"WALA naman talaga silang pakialam sa nararamdaman ko. Para lang akong alien sa kanila. Alam mo ba 'yon?"
"Hindi." Tumingin ako kay Josh. "Kaya nga sinasabi ko sa 'yo para alam mo na." "Anong benefits ang makukuha ko kapag nalaman ko na ang talambuhay mo?" Nakangiti kong itinuro ang sarili ko. "You will gain a friend." "No, thanks. Marami na ako." "Buti ka pa." Ramdam ko na ang kalasingan dahil halos nag-uulap na ang paningin ko. Pero gusto ko pang maglabas nang mga hinaing ko. Sa ganoong paraan lang mababawasan ang bigat sa dibdib ko. "Wala ka bang mga kaibigan?" "Meron naman. At nag-iisa lang siya." Nakita ko ang pagtayo ni Josh. "O, teka. Saan ka pupunta?" "Uuwi na. Tawagan mo na lang ang kaibigan mong iyan para samahan ka." "Pero ayoko na siyang istorbohin." "At ako?" Pinalukot ko ang mukha ko para maawa si Josh na huwag akong iwang mag-isa. "Pero iniligtas kita." "Puwede kong gawin ulit 'yon anumang oras," malamig nitong tugon. Hinawakan ko ang isang kamay ni Josh. "So, hindi kita bibitiwan. At magiging anino mo ako hanggang hindi nagbabago ang isip mo." "Hindi na magbabago ang isip ko." "Mas malaki ba ang problema mo kaysa sa akin? Iniwan ako ng nanay ko noong limang taong gulang ako. At naging breadwinner ako ng pangalawang asawa ng papa ko. Ako na ang bumuhay lahat sa kanila pati sa mga pamangkin ko. Natanggal rin ako ngayon sa trabaho; walang savings, wala ring matirahan." Bumalik si Josh sa pagkakaupo. "Gusto ng papa ko na pakasalan ko ang kaibigan niyang matandang intsik para pambayad utang." "Gagawin niya 'yon?" Tumango ako habang tinutuyo ko ang mga luha sa mata. "Ang pagpapakasal lang ang paraan para makaalis ako sa poder nila. At lahat sila, suportado ang plano na iyon ni Papa. Wala man lang isang nagpakita ng concern pagkatapos kong buhayin sila sa loob ng mahabang panahon." "Anong klase silang mga tao?" "Wala silang mga puso." Sinabayan ko nang pagsinghot ang pagsasalita ko. "Ikaw? Mas malaki ba ang problema mo?" "May long-time girlfriend break up with me." Napanganga ako. Akala ko naman ay kalunos-lunos ang kinakaharap na problema ni Josh. "Ang sabi niya ay hindi na raw siya masaya. Hindi na rin niya ako mahal. I tried to win her back. Pero nalaman ko na sila na ng isa sa mga kaibigan ko." Tinapik-tapik ko ang likuran ni Josh upang iparating ang pagdamay rito. I don't have any idea to comfort a man with a broken heart. Dahil unang-una, loveless ako since birth. Wala rin akong malapit na kaibigang lalaki. "Nakita ko sila ngayon. Mukhang masaya na agad siya habang ako ay nasasaktan pa sa pag-iwan niya. Unfair 'yon, hindi ba?" Tumango lang ako. I know that there's a time for silence and a time to speak. I will just wait for the perfect timing. "Sabay kaming bumuo ng pangarap. Pareho kaming nangako na tatanda kaming magkasama. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung nagsimula ba siyang magloko bago pa matapos ang relasyon namin. Mabilis kasi siyang nakapag-move on." Nanatili pa rin akong tahimik; nag-iisip ng puwedeng ipayo kay Josh. But it's hard. I had no experience at all. Bahala na. "Kaya ayoko talagang pumasok sa isang relasyon dahil nagkalat ang mga cheater na hindi makuntento!" sigaw ko. Ikinuyom ko ang mga kamao ko. "Ang sarap basagin ng mga mukha nila!" "Mukha mo ang basag." "Ha?" Itinuro ng tingin at nguso ni Josh ang bahagi ng noo ko. Nang sapuin ko iyon, umaagas na naman ang dugo roon. "Bumili ka muna ng band-aid. Dapat kanina mo pa iyan nalagyan. Inuna mo pang bilhin ang alak." "Halika. Samahan mo ako." "Bakit? Hindi mo alam ang hitsura ng band-aid?" "Baka bigla mo akong layasan. Walang maghihiwalay sa atin nang hindi tayo lasing! Halika na!" Puwersahan ko nang hinatak patayo si Josh hanggang papasok ng convenience store. Hindi ko ito binitiwan. Ito na ang nagbayad kaya sinamahan ko uli ng ilang pirasong beer ang pinamili ko. "Hindi ka ba hahanapin sainyo?" Napangisi ako. "Hinahanap lang nila ako kapag kailangan nila ng pera. Pero dahil nasabi ko na sa kanila na natanggal na ako sa trabaho, sigurado na nagsisimula na naman silang magplano kung paano ako mapapabalik sa bahay." Tumango-tango lang si Josh habang sinasabayan nang pagtungga sa beer. "Alam mo ba kung bakit ko sila tiniis sa mahabang panahon?" "Bakit nga ba?" Sumeryoso ako. Nagbukas muna ako ng panibagong beer saka kinalahati iyon ng inom. "Alam ni Papa kung nasaan si Mama. Gusto ko kasi siyang makausap. Hindi ako magiging masaya at buo nang hindi ko nalalaman ang dahilan ng pag-iwan niya sa akin." "Iyan ba ang sinasabi mong misyon sa buhay mo?" Tumango lang ako at sinaid ko na ang laman ng lata ng beer. "Babalik ka pa rin pala sa kanila sa kabila nang ginawa nila sa 'yo?" Napasapo ulit ako sa noo nang tukuyin iyon ng tingin ni Josh. Nilagyan ko rin ng benda ang hiwa sa palad ko. "Ang totoo parang pinapaniwala ko lang ang sarili ko. Wala talagang alam si Papa kung nasaan si Mama." "Bakit tiniis mo sila?" "Dahil gusto ko ng isang pamilya. Gusto ko nang bahay na mauuwian. At siguro dahil umaasa ako na baka dumating ang araw na matanggap at mahalin nila ako, hindi bilang breadwinner kundi isang miyembro nila na may halaga." "Sa tingin ko, mas malaki ang problema ko kaysa sa akin." "So, nagbago na ang isip mo na hindi ka na uli magtatangka na magpakamat*y?" "If you do the same." "Minsan sumasagi rin sa isip ko. Pero naghahanap ako lagi ng dahilan para mabuhay." Tinapik-tapik ko ang likuran ni Josh. "Tutulungan kita na makalimutan ang heartbreak mo." "Paano?" Itinaas ko ang lata ng beer. Iyon na yata ang ikawalo. "Maglalasing tayo. Uubusin natin ang mga alak dito." Nadako naman ang tingin ni Josh sa direksiyon ng convenience store. Nasa harap lang sila. May mga upuan at mesa sa labas niyon. "At walang uuwi sa atin nang hindi bumabagsak!" "Lasing ka na nga." "Pero hindi pa rin bumabagsak," sabay tawa ko. "Uuwi na ako." "Samahan mo na muna ako. Baka kasi isipin ng mga tao na baliw ako kung magsasalita ako na mag-isa." "Puwede ka namang uminom nang hindi nagsasalita." "Gusto ko pang ilabas ang nagpapabigat sa dibdib ko. Marami pa akong gustong sabihin sa 'yo." "Hindi ka pa rin tapos?" "Nasa intro pa lang ako." "Mukha makikinig ako ng isang telenobela." "And it's a tragic ending." Nagbukas ulit ng beer si Josh. "Go on." Pumalahaw ako ng iyak. "Hey!" "I hate my life! Malas ako! Hindi ako mahal ng mga taong gusto ko rin sanang mahalin ako!" "Tumigil ka na riyan. Baka isipin ng mga makakakita at makakarinig sa 'yo ay pinapaiyak kita." Lalo lang lumakas ang pagpalahaw ko ng iyak. Natigil lang ako nang isubo sa akin ni Josh ang pinupulutan namin na prawn crackers. "Puwede ka naman sigurong magkuwento nang hindi iiyak." Kinain ko muna ang prawn crackers na nakaharang sa bibig ko. "Emotional kasi ang talambuhay ko." "Then, huwag ka nang magkuwento." "Alam mo ba kung bakit gusto kong magkuwento sa 'yo?" Hindi ko na hinintay ang pagsagot ni Josh. "Dahil isa ka lang passing stranger na hindi ko na makikita pa. So, hindi ako mahihiya kung sa tulad mo ako maglabas ng sama ng loob at hinaing ko sa buhay." "Then, I'm on my ears. Basta huwag ka lang iiyak." Suminghot ako at tinuyo ko ang basang mga pisngi ko. Sinundan ko rin iyon ng pag-inom ng beer. Napagkatuwaan pa naming mag-unahan ni Josh na maubos ang natitirang mga lata. Kaya hindi na ako nakapagkuwento pa dahil pareho na kaming bumagsak sa kalasingan.HINDI ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko nang makasakay na ako ng taxi. Awang-awa ako sa sarili ko.Pakiramdam ko, hindi lang ako basta isang outcast. Para akong pugante na tumakas sa kulungan.Tama. Matagal ko nang gustong tumakas. But I never imagined myself in this kind of predicament.Kahit minalas ako sa pamilya, puno pa rin ako ng mga pangarap sa buhay. Kaya nga nagsipag at nagsikap ako. Halos gawin ko nang araw ang gabi.I always dreamed of not just being a free soul but a happy and positive person.Gustong-gusto ko nang mabago ang kapalarang meron ako. Pero sa uri ng sitwasyon ko ngayon, para nang nasa hukay ang isa kong paa.If only someone would come along to save me, then I will be forever grateful. Gagawin ko ang lahat para pasalamatan ang taong ito.''Miss, nandito na tayo.''Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na halos napansin ang oras. Nang tingnan ko ang suot kong relo, lagpas ala una na.Nang makabayad na ako ng pamasahe, bumaba na ako. Hinintay kong makaalis
WALA akong ibang dalang gamit maliban sa handbag ko. Ito lang ang nabitbit ko nang dalhin kami kanina sa presinto.Alam kong hindi na ako makakauwi sa amin. Ayokong sumugal dahil alam na alam ko ang ugali ng pamilya ko. Baka kapag pumasok ako ng bahay ay hindi na ako lalabas nang buhay.Nangako naman si Emie na tutulong para makuha ang mga gamit ko. Ang inaalala ko lang ay si Papa. Siguradong hinahanap na ako nito.Mula sa pinagkukublihan ko sa likuran ng nakaparadang cargo truck ay muli akong napasilip. Iilan na lang ang naglalakad sa kalsada dahil hatinggabi na.Nasa kasunod akong barangay. Maliit lang ang lugar namin. Madali akong matutunton doon ng Papa ko. Marami itong kaibigan na kapreho rin nito ang ugali na walang kahit kaunting pagpapahalaga sa buhay ng iba.''Bakit ang tagal niya?'' sambit ko sa sarili ko habang iginagala ko ang mga mata ko sa paligid.Alam naman ni Emie kung nasaan ako. Ito ang nagdala sa akin sa lugar na iyon. Pero halos mag-aapat na oras na ang lumipas. S
''SIR, nandito na tayo.''Nagising mula sa pagkakahimbing si Josh dahil sa pagtawag at mahihinang yugyog ni Kino sa kanyang balikat. Medyo malayo rin ang naging biyahe kaya natulog muna siya. ''Uhm.''''Nandito na tayo,'' pag-uulit nito.''Okay. Thanks.'' Bumaba na siya ng kotse. ''By the way...'' Binalingan niya ang kaibigan, ''Find out those bastards that stole my car's parts at pananagutin mo sila sa batas. It's not a cheap one. At bago lang iyon.''''Yes, sir. But most likely, pasaway na mga homeless lang o kilala nang mga kawatan sa lugar ang gagawa niyon.''''Kahit sino pa sila, they have to pay for what they did. And don't accept any excuses lalo na't baka idaan ka sa paawa-effect.""Yes, sir.""Alam nilang may batas, pero gumagawa pa rin sila nang hindi tama.'' Nakita niya na napakamot sa ulo si Kino. ''What?''''Sir, hindi rin tama ang pinaghimpilan mo sa sasakyan. It's not a parking area, not a shoulder lane or emergency lane. So, partly ay may kasalanan din kayo.''Tumalim
''SIR? Sir?''Namimigat pa ang mga mata ni Josh. Gusto niya pa sanang ipikit iyon nang matagal, pero paulit-ulit ang tinig na tumatawag sa kanya.''Sir, gising na.''Naiirita pa siya sa pagyugyog nito sa kanyang balikat. ''Ugh...''''Sir, inabutan ka na naman dito ng gabi. Hinahanap ka na ng lolo mo.''''Five minutes, please.''''Nakailang tawag na si Chairman. Kapag hindi ka pa raw umuwi ay ipapasunog na niya ang bahay na ito.''Napilitan nang magmulat at bumangon si Josh. Napasapo siya sa nananakit na ulo.''Marami ka po yatang nainom kagabi. Halos buong maghapon kang tulog.''''Anong oras na?''''Past ten na po, sir.''''Kino...''''Yes, sir?''''Kailan mo ba ako tatawagin sa pangalan ko?''Magkababata at magkaibigan sila ni Kino. Anak ito ng family driver nila na matagal nang naninilbihan sa kanyang pamilya.''Joshua, tumayo ka na riyan!''''That's it. Mas magandang pakinggan ang ganyan.''''Pero sabi ng lolo mo -''''Forget about that old fox. Wala siya rito. So, no need to follo
NAPANGIWI ako nang dampian ng daliri ni Emie ang bumukang sugat ko sa gilid ng labi ko.''Masakit ba?''''Parang gusto ko lang pumatay ng mga walang utang na loob,'' wika ko habang matalim na nakatingin sa mga kapatid ko na nakaalalay sa mga asawa nila.Dinala kami sa presinto. Ilang beses na roong labas-pasok si Emie kaya parang feel at home na feel at home na ito. Ako, first time ko.Iniiwasan kong magkaroon ng anumang civil or criminal record dahil malaki ang magiging epekto niyon sa trabaho ko lalo na ngayon na kailangan kong maghanap ng panibagong mapapasukan.''Ikulong niyo sila!'' wika ni Neri na sinabayan pa ng iyak at pagngiwi ang pagturo nito sa kinauupuan namin ni Emie.''Dapat habangbuhay ang ipataw sa kanilang parusa!'' segunda ni Liza.''Ang OA, ha!'' asik ni Emie. ''Mukhang ang alam niyo lang talaga ay maghintay sa pagdating ng grasya at mangapitbahay para makipagtsismisan. May batas tayo rito. Huwag kayong advance mag-isip!''Pasimple kong kinalabit si Emie, pero wala
''TINURUAN mo siyang bastusin ako, 'no?''''Bakit ko naman siya kailangang turuan pa? May sarili naman siyang isip. She is smarter than you.''''Huh! Magkaibigan nga kayo. Parehong bastos ang bunganga niyo.''Tumalikod na ako. Ayokong patulan si Liza lalo na't maraming tao sa paligid. Hindi na rin naman ito sumunod nang pumasok ako ng bahay.Inabutan ko sa sala na nakahilata ang dalawa kong nakababatang kapatid na lalaki. Bagsak ang mga ito sa kalasingan dahil amoy na amoy ang alak sa paligid.Pinagbubuksan ko muna ang mga bintana upang makapasok ang hangin. Makalat sa loob. Walang pagbabago. Iyon at iyon ang araw-araw kong nadadatnan.Naiinis kong nilagpasan ang tambak ng mga hugasin sa mesa at lababo. Deretso na akong pumunta sa silid ko.Pero bigla akong napahinto sa bukana ng pinto nang abutan ko si Neri na nakahiga sa kama ko habang abala ito sa hawak nitong cellphone.''Anong ginagawa mo rito?''''Busy ako kaya huwag mo akong istorbohin.''''Puwes, lumabas ka dahil hindi ka welc