LOGINNAPANGIWI ako nang dampian ng daliri ni Emie ang bumukang sugat ko sa gilid ng labi ko.
''Masakit ba?'' ''Parang gusto ko lang pumatay ng mga walang utang na loob,'' wika ko habang matalim na nakatingin sa mga kapatid ko na nakaalalay sa mga asawa nila. Dinala kami sa presinto. Ilang beses na roong labas-pasok si Emie kaya parang feel at home na feel at home na ito. Ako, first time ko. Iniiwasan kong magkaroon ng anumang civil or criminal record dahil malaki ang magiging epekto niyon sa trabaho ko lalo na ngayon na kailangan kong maghanap ng panibagong mapapasukan. ''Ikulong niyo sila!'' wika ni Neri na sinabayan pa ng iyak at pagngiwi ang pagturo nito sa kinauupuan namin ni Emie. ''Dapat habangbuhay ang ipataw sa kanilang parusa!'' segunda ni Liza. ''Ang OA, ha!'' asik ni Emie. ''Mukhang ang alam niyo lang talaga ay maghintay sa pagdating ng grasya at mangapitbahay para makipagtsismisan. May batas tayo rito. Huwag kayong advance mag-isip!'' Pasimple kong kinalabit si Emie, pero wala itong balak magpaawat. ''Sir, kasalanan ko ang nangyaring gulo. Nadamay lang ang kaibigan ko.'' ''Naniniwala ako na hindi ka talaga gagawa ng matino.'' Pinigil ko ang pagtawa nang mapangiwi si Emie, hindi dahil sa sakit ng mga tinamong pasa at sugat nito kundi sa insulto ng pulis. ''Pero, itinuturo rin siya ng mga biktima.'' ''Biktima?'' Nagpanting ang mga tainga ko. ''Biktima rin ako rito? Tatlo sila. Mag-isa lang ako. Kung hindi dumating si Emie, napatay na nila ako.'' ''Hindi iyan totoo!'' depensa ni Neri. ''Ikaw ang unang nanugod!'' ''Hindi nga? Hindi ba may record ka na sa dalawang barangay nang pag-aamok ng gulo?'' Biglang napipilan ang babae na napatingin pa sa asawa. ''Sir...'' Hinarap ko ang officer, ''Nangyari ang insidente sa loob mismo ng silid ko. Private space ko iyon. So, lalabas na trespassing sila kahit pa magkakasama kami sa iisang bahay.'' ''Kuwarto na namin iyon!'' wika ni Ponce. ''Ibinigay na iyon sa amin ni Papa!'' ''Ibinigay sa inyo kung kailan wala ako? Sir...'' Ibinalik ko ulit ang tingin sa pulis, ''May alam din naman po ako sa batas. Kaya sigurado akong may nilabag sila in terms of my privacy and safety.'' ''Pamilya kayo...'' ''Hindi pamilya ang turing nila sa akin,'' pagputol ko na sa pagsasalita ng pulis. Kailangan ko nang ilabas ang lahat ng mga hinaing ko dahil alam kong hindi na rin naman ako makakabalik pa sa bahay. ''Ang totoong pamilya ay hindi mapanakit. Hindi mapang-abuso. Ang isang pamilya, nagtutulungan. Hindi nagtutulakan lalo na ang magpahirap sa mahina. Kung sakaling makukulong ako dahil sa pagtatanggol ko sa sarili ko...'' Itinaas ko ang mga braso ko, ''Sige. Lagyan niyo na po ako ng posas at ikulong.'' Hindi nakaimik ang pulis. ''Magaling ka talagang umarte!'' asik ni Liza. ''Alam na alam ng mga kapitbahay natin ang totoong ugali mo!'' ''Ang alam lang nila ay kung ano ang mga ipinagkukuwento niyo. At siyempre dahil magkakaklase kayo sa tsismisan, for sure kayo rin lang ang magkakampihan.'' ''Masyado nang tumatagal ang usapan,'' wika ng pulis. ''Anong desisyon ninyo?' tanong nito sa tatlong babae. ''Itutuloy pa ba ninyo ang pagsampa ng reklamo?'' Napansin ko ang pasimpleng pagkalabit ng mga batugan kong kapatid sa mga asawa nila bilang pahiwatig na umuwi na lang sila. ''Hindi na po, sir.'' Napailing ako na napangisi sa halos pabulong na tugon ni Neri na tila ba napilitan lang ito. ''Mabuti naman. Sige na. Magsiuwi na kayo.'' Nag-iwan pa sa amin ng matalim na tingin sina Neri at Liza bago sumunod ang mga ito palabas ng police station. ''Ang papanget na nga nila, masama pa ugali!'' asik ni Emie habang hatid-tanaw ang grupo. ''Bakit ba sila pa ang naging pamilya mo?'' ''Ilang beses ko na ring naitanong iyan.'' ''Saan ka ngayon pupunta? Siguradong hindi ka na makakauwi sa bahay ninyo dahil baka tuluyan ka na talaga ng mga hudas na iyon!'' ''Mas inaalala ko ang mga gamit ko dahil nandoon ang lahat ng mga documents ko. Kailangan ko ang mga iyon lalo na para sa paghahanap ng bagong trabaho.'' ''Bumalik ka bukas. Magpapasama tayo sa mga kaibigan kong tanod.'' Napatingin ako kay Emie. ''Kailan ka pa nagkaroon ng mga kaibigang tanod?'' ''Hindi pa gaanong matagal.'' ''Tsk!'' Napailing ako habang nakatingin kay Emie. ''Sumuko na rin sila sa katigasan ng ulo mo. Kaya pala kapag napapadaan ako sa outpost ng barangay ay wala ka sa loob ng selda.'' 'Grabe ka naman! Hindi naman ako araw-araw na nakukulong!'' ''At kailan lang?'' ''Twice a week.'' ''Umayos ka nga!'' asik ko kay Emie. ''Nangako ka sa akin na iiwas ka na sa gulo!'' ''Kung umiwas ako, hindi sana kita na-rescue.'' Napipilan ako. Tama si Emie. Dehado na ako sa laban kanina. At mabuti na lang ay dumating ito. ''Hindi ka pa nga nagpapasalamat sa akin.'' ''Salamat.'' ''Umiwas ka na lang muna sa inyo. Kung puwede, umalis ka muna sa lugar natin. Hindi natin alam ang puwedeng gawin sa 'yo ni Tito Delfin kapag nalaman niya ang nangyari.'' ''Saan naman ako pupunta?'' ''Doon sa dati mong katrabaho na tinuluyan mo kagabi.'' Hindi ako sigurado kung patutuluyin ulit ako ni Josh sa bahay nito. At isa pa, nahihiya rin ako rito lalo na't nagkasama at nagkakilala lang naman kami dahil sa inuman.TATLONG buwan ang matulin na lumipas at idinaos ang kasal namin ni Josh. Hindi natuloy ang double wedding namin dahil may namatay sa pamilya ni Emie. Bilang paggalang sa desisyon ng matatanda ay ipinagpaliban na lang nila sa susunod na taon ang kanilang kasal ni Hector. Wala namang problema sa dalawa. Mas pabor daw 'yon sa kanila dahil solo nila ang pinakamahalagang araw na iyon sa kanilang buhay. Pero bago ang nakatakdang petsa ng kasal namin ni Josh, marami munang nangyari. Nahatulan na ng korte sina Margarita at Renzo. Habangbuhay na sentensiya ang iginawad sa kanila sa patong-patong na mga kaso. Mabilis lang na umusad ang pagdinig dahil sa malakas na impluwensiya ni Chairman Myeharez. Siniguro talaga nitong hindi malulusutan ng mag-ina ang kanilang ginawang mga krimen. Chelsea was also sentenced 8 years for attempted murd*r. At kahit gumamit ng mga koneksiyon ang pamilya nito, hindi ito hinayaan ni Mama. Of course, her precious son almost got killed. Dapat lang managot ang may
SI GLAZE ang nagboluntaryong tumulak sa wheelchair ni Hector. Nakasunod lang kami ni Mama sa kanila hanggang sa van na naghihintay sa harap ng ospital. Mula nang magising siya, isang linggo pa ang inilagi niya rito bago siya pinayagan ng doktor na makalabas."Kaya ko na."Umalalay pa rin si Glaze sa kapatid sa pagsakay. Hindi ito halos humihiwalay kay Hector."Kahit noon pa man, gustong-gusto niya talagang magkaroon ng kapatid na lalaki kaya siya ganyan."Ngumiti ako sa pagbulong sa akin ni Mama. "Hindi nga masyadong halata na kapatid na lalaki lang ang gusto niya.""Anong pinag-uusapan niyo?" usisa ni Glaze."Wala," tugon ko. "Sa unahan ka na maupo.""Ayoko. Tatabi ako kay Kuya. Marami pa akong ikukuwento sa kanya.""Haist! Madali ka niyang mauubusan ng kuwento. At hindi mo ba napapansin na ayaw na niyang makinig sa kadaldalan mo?"Tumingin naman si Glaze kay Hector na kibit-balikat lang ang itinugon. "Kahit na ayaw niyang makinig, magsasalita pa rin ako. Bibig ko naman ang gagamitin
NAPATAYO ang lahat nang lumabas ng silid si Denise. Agad na lumapit dito si Helena na nasa mukha ang halo-halong emosyon."Kumusta siya?""Mabuti na ang pakiramdam niya. Huwag na po kayong mag-alala sa kanya.""Salamat naman," sabay halos na sambit nina Lita at Anita.Dumating din ang mga magulang ni Emie upang maghatid ng pagkain sa lahat."Gusto na ba niya akong makausap?" Napansin ni Helena ang ekspresyong lumarawan sa mukha ng anak. "I think kailangan niya muna nang pahinga. It's fine. Marami pa namang araw.""Tita, Tito..." Tumingin si Denise kina Anita at Lorenzo, "Gusto po kayong makausap ni Hector."Napatingin muna ang mag-asawa kay Helena na nag-aalinlangan pa sana na pumasok ng silid."Sige na po," pag-aapura ni Denise sa dalawa. "Hinihintay na po niya kayo sa loob."Tumalima na rin sina Anita at Lorenzo habang nababasa naman ng pamilya ni Emie ang atmospera kaya sandali muna silang nagpaalam na pupunta lamang sa chapel."Galit ba siya sa akin?"Inalalayan ni Denise na makab
NANG lumabas ang doktor na tumingin kay Hector ay pinili ko muna ang manahimik at makinig sa usapan. Hanggang sa bigyan din kami ng pribadong sandali ng ibang naroon.Naiintindihan ko ang nakikita kong pagkatuliro sa mukha niya. Because we're not that close to him. Baka nga iniisip niya na imposible na siya ang isa sa mga anak na nawawala ni Mama.Or maybe it's too unacceptable for him na ako ang kakambal niya dahil hindi nga naman naging maganda ang impresiyon namin sa isa't isa. We are like more than enemies. I despise him before. Pero ang pakikitungo ko sa kanya ay nabago nang maging nobyo siya ni Emie."Anak...""Wait. You might be mistaken. Baka nag-match lang kayo for my donor as coincidence.""Ma, sige na nga. Magsagawa na tayo ng DNA."Napatingin ako kay Glaze. He is a little impatient. "Hayaan muna natin siyang magpahinga. Lumabas na tayo."Hindi na nagmatigas pa si Mama kahit nakikita kong gusto pa niyang manatili roon. I know it's not the reunion she is expecting.Noon kasi
NAPANGITI siya habang hinahabol ng isang batang babae. Her laughter and bright smile are too familiar to him. It gives happiness and completeness in his life. Para bang matagal na siyang bahagi ng mundo nito."Tim! Bagalan mo naman ang pagtakbo! Hindi kita mahabol!"And he giggled. He likes that feeling. He likes being with her."Tim! Lily! Huwag kayong lalayo!""Opo, Mama!"The voice he heard, he longed for that. Matagal na panahon niya iyon na hindi narinig kaya tila lumukso ang kanyang puso sa saya."Mama!"Ngumiti siya at kumaway gayundin ang batang babae na kasama niya. At saka sila muling naghabulan sa puting buhanginan ng tabing-dagat."Habol pa, Lily!""Ang daya mo naman, Tim! Ang bilis mo kasing tumakbo! Napapagod na ako!""Sige! Babagalan ko! Habol! Habol!""Huli ka!"Humagik sila na nauwi sa malakas na tawa nang pareho silang bumagsak at magpagulong-gulong sa buhanginan."Tama na iyan. Umuwi na tayo.""Mama, bumalik po ulit tayo rito bukas.""Kahit araw-araw pa.""Yeheeyyy!
HINDI man lang tumayo si Renzo nang makita niya ang pagpasok ng ama sa visiting area. Umiwas pa siya rito ng tingin."Anong ginagawa mo rito?"Naupo si Rene. Pinalipas muna nito ang ilang segundo sa pagtitig kay Renzo na halos dalawang araw pa lang naroon sa Detention Centre, pero haggard na ang mukha na marahil ay dulot ng pagod at pag-aalala."Is this what you want?"Napangisi si Renzo. "Obviously, as I think you know well, this is far from what I truly want.""And surely, you're not happy with the result."Nag-angat ng tingin si Renzo mula sa pagkakatitig sa kamay na nasa ibabaw ng mesa. "Who would be happy for the downfall? I have crafted the whole plan. I sacrificed many things. But because of that piece of paper, I lost even the one person whom I think can save me from this mess.""You're expecting to be saved after committing so many crimes?""Kung totoo mo ba akong anak, hahayaan mo na lang akong makulong?""If Joshua made the same mistake that you did, I won't tolerate him, e







