Home / Romance / I Was His Wife, But Never His Choice / Chapter 2 ~ From Wife to Stranger

Share

Chapter 2 ~ From Wife to Stranger

Author: Himari Yua
last update publish date: 2026-04-17 12:52:23

“Daddy, natatakot po ako, ayaw ko po injection!” sigaw ng bata at kita mo sakanya ang takot. 

Bahagyang itinaas ng batang lalaki ang kanyang baba habang umiiyak, at doon ko tuluyang nasilayan ang mukha niya.

Huminto ang paghinga ko, nanikip bigla ang dibdib ko.

Ang batang iyon, halos kamukha ni Adrian.

Ang hugis ng mata, ang ilong, pati ang panga parang mas batang bersyon niya.

Parang biglang nawalan ng kulay ang mundo ko, unti-unti na nga ako bumabalik sa dati at normal na ako bago ang lahat, pero ngayon ramdam kong ang pagbagsak muli ng balikat ko. 

Hindi! Hindi pwede! Hindi pwedeng may iba na siya?! May anak siya sa iba?!

Pakiramdam ko ay may piraso ng laman na biglang pinunit mula sa puso ko. Napakapit ako sa pader, halos nanginginig ang buong katawan.

Hindi ko halos marinig ang paligid, tanging boses lang ni Adrian ang malinaw sa tenga ko.

“Adi, magpakatapang ka, okay? Kailangan mo ng injection para gumaling,” malumanay niyang sabi, kabaligtaran talaga ng malamig niyang tono kapag ako ang kausap. “Nandito si Daddy. Hindi kita iiwan.”

“Kung ganun…” singhot ng bata, pinipigilan ang iyak, “magiging mabait na po ako, magpapa-injection na po ako!” 

Saglit siyang tumigil, saka tumingala kay Adrian.

“Daddy, pwede po bang matulog ikaw sa bahay po?”

Bahagyang napakunot ang noo ko.

“Bakit?” tanong ni Adrian, marahan pa rin ang boses.

“Sinabi ni Mommy, bukas daw po birthday ko.” mahina nitong sagot. “Five years old na po ako, gusto ko po pagmulat ko ng mga mata ko, makita ko po ikaw agad.”

Parang may kutsilyong dahan-dahang isinaksak sa dibdib ko.

Five years old, limang taon.

Limang taon na ang batang iyon.

Limang taon na rin mula nang mawala ang kambal ko.

“Okay,” marahang sagot ni Adrian, habang hinahaplos ang buhok ng bata. “Promise ni Daddy.”

“Yey! Thank you, Daddy!” masayang sabi ng bata, kahit may luha pa sa pisngi. “Si Daddy ang pinaka-best! Mahal na mahal kita!”

Ngumiti si Adrian.

Isang ngiting kailanman ay hindi niya ibinigay sa akin, ni hindi ko manlang maranasan na pasadahan niya ako ng ngiting ganun. 

“Mahal ka rin ni Daddy.”

Ang simpleng eksenang iyon, ang inosenteng boses ng bata, ang lambing ng Adrian sakanya, ay naging isang mabagal at masakit na torture para sakin. 

Hindi ko na kinaya.

Bigla kong tinakpan ang bibig ko at tumalikod sakanila. Hindi ko na kayang makita. 

“Ugh—!”

Nagsimula akong magsuka sa basurahan sa gilid ng hallway.

Ang amoy ng antiseptic, ang lamig ng sahig, ang ingay ng mga taong dumadaan, lahat ay tila umiikot sa paningin ko.

“Daddy…” mahinang sabi ng bata, siguro napansin ako. “May babae po doon, parang may sakit din.”

Bahagyang napakunot ang noo ni Adrian.

May kakaibang pakiramdam na gumapang sa dibdib ko habang naririnig niya ang pagsusuka ko.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit, inangat niya ang bata, handa nang lumapit sakin ngunit biglang may tumawag mula sa likuran nila. 

“Kuya Adrian!”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, kilala ko ang boses na yun! Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino.

Dahan-dahang lumapit ang babae, nakasuot ng corporate attire, may hawak na mamahaling bag, at halatang galing sa trabaho.

Si Mika, ang babaeng minsan kong tinulungan, ang babaeng tinuring kong parang kapatid.

Ang babaeng, sumasaksak sa akin pag nakatalikod ako. 

“Kamusta na si Adi?” tanong niya, agad hinawakan ang noo ng bata. “Ang init pa rin…”

“May inflammation daw,” sagot ni Adrian, mababa ang boses. “Kailangan ng IV.”

“Okay…” tumango siya, halatang nag-aalala. “Pasensya ka na, anak, late si Mommy.”

Umiling ang bata.

“Okay lang po, Mommy! Sabi ni Daddy busy kayo sa work, alam ko pong mahirap magtrabaho.”

Napapikit ako.

Mommy…

“Ang bait-bait talaga ng anak ko!” mahinang sabi ni Mika, hinaplos ang ulo nito.

Pagkatapos ay tumingin siya kay Adrian.

“Kuya Adrian, ako na lang magbuhat?”

Umiling si Adrian.

“Mabigat na siya.” at parang isang normal na pamilya, si Adrian, si Mika, at ang batang lalaki na si Adi. 

Sabay-sabay silang naglakad palayo.

Iniwan ako sa sulok, nakasandal sa malamig na pader.

Halos hindi na makahinga.

Unti-unting lumabo ang paningin ko habang tumutulo ang luha ko.

Hindi ko kailanman naisip na ang lalaking minahal ko nang buong puso, at ang babaeng tinulungan ko mula sa wala…

Ay parehong magtataksil sa akin.

***

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. 

Nang magkamalay ako kanina, nabigla pa ako ng nakaparada na ang sasakyan ko sa labas ng aming subdivision.

Sa loob ng tahimik at eksklusibong village sa Alabang, ang mga ilaw ng poste ay unti-unting nagsisindi habang papalubog ang araw.

Sa loob ng kotse, tulala akong nakatingin sa harap. 

Dumaan ang pamilyar na itim na Maybach ni Adrian, diretso itong pumasok sa kabilang villa.

Dahan-dahang nagsara ang malaking gate.

Parang tuluyang isinara ang mundo ko.

Nanginig ang mga kamay ko sa manibela.

Huminga ako nang mabilis. 

“Ugh—!”

Bigla kong binuksan ang pinto at lumabas.

Sumandal ako sa puno sa gilid ng kalsada at muling nagsuka.

Matagal bago ako nakabawi.

Pagkatapos, dahan-dahan akong tumayo, pinunasan ang mga luha ko.

At tumingin sa villa, halos magkalapit lang kami. Isang kalsada lang ang pagitan.

Sa isang banda, ang bahay naming mag-asawa.

Sa kabila, ang bahay ng “ibang pamilya.” 

Gusto kong tumawa pero parang nawawalan ako ng lakas. 

Limang taon.

Habang ako ay nabubuhay sa bangungot ng pagkawala ng mga anak ko, si Adrian ay may ibang pamilya.

May anak.

May masayang buhay, hindi manlang niya naisip ang mga anak namin. Hindi manlang niya naisip kung gaano kahirap sakin ang mawalan ng mga anak. 

Unti-unti akong bumalik sa kotse, napatitig na lang ako sa kawalan, tahimik at walang emosyon.

Kinuha ko ang cellphone ko, at tinawagan ko si Adrian.

Isang beses.

Dalawang beses.

Tatlong beses.

Hindi ko na mabilang.

Hanggang sa maubos ang baterya, at namatay ang cellphone ko. 

Dahan-dahan itong nahulog mula sa kamay ko. 

Parang may humatak sa tingin ko.

Napatingin ako sa ikalawang palapag ng bahay nila. 

Sa loob ng master bedroom yata ito, sa likod ng kurtina, may dalawang aninong magkadikit.

Magkayakap.

Mahigpit, at lalong mas humigpit pa. 

Nanlambot ang tuhod ko.

Mariin kong kinagat ang labi ko.

Ngunit hindi ko mapigilan ang panginginig ng baba ko.

Parang hinihiwa ang puso ko, paulit-ulit, hanggang sa wala nang matira.

Dahan-dahan kong hinawakan ang door handle.

Bubuksan ko na sana, nang mapansin ko ang papel sa tabi.

Ang pregnancy test result.

Umalingawngaw ang boses ng mga anak ko sa isip ko. 

“Mommy… magpagaling ka…”

“Hihintayin ka namin…”

Pumikit ako ng mariin, tila mababaliw ako. Sumasakit ang ulo ko, hindi ko mapigilang hindi marinig ang mga boses. 

Huminga ako ng malalim, at nagbilang ako ng sampung segundo. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, dahil hindi masama sa anak ko ang mastress ako ng sobra. 

Nang maramdaman kong kumakalma na ako, ay umupo ako ng maayos at diretso. Binitawan ko ang test result at itinago ito ng maayos sa bag na dala ko. 

Simula sa araw na ito, sakin lang ang anak ko. Hindi na para sabihin kay Adrian ang magandang balita, dahil hindi ko na kakayanin na pati ang anak ko ngayon ay mawala sakin. 

***

Kinabukasan…

Pagpasok ng unang sinag ng araw sa kwarto, tahimik akong bumangon.

Hindi ako nakatulog kakaisip, kahit isang saglit. 

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ako ng numero. 

“Hello?” sinagot agad niya sa kabilang linya. 

“Atty. Diane…” mahina ngunit matatag ang boses ko. “Gusto ko nang makipag-divorce.”

Sa kabilang linya, napabuntong-hininga si Atty. Diane, siya ang personal Attorney ng pamilya namin. 

“Clarissa, limang taon na, baka naman—”

“Hindi na.” Pinutol ko siya, ayoko na. Hindi ko na kayang tiisin lahat ng sakit. 

“Si Adrian ang may kasalanan.” sabi ko. 

“Ano?!” gulat na gulat siya. “Imposible—”

“May iba siya.” pinutol ko siyang muli. 

Hindi siya nakapagsalita agad. Tila, iniisip niyang mabuti ang mga sinasabi ko. 

“At may anak sila.” Huminga ako nang malalim. “Limang taon na yung bata.”

Unti-unting pumatak ang luha ko, malalim na hinga lang ang naririnig ko sa kabilang linya. 

“Kasing edad ng mga anak ko…” dagdag ko pa. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Was His Wife, But Never His Choice   Chapter 5 ~ Dinner Before the Storm

    Naka-custom tailored na business suit si Mika, malinis ang pagkakatahi, eksaktong akma sa kanyang payat at elegante na katawan. Ang mahaba niyang buhok, kulay cool brown, ay naka-soft waves na maayos na nakapatong sa kanyang balikat.Sa bawat hakbang ng mataas niyang heels sa marmol na sahig ng lobby, ingay na nanggagaling sa heels niya lang ang tanging maririnig. Aakalain mong siya ang may-ari ng kumpanyang ito, kung umasta siya ay tila makapangyarihan siya. Habang naglalakad siya, bahagya siyang nakatagilid sa kanyang assistant na si Lyn, nagbibigay ng instructions sa mahinang boses pero sapat na para marinig ko iyon.“Make sure finalized na yung export shipment sa Hong Kong by Friday, and check mo yung pricing ng new collection, I want a revised margin.”“Yes, Ma’am,” mabilis na sagot ni Lyn.Ibang-iba na siya sa dating Mika, ngayon, makikita mo na siyang isang tunay na corporate leader, isang babaeng kayang humawak ng kumpanya.At isang babaeng, kayang agawin ang buhay ng iba, ul

  • I Was His Wife, But Never His Choice   Chapter 4 ~ Reclaiming My Empire

    “Daddy, naririnig niyo po ba ako?”Hinila ng batang lalaki ang kamay ni Adrian, bahagyang nakasimangot ang maliit nitong mukha.“Gusto ko po ng chocolate cake.”Naputol ang tingin ni Adrian sa akin, para bang hindi niya ako kilala kaya agad siyang bumaling sa bata. “Hindi pa pwede,” mahinahon niyang sabi, bahagyang yumuko para pantayan siya. “Kagagaling mo lang sa lagnat. Bawal muna ang matamis.”Bahagyang nalungkot si Adi, at ngumuso.Marahang ginulo ni Adrian ang buhok nito.“Bibili si Daddy pag tuluyan ka nang gumaling, okay?”Agad na tumango si Adi, parang nawala ang lungkot.“Okay po!”Sandali siyang nag-isip, saka muling tumingin sa display ng cake.“Daddy, bili na lang po muna tayo ng favorite ni Mommy, strawberry cake.”Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko.“Okay,” sagot ni Adrian.Tinawag niya ang staff.“Miss, pa-pack po nitong strawberry cake.”“Sure po, Sir,” nakangiting sagot ng crew, suot ang apron ng café.Inabot niya ang cellphone, at nag-scan ng QR code.Sa buo

  • I Was His Wife, But Never His Choice   Chapter 3 ~ The Day I Faced My Husband’s Betrayal

    Hindi makapaniwala si Atty. Diane. “Sige, bukas magkita tayo, magusap tayo.” hindi ko na ako nakapagpaalam, binaba ko na agad ang tawag niya. ***Kinabukasan…Tahimik na nakaparada ang puting Porsche Panamera ko sa gilid ng kalsada sa loob ng eksklusibong subdivision sa dito sa Alabang, malalapad ang daan, tahimik, may mga puno ng acacia at narra na nagbibigay-lilim, at may mga guard na paikot-ikot sa patrol.Sa harap namin, isang marangyang villa din. Modernong disenyo, may malalaking salamin, malinis ang linya ng arkitektura, at halatang pinag-isipan ang bawat detalye. Napailing si Atty. Diane. “Grabe! Hindi ako makapaniwala, Clarissa. Bakit naisip pa ni Adrian na halos magkatapat pa ang mga bahay niyo ng babae niya.” mahina niyang sabi. “Hindi ko masabing ‘kamukha’ ng bahay niyo, pero parang eksaktong kopya siya.”Pagkasabi niya, agad niyang napagtanto ang sinabi niya.Napakagat siya sa labi at mabilis na tinakpan ang bibig.“Sorry…”Dahan-dahan siyang napalingon sa akin, haba

  • I Was His Wife, But Never His Choice   Chapter 2 ~ From Wife to Stranger

    “Daddy, natatakot po ako, ayaw ko po injection!” sigaw ng bata at kita mo sakanya ang takot. Bahagyang itinaas ng batang lalaki ang kanyang baba habang umiiyak, at doon ko tuluyang nasilayan ang mukha niya.Huminto ang paghinga ko, nanikip bigla ang dibdib ko.Ang batang iyon, halos kamukha ni Adrian.Ang hugis ng mata, ang ilong, pati ang panga parang mas batang bersyon niya.Parang biglang nawalan ng kulay ang mundo ko, unti-unti na nga ako bumabalik sa dati at normal na ako bago ang lahat, pero ngayon ramdam kong ang pagbagsak muli ng balikat ko. Hindi! Hindi pwede! Hindi pwedeng may iba na siya?! May anak siya sa iba?!Pakiramdam ko ay may piraso ng laman na biglang pinunit mula sa puso ko. Napakapit ako sa pader, halos nanginginig ang buong katawan.Hindi ko halos marinig ang paligid, tanging boses lang ni Adrian ang malinaw sa tenga ko.“Adi, magpakatapang ka, okay? Kailangan mo ng injection para gumaling,” malumanay niyang sabi, kabaligtaran talaga ng malamig niyang tono kapa

  • I Was His Wife, But Never His Choice   Chapter 1 ~ His Secret Child

    Sa loob ng master bedroom na halos nilalamon na ng dilim, tahimik ang lahat, maliban sa mahihinang ingay ng lungsod na pilit sumisingit sa katahimikan. Kahit umaandar ang aircon, hindi nito tuluyang mapawi ang nananatiling init ng summer vibes na kumakapit sa balat. Napatingin ako sa bahagyang nakabukas na bintana, hindi ko namamalayan, pumapasok na pala ang mabagal at maalinsangang hangin, dala ang pamilyar na amoy ng gabi. Parang may sariling buhay ang hangin, na dahan-dahang gumagapang sa loob ng kwarto, pinupuno ito ng bigat na hindi maipaliwanag.Marahan kong naririnig ang paggalaw ng makapal na kurtina, habang ang maputlang liwanag ng buwan ay sumisingit sa pagitan nito, gumuguhit ng mga anino sa loob ng silid.Nagpalinga-linga ako sa paligid, napakalaking kwarto, habang kaming dalawa ay nasa gitna. Oo, kaming dalawa. Ang lalaking kasama ko ay halata mong marami ang nainom na alak. Paano ko nasabi? Dahil sa bawat galaw niya para bang bigat na bigat siya sa sarili niya, dahil m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status