Share

Chapter 3

Author: EL Nopre
last update Last Updated: 2025-07-31 02:39:10

DUMAAN muna ako sa isang convenience store. Wala pa kasi akong kain. Bumili lang ako ng tinapay. At sinamahan ko rin iyon nang ilang lata ng beer.

Gusto kong makalimot kahit panandalian lang. Gusto kong ipahinga ang utak ko sa pag-iisip ng mga bagay na wala namang maitutulong sa akin.

"Saan ba ako pupunta?" tanong ko sa sarili ko habang iginagala ko ang mga mata ko sa paligid ng dinadaanan ko.

Halos hatinggabi na kaya iilan na lang ang mga tao at sasakyan sa kalsada. Iniwasan ko ang lugar na mayroong umpukan nang mga pulubi at homeless. Baka magaya na rin ako sa kanila.

Naglakad pa ako hanggang matanaw ko ang kahabaan ng isang lumang tulay. May concrete barricade roon na humihiwalay sa kalsada at pahingahan na may hilera ng mga wooden benches.

Pumunta ako sa pinakadulo dahil ilang magkakapareha ang umuukupa sa mga upuan na bahagyang hindi natatamaan ng mga street lights.

Medyo bumagal ang paglalakad ko nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa hangganan ng tulay habang nakatanaw sa kalawakan ng ilog na nasa ibaba.

"Tatalon ba siya?" bulong ko sa sarili.

Pinili ko ang bakanteng upuan na malapit sa lalaki. Para kapag tumalon ito ay maaagapan ko.

Inilabas ko ang mga beer na pinamili ko. Inuna ko muna ang pagkagat sa tinapay para malamanan ang tiyan ko. At habang kumakain ako, hindi ko maiwasan na hindi sulyap-sulyapan ang lalaki. Naging alerto ako lalo na nang humigpit ang hawak nito sa barandilya ng tulay.

"Tatalon nga yata siya."

Naghintay pa ako ng ilang sandali. Hanggang hindi na ako makatiis.

"Alam mo bang ilang beses ko na ring naisip na magpakamatay?"

Bumaling sa akin ng tingin ang lalaki. At kahit medyo malamlam ang liwanag sa kinatatayuan nito ay naaninag ko ang guwapo, pero dominante nitong mukha.

"Kaya lang may misyon pa ako kaya ilang ulit ding naudlot. Hindi ko alam kung malas ba iyon o suwerte."

Tahimik lang ang lalaki. Kailangan ko itong libangin o kumbinsehin para hindi na nito ituloy ang binabalak na pagtalon sa ilog..

"Ang ginagawa ko ay naglalasing na lang ako. Tapos pagkagising ko, hahanap ako ng panibagong dahilan para mabuhay."

Napasulyap ang lalaki sa iniangat ko na lata ng beer na idinampi ko ang malamig na katawan sa sugat ko sa noo. Napangiwi ako sa sakit.

"Nagpakamatay ka ba at naudlot na naman?"

His voice is manly. Pero ramdam ko ang lungkot sa tinig nito. "Hindi. May gustong pumatay sa akin."

Nakita ko ang pagsuyod ng tingin ng lalaki sa paligid. At natawa ako.

"Huwag kang mag-alala. Inunahan ko na sila."

Sinadya kong ipakita ang hiwa ko sa kamay. At napansin ko ang bahagyang pag-atras ng kausap ko. Kaya muli akong natawa.

"Siguro iniisip mo na nababaliw ako." Tinungga ko ang hawak kong beer. "Mababaliw talaga ako kung hindi ko pa sila lalayasan. Ang tagal na panahon kong nagtiis sa kanila."

"May problema ka rin?"

"Ikaw rin ba?"

Tumango ang lalaki.

"Halika. Samahan mo akong uminom. Pansamantala muna nating iwanan ang mundong ito."

"May alam ka bang mundo na puwede nating pagtaguan?"

"Hubarin mo ang jacket mo."

Napakunot ito ng noo. "Ha?"

Hinubad ko ang jacket ko at ipinakita sa lalaki ang pagtalukbong ko niyon sa ulo ko. "Ganito. Walang ibang narito kundi dilim at ako lang."

"Kalokohan!"

Inalis ko ang nakatalukbong sa akin na jacket. Nakaupo na pala ang lalaki sa tabi ko nang hindi ko man lang naulinigan. Saka ko lang ito natitigan. Guwapo nga ito.

Bumagay rito ang suot nitong denim jeans at hapit na puting polo shirt na nagpalabas sa pumuputok nitong muscles sa katawan.

Samyo ko rin ang gamit nitong perfume kahit nangingibabaw ang amoy ng alak dito. Nakainom na ito. Halata na nga sa namumungay nitong tsinitong mga mata. "Bakit hindi mo subukan?"

"Magmumukha lang akong baliw."

"Haist! Para mo na ring sinabi na nagmukha akong baliw."

"Sort of."

Inalok ko ng beer ang kausap ko na tinanggap naman nito. "Magpapakamatay ka ba?"

"I heard this place is prone sa mga taong nagtangkang kitilin ang buhay nila."

"So, gusto mong makiuso?"

"At least hindi na mahihirapan ang mga pulis kung saan ako hahanapin once my family reported me as missing."

"Ibang klase rin ang mindset mo."

Ngumiti muna ito bago tinungga ang beer. "So, ikaw..."

"Huh?"

"What's your story behind this drama?"

Napansin ko na panay ang ingles ng lalaki. Siguro nagtatrabaho ito bilang BPO o call center agent. "Puno talaga ng drama ang buhay ko. Kung may award lang sa tulad kong tanga, bobo at martir ay baka nga grandslam na ako."

"Are you talking about your husband?"

"Haist! Mukha na ba akong may asawa?"

"Boyfriend?"

"Wala pa! At wala akong balak makipagrelasyon!"

"Bakit naman?"

"Dahil ayokong makatagpo ng katulad ni Papa na cheater, iresponsable, mabisyo at lasinggero."

"Hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho."

"Malas ako sa buhay. Kaya ayokong malasin ulit kapag nakatagpo ako ng maling lalaki."

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan."

"Nevermind." Itinaas ko ang lata ng beer na hawak ko. "Cheers?"

"Cheers."

Pareho naming sinaid ang laman ng lata saka nagbukas ng panibago hanggang maubos namin ang anim na piraso.

"Gusto mo pa?" tanong ng lalaki. "My treat."

"Okay."

"May convenience store sa unahan."

Sinabayan ko na ng pagtayo ang lalaki. "Doon nga ako galing."

"Ano nga palang pangalan mo?"

"Denise."

Inilahad nito ang palad. "Joshua. Pero Josh na lang ang itawag mo sa akin."

"Okay."

Umabay na ako kay Josh sa paglalakad. At hindi ko naiwasan na hindi ito nakawan ng sulyap. Nakakaramdam kasi ako ng labis na panghihinayang kung may plano nga talaga itong magpakamat*y.

Pero alam ko at naiintindihan ko ang nararamdaman nito. Dahil halos buong buhay ko ay malungkot ako at nag-iisa. Kahit may inuuwian akong pamilya, hindi naman miyembro ang trato ng mga ito sa akin. I am more like a stranger, a slave and a cash cow.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 13

    HINDI ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko nang makasakay na ako ng taxi. Awang-awa ako sa sarili ko.Pakiramdam ko, hindi lang ako basta isang outcast. Para akong pugante na tumakas sa kulungan.Tama. Matagal ko nang gustong tumakas. But I never imagined myself in this kind of predicament.Kahit minalas ako sa pamilya, puno pa rin ako ng mga pangarap sa buhay. Kaya nga nagsipag at nagsikap ako. Halos gawin ko nang araw ang gabi.I always dreamed of not just being a free soul but a happy and positive person.Gustong-gusto ko nang mabago ang kapalarang meron ako. Pero sa uri ng sitwasyon ko ngayon, para nang nasa hukay ang isa kong paa.If only someone would come along to save me, then I will be forever grateful. Gagawin ko ang lahat para pasalamatan ang taong ito.''Miss, nandito na tayo.''Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na halos napansin ang oras. Nang tingnan ko ang suot kong relo, lagpas ala una na.Nang makabayad na ako ng pamasahe, bumaba na ako. Hinintay kong makaalis

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 12

    WALA akong ibang dalang gamit maliban sa handbag ko. Ito lang ang nabitbit ko nang dalhin kami kanina sa presinto.Alam kong hindi na ako makakauwi sa amin. Ayokong sumugal dahil alam na alam ko ang ugali ng pamilya ko. Baka kapag pumasok ako ng bahay ay hindi na ako lalabas nang buhay.Nangako naman si Emie na tutulong para makuha ang mga gamit ko. Ang inaalala ko lang ay si Papa. Siguradong hinahanap na ako nito.Mula sa pinagkukublihan ko sa likuran ng nakaparadang cargo truck ay muli akong napasilip. Iilan na lang ang naglalakad sa kalsada dahil hatinggabi na.Nasa kasunod akong barangay. Maliit lang ang lugar namin. Madali akong matutunton doon ng Papa ko. Marami itong kaibigan na kapreho rin nito ang ugali na walang kahit kaunting pagpapahalaga sa buhay ng iba.''Bakit ang tagal niya?'' sambit ko sa sarili ko habang iginagala ko ang mga mata ko sa paligid.Alam naman ni Emie kung nasaan ako. Ito ang nagdala sa akin sa lugar na iyon. Pero halos mag-aapat na oras na ang lumipas. S

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 11

    ''SIR, nandito na tayo.''Nagising mula sa pagkakahimbing si Josh dahil sa pagtawag at mahihinang yugyog ni Kino sa kanyang balikat. Medyo malayo rin ang naging biyahe kaya natulog muna siya. ''Uhm.''''Nandito na tayo,'' pag-uulit nito.''Okay. Thanks.'' Bumaba na siya ng kotse. ''By the way...'' Binalingan niya ang kaibigan, ''Find out those bastards that stole my car's parts at pananagutin mo sila sa batas. It's not a cheap one. At bago lang iyon.''''Yes, sir. But most likely, pasaway na mga homeless lang o kilala nang mga kawatan sa lugar ang gagawa niyon.''''Kahit sino pa sila, they have to pay for what they did. And don't accept any excuses lalo na't baka idaan ka sa paawa-effect.""Yes, sir.""Alam nilang may batas, pero gumagawa pa rin sila nang hindi tama.'' Nakita niya na napakamot sa ulo si Kino. ''What?''''Sir, hindi rin tama ang pinaghimpilan mo sa sasakyan. It's not a parking area, not a shoulder lane or emergency lane. So, partly ay may kasalanan din kayo.''Tumalim

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 10

    ''SIR? Sir?''Namimigat pa ang mga mata ni Josh. Gusto niya pa sanang ipikit iyon nang matagal, pero paulit-ulit ang tinig na tumatawag sa kanya.''Sir, gising na.''Naiirita pa siya sa pagyugyog nito sa kanyang balikat. ''Ugh...''''Sir, inabutan ka na naman dito ng gabi. Hinahanap ka na ng lolo mo.''''Five minutes, please.''''Nakailang tawag na si Chairman. Kapag hindi ka pa raw umuwi ay ipapasunog na niya ang bahay na ito.''Napilitan nang magmulat at bumangon si Josh. Napasapo siya sa nananakit na ulo.''Marami ka po yatang nainom kagabi. Halos buong maghapon kang tulog.''''Anong oras na?''''Past ten na po, sir.''''Kino...''''Yes, sir?''''Kailan mo ba ako tatawagin sa pangalan ko?''Magkababata at magkaibigan sila ni Kino. Anak ito ng family driver nila na matagal nang naninilbihan sa kanyang pamilya.''Joshua, tumayo ka na riyan!''''That's it. Mas magandang pakinggan ang ganyan.''''Pero sabi ng lolo mo -''''Forget about that old fox. Wala siya rito. So, no need to follo

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 9

    NAPANGIWI ako nang dampian ng daliri ni Emie ang bumukang sugat ko sa gilid ng labi ko.''Masakit ba?''''Parang gusto ko lang pumatay ng mga walang utang na loob,'' wika ko habang matalim na nakatingin sa mga kapatid ko na nakaalalay sa mga asawa nila.Dinala kami sa presinto. Ilang beses na roong labas-pasok si Emie kaya parang feel at home na feel at home na ito. Ako, first time ko.Iniiwasan kong magkaroon ng anumang civil or criminal record dahil malaki ang magiging epekto niyon sa trabaho ko lalo na ngayon na kailangan kong maghanap ng panibagong mapapasukan.''Ikulong niyo sila!'' wika ni Neri na sinabayan pa ng iyak at pagngiwi ang pagturo nito sa kinauupuan namin ni Emie.''Dapat habangbuhay ang ipataw sa kanilang parusa!'' segunda ni Liza.''Ang OA, ha!'' asik ni Emie. ''Mukhang ang alam niyo lang talaga ay maghintay sa pagdating ng grasya at mangapitbahay para makipagtsismisan. May batas tayo rito. Huwag kayong advance mag-isip!''Pasimple kong kinalabit si Emie, pero wala

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 8

    ''TINURUAN mo siyang bastusin ako, 'no?''''Bakit ko naman siya kailangang turuan pa? May sarili naman siyang isip. She is smarter than you.''''Huh! Magkaibigan nga kayo. Parehong bastos ang bunganga niyo.''Tumalikod na ako. Ayokong patulan si Liza lalo na't maraming tao sa paligid. Hindi na rin naman ito sumunod nang pumasok ako ng bahay.Inabutan ko sa sala na nakahilata ang dalawa kong nakababatang kapatid na lalaki. Bagsak ang mga ito sa kalasingan dahil amoy na amoy ang alak sa paligid.Pinagbubuksan ko muna ang mga bintana upang makapasok ang hangin. Makalat sa loob. Walang pagbabago. Iyon at iyon ang araw-araw kong nadadatnan.Naiinis kong nilagpasan ang tambak ng mga hugasin sa mesa at lababo. Deretso na akong pumunta sa silid ko.Pero bigla akong napahinto sa bukana ng pinto nang abutan ko si Neri na nakahiga sa kama ko habang abala ito sa hawak nitong cellphone.''Anong ginagawa mo rito?''''Busy ako kaya huwag mo akong istorbohin.''''Puwes, lumabas ka dahil hindi ka welc

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status