공유

CHAPTER THIRTY

last update 최신 업데이트: 2025-08-31 22:57:07

Hindi mapakali si Iris. Paulit-ulit siyang naglalakad sa labas ng silid ni Alexander, tila binabantayan kung may nangyayari sa loob. Pabalik-balik ang kanyang mga hakbang, at sa bawat segundo, parang sinasakal siya ng sariling imahinasyon.

“Ano kung… may ginagawa na sila?”

“Ano kung… mahal niya talaga si Brigitte?”

“Hindi naman kayo totoong kasal ni Alexander, nagpapanggap lang kayo.”

“Wala kang karapatan, Iris.”

Napapikit siya, pilit itinataboy ang mga naiisip, ngunit lalo lang siyang nasasaktan. Sa guest room, hindi siya mapakali. Gumulong siya sa kama, muling bumangon. Sa huli, nagpasya siyang uminom muna ng tubig, baka sakaling kumalma.

Pagdating niya sa kusina, muntik na niyang mabitawan ang baso nang makita si Alexander roon. Wala itong pang-itaas, basang-basa ng pawis, parang kakatapos lang ng mabigat na gawain.

Nanlaki ang mga mata ni Iris.

“Anong… ginawa niyo ni Brigitte?” mahina ngunit puno ng bigat ang tinig niya.

Nag-angat ng tingin si Alexander, bahagyang nagulat. “Ha?”

N
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER THIRTY SIX

    Pagkapasok ni Gabriel sa kuwarto, agad siyang sinalubong ng tingin ni Brigitte. Halata sa mga mata nito ang takot at guilt, parang gusto nitong magpaliwanag ngunit wala nang salitang lumabas sa labi niya. Sa halip, mabilis siyang niyakap ni Gabriel. Mahigpit. Ramdam ni Brigitte ang panginginig ng katawan nito, ang bigat ng mga hikbi na matagal nang pinipigilan. Humagulgol si Gabriel sa balikat niya, tila doon na ibinuhos lahat ng sakit at takot na nararamdaman niya. Pagkatapos ng ilang saglit, humarap siya kay Brigitte. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito, seryosong nakatitig sa kanya. “May ginawa ba siya sa ’yo? Nasaktan ka ba? Natakot ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Gabriel, puno ng pag-aalala. Hindi nakasagot agad si Brigitte. Ngunit sa tanong na iyon, tuluyan nang bumigay ang damdamin niya. Napaiyak siya, ramdam ang tapat na pagmamahal at pag-aalala mula kay Gabriel. Muling nagyakap ang dalawa, mas mahigpit kaysa kanina, muling naggagpo ang mga mata nila, A

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER THIRTY FIVE

    Itinayo ni Gabriel si Iris mula sa pagkakaupo sa gilid ng kalsada. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito, maingat na inalalayan papasok sa sasakyan. Hindi na napigilan ni Iris ang pag-iyak—pigil man niya kanina, tuluyan na itong bumigay. Tahimik lang si Gabriel sa una, pinagmamasdan ang bawat patak ng luha niya. Para bang bawat hikbi ni Iris ay mga palaso na tumatagos din sa dibdib niya. “Iris, may… may nangyari kay Brigitte,” bulong ni Gabriel. Natigilan sa paghikbi si Iris. Napalingon siya kay Gabriel, halatang naghihintay ng susunod pang sasabihin, kahit takot siyang marinig. Huminga nang malalim si Gabriel bago nagsalita. “Mabuti na lang at nakarating agad si Alexander. Kung ako siguro ang tinawagan niya… baka huli na ang lahat.” Basag ang tinig na sambit niya, sabay punas ng sariling luha. Itinabi niya ang sasakyan at bahagyang ipinatong ang ulo sa manibela. Ang katahimikan ng kalsada’y nagbigay bigat sa bawat salita niya. “Ang sakit, Iris,” garalgal ang tinig niya. “Na

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER THIRTY FOUR

    “Bitiwan mo ako!” halos pasigaw na ang boses ni Brigitte, nanginginig na ang tuhod at namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit tila ba natutuwa ang lalaki sa takot na mukha niya. “Darling, bakit ba parang takot na takot ka? Nakalimutan mo na bang sarap na sarap ka sa akin noon?” Dahan-dahan nitong dinilaan ang leeg ni Brigitte. Nagtaasan ang balahibo niya. Dahan-dahan nitong tinatanggal ang strap ng suot niya, napayakap naman si Brigitte sa sarili. Dinidiin ng lalaki ang katawan niya sa pader, pinaparamdam ang bigat nito. Ginapos nito ang dalawang kamay ni Brigitte pataas. Malayang naglalakbay ang kamay ng lalaki sa katawan niya. “Ang sarap mo, darling…” bulong nito, malamig ngunit puno ng pang-aakit. “Bakit ka ba iyak nang iyak? Akala ko pa naman nasasabik ka na sa akin kaya ka pumunta rito.” Humagalpak ng tawa ang lalaki saka mariing idinampi ang labi niya sa labi ni Brigitte. Humugot ng lakas si Brigitte at sinipa ang lalaki. Pinilit kalasin ni Brigitte ang tali hangga

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER THIRTY THREE

    Pagbukas ng pintuan ng sasakyan, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin mula sa hardin. Magkahawak ang kamay nina Alexander at Iris habang papasok sa malawak na mansyon. Tahimik silang naglalakad, ngunit ramdam ni Iris ang mahigpit na pagkakahawak ng binata—parang ayaw siyang bitiwan. Ngunit bago pa man makalapit, sa pintuan mabilis na nagbitiw ng kamay ang dalawa. “Baby,” bulong ni Iris, pilit pinipigil ang tawa. “Kahit ba sa pamilya mo, magpapanggap pa rin tayo?” Sandaling natahimik si Alexander bago tumango at ngumisi. “Oo. Lalo na ngayon. Gusto ko lang na tayo muna ang nakakaalam.” Bahagya siyang tinampal ni Iris sa braso, saka sila nagpatuloy sa pagpasok. Nakangiting sinalubong sila ng doña. “Iris, anak… mabuti naman at nakalakad ka na! Ang laking ginhawa sa puso ko na makita kang hindi na naka-wheelchair.” Nagkatinginan sina Alexander at Iris, parehong hindi maitago ang tuwa. May maliit na gasgas pa sa tuhod ni Iris, ngunit hindi iyon alintana. Mas mahalaga

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER THIRTY TWO

    Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at ilaw mula sa mga poste ang gumagalaw sa paligid nila. Hawak ni Alexander ang manibela, pero ramdam ang bigat ng dibdib niya. Panay ang lingon niya kay Iris na nakaupo sa tabi niya. “Iris…” basag niya sa katahimikan. “Magpapaligaw ka ba kay Gabriel?” Nagulat si Iris. Napatingin siya agad sa binata. Kita sa mga mata nito ang pag-aalala, parang bata na takot maiwan. “Alexander…” mahina niyang sagot, pero natigilan siya. Biglang huminto sa gilid ang kotse. Hinarap siya ni Alexander. Hindi niya maitago ang tensyon, halatang nag-ooverthink na siya. “Iris,” seryoso ang tinig niya. “Sagutin mo ko ng diretso… papayag ka ba sa alok ni Gabriel sa ’yo? Magpapaligaw ka ba sa kanya?” Bahagyang natawa si Iris, umiiling habang pinapawi ang kaba sa sarili. “Baby, may amnesia ka man o wala… mananatili akong sa ’yo. Hindi dahil may kasunduan tayo… kundi dahil—mahal kita.” Tumulo ang luha ni Alexander sa labis na kaligayahan, lumapad ang ngi

  • I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS   CHAPTER THIRTY ONE

    Mabilis na hinila ni Alexander si Iris palayo sa mesa. Hindi na niya nilingon si Brigitte, basta’t ayaw niyang makita ang dalaga na binibigyan ng atensyon ang ibang lalaki. “Alexander—” gulat na tawag ni Iris, pero hindi siya makapalag. Ramdam niya ang bigat ng kamay nito sa kanyang braso. Mula sa mesa, sinundan sila ng tingin ni Brigitte. Nakakapit siya sa tabi ni Gabriel, halatang iritable. Lalong sumikip ang dibdib niya nang makita kung gaano ka-protective si Alexander kay Iris. “Relax,” mahina ngunit kalmadong sabi ni Gabriel habang inilapag ang isang pinggan sa harap ni Brigitte. Saglit niyang tinapik ang likod ng kamay nito. “Kumain ka na muna. Hindi ka pa kumakain nang maayos.” May lungkot sa tinig ni Gabriel, pero ayaw niyang ipahalata na nasasaktan siya sa tuwing makikitang magkasama si Brigitte at Alexander. Bahagya pang tumigil ang oras kay Brigitte. Ang simpleng touch na iyon ay ramdam na ramdam niya. Napatingin siya kay Gabriel—at doon, mas lalo siyang nainis. Hindi

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status