Kahit na nakaawang na ng kaunti ang pintuan, hindi pa rin naiintindihan ni Analyn ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Naririnig lang niya ang mga boses ng mga ito, pero hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi nila. Minabuti ni Analyn na umalis na sa kinatatayuan niya, tutal naman, wala naman siyang naririnig sa usapan sa loob ng kuwarto. Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Jean. Naupo siya roon at saka muling nag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan niya pero hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang at iwanan na ang lugar na iyon. Tumayo na si Analyn at saka tinungo ang pintuan. Sakto naman na pagbukas niya ng pintuan ay sakto rin na bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila Anthony. Biglang naisara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya sa takot na makita siya ni Anthony o ni Greg. Nakiramdam si Analyn habang nakasara ang pinto. Nang sa ting
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Kasabay ng gulo ng isip ay ang takot na nararamdaman ni Analyn. Litong-lito na ang isip niya. Muli siyang napatingin sa mukha ni Edward at saka napatanong sa sarili. Ano’ng ginagawa nila ni Edward sa kuwarto na iyon? Nagpalipas silang dalawa roon ng buong gabi ng hubo’t hubad?Pinilit niyang alisin sa isip niya ang ideya na ayaw niyang tanggapin. Hindi pwedeng mangyari ang naisip niyang iyon. Ipinilig ni Analyn ang ulo niya at saka inabot ang kumot sa may paanan niya. Itinakip niya iyon sa katawan, pagkatapos ay hinawakan niya ang mukha ni Edward para gisingin ito. “Edward! Edward!” Bahagya niyang tinapik-tapik ang pisngi nito. Niyugyog na rin niya ng bahagya ang lalaki para mas sigurado siyang magigising ito. Pero nakakapagtakang ni hindi man lang gumalaw ni ang talukap ng mga mata nito. Talagang nakakapagtaka, dahil sa pagkakakilala ni Analyn sa lalaki ay magaan lang itong matulog. Pero bakit ngayon ay parang sobrang lalim ng tulog nito? At paano’ng nandito ang lalaki? Sa pagka
Hindi na mapakali si Anthony. Kanina pa siya hindi matapos-tapos sa pag-iisip kung nasaan na si Analyn. Iniisip din niya kung sino ang posibleng mga kaaway niya, pero si Analyn ang tinarget dahil alam nilang siya ang kahinaan niya. “I-check n’yo si Edward!” galit na utos niya sa mga tauhan niya. Alas-otso na ng umaga nun ng sumunod na araw pagkatapos ng araw ng kanyang kapanganakan. Halos lahat ng tauhan niya ay nakakaramdam na ng takot, dahil alam nilang maaari silang pagbuntunan ng frustration at galit ng amo dahil sa hindi nila makita ang asawa nito.Pero bago makaalis ang mga tauhan niya, may dumating na rider sa gate. “Delivery po para kay Mr. Anthony De la Merced.” Agad na kinuha iyon ng isang tauhan ni Anthony. Binusising mabuti para i-check kung ligtas bang hawakan ng Presidente ng DLM. Nang napasakamay na ni Anthony ang envelope, agad siyang nakaramdam ng kaba pero pilit niyang binabale-wala ang tumatakbong ideya sa isip niya. Agad na nakilala ni Anthony ang sulat-kamay
Pagkaraan ng ilang minuto pagkatapos lumabas ng opisina ni Anthony si Ailyn, muling pumasok si Anthony sa loob ng opisina niya. Dumiretso siya sa upuan niya kung saan nakaupo si Analyn, at saka niyakap ang asawa. “Satisfied?” tanong ni Anthony sa asawa. Tinampal ni Analyn ang kamay ni Anthony na nakapatong sa dibdib niya. “Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Ano? Satisfied ka na ba na nalinis ko na ang kalat na ibinigay sa iyo ni Sixto Esguerra?” inis na sagot ni Analyn.Nakangiting hinalikan ni Anthony si Analyn sa pisngi nito. “Ako na naman ang kontrabida nito,” dagdag pa ni Analyn.Hindi naman kasi talaga gusto ni Anthony na maging assistant niya si Ailyn, pero hindi siya maka-hindi kay Sixto. Nang biglang may naalala si Analyn. “Wala ka pa bang balita kay Papa? Ano ng nangyari? Gustong-gusto ko na siyang makita.”“Wala pa, pero hindi naman tumitigil ang mga tao ko na maghanap at humanap ng leads. Aalis muna ako bukas. May importante lang akong investor na kailangang i-meet. Ok
Naunang bumaba ng sasakyan si Analyn, kasunod niya sa likuran si Anthony. Lahat ng madaanan nilang mga empleyado ay sabay silang binabati. Pagdating sa palapag ng President’s Office, wala pa ni isang staff ang nandoon pero naroroon na si Ailyn. Nasa loob na siya ng opisina ni Athony at ginagawa na ang trabaho niya. Nang narinig niya ang pagbukas ng pintuan, nag-angat agad siya ng tingin. Malapad ang ngiti niya dahil alam niyang dumating na si Anthony. “Tonton!” Pero agad na napawi ang ngiti niya ng nakita niya ang pagmumukha ni Analyn. “A- Miss Analyn…”Ngumiti si Analyn kay Ailyn. “You’re so early. Mukhang swak na swak ka talaga sa posisyon mo rito sa opisina ni Anthony.”Sinulyapan ni Ailyn si Anthony, tila ba humihingi ito ng tulong sa lalaki. Eksakto naman na may dumating na isang opisyal ng DLM Group na may dala-dala g dokumento. “Boss Anthony, mabuti nandito ka na. May nakalimutan kang pirmahan dun sa bagong project natin, kailangan na itong dalhin ngayon sa munisipyo.”T
20th floor. Sa condo unit ni Elle. Doon tumuloy si Analyn mula sa bahay ni Anthony. “Kanina, ipinatawag ni Papa Sixto ‘yung tatlong anak para hatiin na sa kanila ‘yung shares niya.”Nagulat si Analyn sa sinabi ni Elle. Nabasa naman ni Elle sa mukha ni Analyn na gusto nitong malaman ang dagdag na impormasyon pa kaya sinabi na niya. “20% kay Alfie, 15% kay Ate Brittany at 10% kay Ate Ailyn.” Lalong nagulat si Analyn. “Bakit pinakamalaki kay Alfie?” “Ang isa pang nakakagulat, kanina, may nagpuntang pulis sa bahay ng mga Esguerra. Kinuwestiyon sila isa-isa. Galit na galit ang matanda. Ikaw ba ang may pakana nun?”Napangiti si Analyn sa narinig. “Magaling si mamang pulis, ha… pagagawan ko nga siya ng tarpaulin, tapos ibabalandra ko roon sa police station nila.”“Sira!”Tumawa lang si Analyn. “Napapansin ko, lagi ka ng masaya ngayon.”“Hindi na kasi ako pinagbubuhatan ng kamay ni Alfie.”“Talaga ba? Himala yata? Nag-therapy ba siya?”“Natulungan ko siya sa isang project, tuwang-tuwa a
Samantala, tila naman napako na si Analyn sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan at hindi na niya nakuhang makababa. Nakatingin lan siya sa dalawang taong na nasa harapan ng bahay ni Anthony. Gusto na niyang bawiin ang tingin niya, pero hindi niya magawa kahit nasasaktan na siya. Mahal na niya kasi, kaya ramdam na niya ang sakit. Ngayon lang niya na-realize na ganun na pala kalapit sa isa’t isa sila Anthony at Ailyn. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang magtiwala kay Anthony, lalo na kung wala siya sa paligid nito.Habang papalapit si Anthony sa sasakyan na kinalululanan ni Analyn, mataman lang siyang nakatingin sa asawa. Nang huminto ito sa tapat ng bintana kung saan siya nakaupo at kinatok ang salamin, hindi pa rin siya natinag. Kahit na hindi nakikita ni Anthony ang sakay ng sasakyan dahil sa madilim na tint, alam niya sa puso niya na si Analyn ang nasa loob nito. “Analyn.” Ngayon ay may kasama ng pagtawag ang ginawa niyang pagkatok sa bintana. Huminga muna ng malalim si Analyn at
Malakas na itinulak ni Analyn si Anthony.“Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagtatrabaho na si Ailyn sa kumpanya mo?!”“Alam mo na ngayon.”“Huwag kang pilosopo!”“This is the reason why I didn’t tell you. Kapag sinabi ko, magagalit ka rin naman.”“Mahal mo na ba siya?!”Pumikit si Anthony, at saka hinilot-hilot ang pagitan ng mga kilay niya.“Na-inlove ka na talaga sa kanya?” hindi makapaniwalang tanong uli ni Analyn. Nilapitan niya si Anthony at saka hinila ang kamay nito para mapilitan siyang magdilat ng mga mata at tingnan siya.“Analyn…”“Sagutin mo ko, Anthony!”Hinila ni Anthony si Analyn palapit sa kanya. “Isa lang ang Mrs. De la Merced sa buhay ko.”Niyakap ni Anthony si Analyn at saka hinalikan ang buhok nito. Pilit namang humihiwalay sa kanya ni Analyn. “Pero maraming babae.”Pilit namang ibinalik ni Anthony ang asawa sa pagkakayakap. “No. Wala. Kahit isa.”Hinuli ni Anthony ang mukha ni Analyn at saka ito pilit hinalikan sa mga labi. Kahit anong piglas ni Analyn ay hind
Nang itulak ni Analyn ang pintuan ng opisina ni Anthony, nakita niyang nakaupo si Anthony sa mesa nito habang may pinipirmahang mga dokumento habang nakayukong nakaalalay dito si Ailyn, para ilipat ng pahina ang mga pinipirmahan ng aawa. Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa. Konting galaw pa siguro at mahahalikan na nila ang isa’t isa. “Kailan ka pa nagpalit ng sekretarya? Hindi ako na-inform na wala na pala rito ang dati mong sekretarya,” tanong ni Analyn pagkakita sa dalawa. Bahagyang nagulat si Anthony, pero hindi siya nagpahalata. “Analyn, ano’ng ginagawa mo rito? Ipinagbilin ko sa bahay na huwag kang paalisin.”Agad na tumayo si Anthony para salubungin si Analyn. “Bakit? Para hindi ko malaman itong sikreto n’yo?” Tumuwid ng tayo si Ailyn. Kalmado lang itong ngumti kay Analyn. “Miss Analyn, nandito ako as assistant ni Tonton. Ito kasi ang gusto ni Papa.” Matalim na tinitigan ni Analyn si Ailyn. Nakaramdam naman ng takot si Ailyn kaya lumipad ang tingin niya kay Anth
Nanginginig ang buong katawan ni Analyn habang ikinukuwento kay Anthony ang nangyari. Takot na takot pa rin siya, at tanging si Anthony lang ang makakapagtanggal ng takot niya. Hinagod ni Anthony ang likuran ni Analyn. “Itinawag mo na kamo sa pulisya, di ba? Dapat may resulta na ang imbestigasyon nila ngayon.” Umiling-iling si Analyn. “Hindi, Anthony. Masama ang kutob ko. Malakas ang paniniwala ko na hindi basta-bastang pagkawala ito. Malakas ang kutob ko na may kumuha sa Papa ko.”“Shh… huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Malapit na tayo sa dating bahay niya. Baka nandun lang siya.” “Sana nga, Anthony. Sana nga…”NANG dumating sila Anthony at Analyn sa dating bahay ni Damian, walang senyales na galing doon si Damian. Saradong-sarado ito, at naka-lock ng padlock ang pintuan sa labas. Imposibleng makapasok si Damian doon.“Wala siya rito, Anthony. Ano’ng gagawin natin?”Dinukot ni Anthony ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon at saka tumawag sa bahay. Pero wala pa rin d