ANMELDENNaka-custom tailored na business suit si Mika, malinis ang pagkakatahi, eksaktong akma sa kanyang payat at elegante na katawan. Ang mahaba niyang buhok, kulay cool brown, ay naka-soft waves na maayos na nakapatong sa kanyang balikat.
Sa bawat hakbang ng mataas niyang heels sa marmol na sahig ng lobby, ingay na nanggagaling sa heels niya lang ang tanging maririnig. Aakalain mong siya ang may-ari ng kumpanyang ito, kung umasta siya ay tila makapangyarihan siya.
Habang naglalakad siya, bahagya siyang nakatagilid sa kanyang assistant na si Lyn, nagbibigay ng instructions sa mahinang boses pero sapat na para marinig ko iyon.
“Make sure finalized na yung export shipment sa Hong Kong by Friday, and check mo yung pricing ng new collection, I want a revised margin.”
“Yes, Ma’am,” mabilis na sagot ni Lyn.
Ibang-iba na siya sa dating Mika, ngayon, makikita mo na siyang isang tunay na corporate leader, isang babaeng kayang humawak ng kumpanya.
At isang babaeng, kayang agawin ang buhay ng iba, ultimo ang asawa ng iba.
Pagkatapos niyang magsalita, nagtagpo ang mga mata namin.
Nakatayo ako sa entrance.
Tahimik lang at nakatingin sakanya.
Pinapanuod ko ang bawat galaw niya, ngunit sapat na ang presensya ko para pabigatin ang hangin sa paligid.
Saglit siyang natigilan, hindi niya inaasahan na nandito ako ngayon sa harapan niya.
Alam kong kilala niya ako noon pa man, alam na niya ang kahinaan ko, at aware na ako ngayon na tinitira niya ako sa mga yun, emotional akong tao, madaling basagin, at higit sa lahat, matagal ng wala sa mundong ito ang presensya ko, matagal na akong wala sa ACV Jewelry, at hindi na ako babalik.
Lumapit siya sa entrance, at agad naman yumuko ang dalawang guard.
“Good morning po, President Mika!”
Ngumiti siya, professional siyang ngumiti.
“Anong nangyayari dito?”
Nagkamot ng ulo ang isang guard.
“Ma’am, gusto po kasi pumasok nitong babae, chine-check lang po namin—”
Hindi pa niya natatapos ang salita—
Napatingin si Mika kay Lyn, isang tingin lang, naintindihan na agad.
Lumapit si Lyn sa akin.
Mula ulo hanggang paa, tiningnan niya ako, ni hindi manlang niya itinago ang pangmamata.
“Ma’am,” malamig niyang sabi, “top jewelry company po ito. Baka po naligaw kayo.”
Hindi ako kuminbo, dahan-dahan akong tumingin kay Mika at ngumiti.
Isang mapanuyang ngiti.
“Mika,” mahina kong sabi. “Ang asong kumakagat sa amo, may kapalit.”
Biglang nanigas ang mukha niya sa sinabi ko.
Magsasalita na sana siya para sagutin ang sinabi ko sakanya ngunit may dumating na dalawang luxury cars sa labas.
Huminto ito, bumukas ang pinto.
Sila ang tatlong shareholders ng kumpanya, mga lalaking nasa edad singkuwenta pataas, at sila ang mga beterano sa industriya.
Pagkakita pa lang ni Mika, namutla siya.
“President Mika,” bulong ng isa sa staff sa likod niya, kinakabahan.
Habang ako ay kalmadong nag oobserve lang sa mga galaw niya, gusto kong matawa sa reaksyon niya ngayon.
“Bilang founder,” malamig kong sabi, malinaw ang bawat salita, “at largest shareholder ng ACV Jewelry—”
Humakbang ako papunta sakanya.
“Tatawag ako ng emergency shareholders’ meeting.” Tumingin ako diretso sa kanya. “At ikaw ang pakay nito.”
Bago pa siya makapagsalita, diretso na akong naglakad papunta sa private elevator.
Sumunod ang tatlong shareholders, walang umiimik, diretso lang ang lakad ko at wala ng sumubok pigilan ako.
Ang dalawang guard kanina ay nagkatinginan.
Ngumiti si Mika, pero hindi iyon ngiti ng saya, kundi ng galit.Lumapit siya kay Lyn.
Mahinang bumulong pero sapat na para marinig ko sa pwesto ko.
“Tawagan mo si Assistant Nico Perez. Sabihin mo, nagwawala si Clarissa dito.”
Tumango si Lyn.
“Okay, Ma’am.”
Napangisi lang ako sa inasta niya.
Nang nasa loob na kami ng boardroom, tahimik lang ang lahat, na halos maririnig ang bawat paghinga.
Nakaupo na ang tatlong shareholders, nagkakatinginan sila sa isa’t-isa.
Hindi sigurado kung kanino papanig.
Sa harap, nakatayo ako, mahigpit ang hawak ko sa share certificate.
Ngunit, unti-unting namumuti ang mga daliri ko, dahil ngayon ko lang nalaman, na limang taon na ang nakalipas, inilipat ni Adrian ang 10% shares niya, kay Mika.
Hindi lang basta pagtataksil, kundi talagang ginusto ni Adrian pala talaga ang sitwasyon na to ng wala akong kaalam-alam.
Hindi lang iyon.
Sa loob ng limang taon, isa-isang tinanggal ni Mika, ang mga taong ako mismo ang nagpasok sa kumpanya.
Ang ACV Jewelry, ay parang hindi na sakin.
Marahang tumayo si Mika, tila may kumpiyansa ito, mayabang ang dating na akala mo ay siya ang naghirap talaga sa kumpanyang ito.
“Clarissa,” malambing niyang sabi, pero may halong panunuya. “Alam kong galit ka. Pero ibinigay ni Adrian yung shares sa akin kasi, ayaw sumunod sa akin ng mga tao mo.”
Ngumiti siya.
“Ginawa niya ‘yon para protektahan ako.” dagdag pa niya, at bahagya pa itong tumawa.
“Limang taon kang nasa bahay, sinusuportahan ka lang niya, hindi mo maiintindihan kung gaano kahirap magtrabaho. At hindi mo ako pwedeng tanggalin,” dagdag niya. “Hindi papayag si Adrian.”
Tinitigan ko lang siya, unti-unti kong ibinaba ang share certificate.
Tumayo ako, at lumakad papunta sa kanya.
At nang nasa harapan na niya ako ay hindi ako nagdalawang-isip na sampalin siya.
Umalingawngaw ang sampal sa buong silid, talagang buong lakas ko na siguro ay ibinigay ko sa sampal na yun.
Ang mga tao sa loob ng boardroom ay halata mong nagulat sa ginawa ko, hindi makapaniwala.
Napahawak si Mika sa kanyang namumulang pisngi.
Ang mga mga mata niya ay matatalim na nakatingin sakin.
Sa loob lang ng isang segundo, nagbago ang ekspresyon niya.
Napakunot ang noo.
Tumulo ang luha.
“Clarissa,” nanginginig ang boses niya. “Kung makakagaan yan ng pakiramdam mo, tatanggapin ko.” halos parang kawawa ang boses niya. “Pero kumpanya ’to, nasa harap tayo ng shareholders, hindi kaba naturuan ng professionalism?”
Huminga siya.
“Kapag nalaman ni Adrian, magagalit siya ulit.” dagdag nito na parang matitinag at matatakot pa ako.
“Tumigil ka.” sabi ko ng diretso. “Ang pagiging kabit,” dahan-dahan kong sinabi, “kapareho lang ng bigamy.”
Tumingin ako diretso sa mata niya.
“Huwag mong isipin na dahil pinoprotektahan ka ni Adrian, ay wala na akong magagawa.”
Lumapit si Nico Perez, assistant ni Adrian.
“Ma’am,” maingat niyang sabi. “Please calm down, ipapaliwanag ni Sir Adrian—”
“Huwag ka nang magsalita.” diretso akong tumingin ako sa kanya. “Sabihin mo kay Adrian, ibalik niya ang shares. Kung hindi, hindi ako titigil hanggang sa mawala kayong lahat.”
Hindi na ako naghintay ng sagot.
Tumalikod ako, at umalis, wala na akong nilingon pa sakanilang lahat.
***
Kinagabihan…
Umuwi ako at para akong pagod na pagod, napahawak pa ako sa aking tiyan, at mahinang kinausap ang anak ko.
“Baby, konting tiis lang ah? Sorry, pero promise matapos lang itong laban ni Mommy kakain tayo ng masarap!” napangiti ako ng marealize kong dalawa kami ng baby kong lumalaban ngayon. May kakampi ako.
Mula sa kusina, may naamoy akong nilulutong ulam.
“Ma’am, kain na po,” tawag ni Manang Lilia.
Tumango lang ako at naglakad papuntang kusina, nang makarating ako sa kusina, halos mabigla ako ng makita kong nandun si Adrian, na parang walang nangyari.
Nakasuot siya ng black polo, naka-roll ang sleeves.
May hawak siyang mangkok.
Dahan-dahang sinasandok ang sabaw ng tinolang manok.
Ang ilaw mula sa chandelier, nagbigay ng mainit na glow sa mukha niya.
Gwapo pa rin.
Pareho pa rin, ito yung lalaking minahal ko, pero alam ko nagbago na siya ngayon.
“Favorite mo ’to,” sabi niya, hindi tumitingin. “Mainit pa.”
Huminto ako.
Napatawa ako.
Isang tawang puno ng galit.
“Adrian,” sabi ko. “Sa tingin mo, pwede pa tayong kumain ng maayos?”
Dahan-dahan niyang inilapag ang mangkok.
Pinunasan ang kamay, at tumingin sa akin.
“Clari…” Mahina ang boses niya. “Upo ka muna, kumain muna tayo, at saka tayo mag-usap pagkatapos.”
Naka-custom tailored na business suit si Mika, malinis ang pagkakatahi, eksaktong akma sa kanyang payat at elegante na katawan. Ang mahaba niyang buhok, kulay cool brown, ay naka-soft waves na maayos na nakapatong sa kanyang balikat.Sa bawat hakbang ng mataas niyang heels sa marmol na sahig ng lobby, ingay na nanggagaling sa heels niya lang ang tanging maririnig. Aakalain mong siya ang may-ari ng kumpanyang ito, kung umasta siya ay tila makapangyarihan siya. Habang naglalakad siya, bahagya siyang nakatagilid sa kanyang assistant na si Lyn, nagbibigay ng instructions sa mahinang boses pero sapat na para marinig ko iyon.“Make sure finalized na yung export shipment sa Hong Kong by Friday, and check mo yung pricing ng new collection, I want a revised margin.”“Yes, Ma’am,” mabilis na sagot ni Lyn.Ibang-iba na siya sa dating Mika, ngayon, makikita mo na siyang isang tunay na corporate leader, isang babaeng kayang humawak ng kumpanya.At isang babaeng, kayang agawin ang buhay ng iba, ul
“Daddy, naririnig niyo po ba ako?”Hinila ng batang lalaki ang kamay ni Adrian, bahagyang nakasimangot ang maliit nitong mukha.“Gusto ko po ng chocolate cake.”Naputol ang tingin ni Adrian sa akin, para bang hindi niya ako kilala kaya agad siyang bumaling sa bata. “Hindi pa pwede,” mahinahon niyang sabi, bahagyang yumuko para pantayan siya. “Kagagaling mo lang sa lagnat. Bawal muna ang matamis.”Bahagyang nalungkot si Adi, at ngumuso.Marahang ginulo ni Adrian ang buhok nito.“Bibili si Daddy pag tuluyan ka nang gumaling, okay?”Agad na tumango si Adi, parang nawala ang lungkot.“Okay po!”Sandali siyang nag-isip, saka muling tumingin sa display ng cake.“Daddy, bili na lang po muna tayo ng favorite ni Mommy, strawberry cake.”Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko.“Okay,” sagot ni Adrian.Tinawag niya ang staff.“Miss, pa-pack po nitong strawberry cake.”“Sure po, Sir,” nakangiting sagot ng crew, suot ang apron ng café.Inabot niya ang cellphone, at nag-scan ng QR code.Sa buo
Hindi makapaniwala si Atty. Diane. “Sige, bukas magkita tayo, magusap tayo.” hindi ko na ako nakapagpaalam, binaba ko na agad ang tawag niya. ***Kinabukasan…Tahimik na nakaparada ang puting Porsche Panamera ko sa gilid ng kalsada sa loob ng eksklusibong subdivision sa dito sa Alabang, malalapad ang daan, tahimik, may mga puno ng acacia at narra na nagbibigay-lilim, at may mga guard na paikot-ikot sa patrol.Sa harap namin, isang marangyang villa din. Modernong disenyo, may malalaking salamin, malinis ang linya ng arkitektura, at halatang pinag-isipan ang bawat detalye. Napailing si Atty. Diane. “Grabe! Hindi ako makapaniwala, Clarissa. Bakit naisip pa ni Adrian na halos magkatapat pa ang mga bahay niyo ng babae niya.” mahina niyang sabi. “Hindi ko masabing ‘kamukha’ ng bahay niyo, pero parang eksaktong kopya siya.”Pagkasabi niya, agad niyang napagtanto ang sinabi niya.Napakagat siya sa labi at mabilis na tinakpan ang bibig.“Sorry…”Dahan-dahan siyang napalingon sa akin, haba
“Daddy, natatakot po ako, ayaw ko po injection!” sigaw ng bata at kita mo sakanya ang takot. Bahagyang itinaas ng batang lalaki ang kanyang baba habang umiiyak, at doon ko tuluyang nasilayan ang mukha niya.Huminto ang paghinga ko, nanikip bigla ang dibdib ko.Ang batang iyon, halos kamukha ni Adrian.Ang hugis ng mata, ang ilong, pati ang panga parang mas batang bersyon niya.Parang biglang nawalan ng kulay ang mundo ko, unti-unti na nga ako bumabalik sa dati at normal na ako bago ang lahat, pero ngayon ramdam kong ang pagbagsak muli ng balikat ko. Hindi! Hindi pwede! Hindi pwedeng may iba na siya?! May anak siya sa iba?!Pakiramdam ko ay may piraso ng laman na biglang pinunit mula sa puso ko. Napakapit ako sa pader, halos nanginginig ang buong katawan.Hindi ko halos marinig ang paligid, tanging boses lang ni Adrian ang malinaw sa tenga ko.“Adi, magpakatapang ka, okay? Kailangan mo ng injection para gumaling,” malumanay niyang sabi, kabaligtaran talaga ng malamig niyang tono kapa
Sa loob ng master bedroom na halos nilalamon na ng dilim, tahimik ang lahat, maliban sa mahihinang ingay ng lungsod na pilit sumisingit sa katahimikan. Kahit umaandar ang aircon, hindi nito tuluyang mapawi ang nananatiling init ng summer vibes na kumakapit sa balat. Napatingin ako sa bahagyang nakabukas na bintana, hindi ko namamalayan, pumapasok na pala ang mabagal at maalinsangang hangin, dala ang pamilyar na amoy ng gabi. Parang may sariling buhay ang hangin, na dahan-dahang gumagapang sa loob ng kwarto, pinupuno ito ng bigat na hindi maipaliwanag.Marahan kong naririnig ang paggalaw ng makapal na kurtina, habang ang maputlang liwanag ng buwan ay sumisingit sa pagitan nito, gumuguhit ng mga anino sa loob ng silid.Nagpalinga-linga ako sa paligid, napakalaking kwarto, habang kaming dalawa ay nasa gitna. Oo, kaming dalawa. Ang lalaking kasama ko ay halata mong marami ang nainom na alak. Paano ko nasabi? Dahil sa bawat galaw niya para bang bigat na bigat siya sa sarili niya, dahil m







