analyn si Jan.

“Thank you, Doc Jan. Pasensiya na sa abala. Sobrang nag-alala lang talaga ako kay Papa.”

Naiilang naman si Jan kay Analyn kaya hindi niya ito direktang matingnan sa mga mata nito.

“Wala ‘yun. Pasyente ko rin naman si Tito, at natural na magmalasakit pa rin ako sa kanya.” Pagkasabi nun ay inabot ni Jan kay Analyn ang resulta ng mga test ni Damian.

“Okay naman ang mga result niya. Everything is g
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • I SECRETLY WED the BOSS   436 - ANG KATOTOHANAN

    Parehong nagulat ang dalawang lalaki nang narinig nila ang pamilyar na boses na iyon. “Ai! Ano’ng ginagawa mo rito? Umalis ka na rito!”“Analyn! Paano kang napunta rito? Ipinakulong kita para hindi ka maging sagabal dito sa plano ko!”Natuon ang atensyon ni Analyn kay Eric dahil sa sinabi nito.“Alam ko na, Eric. Alam kong ikaw iyon.”Nagsalubong ang mga kilay ni Eric, habang ang baril ay nakatutok pa rin kay Anthony. Dahan-dahang naglakad si Analyn palapit sa kanilang dalawa.“Alam kong gumugol ka ng maraming oras at effort para mapalapit sa akin dahil ang pagkakaalam mo, pinatay ni Papa Damian ang kapatid mo. Eric, inatake siya. Hindi Diyos si Papa Damian. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para isalba ang kapatid mo. Pero nasa itaas na ang desisyon kung hanggang saan na lang ang buhay niya. Naging determinado ka na maghiganti sa doktor. Inisip mo na huwag na rin siyang mabuhay.”Pinipigilan ni Analyn ang pag-iyak niya habang sinasabi niya iyon. Gusto niyang masabi lahat kay Er

  • I SECRETLY WED the BOSS    435 - SANDALI

    “Noong mga panahong iyon, nasa rurok ang mga negosyo natin. Kasikatan nito noon. Aminado ako, sa sobrang abala namin, napapabayaan ka na namin. Kaya laking pasalamat ko kay Anthony at sa Lolo niya, at kahit paano, nagkaroon ka ng sandaling matutuluyan at makakasama noon habang busy kami. Pero si Fer, laging nakadikit sa amin ni Sixto noon.”“Nung nawala ka, ipinadala sa amin ni Fer ang dalawang anak niya. Si Brittany at si Alfie. Para raw malibang kami, hindi kami malungkot ni Sixto. Tapos nangibang-bansa na siya pagkatapos nun at hindi na bumalik dito sa Tierra Nueva mula noon. Ang bali-balita, may kinakasama na siyang lalaki rin doon.”Napamaang si Analyn sa narinig.“At para manatiling sikreto ang tungkol sa dalawang bata, hindi namin ipinagsabi na hindi namin anak sila Brittany at Alfie. Para na rin hindi na maungkat ang totoong katauhan ni Fer. Hanggang sa nasanay na ang mga tao na anak namin ni Sixto ang dalawa.”“Pero kahit kailan ba hindi ninyo pinaghinalaan si– Tito Fer? Na m

  • I SECRETLY WED the BOSS   434 - TEN MILLION

    Hindi namalayan ni Analyn na napalayo na siya sa kalalakad. Nakaramdam na siya ng pagod at nakarating sa isang parke. Minabuti niyang maupo na muna roon. May mga batang naglalaro sa parke at naengganyo siyang manood sa paglalaro nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga impormasyon na nalaman. Nang umalis na ang mga batang naglalaro ay naiwan pa rin si Analyn doon, nakatingin lang sa kawalan. Sakto na may dumating na isang pamilyar na sasakyan at bumaba roon ang lalaking kanina pa nag-aalala kay Analyn. “Ai-Ai!” Saka lang naputol ang mga iniisip ni Analyn. Nilingon niya ang tumawag sa kanya. “Sabi ni Jiro kanina ka pa umalis sa bahay mo. Ano’ng nangyayari?”“Sinusundan n’yo ko?” Alanganin si Anthony kung sasagutin ang tanong ni Analyn. Pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo. “Kailangan. Ayaw na kitang mawala uli.”Si Analyn naman ang hindi nakasagot. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa sa isinagot ng lalaki. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba galit sa akin? Iniiwas

  • I SECRETLY WED the BOSS   433 - PLANADO

    Sa unang pagkakataon, kinailangan ni Analyn na kausapin si Sixto. Nakauwi na ito sa bahay nila at nagpapalakas. “Senyor, nandito po si Mam Analyn,” anunsiyo ng mayordoma ng mga Esguerra. Nagulat man ay sabik na naghintay sila Sixto at Mercy sa pagpasok ni Analyn sa loob ng kuwarto. Nang pumasok na si Analyn sa loob ng kuwarto, hindi malaman nila Sixto at Mercy ang gagawin. Nahihiya sila kay Analyn. Sa anak nila. Kung bakit kasi hindi nila ito agad nakilala nung una pa nila itong nakita. Naglakad si Analyn palapit sa kama kung saan nakahiga si Sixto at nakaupo naman sa tabi nito si Mercy. “A-Anak…”“Huwag po muna nating pilitin. Alam kong mahirap para sa ating lahat ang tanggapin ang kung ano ang totoo. Kaya ako nagpunta rito ay para humingi ng tulong sa inyo. Pwedeng-pwede akong humingi ng tulong kay Anthony, at alam kong hindi siya magdadalawang-isip na tulungan ako. Pero pakiramdam ko, lubog na lubog na ako sa utang na loob sa kanya. At tutal naman, para kay Papa Damian naman an

  • I SECRETLY WED the BOSS   432 - MEDICAL MALPRACTICE

    “Bakit bigla kang nagka-interes sa kanya?” nagtatakang tanong ni Jiro.“Wala lang. Gusto ko lang siyang kumustahin. After all, sa kanya ako lumaki. Hindi man kami naging magkasundo, pero tinatanaw ko pa rin iyon na utang na loob. So ano? Sasamahan mo ba ako sa kanya?” BIGLANG bumalik sa isip ni Analyn ang mga magaganda at mga pangit na alaala niya sa dating lugar nila, kung saan naroroon ang bahay nila Analyn at ng pamilya ni Damian. “Nung nagising si Papa mula sa pagka-comatose, hiniwalayan na niya agad si Mama.” Napahinto sa pagmamasid si Analyn sa mga lumang bahay na narooon. Nilingon niya ang nagsalitang si Jiro. “Wala namang trabaho si Mama, at hindi siya sanay ng nagtatrabaho. Sanay siyang nasa bahay lang. Mula noon, mag-isa lang siyang nakatira riyan. Buwan-buwan ko siyang inaabutan ng pera. Huwag ka sanang magagalit.”“Bakit naman ako magagalit? Nanay mo siya, natural lang na tulungan at arugain mo siya.”“Pero huwag kang mag-alala. Nagbago na siya. Mabait na siya ngayon.

  • I SECRETLY WED the BOSS   431 - DEMENTIA

    Atubiling sumagot si Eric. Kinakabahan na hindi magustuhan ni Analyn ang sagot niya.“Nagkaroon ng aksidente. Na-delay kami.”“Na-delay? Isang sasakyan lang ba ang meron ka? Ang gamit n’yo? Wala ka man lang back-up kung sakaling magka-aberya ka o ang mga tao mo?” Muling nagbuga ng hangin si Eric. “I know… alam ko… may kasalanan ako sa nangyari. Pero siguro naman hindi ko na kailangan pang sagutin ang mga tanong mo. Tapos na! Nangyari na ang dapat mangyari. Naibuko mo na si Ailyn. I mean, si Anna. Okay na ang Papa mong si Sixto, buhay siya. In the future, pwede ka ng–”“Huwag mong dibdibin, Eric. Wala kang kasalanan. Hindi ako dapat naging depende sa kung sino man sa inyong lahat. Laban ko ‘yun. Laban kong mag-isa. Hindi ko na dapat kayo idinamay lahat.” Matamang tiningnan ni Eric si Analyn. Mukha naman itong hindi galit. Kalmado lang siya. “Galit ka ba sa akin? Sabihin mo lang. O kung galit ka sa kung sino man, si Anna– sa akin mo na lang ibuhos ang galit mo. Huwag mong kimkimin.”

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status