Mag-log in“Will you marry me, Isabella?”
“Ano? Tumayo ka diyan, Gabriel!” Agad akong napatingin sa paligid para tiyaking walang nakarinig sa kanya.
“Seryoso ako, Isabella.”
“Nakalimutan mo na bang kasal pa ako sa pamangkin mo? SA PAMANGKIN MO!”
“Hindi ko nakakalimutan iyon.” Tumayo si Gabriel.
Napapikit ako at napahawak sa sentido.
“Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon. Huwag mo nang dagdagan pa.”
“Paano magiging mas komplikado ang lahat kung pakakasalan mo ako? Para sa akin, iyon pa nga ang makakalutas sa mga problema mo.”
Hinila ko siya hanggang tumayo siya. Nang mapansin kong hawak pa rin niya ang kamay ko, agad ko itong binawi.
“I appreciate your offer to help, pero hindi kasal ang solusyon sa problema ko!”
“Kilala ko si Raphael. Hindi siya papayag na matalo sa kahit anong bagay.”
“Akala mo ba hindi ko alam iyon?” Naiinis kong sagot.
Siyempre, alam ko. Kahit sa nabasa ko lang sa nobela nakabatay ang kaalaman ko tungkol kay Raphael, sapat na iyon para malaman ko kung gaano siya kayabang at kahirap kalabanin.
“Kaya hayaan mong tulungan kita,” giit ni Gabriel.
“Bakit? Dahil pakiramdam mo may pananagutan ka sa akin?”
Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya.
“May pananagutan ako sa bata.”
“Eksakto. Sa bata. Hindi sa akin.”
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib sa sinabi niya. Bakit ba ako naaapektuhan? Hindi naman dapat.
“Isabella—”
“Ayokong pakasalan mo ako dahil lang nagdadalang-tao ako sa anak mo.”
Ilang sandali kaming natahimik.
Alam kong kailangan ko ng tulong. Hindi naman ako ganoon ka-ignorante para isipin na kaya kong labanan si Raphael nang walang maayos na abogado. Pero ibang usapan ang pagtanggap sa alok ni Gabriel na magpakasal kami.
Hindi pa ako nakakalaya sa isang magulong pagsasama. Kaya hindi ako basta-basta papasok sa panibago. Lalo na kung ang lalaking pakakasalan ko ay tiyuhin ng asawa kong gusto kong hiwalayan.
“Hindi kita hinihiling na pakasalan ako dahil naaawa ako sa iyo,” sa wakas ay sabi niya.
“Kung ganoon, bakit?”
“Dahil gusto ko.”
Napatingin ako sa kanya. Napakasimple ng sagot niya, pero lalo lamang dumami ang mga tanong sa isip ko.
“Hindi mo nga ako kilala.”
“Sapat na ang alam ko.”
“Hindi, Gabriel. Ang kilala mo lang ay ang babaeng nakasama mo nang isang gabi.”
“Kung ganoon, bigyan mo ako ng pagkakataong makilala ka.”
Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakangiti. Wala rin sa mukha niya ang bahid ng pag-aalinlangan. Para bang sigurado siya sa sinasabi niya. At iyon ang lalong hindi ko maintindihan.
Napaiwas ako ng tingin.
Napakadali niyang sabihin iyon. Para bang hindi kami magkakaugnay sa isang napakagulong sitwasyon na kinasasangkutan ng pamangkin niya, ng kasal ko, at ng batang hindi namin inaasahang mabubuo.
“Hindi pa ako handang magpakasal ulit,” sabi ko. “Lalo na sa isang taong bahagi ng pamilyang Montecillo.”
Hindi siya nakipagtalo. Sa halip, tumango siya.
“Hindi kita pipilitin.”
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahang ganoon kadali niyang tatanggapin ang pagtanggi ko.
“Pero hindi rin ako mananahimik kung sasaktan ka ulit ni Raphael,” dagdag niya. “Sinabi mong gusto ka niyang hiwalayan at kunin ang mana mo. Hayaan mong humanap ako ng abogado para sa iyo.”
Nanatili akong tahimik.
“Bakit ayaw mong tanggapin ang alok ko? Bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo?”
“Dahil ayokong magkaroon ng utang na loob sa iyo.”
“Hindi ka humihingi ng pabor, Isabella. Ipinaglalaban mo lang ang nararapat sa iyo. At sisiguraduhin kong hindi basta-basta makukuha ni Raphael ang mana mo.”
Nag-alinlangan ako. May punto siya. Kailangan ko ng abogado. Kailangan ko ng taong kayang humarap kay Raphael at hindi matatakot sa impluwensiya nito.
Si Gabriel naman talaga ang naisip kong lapitan para humingi ng tulong. Kaya bakit ngayon, ngayong siya na mismo ang nag-aalok, nahihirapan akong magdesisyon?
“Sige,” sa wakas ay sagot ko. “Puwede kang magrekomenda ng abogado. Pero hanggang doon lang.”
Pinagmasdan niya ang mukha ko bago tumango.
“Okay.”
“At ayokong makialam ka sa mga personal kong desisyon.”
“Paano kung subukan ka ulit saktan ni Raphael?”
“Kung ganoon, ako na ang bahala.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Ang tigas pala ng ulo mo.”
“No, I’m not.”
“Yes, you are.”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tumingin sa direksiyon ng handaan. Sobra na ang mga nangyari ngayong gabi. Ang huling gusto ko ay may makakita sa amin at magsimulang magtanong.
“Uuwi na ako.”
“Ihahatid kita.”
“Hindi na kailangan. Baka kung ano pa ang sabihin ng mga tao kapag nakita nila tayong magkasamang umalis.”
“Isabella—”
“Pakiusap, Gabriel.”
Nakipagtitigan siya sa akin. Mukhang wala talaga siyang balak magpaawat.
I was momentarily distracted by his damn silver eyes. Nakakainis. Bakit ba kailangan niyang magkaroon ng ganoong mga mata?
“Kung ganoon, hayaan mo man lang akong tiyaking makakauwi ka nang ligtas.”
“Kaya ko ang sarili ko.”
“Hindi iyan tanong.”
Napataas ang kilay ko.
“Palagi ka bang ganyang pala-utos?”
“Kapag may taong ayaw makinig, oo.”
Halos mapairap ako. The Gabriel Montecillo in front of me was not what I was expecting.
Bago pa ako nakasagot, naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bag.Kinuha ko iyon at napakunot ang noo nang makita ang pangalan ni Raphael sa screen.
Raphael: Nasaan ka?
Hindi ko pinansin ang mensahe. Makalipas ang ilang segundo, may panibago na naman akong natanggap.
Raphael: Huwag mong isipin na mapapalampas ko ang kahihiyang ginawa mo sa harap ni Gabriel.
Napabuntong-hininga ako. Siyempre. Galit pa rin siya dahil pinigilan siya ni Gabriel na sampalin ako.
Itatabi ko na sana ang cellphone nang may panibagong mensaheng pumasok.
Raphael: Lumayo ka sa tiyuhin ko. Wala kang ideya kung ano ang pinapasok mo.
Bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya? Hindi ba dapat mas ikagalit niya ang ginawa kong pagtanggi sa divorce papers niya? Napatingin ako kay Gabriel na kanina pa pala nakamasid sa akin.
“Anong problema?”
Nag-alinlangan ako bago ko iniabot sa kanya ang cellphone.
Binasa niya ang mga mensahe. Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nawala ang bahagyang ngiting kanina na naroon sa mga labi niya.
“Wala kang dapat ikabahala kay Raphael.”
“Madali mong sabihin iyan. Pamangkin mo siya.”
“At dinadala mo ang anak ko.”
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.
“Gabriel—”
“Hindi ko hahayaang pagbantaan ka niya.”
Ibinalik niya sa akin ang cellphone, ngunit hindi pa rin naaalis ang seryosong ekspresyon sa mukha niya.
“May itatanong ako,” sabi niya.
“Ano iyon?”
“May sinabi ba sa iyo si Raphael tungkol sa akin?”
Napakunot ang noo ko.
“Wala. Bakit?”
Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita.
“Kung ganoon, mas mabuting malaman mo muna kung bakit ayaw niyang mapalapit ka sa akin.”
Napatitig ako sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin?”
Hindi agad siya sumagot. Sa halip, tumingin siya sa direksiyon ng handaan kung saan naroon ang pamangkin niya.
“May mga bagay tungkol sa pamilyang Montecillo na hindi mo pa alam, Isabella.”
At sa unang pagkakataon ngayong gabi, hindi ko nagustuhang marinig ang apelyidong Montecillo.
Kung may isang bagay akong natutuhan mula nang magising ako sa katawan ni Isabella, iyon ay ang hindi kailanman naging simple ang mga problema ng pamilyang ito.
At pakiramdam ko, ang tunay na gulo ay hindi pa nagsisimula.
Hindi pa rin nawawala ang kaba ko dahil sa mensaheng natanggap ko. Ilang beses akong napalingon habang naglalakad palayo sa restaurant, hindi mapakali sa pakiramdam na may nakamasid sa bawat galaw ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, muntik na akong mapasigaw nang may biglang humawak sa aking balikat.“Ako ito, Isabella.”Napahawak ako sa kumakabog kong dibdib.“Ginulat mo ako, Gabriel!”“May problema ba? Bakit parang namumutla ka?” tanong niya, halatang nag-aalala.Huminga ako nang malalim bago sumagot.“Wala naman. Medyo napagod lang yata ako sa lakad.”“Why do I not believe you?”Hindi ako nakawala sa matalim niyang titig. Alam kong hindi siya basta maniniwala sa palusot ko, kaya iniabot ko na lang ang cellphone at pinabasa sa kanya ang mensaheng natanggap ko. “SHIT!”Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patungo sa nakaparadang itim na sasakyan. Binuksan niya ang pintuan sa passenger side.“Get in.”Dahil sa seryosong tono niya, wala na akong nagawa kundi sumunod. Pag
“Anong ibig mong sabihin? Ano ba ang itinatago ng pamilya ninyo?”“Hindi ko pa kayang sabihin sa iyo ang lahat.”“Bakit? Dahil hindi mo ako pinagkakatiwalaan?”“Dahil ayokong madamay ka sa mga problemang hindi mo naman dapat pasanin.”“Gabriel, kung gusto mong pagkatiwalaan kita, huwag mo akong tratuhing parang bata. May karapatan akong malaman kung ano ang pinapasok ko.” “Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin iyan.”“Kung ganoon, saan? Sa bahay mo? O baka sa susunod na magkita tayo?”Bahagyang kumunot ang noo niya.“You don’t have to be sarcastic.”“You don’t have to be secretive either.”Napabuntong-hininga siya at bahagyang lumapit sa akin.“May mga desisyong ginawa ang pamilya ko noon na maaaring makaapekto sa iyo ngayon. May mga bagay akong kailangang tiyaking totoo bago ko sabihin sa iyo.” “Kung may kinalaman iyon sa akin, may karapatan akong malaman.”“Alam ko.”“Kung ganoon, sabihin mo.”Sandali siyang natahimik bago umiling.“Bigyan mo lang ako ng kaunting panaho
“Will you marry me, Isabella?”“Ano? Tumayo ka diyan, Gabriel!” Agad akong napatingin sa paligid para tiyaking walang nakarinig sa kanya.“Seryoso ako, Isabella.”“Nakalimutan mo na bang kasal pa ako sa pamangkin mo? SA PAMANGKIN MO!”“Hindi ko nakakalimutan iyon.” Tumayo si Gabriel.Napapikit ako at napahawak sa sentido.“Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon. Huwag mo nang dagdagan pa.”“Paano magiging mas komplikado ang lahat kung pakakasalan mo ako? Para sa akin, iyon pa nga ang makakalutas sa mga problema mo.”Hinila ko siya hanggang tumayo siya. Nang mapansin kong hawak pa rin niya ang kamay ko, agad ko itong binawi. “I appreciate your offer to help, pero hindi kasal ang solusyon sa problema ko!”“Kilala ko si Raphael. Hindi siya papayag na matalo sa kahit anong bagay.”“Akala mo ba hindi ko alam iyon?” Naiinis kong sagot. Siyempre, alam ko. Kahit sa nabasa ko lang sa nobela nakabatay ang kaalaman ko tungkol kay Raphael, sapat na iyon para malaman ko kung gaano siya kayabang a
Mula sa ospital, umuwi ako sa bahay namin ni Raphael.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung paano ako napunta sa katawan ni Isabella, pero wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang sitwasyon.Isa lang ang sigurado ako. Hindi ko uulitin ang mga pagkakamaling nagawa niya. At higit sa lahat, iingatan ko ang batang nasa sinapupunan ko.Kailangan ko ring makausap si Gabriel Montecillo. Siya lang ang maaaring makatulong sa akin para mabawi ang mana ng mga magulang ko at makalaya kay Raphael. Pagpasok ko sa kwarto, nagulat ako at nandun pala si Raphael.“Mabuti at nandito ka na. Hindi ko na kailangang hanapin ka pa. Huwag mo kalimutan yung party mamaya. Wala pang nakakaalam tungkol sa paghihiwalay natin, kaya inaasahan pa rin tayong pupunta.”Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko bago siya lumabas..***Ginanap ang party sa isang mamahaling venue. Halos lahat ng kamag-anak ni Raphael ay naroon.Hindi kami sabay na pumunta. Mas minabuti kong mauna dahil ayokong makasama siya
Beep. Beep. Beep. Napadilat ako sa paulit-ulit na tunog.“Nasaan ako?” mahinang tanong ko.“Dahan-dahan lang, Mrs. Montecillo.”Napalingon ako sa doktor na nakatayo sa tabi ng kama ko.“Nasa ospital ka. Dinala ka rito matapos kang mawalan ng malay. Don't worry, maayos naman ang lagay mo at ng baby mo.” “Anong baby?” Sandaling natigilan ang doktor. May pag-aalala sa kanyang mukha. “You are two months pregnant, Isabella. Mukhang kailangan mo pang magpahinga. I’ll come back later, okay?”Marahan niyang isinara ang pintuan bago tuluyang lumabas.Mrs. Montecillo? Baby? Two months pregnant?Napakunot ang noo ko habang pilit kong inuunawa ang sinabi ng doktor. Ang huling natatandaan ko ay nagbabasa ako ng romance novel bago matulog. Paano ako napunta sa ospital?Isabella Montecillo.Then I remembered.Siya ang babaeng ipinagpalit ng mayamang asawa sa sarili niyang kaibigan. Ang babaeng niloko, inabuso, at nawalan ng lahat. She was the tragic heroine of the novel I was reading!“Paano nang







