Share

Chapter 10

Author: EL Nopre
last update Last Updated: 2025-08-05 14:47:28

''SIR? Sir?''

Namimigat pa ang mga mata ni Josh. Gusto niya pa sanang ipikit iyon nang matagal, pero paulit-ulit ang tinig na tumatawag sa kanya.

''Sir, gising na.''

Naiirita pa siya sa pagyugyog nito sa kanyang balikat. ''Ugh...''

''Sir, inabutan ka na naman dito ng gabi. Hinahanap ka na ng lolo mo.''

''Five minutes, please.''

''Nakailang tawag na si Chairman. Kapag hindi ka pa raw umuwi ay ipapasunog na niya ang bahay na ito.''

Napilitan nang magmulat at bumangon si Josh. Napasapo siya sa nananakit na ulo.

''Marami ka po yatang nainom kagabi. Halos buong maghapon kang tulog.''

''Anong oras na?''

''Past ten na po, sir.''

''Kino...''

''Yes, sir?''

''Kailan mo ba ako tatawagin sa pangalan ko?''

Magkababata at magkaibigan sila ni Kino. Anak ito ng family driver nila na matagal nang naninilbihan sa kanyang pamilya.

''Joshua, tumayo ka na riyan!''

''That's it. Mas magandang pakinggan ang ganyan.''

''Pero sabi ng lolo mo -''

''Forget about that old fox. Wala siya rito. So, no need to follo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jinky Castillo Serrano
hahaha,kakilig
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 197

    GUSTO nang patikumin ng suntok ni Olivia ang nakabukang bibig ni Renzo na kanina pa hindi matigil sa kakatawa. Hindi na nga nito halos maikuwento nang maayos sa ina ang dala nitong magandang balita.Well, for them it's good news. Pero para sa kanya, isa iyong bangungot. Marami na rin naman siyang nakaharap na mga kriminal. But these two are beyond evil. They used the pain of others to get the things they really wanted; fame, wealth, and power. Kahit pa ang maging kapalit niyon ay kalungkutan o buhay ng ibang tao. They didn't care at all."Will you stop!" asik ni Margarita."If you can see her face, Ma, siguradong mababaliw ka rin sa kakatawa. Oh, my! She's deadly serious and emotionally distraught!""Yes, I get it. Pero simulan mo sa simula para mas maintindihan ko."Umayos naman sa pagkakasalampak ng upo si Renzo at sumeryoso ito. "I was not really sure when I came there that we will get a positive result. Helena is smart as she is a successful businesswoman. So, I doubted if she wou

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 196

    "WHY of all places? Bakit naman dito, anak?""Dahil ligtas kayo rito," tugon ni Hector sa naging tanong ng ama."Hindi iyon ang nakikita namin," wika naman ng ina ng binata."Believe me. This place is safe. I've been here many times."Sinundan din ni Hector ang pagsuyod ng tingin ng mga magulang sa paligid. Bago pa nakalabas sa ospital ang ama niya ay nakabili na siya ng bago nilang malilipatan. At ilang bloke lang iyon mula sa bahay nina Emie. Sa Tondo.Malayong-malayo ang lugar na iyon sa nakagisnan ng kanyang mga magulang.Hindi kalakihan ang bahay. Pero maayos naman itong tingnan; semi-bungalow at medyo may malawak itong bakuran saka driveway.Nag-migrate na sa Amerika ang dating nagmamay-ari nito at ibinenta na iyon. Eksakto naman na naghahanap siya ng malilipatan nila noon.Siguro nakatadhana siya hindi lang para kay Emie. He is also destined to live in a place na kilala sa Maynila na magulo at matao.Alam niyang maninibago ang kanyang mga magulang sa magiging buhay nila. Pero i

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 195

    HUMAHANGOS na pumasok si Pavlo. At natuon naman ang tingin dito ni Helena mula sa kinauupuan niya sa mahabang sofa."Amigo."Tinabihan ni Pavlo si Helena. "How do you feel? Kailangan mo ba nang gamot? But it would better kung dadalhin kita sa ospital."Pinigilan niya ang kaibigan sa braso nang akto itong tatayo. "There's no need.""Pero mukhang hindi ka okay."Yumakap siya sa kaibigan saka siya muling humagulhol."What really happened?" usisa nito habang masuyong tinapik-tapik sa likuran si Helena."It's just painful. Let's stay like this for a while. I'm really exhausted."Sandali ngang nanatili sa ganoong posisyon ang dalawa hanggang sa kumalma si Helena.Humiwalay siya sa yakap at tinuyo ang mga luha. "I will be fine.""Uminom ka kahit gamot.""I took it already.""Good. Teka nga pala. Bakit hindi ko nakita sa labas ang assistant mo? At wala rin siya rito sa loob." Pinagala pa nito ang tingin sa paligid ng silid. "Did you send her away for an errand?""I fired her.""What?" bulalas

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 194

    PIGIL na pigil ni Helena ang bumabangon na galit sa kanyang puso. Ang inaasahan niya ay isang masayang pagtatagpo. But she feels more betrayed. And it happened over and over again since she came back to the Philippines. Trust is really not easy to give and find.She wanted to curse Renzo for fooling her, betraying her, using her. But Josh reminded her something. To know her enemies and be wise with her action."Tahan na po," malumanay na saway ni Olivia habang tinatapik-tapik sa likuran ang kayakap."I'm sorry. I just can't believe it." Luhaan siyang kumalas at tumitig uli sa dalaga. "Ikaw na nga ba iyan, Lily? Ikaw ba talaga ang nawawala kong anak?""Pasensiya na po. Wala kasi akong maalala tungkol sa kabataan ko. Ang alam ko lang po ay may iniwan sa akin na bracelet noon si Mama bago siya umalis. At iyon na ang naging huling alaala ko sa kanya.""Come here, come her." Inalalayan ni Helena ang dalaga na maupo. At tumabi siya rito. "Did you have it?""Ho?""May iniwan nga akong bracel

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 193

    "MADAM, nandito po si Director Nuńez."Mula sa pagtanaw sa kawalan ay natuon ang tingin ni Helena sa kanyang assistant. Hindi agad siya nakasagot. Inaanalisa niya pa sa isip ang napag-usapan nila ni Josh."Let him in.""Yes, Madam.""By the way..."Huminto ang assistant sa akto na sanang pagtalikod. "Yes, Madam?""This would be your last day working with me.""H-Ho?""Ayoko nang makita kita pag-alis ng bisita.""Pero, Madam -""Don't ask the reasons. Dahil baka sa presinto na kita sagutin niyan."Hindi na ulit nag-usisa pa ang babae. Agad na itong tumalikod at nagmamadali nang lumabas ng silid. Sumalubong dito si Renzo na nasa harap na ng pinto."Anong sabi?""Sir, tinanggal na niya ako sa trabaho.""Hindi iyan ang gusto kong marinig. Can I come in?""Mukha pong alam na ni Madam Helena na nagtatraydor ako sa kanya. Nakita niya ang pinakabit mo sa aking audio bug.""Shut up," saway ni Renzo na napatingin pa sa ilang bodyguard na hindi kalayuan sa kanila."Sorry, sir.""Let's talk about

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 192

    PAREHONG napatda sina Josh at Renzo nang magsalubong sila sa isang pasilyo ng hotel. Nagkatitigan pa sila. At halata sa mga mukha nila na hindi nila gusto ang presensiya ng isa't isa."What are you doing here?""Bakit? Pag-aari mo na rin ba itong hotel?" sarkastikong balik-tanong ni Josh. "Inangkin mo na nga ang ospital maging si Lolo, pati ba naman dito gusto mo na akong pagbawalan? Ibang klase ka ring maging gahaman.""Just get out of my way!"Humarang si Josh sa daraanan ni Renzo na akto nang hahakbang. "Huwag kang pakasiguro na makukuha mo ang lahat. Baka sa paghahangad mo nang marami, walang matira sa iyo.""You're still underestimating me after all you have gone through. Tsk! But I think that's how you showed your defeat.""Nasa climax pa lang tayo ng laban." Ngumisi siya. "And the exciting part is nearly to happen. Kaya kung ako sa iyo, plan your wise moves. Baka magkamali ka ng hakbang at mahulog ka sa bangin na puno ng patalim."Nakakalokong tumawa si Renzo. "Jeez! What's wit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status