Share

Chapter 2

Author: Schuyler
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-18 20:23:55

Mula sa ospital, umuwi ako sa bahay namin ni Raphael.

Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung paano ako napunta sa katawan ni Isabella, pero wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang sitwasyon.

Isa lang ang sigurado ako. Hindi ko uulitin ang mga pagkakamaling nagawa niya. At higit sa lahat, iingatan ko ang batang nasa sinapupunan ko.

Kailangan ko ring makausap si Gabriel Montecillo. Siya lang ang maaaring makatulong sa akin para mabawi ang mana ng mga magulang ko at makalaya kay Raphael. 

Pagpasok ko sa kwarto, nagulat ako at nandun pala si Raphael.

“Mabuti at nandito ka na. Hindi ko na kailangang hanapin ka pa. Huwag mo kalimutan yung party mamaya. Wala pang nakakaalam tungkol sa paghihiwalay natin, kaya inaasahan pa rin tayong pupunta.”

Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko bago siya lumabas..

***

Ginanap ang party sa isang mamahaling venue. Halos lahat ng kamag-anak ni Raphael ay naroon.

Hindi kami sabay na pumunta. Mas minabuti kong mauna dahil ayokong makasama siya sa biyahe.

“Izzy!”

Napalingon ako sa pamilyar na boses.

Si Carol. Pinsan ni Raphael.

“Hello, Carol.”

“Finally! Akala ko hindi ka na pupunta.” Masigla niya akong niyakap bago umatras upang tingnan ako mula ulo hanggang paa.

“Wait. Are you okay? You seem different.”

“Okay lang ako.”

“Asaan ang magaling kong pinsan? Bakit mag-isa ka lang?” 

Ngumiti na lang ako bilang sagot. Mukhang mas malapit pala kay Isabella si Carol kaysa sa inaakala ko. 

“Speaking of the devil—”

Sinundan ko ang direksiyon ng kanyang tingin. Natigilan ako nang makita si Raphael na kakapasok lang sa venue. Pero hindi siya nag-iisa. Nasa tabi niya si Annette.

Magkahawak pa ang mga kamay nila.

“Who the hell is that woman?”

Hindi ko alam ano ang isasagot ko. Ngunit may ideya na si Carol.

“Are you kidding me? Nagsama siya ng babae niya? Ang kapal ng mga mukha!

“Carol, ‘wag mo na patulan.”

“Hindi ako papayag na ganyan ang ikikilos niya rito. Dito ka lang, Isabella at hahanap ako ng kakausap sa magaling kong pinsan.”

Sandali kong pinanood si Carol na lumapit sa ilang kamag-anak. Napabuntung-hininga na lamang ako habang hinihimas ang aking tiyan.

“Isabella.”

Napalingon ako.

Si Annette.

Napatingin siya sa kamay ko bago ngumisi.

“Ah, kausap mo pala ang bastardo mo.”

“Mag-ingat ka sa mga salita mo, Annette.”

“Bakit? Hindi ba totoo? Anak iyan ng ibang lalaki. Mahiya ka naman, Isabella.”

“Ako pa talaga ang sasabihan mong mahiya? Ikaw ang makapal ang mukha. Pumunta ka pa rito at kung umasta ka, akala mo ikaw ang asawa. Kabit ka lang, Annette.”

“Isabella, I'm only trying to help you. Alam kong masakit pero you need to move on.”

Napatawa ako.

“Ang galing mo talagang umarte, Annette. Hindi ko alam kung mas mahusay kang maging kaibigan o kabit.”

Nawala ang ngiti niya.

“Nagseselos ka ba?”

“At bakit ako magseselos? Iyo na si Raphael.”

“Kung ganoon, pirmahan mo na ang divorce papers.”

“Pipirma ako kapag naibalik na ni Raphael ang perang kinuha niya sa akin.”

Natawa siya. 

“Huwag mo akong patawanin, Isabella. Kung ganoon ka kadesperada sa pera, bakit hindi mo lapitan ang ama ng baby mo? Doon ka manlimos.”

Tumaas ang kilay ko.

“Aminin mo, gagamitin mo lang ang pagbubuntis mo para kampihan ka ng pamilya? Paano kung malaman nilang sa ibang lalaki iyan? Teka, kilala mo nga ba kung sino ang ama?”

“Wala kang pakialam, Annette.”

“Huwag mong bastusin si Annette.”

Nakalapit na pala si Raphael sa amin.

“Narinig mo ba ang mga sinasabi niya?”

“You shut your mouth, Isabella. Isa kang manloloko.”

Napailing ako.

“Sabihin mo nga sa akin, Raphael. Sino ba ang unang nanloko sa ating dalawa? Wala kang karapatang husgahan ako.”

Nagdilim ang mukha niya. Bago pa ako makapagsalita ulit, mabilis niyang itinaas ang kamay niya para sampalin ako.

Napapikit ako.

Pero hindi dumapo ang kamay niya sa mukha ko.

“Don't you dare.”

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

May isang lalaking nakahawak sa pulsuhan ni Raphael. 

Matangkad siya, malapad ang mga balikat at matalim ang panga. Nakasuot siya ng itim na suit na lalong nagbigay-diin sa kanyang matipunong pangangatawan. 

Teka, pamilyar ang boses niya.

At nang magtama ang aming mga paningin, para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Ang mga matang iyon. 

Silver gray.

Hindi maaari.

“Uncle Gabriel!”

Natigilan ako.

Uncle? Gabriel Montecillo?

“Anong ginagawa mo, Raphael?” Malamig ang tinig niya habang nakatitig sa pamangkin.

“Didisplinahin ko ang asawa ko, Gabriel.”

“Ganyan ba ang itinuro sa iyo? We never raise our hands on women!”

Agad na ibinaba ni Raphael ang kanyang kamay.

Hindi ko maialis ang tingin ko kay Gabriel.

Ibang klase rin talaga magbiro ang tadhana.

Ang lalaking nasa harapan ko ang lalaking nakasama ko noong gabing iyon. Siya ang ama ng batang ipinagbubuntis ko. At siya rin pala ang tiyuhin ng asawa ko!

Shit.

Shit.

Shit.

“Hindi dapat pinagtatanggol ang babaeng katulad niya!” singhal ni Raphael. “Alam mo bang buntis siya sa ibang lalaki? Isang malaking insulto sa akin at sa pamilya natin!”

Hindi napansin ni Raphael ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon ng tiyuhin niya. Na para bang may kung anong bagay siyang biglang naunawaan. 

Pero ako, nakita ko iyon.

Unti-unting ibinaling ni Gabriel ang kanyang tingin sa akin.

“Sino ang ama?”

Hindi ako nakasagot.

“Ayaw niyang sabihin,” mabilis na singit ni Raphael. “Baka sa hotel na pinuntahan niya nakilala. Huwag kang mag-alala, Gabriel. Aalamin ko kung sino iyon bago pa mabahiran ng eskandalo ang pamilya.”

“Ako pa ngayon ang magdadala ng eskandalo?” gulat at galit kong tanong.

“Di ba sinabi ko sa iyo na pagsisisihan mo ito, Isabella?”

“Tumigil ka na, Raphael,” babala ni Gabriel.

“Pero, Gabriel, ginago ako ng babaeng iyan. Hindi ako papayag na—”

“Enough, Raphael.”

“But—”

“Do you want me to repeat myself?”

Tumahimik si Raphael. Maya-maya, hinila niya si Annette palayo.

Sinamantala ko ang pagkakataon para makalayo rin. Kailangan kong makaalis dito. Nakahanap ako ng tahimik na lugar sa gilid ng resort. Sumandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko.

Sigurado akong may hinala na si Gabriel na siya ang ama ng batang dinadala ko.

Palabas na sana ako nang biglang may humawak sa aking kamay.

“Don't leave yet, Isabella.”

Napapikit ako.

Si Gabriel.

“Please, Gabriel. Ayoko na ng gulo. Uuwi na lang ako.”

“Sagutin mo muna ang tanong ko.”

Marahan niyang binitawan ang kamay ko.

“Isabella, look at me.”

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.

“Akin ba ang batang ipinagbubuntis mo?”

Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang katotohanan. Pero wala akong dahilan para magsinungaling.

Marahan akong tumango.

For a moment, hindi siya gumalaw. His eyes dropped to my stomach, and I saw something change in his expression.

“You're carrying my child,” bulong niya nang may pagkamangha. 

“Hindi ka na dapat pumagitna kanina. Kaya kong protektahan ang sarili ko.”

“Hindi tama ang ginawa ni Raphael.”

“Huwag na nating gawing komplikado ito, Gabriel. Kapag nalaman nilang ikaw ang ama ng bata, tiyak na magkakagulo lalo.”

“Wala akong pakialam sa sasabihin nila.”

“Pero ako, meron!”

Napahinto siya.

“Hindi mo naiintindihan. Tiyuhin ka ni Raphael. Kapag nalaman ng lahat ang nangyari sa atin, magiging malaking eskandalo ito.”

“Isabella, I searched for you.”

Napatingin ako sa kanya.

“Ilang beses akong bumalik sa hotel. Umaasa akong baka makita kita ulit doon. Para makausap ka. Hindi ko inaasahang dito kita makikita at asawa ka pa ng pamangkin ko.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

“Are you hurt?”

Umiling ako.

“I'm fine.”

“May ginawa ba sa iyo si Raphael?”

“Hindi iyon ang problema ko ngayon.”

“Then tell me. What is it?”

Napatawa ako nang mapait.

“Gusto niyang makipag-divorce at angkinin ang mana ko.”

Napakuyom ang panga ni Gabriel.

“I'll get you the best lawyers.”

Hindi dapat ako nagulat sa alok niya. Ito naman ang plano ko—ang humingi ng tulong sa tiyuhin ni Raphael. Pero nagbago ang lahat nang malaman kong kung sino talaga si Gabriel Montecillo.

“Hindi mo kailangang gawin ‘yan.” 

“Why?”

“Kung tatanggapin ko ang alok mo, ano ang magiging kapalit? Ayokong magkaroon ng utang na loob sa iyo.”

“Wala akong hinihinging kapalit.”

“Gabriel—”

“Anak ko iyan, Isabella. Responsibilidad kong protektahan kayo.”

Napailing ako.

“Hindi mo kailangang gawin iyon. Hindi mo kailangang madamay sa gulong ito.”

“Gagawin ko ang tama para sa inyo.”

“Bakit?”

Natigilan siya sa tanong ko.

“Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito para sa akin?”

Matagal niya akong tinitigan bago sumagot.

“Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, pero simula nang gabing iyon, hindi ka na nawala sa isip ko. I wanted to see you again. And now that I know you're carrying my child, I don't intend to walk away from either of you.”

Hindi ako agad nakasagot.

“Hindi ko hinihinging mahalin mo ako, Isabella. Gusto ko lang bigyan mo ako ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ninyo.”

Kinuha niya ang kamay ko.

“Hindi lang ito tungkol sa responsibilidad, Isabella.” 

Bago pa ako nakapagsalita, marahan siyang lumuhod sa harapan ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

“Gabriel, anong ginagawa mo?”

Tumingala siya sa akin.

“Will you marry me, Isabella?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo   Chapter 5

    Hindi pa rin nawawala ang kaba ko dahil sa mensaheng natanggap ko. Ilang beses akong napalingon habang naglalakad palayo sa restaurant, hindi mapakali sa pakiramdam na may nakamasid sa bawat galaw ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, muntik na akong mapasigaw nang may biglang humawak sa aking balikat.“Ako ito, Isabella.”Napahawak ako sa kumakabog kong dibdib.“Ginulat mo ako, Gabriel!”“May problema ba? Bakit parang namumutla ka?” tanong niya, halatang nag-aalala.Huminga ako nang malalim bago sumagot.“Wala naman. Medyo napagod lang yata ako sa lakad.”“Why do I not believe you?”Hindi ako nakawala sa matalim niyang titig. Alam kong hindi siya basta maniniwala sa palusot ko, kaya iniabot ko na lang ang cellphone at pinabasa sa kanya ang mensaheng natanggap ko. “SHIT!”Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patungo sa nakaparadang itim na sasakyan. Binuksan niya ang pintuan sa passenger side.“Get in.”Dahil sa seryosong tono niya, wala na akong nagawa kundi sumunod. Pag

  • I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo   Chapter 4

    “Anong ibig mong sabihin? Ano ba ang itinatago ng pamilya ninyo?”“Hindi ko pa kayang sabihin sa iyo ang lahat.”“Bakit? Dahil hindi mo ako pinagkakatiwalaan?”“Dahil ayokong madamay ka sa mga problemang hindi mo naman dapat pasanin.”“Gabriel, kung gusto mong pagkatiwalaan kita, huwag mo akong tratuhing parang bata. May karapatan akong malaman kung ano ang pinapasok ko.” “Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin iyan.”“Kung ganoon, saan? Sa bahay mo? O baka sa susunod na magkita tayo?”Bahagyang kumunot ang noo niya.“You don’t have to be sarcastic.”“You don’t have to be secretive either.”Napabuntong-hininga siya at bahagyang lumapit sa akin.“May mga desisyong ginawa ang pamilya ko noon na maaaring makaapekto sa iyo ngayon. May mga bagay akong kailangang tiyaking totoo bago ko sabihin sa iyo.” “Kung may kinalaman iyon sa akin, may karapatan akong malaman.”“Alam ko.”“Kung ganoon, sabihin mo.”Sandali siyang natahimik bago umiling.“Bigyan mo lang ako ng kaunting panaho

  • I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo   Chapter 3

    “Will you marry me, Isabella?”“Ano? Tumayo ka diyan, Gabriel!” Agad akong napatingin sa paligid para tiyaking walang nakarinig sa kanya.“Seryoso ako, Isabella.”“Nakalimutan mo na bang kasal pa ako sa pamangkin mo? SA PAMANGKIN MO!”“Hindi ko nakakalimutan iyon.” Tumayo si Gabriel.Napapikit ako at napahawak sa sentido.“Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon. Huwag mo nang dagdagan pa.”“Paano magiging mas komplikado ang lahat kung pakakasalan mo ako? Para sa akin, iyon pa nga ang makakalutas sa mga problema mo.”Hinila ko siya hanggang tumayo siya. Nang mapansin kong hawak pa rin niya ang kamay ko, agad ko itong binawi. “I appreciate your offer to help, pero hindi kasal ang solusyon sa problema ko!”“Kilala ko si Raphael. Hindi siya papayag na matalo sa kahit anong bagay.”“Akala mo ba hindi ko alam iyon?” Naiinis kong sagot. Siyempre, alam ko. Kahit sa nabasa ko lang sa nobela nakabatay ang kaalaman ko tungkol kay Raphael, sapat na iyon para malaman ko kung gaano siya kayabang a

  • I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo   Chapter 2

    Mula sa ospital, umuwi ako sa bahay namin ni Raphael.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung paano ako napunta sa katawan ni Isabella, pero wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang sitwasyon.Isa lang ang sigurado ako. Hindi ko uulitin ang mga pagkakamaling nagawa niya. At higit sa lahat, iingatan ko ang batang nasa sinapupunan ko.Kailangan ko ring makausap si Gabriel Montecillo. Siya lang ang maaaring makatulong sa akin para mabawi ang mana ng mga magulang ko at makalaya kay Raphael. Pagpasok ko sa kwarto, nagulat ako at nandun pala si Raphael.“Mabuti at nandito ka na. Hindi ko na kailangang hanapin ka pa. Huwag mo kalimutan yung party mamaya. Wala pang nakakaalam tungkol sa paghihiwalay natin, kaya inaasahan pa rin tayong pupunta.”Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko bago siya lumabas..***Ginanap ang party sa isang mamahaling venue. Halos lahat ng kamag-anak ni Raphael ay naroon.Hindi kami sabay na pumunta. Mas minabuti kong mauna dahil ayokong makasama siya

  • I Transmigrated and Got Pregnant by The Wrong Montecillo   Chapter 1

    Beep. Beep. Beep. Napadilat ako sa paulit-ulit na tunog.“Nasaan ako?” mahinang tanong ko.“Dahan-dahan lang, Mrs. Montecillo.”Napalingon ako sa doktor na nakatayo sa tabi ng kama ko.“Nasa ospital ka. Dinala ka rito matapos kang mawalan ng malay. Don't worry, maayos naman ang lagay mo at ng baby mo.” “Anong baby?” Sandaling natigilan ang doktor. May pag-aalala sa kanyang mukha. “You are two months pregnant, Isabella. Mukhang kailangan mo pang magpahinga. I’ll come back later, okay?”Marahan niyang isinara ang pintuan bago tuluyang lumabas.Mrs. Montecillo? Baby? Two months pregnant?Napakunot ang noo ko habang pilit kong inuunawa ang sinabi ng doktor. Ang huling natatandaan ko ay nagbabasa ako ng romance novel bago matulog. Paano ako napunta sa ospital?Isabella Montecillo.Then I remembered.Siya ang babaeng ipinagpalit ng mayamang asawa sa sarili niyang kaibigan. Ang babaeng niloko, inabuso, at nawalan ng lahat. She was the tragic heroine of the novel I was reading!“Paano nang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status