Nagmamadaling bumaba ng jeep si Analyn. Humahangos na tumakbo siya papasok ng ospital. Lahat ng makasalubong niya ay kakaiba ang tingin sa kanya, pero wala siyang pakialam. Kailangan niyang makarating agad sa kuwarto ng Papa niya.
Agad na binuksan ni Analyn ang pintuan ng kuwarto ng Papa niya. Naroroon si Doc Jan at may binabasa sa clipboard na hawak.
“Doc Jan! Ano’ng nangyari?”
Agad na lumingon si Jan sa gawi ng pintuan, para lang magulat kay Analyn.
“Bakit ganyan ang mukha mo?”
Napapikit si Analyn. Sa pagmamadali niyang makarating sa ospital ay nakalimutan niyang alisin ang make-up niyang pang-multo, pati na ang suot niyang damit na gutay-gutay ang laylayan at may pa-epek pa ng bahid ng dugo. Kaya pala ganun na lang ang tingin sa kanya ng mga kasama niang pasahero sa jeep, pati na ang mga taong nakakasalubong niya sa koridor ng ospital,
“Sorry. Nakalimutan kong alisin bago ako pumunta rito. Nataranta sako sa tawag mo. Bakit ba?” Sini
Walang balak magsampa ng reklamo si Karla. Unang-una, magagastusan pa siya. Pangalawa, maaabala pa siya.“May araw din kayong dalawa sa akin!” sabi niya kay Analyn at Jan, bago umalis ng ospital.Naiiling na sinundan na lang ng tingin ni Analyn ang papalayong ina-inahan. Wala na yatang pag-asang magbago ang babae.Nang nawala na sa paningin ni Analyn si Karla, hinarap niya si Jan.“Salamat, Doc Jan. Kung hindi mo siya siguro nakita, baka na-refund niya ‘yung advance payment dito sa ospital. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling nangyari ‘yun. Saka mabuti na rin siguro ‘yung nangyari. Iyong pagsampal mo sa kanya. Baka sakaling matauhan siya at makapag-isip-isip.”Ngumiti si Jan. “Kanina ka pa sabi ng sabi ng salamat. Meron sigurong masa magandang paraan para mapasalamatan mo ko.”Tumingin si Analyn sa relo niya.“Tutal naman, hindi na ako makakapasok sa escape room, at tapos na ang duty mo, iti-treat na lan
Pagkatapos kumain nila Analyn at Jan, pinili nilang maglakad na lang pabalik ng ospital. Sabi ni Analyn, para raw matunaw ang kinain nila."Bakit ba kasi kailangan mo pang bumalik ng ospital?”"Duty ko na mamaya, ano ka ba?” natatawang sagot ni Jan."Kawawa ka naman. Nakakaawa iyong mga taong kailangang magtrabaho kapag weekends,” pagbibiro ni Analyn.“Ah talaga? Naaawa ka sa akin?” Huminto si Jan at saka pinisil ang ilong ni Analyn, dahilan para huminto rin ito at piliting alisin ang mga daliri ni Jan sa ilong niya.“Doc Jan, masakit ha.”“Mas nakakaawa ‘yung umeeskapo sa part time job niya. Pera na, naging bato pa,” sagot ni Jan at saka binuntutan ng tawa.Natawa rin si Analyn nang maalala ang ginawa niya kanina.“By the way, kailangan mo pa ba ng bagong part time job? Makakabalik ka pa ba sa Escape Room? Abandonment of duty ang ginawa mo kaya.”Samantala, sa kabilang panig ng kalsada, lumabas si Anth
“What I mean is… if I remember it right, your monthly salary is at least thirty five thousand. Binayaran ko na ang medical expenses ng Papa mo. Nag-advance payment na rin ako sa ospital. Bakit kailangan mo pa ng part-time job?”Nag-iwas ng tingin si Analyn. Nahihiya siyang sabihin kay Anthony ang rason niya.“You see, gusto kong makaipon.”“Makaipon?” ulit ni Anthony.“Makaipon. Kailangan kong maging handa. Kung sakaling dumating na ang panahon na tapos na ang pagiging asawa ko sa ‘yo, hindi pa rin naman matatapos ang mga pasanin ko. Iyong pansamantala mong pinasan para sa akin, babalik na uli sa akin iyon. Sa ngayon, libre ako sa lahat. At salamat sa iyo. Pero pagkatapos ng palabas natin, sagot ko na uli lahat. Bigas, mantika, gasul, patis, toyo, suka, asin, asukal, kape, gatas, at marami pang iba. Aba! Hindi ka siguro aware, pero linggo-linggo, tumataas ang bilihin. Salamat sa inflation.”Tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Analyn at tila hindi siya h
Tulak-tulak ni Anthony ang cart habang naglalakad sa tabi niya si Analyn. Nagulat si Anthony ng bigla itong tumakbo.“Analyn!” tawag niya sa dalaga, “saan ka pupunta?”Nakita niyang dumiretso ang dalaga sa mga lalagyan ng ice cream. Sinundan niya ito roon habang tumitingin ito sa lalagyanan.Parang bata na nakangiti si Analyn habang iniisa-isa ang mga flavor ng ice cream. Ganunpaman, bigla siyang nalungkot ng tingnan niya ang presyo ng bawat isa.Matagal na tumayo roon si Analyn habang naghihintay si Anthony. Mayamaya ay bumalik na si Analyn sa tabi ni Anthony.“Akala ko bibili ka?”Nagkibit-balikat si Analyn, “mahal, eh! Tara na, uwi na tayo.”Hindi kumilos si Anthony. Pinagmasdan niya si Analyn.“Bakit?” tanong naman ni Analyn.Akala ko ba gusto mo ‘yan? Bakit hindi ka kumuha?”Sumimangot si Analyn.“Super mahal. Sayang pera,” pagkatapos ay ngumiti siya, “saka na lang a
Napakamot sa ulo niya si Analyn. Hindi pa rin ba tapos ang issue na ‘yun?“Okay, para matapos na, ikukuwento ko na sa iyo lahat ng nangyari sa akin sa raw na ‘to.”Umayos ng upo si Analyn at saka inumpisahang ikuwento ni Analyn lahat-lahat.“So, ako pala ang puno’t dulo ng nangyari sa iyo maghapon?”Napataas ang isang kilay ni Analyn.“Hala! Bakit ikaw? Hindi ko naman binanggit ang pangalan mo.”“The two hundred thousand.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi niya nang mabanggit ni Anthony ang perang gustong i-refund ng ina-inahan kanina sa ospital.“Last year, pinlano ng DLM na makipag-collaborate sa Luca Capital for expansion, but it was rejected. Ni-reject nila ng hindi pa nila nababasa ang proposal namin. Ang reason nila sa pag-reject, may other plans ang Project Manager ng Luca Capital at iyon ang gagamitin niya para sa job promotion niya.”Nagtaka si Analyn kung ano ang kinalaman ng sinasab
“A rough estimate of more than one hundred thousand ang kabuuang utang ni Jiro ngayon. Wala naman siyang trabaho, saan siya kukuha ng pambayad? Magkano ba ang sahod mo ngayon? Nasa kulang-kulang fifteen thousand a month? Kung pakakasalan mo siya, ilang taon n’yo matatapos bayaran ang mga utang niya?”Mabuting tao si Frances. At alam niyang mahal na mahal nito si Jiro. Ayaw man niyang saktan ang damdamin ng dalaga, walang pagpipilian si Analyn kung hindi sabihin ang totoo rito. Isa pa, ayaw niyang dumagdag pa sa magiging pasanin ni Frances ang Mama niyang si Karla kung sakaling magiging asawa na siya ni Jiro. Sa palagay niya, two birds hitting in one stone itong ginawa niya. Nailigtas na niya ang babae sa pagbabayad ng mga utang ni Jiro, nailigtas pa niya ito sa mukhang pera nilang ina.Nakatulala pa rin si Frances. Tila ina-analisa ang mga sinabi ni Analyn sa kanya.Kumuha si Analyn ng dalawang basong tubig mula sa counter ng coffee shop. Ang isa ay
Pero agad na nawala ang ngiti ni Analyn nang lalapit na siya kay Anthony. Doon niya lang napansin ang masamang tingin nito sa kanya.Awtomatikong napahinto siya sa paglapit sa binata, agad niyang naramdaman na may kakaiba rito ngayon. Mabilis niyang sinulyapan ang kasambahay na nakatayo sa di-kalayuan at saka ito alanganing umiling.Dahil naiintriga, nilakasan ni Analyn ang loob niya para magtanong kay Anthony.“May masama ba akong nagawa, Sir Anthony?”Sa tanong na iyon ni Analyn, lalong tumalim ang tingin ni Anthony sa kanya.“Sige. May ikukwento ka, di ba? Ano’ng ikukuwento mo sa akin? Ikukuwento mo kung saan kayo nag-date nung doktor mo? Kung ano ang kinain n’yo?”Ang excited na itsura ni Analyn ay agad napalitan ng pagkadismaya at inis.“Ano ba’ng problema mo kay Doc Jan? Hindi ba at sinabi ko na sa iyo na magkaibigan lang kami? Bakit kung sitahin mo ako ngayon para bang lumalabas na may relasyon kami at nagkikita kam
Pakiramdam ni Analyn ay hindi husto ang isang basong tubig. Ramdam pa rin niya ang galilt sa dibdib niya, kaya humingi pa siya ng isa pa.Agad niya uli iyong ininom pagkabalik ng kasambahay. Habang iniinom niya ang tubig, muling nagsalita ang kasambahay.“Mam, huwag ka sanang magagalit. Pero sa tingin ko, concern lang si Sir sa ‘yo. Kasi gabi na nga at kargo niya kung anuman ang masamang mangyari sa iyo sa labas. Saka ngayon lang kasi may ibang taong inaalala si Sir. Ilang taon na rin na sarili lang niya ang iniintindi niya. Iyon nga lang, mali ang paraan niya ng pagsasabi nun sa ‘yo.”Nang hindi nag-react si Analyn, inisip ng kasambahay na baka nga nagalit ang dalaga sa sinabi niya.“Maaga kasing umuwi si Sir kanina. At kapag maaga siyang umuuwi, sinasamantala niya iyon para maagang matulog. Kasi alam mo naman na kadalasan, gabi na siya nakakauwi dahil sa trabaho niya. So, since wala ka pa, hindi siya makatulog agad. Ilang beses siya bumaba rito pa
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.