Jean Nang makalabas kami ni Kaizer ng office niya. Natanaw ko ng pasalubong naman si Manang Rosa sa ‘min. Nag-angat ako ng tingin kay Kaizer ngunit tinasaan lang niya ako ng kilay. “Sasabihin ko lang naman nand'yan ang Manang Rosa,” bubulong-bulong ako. Tumikhim si Kaizer ngunit wala naman sinabi kaya nanahimik na lamang ako. Nakangiti na agad ang Manang Rosa malayo pa sa amin. Tipid akong ngumiti rito ng malapit na siya dahil ang saya nito ayaw ko naman masira ang mood ng mabait na si Manang Rosa. “Kakain kayo mga anak?” tanong nito sa asawa ko pagkatapos sa akin ay tumingin din. “Inantay ko kayo hija,” aniya sa akin. Tumango si Kaizer. “Ayaw umalis ng asawa ko sa office ko kapag hindi ako kasama,” sagot ni Kaizer na kinaangat ko ng tingin sa kaniya. Ano raw? Gagawa ng kwento ah. Pero ayos lang nakakapagod makipagtalo late na ang oras ngayon. Pumalakpak pa si Manang Rosa sa sagot ng bugnutin kong asawa. Mabait naman siguro ang mama ni Kaizer kasi hindi tatagal dito kung hindi
Jean Kumatok ako sa pinto ng office ni Kaizer ngunit walang sumasagot. Ayaw ko naman pumasok ng walang pahintulo na galing sa kaniya na p'wede na akong pumasok. May topak pa naman baka mabugahan ako ng galit galing dito mahirap na. Sumubok ulit akong kumatok. Hindi ko pa naman na check kung naka locked ang pinto pero ngayon sinubukan ko na. Baka tulog lang si Kaizer kaya hindi ako naririnig sa labas. Nang wala talaga sumasagot nagpasya akong pihitin na lamang ang doorknob. Bahala ng magalit ito sa akin. Sanay na rin naman ako sa topakin kong asawa dedma lang. Nang pagbukas ko ng pinto napailing ako sa naabutan ko. Nakakayupyop sa working table si Kaizer. May nakalapag na whiskey bukas na iyon at isang kopita. So lasing ba? Bumuntonghininga ako at nilapitan ito. Maingat kong inalis ang bote ng alak at baso sa table ni Kaizer baka masagi nilipat ko sa center table ng sofa nasa loob ng office niya. Muli akong bumalik sa working table ni Kaizer at saglit ko muna siyang pinagmasd
Jean Malakas na tulak ng pinto ang naulinigan ko kaya ako'y nagising. Madilim ang mukha ng asawa ko ang bumungad sa akin. Shit! Nilibot ko ang aking paningin sa buong sulok ng silid. Sa terrace pala ang binuksan ni Kaizer. Diyan ba siya dumaan? Pero paano pala siya nakaakyat dito? Oo nga naman si Kaizer iyan maraming paraan. Sa daming tauhan ng asawa ko madali lang mag-utos. Terrace lang naman kayang-kaya akyatin. Ni locked ko pala sa loob ang pinto kaya siguro umakyat na lang sa terrace atat na bulabugin ako. Ano naman kaya hindi na lang niya ako hayaan dito matulog. Wala naman audience para pasikat na okay kami kailangan pa niyang pumunta rito. Hindi pa rin mawawala ang ngitngit ko sa kaniya dahil hindi ulit tutupad sa usapan namin na uuwi ako kapag lumabas si mama. Kaya galit ulit ako sa hudas na ito kakaurat walang puso. Tumingin ako sa suot kong pambisig na relo. Hmp! Alas-dose na pala ng gabi ang oras ngayon. Medyo matagal din pala akong nakatulog kasi kanina bago ako pum
Jean “M-mommy b-bakit po hindi ka makasagot? Totoo po ba ang binebentang nila Kaizer, sa ‘yo? Iyon lang po ang gusto kong malaman sana sabihin mo po ang totoo, mommy,” nakikiusap ko ng sabi. Ikinurap ko pa ang mata ko dahil uminit namimiss ko na si mommy sabayan pa naguguluhan ako. “Gaano mo ba ako kilala, anak? Sa tingin mo kaya ko iyon gawin. Mataas lang ang pangarap ko ngunit hindi dumating sa point na mananakit ako ng tao. Hindi pa dumating sa point na papaslang ako ng tao para yumaman. Edi, sana kung kaya ko iyon gawin matagal na tayong mayaman. Nasa tamang pag-iisip pa naman ako anak hindi ko iyon kayang gawin. Sorry, anak. Pagbalik ko aayusin ko ang lahat pangako,” halos bulong nito. “Mommy hindi rin ako naniniwala sa bintang nila sa'yo. Tulad nga ng sabi mo hindi mo iyon kayang gawin at iyon din ang pinaniniwalaan ko. Pero kaya kita ngayon tinanong kasi gusto ko rin manggaling mismo sa iyo na hindi mo iyong magagawa. Mapapanatag na ako ngayon.” “Lamok lang ang kaya kon
Jean “Anak ka ng kriminal hindi ka bagay rito sa bahay ng apo ko!” paasik na sabi ulit ng Lola ni Kaizer. Naulinigan ko pinakakalma siya ng kasama niyang babae. Tinawag n'yang tita Dhebora ang lola ni Kaizer. Panay nito haplos sa likuran ng lola ni Kaizer at sinasabi niyang huminahon lang daw baka mapaano naman siya. So kamag-anak pala ito ni Kaizer. Iba ang kutob ko ayaw ko lang maging judgmental. Base kasi sa pairap niya akong kung tingnan. Napansin ko rin dito halos patumbahin niya ako sa mabalasik n'yang titig. Ayaw ko lang pagtuunan ito ng pansin. “Enough,” saad ni Kaizer. Parang sumakit ba ang ulo ni Kaizer kasi nahilot niya ang sentido at saglit pang pumikit. “Lola, akala ko po ba pumunta ka rito sa bahay ko dahil gusto mong ako makasalo sa hapunan bakit ito ang topic natin kararating n'yo lang,” ani pa ni Kaizer. Umismid ang lola niya animo hindi siya makapaniwala magagawa siyang pagsabihan ng apo n'yang si Kaizer. “Bakit mo ba nagtatanggol ‘yang babaeng iyan? H'wag mo
Jean “Woi babae. Kailan ka ba uuwi rito sa atin? Nagtatanong ang lolo at lola mo kung saan ka raw nagpunta bakit hindi ka umuuwi? Tapos palagi kang offline.” Bumuntonghininga ako siyang kinatitig ni Vera sa akin. “Bakit anong reaksyon iyan?” “May asawa na ako,” “Ano???!!” malakas na bulalas nito. Bahagya pa akong napangiwi dahil pakiramdam ko nabasag ang eardrum ko sa lakas ng boses ni Vera. “Sandali lang ha? Hindi ako maka move on sa new revelation mo. H'wag mong sabihin na talagang nagpakasal na kayo ni Noel? Nilihim mo lang sa akin. My gosh...Jean! Nakita ko pa si Noel kaninang tanghali. Sino ang napangasawa mo ha? Ibang boylet?” sunod-sunod na tanong ni Vera sa akin. “Hindi si Noel,” pagtatapat ko sa kaniya. “Seryoso?” tinitigan pa niya ako ng matagal para bang binasa niya kong tama ang sinabi ko sa kaniya. “Hindi mo siya kilala kasi hindi taga r’yan sa ‘tin. Basta may dahilan kung bakit ako nagpakasal,” “Luh! Juntis ka na bff? At doon sa guwapong ang tatay kay