Share

Chapter 4

Author: Schuyler
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-18 20:26:21

“Anong ibig mong sabihin? Ano ba ang itinatago ng pamilya ninyo?”

“Hindi ko pa kayang sabihin sa iyo ang lahat.”

“Bakit? Dahil hindi mo ako pinagkakatiwalaan?”

“Dahil ayokong madamay ka sa mga problemang hindi mo naman dapat pasanin.”

“Gabriel, kung gusto mong pagkatiwalaan kita, huwag mo akong tratuhing parang bata. May karapatan akong malaman kung ano ang pinapasok ko.” 

“Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin iyan.”

“Kung ganoon, saan? Sa bahay mo? O baka sa susunod na magkita tayo?”

Bahagyang kumunot ang noo niya.

“You don’t have to be sarcastic.”

“You don’t have to be secretive either.”

Napabuntong-hininga siya at bahagyang lumapit sa akin.

“May mga desisyong ginawa ang pamilya ko noon na maaaring makaapekto sa iyo ngayon. May mga bagay akong kailangang tiyaking totoo bago ko sabihin sa iyo.” 

“Kung may kinalaman iyon sa akin, may karapatan akong malaman.”

“Alam ko.”

“Kung ganoon, sabihin mo.”

Sandali siyang natahimik bago umiling.

“Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon.”

Hindi ko nagustuhan ang sagot niya, pero wala rin naman akong magagawa kung ayaw niyang magsalita.

“Fine. Pero huwag mong asahan na basta na lang ako magtitiwala sa iyo.”

“Hindi ko naman hinihingi iyon.”

Napatingin ako sa kanya.

“Ang hinihingi ko lang ay bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan na mapagkakatiwalaan mo ako.”

Hindi ako nakasagot.

“You really are not what I expected, Isabella.”

“And what exactly did you expect?”

Napangiti na lang siya.

“Someone much easier to persuade.”

“Then you've mistaken me for someone else.”

“Apparently.” His gaze lingered on mine. “And that's what makes you interesting. I’m really looking forward to getting to know you better.”

Tiningnan ko siya nang maigi at muli, para akong na-hypnotize ng kanyang mga mata. Damn, those eyes.

Mabuti na lamang at dumating si Sam, ang driver na naghatid sa akin kanina.

“Ma'am Isabella, handa na po ang sasakyan.”

Tumango ako.

“Uuwi na ako.”

“Be safe.”

Hindi ako sumagot. Naglakad na lamang ako palayo bago pa ako makapagsabi ng kung ano na naman. Pero bago ako tuluyang makalayo, narinig ko siyang muli.

“Isabella.”

Lumingon ako.

“Hindi pa tapos ang usapan natin tungkol sa pagpapakasal.”

Napapikit ako.

“Gabriel!”

Bahagya siyang ngumiti.

“Good night, Isabella.”

Napailing na lamang ako bago tuluyang sumakay sa sasakyan. Mukhang hindi pa rin niya titigilan ang plano niyang magpakasal kami. 

Habang nasa byahe, muli kong binalikan ang mga nangyari ngayong gabi. The roller coaster of emotions I experienced tonight had left me completely exhausted. Isinantabi ko muna ang mga hindi magandang pangyayari at binalikan sa isip ang naging usapan namin ni Gabriel.

Hindi ko alam kung ano ang mas dapat kong ikabahala—ang mga sikretong ayaw niyang sabihin sa akin o ang katotohanang tila determinado siyang pakasalan ako.

Pagdating ko sa bahay, agad kong napansin ang katahimikan sa paligid. Wala si Raphael. Mabuti naman.

Hindi ko alam kung ano ang mas ikagagaan ng pakiramdam ko—ang hindi siya makita o ang malaman na wala siyang balak guluhin ako ngayong gabi.

Pagpasok ko sa silid, agad kong inalis ang sapatos ko at naupo sa gilid ng kama.

Napahawak ako sa tiyan ko.

“Pasensya ka na, baby. Mukhang magiging magulo ang buhay natin.”

Napangiti ako nang bahagya.

Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa amin, pero sisiguraduhin kong hindi mararanasan ng anak ko ang lahat ng pinagdaanan ni Isabella. Hindi ko hahayaang lumaki siyang napapaligiran ng kasinungalingan at pagtataksil.

This time, things would be different.

Kailangan kong planuhin nang mabuti ang bawat kilos ko.

Una, kailangan kong makipaghiwalay kay Raphael. Pangalawa, kailangan kong mabawi ang mana ng mga magulang ni Isabella. At panghuli, kailangan kong tiyaking ligtas ang anak ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ng abogado na naalala kong nabanggit sa nobela. 

Pero bago ko pa matawagan, may pumasok na mensahe mula sa hindi kilalang numero.

Unknown: Good evening, Mrs. Montecillo. Ako si Atty. Santos. I was referred to you by Mr. Gabriel Montecillo. May oras po ba kayo bukas para mapag-usapan natin ang inyong kaso?

Napatingin ako sa screen. Ang bilis naman kumilos ni Gabriel.

Hindi ko pa nga siya nabibigyan ng pahintulot na makialam sa iba pang problema ko. Pero mukhang nauna na siyang kumilos. 

Sa nobelang nabasa ko, may ibang abogado akong naaalalang tumulong kay Isabella. Pero kung si Atty. Santos ang inirekomenda ni Gabriel, wala namang masama kung pakinggan ko muna ang sasabihin niya. 

Me: Good evening, Attorney. Yes. Maaari po tayong magkita bukas.

Hindi ko kailangang tanggapin ang proposal ni Gabriel para tanggapin ang tulong ng isang abogado. Magkaibang bagay iyon.

Kung gusto kong mabawi ang mana ko at makipaghiwalay kay Raphael, kailangan ko ng taong nakakaalam ng batas. At kung si Gabriel ang makapagbibigay sa akin ng maayos na abogado, wala akong nakikitang dahilan para tanggihan iyon.

Pero malinaw sa akin ang isang bagay: hindi nito ibig sabihin na may utang na loob ako sa kanya.

***

Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagkatapos mag-almusal, nagbihis ako at naghanda para sa pakikipagkita kay Atty. Santos.

Nagulat ako nang makita ko ang ilang folder sa mesa niya nang dumating ako sa restaurant na napagkasunduan naming pagkitaan.

“Good morning, Mrs. Montecillo.”

“Good morning, Attorney. Please call me Isabella.”

“Of course, Isabella. Please, have a seat.”

Naupo ako sa tapat niya.

“Sir Gabriel asked me to review the documents concerning your inheritance and the divorce proceedings,” paliwanag niya.

“May problema ba?”

“May ilang bagay po kaming kailangang linawin tungkol sa mga ari-ariang iniwan ng inyong mga magulang.”

Napakunot ang noo ko.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Batay sa mga dokumentong hawak namin, may ilang ari-ariang dating nakapangalan sa inyong mga magulang na nailipat na sa pangalan ng ibang tao.” 

“Naipagbili?”

Umiling siya.

“Hindi po. Nailipat sa pangalan ng ibang tao.”

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

“Sino?”

Saglit siyang nag-atubili bago sumagot.

“Mr. Raphael Montecillo.”

“What? Paano niya nagawang ilipat sa pangalan niya ang mga ari-ariang iniwan ng mga magulang ko?”

“Iyan ang kailangan nating malaman. May ilang dokumentong ginamit para bigyang-katwiran ang paglilipat, pero kailangan muna nating masuri ang mga orihinal.”

Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Hindi lang basta pera ang mga iyon. Iyon ang pinaghirapan ng mga magulang ni Isabella. Iyon ang mga bagay na iniwan nila para masiguro ang kinabukasan ng anak nila.

At basta na lang kinuha iyon ni Raphael?

Napakuyom ang mga kamay ko. Kung inaakala niyang hahayaan ko siyang angkinin ang lahat ng iyon, nagkakamali siya.

“Wala akong pinirmahang dokumento para ilipat ang mga ari-arian ko sa pangalan niya.”

Isinara ni Atty. Santos ang folder.

“Kung ganoon, kailangan nating imbestigahan ito agad. At may isa pa akong gustong ipakita sa iyo.”

Kumuha siya ng isa pang dokumento mula sa bag niya at inilapag iyon sa mesa.

“May nakita rin kaming kahina-hinalang transaksiyon na may kaugnayan sa inyong marriage settlement.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“May ilang probisyon sa dokumentong ito na maaaring ginamit para bigyan si Mr. Raphael ng kontrol sa ilang ari-arian ninyo. Kailangan pa nating suriin kung may bisa ang mga ito.”

Napatingin ako sa papel.

“Ibig mong sabihin, pati ang mga ari-arian ko pagkatapos naming ikasal ay pinakialaman niya?”

“Posible.”

***

Nanatili ako sa restaurant matapos umalis ni Atty. Santos.

Nasa harapan ko ang mga dokumentong ipinakita niya kanina. Kahit ipinaliwanag niya ang mga iyon, hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa ni Raphael na mailipat sa pangalan niya ang ilan sa mga ari-arian at perang iniwan ng mga magulang ni Isabella.

“Ang laki mong tanga, Isabella,” bulong ko. Iyan din ang nasabi ko noong una kong mabasa ang nobela.

Naiintindihan ko namang minahal talaga ng orihinal na Isabella ang asawa niya. Kaya naman ganoon na lamang kalaki ang tiwalang ibinigay niya rito. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan niyang mapasakamay ni Raphael ang lahat.

Ngayon, ako ang nasa sitwasyon niya.

Muli kong kinuha ang dokumentong iniwan ni Atty. Santos. May isang pahina roon na may pangalan ko at pirma sa ibabang bahagi. Ito raw ang dokumentong ginamit para bigyan si Raphael ng pahintulot na pamahalaan ang ilan sa mga ari-arian.

Pinagmasdan ko ang pirma.

Sandaling natigilan ako.

Hindi iyon ang pirma ko.

Ilang beses ko nang nakita ang pirma ni Isabella sa mga personal niyang dokumento mula nang magising ako sa katawan niya. Kaya sigurado akong hindi iyon ang pirma niya.  

Dahan-dahan kong inilapag ang papel.

Kung hindi siya ang pumirma rito— Sino?

At higit sa lahat, paano nagkaroon si Raphael ng dokumentong may pangalan at pirma niya?

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Isang bagong mensahe mula sa hindi kilalang numero ang lumitaw sa screen.

Unknown Number:

I heard you met with a lawyer today. You should be careful about the people you're trusting, Isabella.

Nanlamig ako.

Hindi ko pa nga alam kung sino ang nasa likod ng mga pekeng dokumentong iyon, pero tila may ibang taong nakamasid na sa bawat kilos ko. 

Muli kong tiningnan ang mensahe.

Who was watching me?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo   Chapter 5

    Hindi pa rin nawawala ang kaba ko dahil sa mensaheng natanggap ko. Ilang beses akong napalingon habang naglalakad palayo sa restaurant, hindi mapakali sa pakiramdam na may nakamasid sa bawat galaw ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, muntik na akong mapasigaw nang may biglang humawak sa aking balikat.“Ako ito, Isabella.”Napahawak ako sa kumakabog kong dibdib.“Ginulat mo ako, Gabriel!”“May problema ba? Bakit parang namumutla ka?” tanong niya, halatang nag-aalala.Huminga ako nang malalim bago sumagot.“Wala naman. Medyo napagod lang yata ako sa lakad.”“Why do I not believe you?”Hindi ako nakawala sa matalim niyang titig. Alam kong hindi siya basta maniniwala sa palusot ko, kaya iniabot ko na lang ang cellphone at pinabasa sa kanya ang mensaheng natanggap ko. “SHIT!”Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patungo sa nakaparadang itim na sasakyan. Binuksan niya ang pintuan sa passenger side.“Get in.”Dahil sa seryosong tono niya, wala na akong nagawa kundi sumunod. Pag

  • I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo   Chapter 4

    “Anong ibig mong sabihin? Ano ba ang itinatago ng pamilya ninyo?”“Hindi ko pa kayang sabihin sa iyo ang lahat.”“Bakit? Dahil hindi mo ako pinagkakatiwalaan?”“Dahil ayokong madamay ka sa mga problemang hindi mo naman dapat pasanin.”“Gabriel, kung gusto mong pagkatiwalaan kita, huwag mo akong tratuhing parang bata. May karapatan akong malaman kung ano ang pinapasok ko.” “Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin iyan.”“Kung ganoon, saan? Sa bahay mo? O baka sa susunod na magkita tayo?”Bahagyang kumunot ang noo niya.“You don’t have to be sarcastic.”“You don’t have to be secretive either.”Napabuntong-hininga siya at bahagyang lumapit sa akin.“May mga desisyong ginawa ang pamilya ko noon na maaaring makaapekto sa iyo ngayon. May mga bagay akong kailangang tiyaking totoo bago ko sabihin sa iyo.” “Kung may kinalaman iyon sa akin, may karapatan akong malaman.”“Alam ko.”“Kung ganoon, sabihin mo.”Sandali siyang natahimik bago umiling.“Bigyan mo lang ako ng kaunting panaho

  • I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo   Chapter 3

    “Will you marry me, Isabella?”“Ano? Tumayo ka diyan, Gabriel!” Agad akong napatingin sa paligid para tiyaking walang nakarinig sa kanya.“Seryoso ako, Isabella.”“Nakalimutan mo na bang kasal pa ako sa pamangkin mo? SA PAMANGKIN MO!”“Hindi ko nakakalimutan iyon.” Tumayo si Gabriel.Napapikit ako at napahawak sa sentido.“Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon. Huwag mo nang dagdagan pa.”“Paano magiging mas komplikado ang lahat kung pakakasalan mo ako? Para sa akin, iyon pa nga ang makakalutas sa mga problema mo.”Hinila ko siya hanggang tumayo siya. Nang mapansin kong hawak pa rin niya ang kamay ko, agad ko itong binawi. “I appreciate your offer to help, pero hindi kasal ang solusyon sa problema ko!”“Kilala ko si Raphael. Hindi siya papayag na matalo sa kahit anong bagay.”“Akala mo ba hindi ko alam iyon?” Naiinis kong sagot. Siyempre, alam ko. Kahit sa nabasa ko lang sa nobela nakabatay ang kaalaman ko tungkol kay Raphael, sapat na iyon para malaman ko kung gaano siya kayabang a

  • I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo   Chapter 2

    Mula sa ospital, umuwi ako sa bahay namin ni Raphael.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung paano ako napunta sa katawan ni Isabella, pero wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang sitwasyon.Isa lang ang sigurado ako. Hindi ko uulitin ang mga pagkakamaling nagawa niya. At higit sa lahat, iingatan ko ang batang nasa sinapupunan ko.Kailangan ko ring makausap si Gabriel Montecillo. Siya lang ang maaaring makatulong sa akin para mabawi ang mana ng mga magulang ko at makalaya kay Raphael. Pagpasok ko sa kwarto, nagulat ako at nandun pala si Raphael.“Mabuti at nandito ka na. Hindi ko na kailangang hanapin ka pa. Huwag mo kalimutan yung party mamaya. Wala pang nakakaalam tungkol sa paghihiwalay natin, kaya inaasahan pa rin tayong pupunta.”Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko bago siya lumabas..***Ginanap ang party sa isang mamahaling venue. Halos lahat ng kamag-anak ni Raphael ay naroon.Hindi kami sabay na pumunta. Mas minabuti kong mauna dahil ayokong makasama siya

  • I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo   Chapter 1

    Beep. Beep. Beep. Napadilat ako sa paulit-ulit na tunog.“Nasaan ako?” mahinang tanong ko.“Dahan-dahan lang, Mrs. Montecillo.”Napalingon ako sa doktor na nakatayo sa tabi ng kama ko.“Nasa ospital ka. Dinala ka rito matapos kang mawalan ng malay. Don't worry, maayos naman ang lagay mo at ng baby mo.” “Anong baby?” Sandaling natigilan ang doktor. May pag-aalala sa kanyang mukha. “You are two months pregnant, Isabella. Mukhang kailangan mo pang magpahinga. I’ll come back later, okay?”Marahan niyang isinara ang pintuan bago tuluyang lumabas.Mrs. Montecillo? Baby? Two months pregnant?Napakunot ang noo ko habang pilit kong inuunawa ang sinabi ng doktor. Ang huling natatandaan ko ay nagbabasa ako ng romance novel bago matulog. Paano ako napunta sa ospital?Isabella Montecillo.Then I remembered.Siya ang babaeng ipinagpalit ng mayamang asawa sa sarili niyang kaibigan. Ang babaeng niloko, inabuso, at nawalan ng lahat. She was the tragic heroine of the novel I was reading!“Paano nang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status