Isang linggo na mula nang nangyari ang insidente ni Analyn. Nagpunta siya sa ospital para up at harinawa ay tuluyan nang alisin ang gasa sa kanyang mukha.“Ano’magpa-checkng itsura ng mukha ko, dok? Nagpeklat ba?”“ peklat. Siyempre, nagurlisan ang balat mo. Imposible na walang mangyayaring pagmamarka sa balat. Pero mababaw lang naman kasi, kaya mawawala rin ang peklat sa katagalan. Huwag mo lang kalimutang i-apply iyong gamot na irereseta ko sa ‘yo para nang maging mawala ang marka.”Ngumiti si Analyn sa narinig pero hindi pa rin mawala ang kaba niya. Habang nagsusulat ng reseta ang doktor, tila may naalala itong bigla na itanong sa kanya.“Iyong nagdala rito s iyo nung nakaraan asawa mo ‘yun?”Natigilan si Analyn. Nakilala ba niya si Anthony? Kapag nagkataon, baka magalit na naman si Anthony sa akin.Isa sa mga napagkasunduan nila ni Anthony na walang dapat makaalam ng kasal nila kung hindi silang dalawa lang.
Kinabukasan, maaga uli umuwi si Anthony. Nagulat na lang si Analyn nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto niya at mabungaran niya si Anthony sa labas nito.“Ano’ng ginagawa mo?”Umiling si Analyn. “Wala. Tinitingnan ang mukha ko kanina, parang hindi ko pa kayang pumasok bukas kasi halata pa ang–”“Magbihis ka ng maganda, sumama ka sa akin ngayon,” putol ni Anthony sa sasabihin pa ni Analyn.“Saan? Ano’ng gusto mong isuot ko?”“Dress. Somewhat formal.”“Pero ang pangit pa ng mukha ko.”“Okay na ‘yan. Be ready in fifteen minutes.” Pagkasabi nun ay tinalikuran na ni Anthony ang dalaga at saka naglakad papunta sa kuwarto niya.“Fifteen minutes?”Narinig iyon ni Anthony at saka huminto sa paglalakad.“Ayaw mo? Kung ayaw mo okay lang,” sabi ni Anthony na hindi na humarap o lumin
Hinabol ni Analyn ang lalaki. Nang maabutan niya ito ay hinawalan niya ito sa braso at saka pilit pinaharap sa kanya. Huminto naman sa paglalakad ang binata at saka hinarap si Analyn.“Hindi uubra iyong mga ganyang kalokohan mo sa akin, Analyn.”Sa halip na matakot o ma-discourage si Analyn sa sinabi ni Anthony, mas lalo niyang inilapit ang sarili sa lalaki. Pati ang mukha niya ay inilapit niya sa mukha ni Anthony. Sobrang lapit, at kapag nagkamaling magsalita pa uli si Anthony ay magdidikit ang kanilang mga labi. Ilang saglit silang nagsukatan ng tingin.Walang gustong magsalita. Nang pilyang ngumiti si Analyn at saka inilayo ang mukha niya kay Anthony. “Tsk! Sayang… akala ko pa naman ay kayang-kaya kong i-seduce si ADLM.”Nagbuga ng hangin sii Anthony, pagkatapos ay hinila ang laylayan ng coat nna para bang umaktong inayos niya ang suot. “Nagbago na ang isip ko, maiwan ka na lang dito,” seryosong sabi niya kay Analyn.Napamaang si Analyn. Bigla siyang nagsisi sa kalokohan niya. In
Agad na tumayo mula sa pagkakaupo ang tumawag kay Anthony at lumapit sa kanya. “Alam ba ng Papa mo na nandito ka at naglalaro?” seryosong tanong ni Anthony ng makalapit na ang lalaki sa kinatatayuan nila ni Analyn. “Come on, Kuya… nami-miss ko na itong laruan mo. Ilang taon na rin na puro aral lang ang ginagawa ko. Pagbigyan mo naman ako.”Ngiti ang isinagot ni Anthony sa nakababatang lalaki. Tinapik niya ang balikat nito. “Doon tayo sa rancho sa susunod. Matagal na rin akong walang practice sa kabayo. Kailangan ko ng makakalaban.”“Sure! Gusto ko ‘yan… wala ka na palang practice, baka this time matalo na kita, Kuya.”Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Anthony, “tingnan natin… huwag kang pakasiguro, Charles…” Bahagyang natawa si Charles, pagkatapos ay napansin niya si Analyn na nasa likuran ni Anthony.“Kuya, may bago kang hired assistant? Bakit siya naka-mask? Sobrang ganda ba niya kaya itinatago mo ang mukha niya sa amin?”Bahagyang nilingon ni Anthony si Analyn, “si Charles
“Vivian, kumusta iyong lote na gusto kong bilhin sa Buenaventura?” Nag-angat ng tingin si Vivian para tingnan si Anthony. “Okay na ‘yun, boss. Katulad ng gusto mo, sa ibang kumpanya ko ipinangalan ang titulo nun at hindi sa iyo o sa anumang related sa DLM.”Tumango lang si Anthony habang nakatingin sa kape na nasa loob ng tasa niya. Pasimple namang pinag-aaralan ni Vivian ang boss niya. Hindi niya alam kung ano pa ba ang tumatakbo sa isip nito. “Sir Anthony, nagtataka ako kung bakit pumayag ka sa presyo nung lote. Hindi ka man lang tumawad sa may-ari.”“Okay lang. Gagamitin ko lang naman iyon para sa training.”Training? Training ng ano? Gusto sanang itanong ni Vivian sa amo pero hindi niya magawa. Maganda ang location ng loteng iyon. Napakaganda niyang maging proyekto para sa isang real estate project. Biglang tumayo si Anthony.“Vivian, naka-leave ang driver ko kaya ipag-drive mo muna ako ngayon.”Palihim na natuwa si Vivian. Isinantabi muna niya ang pag-iisip sa lote sa Buenav
Nagmamadaling nagpa-appointment sa skin clinic si Analyn. Excited siyang nagpunta agad, dala ang card na bigay ni Anthony.Medyo naasiwa lang siya nang dalhin na siya ng staff sa isang kuwarto. Pakiramdam ni Analyn ay puro mayayaman ang kasama niya sa kuwartong iyon. Ano pa ba ang aasahan ko, malamang puro naka-gold card itong mga babaeng naririto?Nang natapos na siya, dumaan muna siya sa CR paglabas ng kuwarto. Nasa loob siya ng cubicle ng may narinig siyang pumasok. “Mrs. Gregorio, tama ba ang nasagap kong balita? Sinakitan daw ng mister mo ang anak niya sa una na si Charles? At doon pa raw sa The Jewel Hotel nangyari ang pananakit?”“Hmp! Nahuling nagsusugal, kaya ayun! Mabuti nga ‘yun, nang magtanda siya. Ang bata-bata pa, sugal ang inaatupag, sa halip na pag-aaaral.”“Naku, hindi maganda ‘yan. Siya pa naman ang nag-iisang tagapagmana ng mga negosyo ng mga Gregorio. Dapat ngayon pa lang inaalagaan na niya ang image niya.”Gregorio? Charles? Si Charles Gregorio? Iyong batang ipin
Nagulat si Analyn sa isinagot ni Anthony. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa binata.“What makes a man’s heart move most about a woman is that she is charming and innocent at the same time. She looks brave and fearless, but in fact, she is so scared.”Pinakatitigan ni Analyn ang mga mata ni Anthony, pilit niyang hinahanap doon ang kaseryhosohan nito sa mga sinabi nito. Pero hindi niya nagawa. Sa halip, nabighani siya ng gwapong mukha nito. Pinagmasdan niya ang lahat ng parte ng mukha ni Anthony. Sa taglay niyang kaguwapuhan, hindi niya problema ang babae.“Katulad ka ba ng idini-describe ko, Analyn?” Paos pa rin ang boses ni Anthony.Nagbuga ng hangin si Analyn. “H-Hindi ko alam…”Pakiramdam ni Analyn ngayon ay siya ang sine-seduce ng lalaki. Napansin ni Analyn ang pagbabago sa mga mata ng lalaki. Ramdam din niya na tila mas uminit ang hininga nito kaysa kanina lang. Titig na titig pa rin ito sa mukha niya. Hindi alam ni Analyn kung ano ang sumanib sa kanya. Inilapit niy
Mula noon, gabi-gabi ng nago-overtime si Analyn para sa Buenaventura project. Marami na siyang nagawang design. Pero wala pa ring final na disenyo dahil ilang beses na inulit-ulit ni Analyn ang paggawa ng panibagong design. Hindi siya nasisiyahan sa bawat disenyong natatapos niya kaya gumagawa uli siya ng panibago.Bukas ay araw na ng meeting para ipresenta ang design.Biglang sumulpot si Fatima sa mesa ni Analyn.“Kung hindi mo kayang ipasa ang design sa tamang oras, mag-resign ka na lang. Huwag mong puwersahin ang utak mo.”Inalis ni Analyn ang tingin sa screen ng laptop niya, kasabay ng pagbitiw niya sa pagkakahawak sa mouse. Tumuwid siya ng upo at saka matamang tiningnan si Fatima.“Sa pagkakatanda ko, team tayo sa project na ito. So kung hindi ko kayang ipasa, dapat siguro, kasama kita dapat sa pagre-resign since team tayo.”Tumaas ang isang kilay ni Fatima.“Kung ako lang san
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.
Kahit na nakaawang na ng kaunti ang pintuan, hindi pa rin naiintindihan ni Analyn ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Naririnig lang niya ang mga boses ng mga ito, pero hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi nila. Minabuti ni Analyn na umalis na sa kinatatayuan niya, tutal naman, wala naman siyang naririnig sa usapan sa loob ng kuwarto. Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Jean. Naupo siya roon at saka muling nag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan niya pero hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang at iwanan na ang lugar na iyon. Tumayo na si Analyn at saka tinungo ang pintuan. Sakto naman na pagbukas niya ng pintuan ay sakto rin na bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila Anthony. Biglang naisara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya sa takot na makita siya ni Anthony o ni Greg. Nakiramdam si Analyn habang nakasara ang pinto. Nang sa ting
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon