Mag-log inHindi pa rin nawawala ang kaba ko dahil sa mensaheng natanggap ko.
Ilang beses akong napalingon habang naglalakad palayo sa restaurant, hindi mapakali sa pakiramdam na may nakamasid sa bawat galaw ko.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, muntik na akong mapasigaw nang may biglang humawak sa aking balikat.
“Ako ito, Isabella.”
Napahawak ako sa kumakabog kong dibdib.
“Ginulat mo ako, Gabriel!”
“May problema ba? Bakit parang namumutla ka?” tanong niya, halatang nag-aalala.
Huminga ako nang malalim bago sumagot.
“Wala naman. Medyo napagod lang yata ako sa lakad.”
“Why do I not believe you?”
Hindi ako nakawala sa matalim niyang titig. Alam kong hindi siya basta maniniwala sa palusot ko, kaya iniabot ko na lang ang cellphone at pinabasa sa kanya ang mensaheng natanggap ko.
“SHIT!”
Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patungo sa nakaparadang itim na sasakyan. Binuksan niya ang pintuan sa passenger side.
“Get in.”
Dahil sa seryosong tono niya, wala na akong nagawa kundi sumunod. Pagkaupo niya sa driver's seat, siya mismo ang naglagay ng seatbelt ko. Napasinghap ako nang bahagyang dumampi sa dibdib ko ang likod ng kanyang kamay.
Not the right time to feel this.
Napatingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatitig din sa akin. Ilang segundo kaming ganoon bago siya napapikit at pilit na inayos ang sarili.
Maya-maya ay pinaandar na niya ang sasakyan.
“Bakit ka nga pala nandito?”
“May business meeting ako na malapit, kaya nang natapos ako, naisipan kong daanan ka.”
“Saan tayo pupunta?”
“Sa bahay mo muna.”
“Bakit?”
“Kukuha ka ng mga gamit mo at pagkatapos sasama ka sa akin.”
“Ano? Sandali lang, Gabriel. Bakit ako sasama sa iyo?”
“Ang dami mong tanong.”
“Sorry, pero hindi ko gawain ang basta na lang sumunod nang hindi alam kung bakit ko kailangang gawin.”
A muscle in his jaw clenched.
“Dahil hindi ka ligtas mag-isa.”
“Pero hindi mo naman kailangang—”
“Isabella, someone is watching you. Hindi natin alam kung sino sila o kung ano ang gusto nila. Hindi ako maghihintay na may mangyaring masama sa iyo bago ako kumilos.”
Napayuko ako. May parte sa akin na gustong tumanggi. Pero alam kong may punto siya.
“Fine.”
“Good.”
“Pero huwag kang masyadong masanay sa pag-uutos sa akin.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Noted, sweetheart.”
Napairap ako at ibinaling ang tingin sa bintana. Sweetheart? Talaga ba? Pinigilan ko ang kilig na naramdaman ko sa salitang iyon.
Pareho kaming tahimik sa buong biyahe. Napansin kong ilang beses sumulyap si Gabriel sa rearview mirror habang nagmamaneho. Para bang may hinahanap o sinusubukang kumpirmahin.
Pagdating namin sa bahay, agad akong bumaba sa sasakyan.
“Ten minutes,” sabi ni Gabriel habang sinusundan ako papasok. “Pack whatever you need.”
“Ten minutes? Gabriel, hindi ako nag-eempake ng pang-isang gabing bakasyon!”
“Then make it fifteen.”
Napalingon ako sa kanya.
“Salamat sa fifteen minutes,” sarkastikong sabi ko sabay irap sa kanya.
He chuckled.
“I'm a very reasonable man.”
“Debatable.”
Pagpasok namin sa kwarto, agad kong kinuha ang maleta mula sa ilalim ng kama.
“I'll pack my clothes. Ikaw, doon ka lang.” Itinuro ko ang sofa sa malapit sa kama.
Tumingin siya sa sofa bago ibinaling ang tingin sa akin.
“Seriously?”
“Yes. Seriously.”
Umiling siya bago lumapit sa closet ko.
“Gabriel! Anong ginagawa mo?”
“Packing.”
“Hindi ba sinabi kong ako ang mag-eempake?”
“And I decided to help.”
Hindi na ako nakasagot nang buksan niya ang closet at nagsimulang kumuha ng mga damit ko. Nakatayo lang ako roon, tulala habang pinapanood siyang mabilis na kumilos. Kung anu-ano na lang ang inilagay niya sa maleta.
“Teka! Hindi mo kailangang kunin lahat iyan!”
“Why not?”
“Saan ko naman gagamitin ‘yang bistida na hawak mo?”
“Then tell me what you don't need.”
Napabuntong-hininga ako. Paano ba naman ako makakapili kung hindi niya ako binibigyan ng pagkakataong makalapit sa closet?
Bigla siyang tumigil.
May hawak siyang isang piraso ng itim na tela.
Tumingin siya roon bago dahan-dahang ibinaling ang mukha sa akin.
And then, a wicked grin appeared on his face.
“Interesting.”
Nanlaki ang mga mata ko.
Oh, no.
Oh, hell, no.
“Gabriel! Ibalik mo iyan!”
Tinaas niya ang kamay na may hawak na isang pares ng black lace panties.
“Is this yours?”
“Hindi! Sa kapitbahay iyan!”
His grin widened.
“Really? Does your neighbor usually keep her underwear in your closet?”
“Gabriel!”
Tumawa siya nang malakas.
“Should I pack this?”
“NO!”
“Why? You'll need it.”
Pakiramdam ko ay umabot na sa tenga ang pamumula ng mukha ko.
“Hindi kita kailangan para mag-empake ng underwear ko!”
Tumawa siya nang mahina, saka maingat na itinupi ang lace panties at isinilid sa maleta ko.
“Fine. But I suggest bringing more.”
“Gabriel Montecillo!”
“What? I'm just being practical.”
Napahawak ako sa noo. Lord, bigyan Mo po ako ng mahabang pasensya. At kung maaari, bigyan Mo rin po siya ng konting hiya.
Lumapit siya sa akin at inayos ang ilang hibla ng buhok na nakadikit sa pisngi ko.
“Done teasing you,” bulong niya. Kumikinang sa tuwa ang kanyang magandang mga mata.
“Good. Dahil kung hindi, baka ikaw ang susunod na ilalagay ko sa maleta.”
Napangiti siya.
“I wouldn't mind. As long as I'm going wherever you are.”
Bago pa ako makapagsalita, tumunog ang cellphone niya. Tumingin siya sa screen at agad na nagbago ang ekspresyon niya.
“What's wrong?”
Hindi siya sumagot. Ilang segundo siyang nakatitig sa cellphone bago ito ibulsa.
“Wala naman. Kailangan na natin umalis.”
“Gabriel, anong nangyari?”
“Isabella, please. Let's go.”
Napakunot ang noo ko. Kanina lang ay nakangiti pa siya habang inaasar ako. Ngayon, para bang may mabigat na problemang bumabagabag sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa ibabaw ng kama at doon ko nakita ang isang bagong notification.
Unknown Number.
Nanginginig ang mga daliri kong binuksan ang mensahe. May kalakip itong litrato. Litrato namin ni Gabriel na nakatayo malapit sa restaurant. Pero hindi iyon ang pinakamasama. May bagong mensahe sa ibaba nito.
Unknown Number: You can run to him all you want, Isabella. He won't be able to protect you.
Nanlamig ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong napatingin kay Gabriel.
“Gabriel—”
Agad siyang lumapit nang makita ang ekspresyon ko.
“What is it?”
Iniabot ko sa kanya ang cellphone.
Nang mabasa niya ang mensahe, kumuyom ang kanyang mga kamao. Nawala ang bahagyang ngiti niya.
“Isabella, we need to leave. Now.”
“Gabriel, sino ba talaga ang kalaban natin?”
Hindi siya agad sumagot. Sa halip, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumingin nang diretso sa aking mga mata.
“Your life is in danger because of someone close to me.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Someone close to you?”
Tumango siya bago muling tumingin sa akin.
“I think I know who's behind all this.”
Hindi pa rin nawawala ang kaba ko dahil sa mensaheng natanggap ko. Ilang beses akong napalingon habang naglalakad palayo sa restaurant, hindi mapakali sa pakiramdam na may nakamasid sa bawat galaw ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, muntik na akong mapasigaw nang may biglang humawak sa aking balikat.“Ako ito, Isabella.”Napahawak ako sa kumakabog kong dibdib.“Ginulat mo ako, Gabriel!”“May problema ba? Bakit parang namumutla ka?” tanong niya, halatang nag-aalala.Huminga ako nang malalim bago sumagot.“Wala naman. Medyo napagod lang yata ako sa lakad.”“Why do I not believe you?”Hindi ako nakawala sa matalim niyang titig. Alam kong hindi siya basta maniniwala sa palusot ko, kaya iniabot ko na lang ang cellphone at pinabasa sa kanya ang mensaheng natanggap ko. “SHIT!”Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patungo sa nakaparadang itim na sasakyan. Binuksan niya ang pintuan sa passenger side.“Get in.”Dahil sa seryosong tono niya, wala na akong nagawa kundi sumunod. Pag
“Anong ibig mong sabihin? Ano ba ang itinatago ng pamilya ninyo?”“Hindi ko pa kayang sabihin sa iyo ang lahat.”“Bakit? Dahil hindi mo ako pinagkakatiwalaan?”“Dahil ayokong madamay ka sa mga problemang hindi mo naman dapat pasanin.”“Gabriel, kung gusto mong pagkatiwalaan kita, huwag mo akong tratuhing parang bata. May karapatan akong malaman kung ano ang pinapasok ko.” “Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin iyan.”“Kung ganoon, saan? Sa bahay mo? O baka sa susunod na magkita tayo?”Bahagyang kumunot ang noo niya.“You don’t have to be sarcastic.”“You don’t have to be secretive either.”Napabuntong-hininga siya at bahagyang lumapit sa akin.“May mga desisyong ginawa ang pamilya ko noon na maaaring makaapekto sa iyo ngayon. May mga bagay akong kailangang tiyaking totoo bago ko sabihin sa iyo.” “Kung may kinalaman iyon sa akin, may karapatan akong malaman.”“Alam ko.”“Kung ganoon, sabihin mo.”Sandali siyang natahimik bago umiling.“Bigyan mo lang ako ng kaunting panaho
“Will you marry me, Isabella?”“Ano? Tumayo ka diyan, Gabriel!” Agad akong napatingin sa paligid para tiyaking walang nakarinig sa kanya.“Seryoso ako, Isabella.”“Nakalimutan mo na bang kasal pa ako sa pamangkin mo? SA PAMANGKIN MO!”“Hindi ko nakakalimutan iyon.” Tumayo si Gabriel.Napapikit ako at napahawak sa sentido.“Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon. Huwag mo nang dagdagan pa.”“Paano magiging mas komplikado ang lahat kung pakakasalan mo ako? Para sa akin, iyon pa nga ang makakalutas sa mga problema mo.”Hinila ko siya hanggang tumayo siya. Nang mapansin kong hawak pa rin niya ang kamay ko, agad ko itong binawi. “I appreciate your offer to help, pero hindi kasal ang solusyon sa problema ko!”“Kilala ko si Raphael. Hindi siya papayag na matalo sa kahit anong bagay.”“Akala mo ba hindi ko alam iyon?” Naiinis kong sagot. Siyempre, alam ko. Kahit sa nabasa ko lang sa nobela nakabatay ang kaalaman ko tungkol kay Raphael, sapat na iyon para malaman ko kung gaano siya kayabang a
Mula sa ospital, umuwi ako sa bahay namin ni Raphael.Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung paano ako napunta sa katawan ni Isabella, pero wala na akong ibang magagawa kundi tanggapin ang sitwasyon.Isa lang ang sigurado ako. Hindi ko uulitin ang mga pagkakamaling nagawa niya. At higit sa lahat, iingatan ko ang batang nasa sinapupunan ko.Kailangan ko ring makausap si Gabriel Montecillo. Siya lang ang maaaring makatulong sa akin para mabawi ang mana ng mga magulang ko at makalaya kay Raphael. Pagpasok ko sa kwarto, nagulat ako at nandun pala si Raphael.“Mabuti at nandito ka na. Hindi ko na kailangang hanapin ka pa. Huwag mo kalimutan yung party mamaya. Wala pang nakakaalam tungkol sa paghihiwalay natin, kaya inaasahan pa rin tayong pupunta.”Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko bago siya lumabas..***Ginanap ang party sa isang mamahaling venue. Halos lahat ng kamag-anak ni Raphael ay naroon.Hindi kami sabay na pumunta. Mas minabuti kong mauna dahil ayokong makasama siya
Beep. Beep. Beep. Napadilat ako sa paulit-ulit na tunog.“Nasaan ako?” mahinang tanong ko.“Dahan-dahan lang, Mrs. Montecillo.”Napalingon ako sa doktor na nakatayo sa tabi ng kama ko.“Nasa ospital ka. Dinala ka rito matapos kang mawalan ng malay. Don't worry, maayos naman ang lagay mo at ng baby mo.” “Anong baby?” Sandaling natigilan ang doktor. May pag-aalala sa kanyang mukha. “You are two months pregnant, Isabella. Mukhang kailangan mo pang magpahinga. I’ll come back later, okay?”Marahan niyang isinara ang pintuan bago tuluyang lumabas.Mrs. Montecillo? Baby? Two months pregnant?Napakunot ang noo ko habang pilit kong inuunawa ang sinabi ng doktor. Ang huling natatandaan ko ay nagbabasa ako ng romance novel bago matulog. Paano ako napunta sa ospital?Isabella Montecillo.Then I remembered.Siya ang babaeng ipinagpalit ng mayamang asawa sa sarili niyang kaibigan. Ang babaeng niloko, inabuso, at nawalan ng lahat. She was the tragic heroine of the novel I was reading!“Paano nang







