Miles Craig’s Point of View
"Sign it or not." Nakatitig ako sa mga mata niya—malamig, walang bahid ng emosyon. Para bang kahit kailan, hindi niya ako minahal. Sa mga matang ‘yon, puro galit at hinanakit lang ang nakita ko. Ganito na lang ba talaga ako sa kanya? Isang babaeng walang halaga? Isa lang bang hadlang sa mga plano niya? Hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito. Oo, pinakasalan ko siya dahil ‘yon ang gusto ng lolo niya. Pero hindi ko kailanman inangkin ang puso niya. Ni minsan, hindi ko pinilit ang sarili ko sa kanya. "I don't need your answer for now," dagdag pa niya habang nakatalikod na sa akin. "Sa huli mo na pirmahan ang divorce paper na 'yan. Tandaan mo 'yan." Napakagat ako sa labi habang dahan-dahang tumango. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang kontrata, pero hindi ko pa rin magawang basahin. Gusto kong intindihin, gusto kong maunawaan ang mga nakasaad doon, pero masyadong maingay ang puso ko para magbasa. "Sa publiko," dugtong niya, "we act as real lovers. ‘Yan ang utos ni Grandpa. Kailangan niyang maniwala na nahuhulog ako sa ‘yo. So yes to everything. Kahit sa sex—pero ako ang masusunod kung kailan, saan, at paano. Gets mo?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Hindi ako umimik. Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko, ang panginginig ng laman ko. Pakiramdam ko, unti-unti akong nauupos sa harapan niya. "Substitute bride ka lang. So act like one." Napakabigat ng mga salitang ‘yon. Parang kutsilyong paulit-ulit na tinatarak sa puso ko. Pero wala akong karapatang magreklamo. Ako ang pumili nito. Ako ang lumapit. Ako ang nanghingi ng tulong. "All you have to do," aniya pa, "ay sundin mo lang lahat ng inuutos ko. Isang taon lang naman ‘yan. Sign it." Tumitig ako sa kontrata. Nanginig ang mga kamay ko habang inaabot ang ballpen. Isang taon. Isang taon lang. Tapos makakalaya na ako. Tapos mapapagamot ko na si Dad. Pikit-mata kong pirmahan ang papel. Bawat letra ng pangalan ko, parang marka ng kahihiyan at sakit. Pagkatapos, kinuha niya ito agad at walang salitang iniwan ako. Tuluyan akong napaupo sa sahig. Napatakip ako sa bibig ko habang paulit-ulit ang pag-agos ng luha ko. "Ano bang kasalanan ko para mapagdaanan ko ‘to?" Napatingin ako sa labas ng bintana. Ang langit, tila nakikiiyak sa akin. "Mom... hindi ko deserve ‘to. Gusto ko lang namang maging masaya. Gusto ko lang mailigtas si Dad. Bakit ganito?" Hindi ko na naramdaman ang saya simula noong mawala si Mama. Siya ang buhay ng pamilya namin. Nang ipanganak niya ako, ‘yon din ang araw ng pagpanaw niya. Pero kahit kailan, hindi ako sinisi ni Dad. Inalagaan niya ako ng buo ang loob, kahit pusong wasak. Nagsimula ang lahat nang lumapit ako sa Lolo ni Zep, ang tanging taong may kakayahang tumulong. "Please... please help my dad," umiiyak kong pagsusumamo noon. "Gagawin ko po ang lahat." "Ang kailangan lang namin ay kaunting tulong sa ospital. Ayoko po ng utang na loob. Ibabayad ko po ng buong-buo kahit anong ipagawa n’yo." Natahimik siya. Saka ngumiti ng marahan. "Fine. Marry my grandson." Napatingin ako sa kanya nang may gulat. Ang apo n’yang si Zep—ang lalaking matagal ko nang lihim na nagugustuhan. Ang lalaking may iniibig nang iba. "Kaya mo ba ‘yon?" tanong ng Lolo. "Pakasalan ang isang taong hindi ka mahal?" Tumango ako. "Kaya ko po. Basta matulungan ko lang po si Dad." At doon nagsimula ang lahat. Isang linggo matapos ‘yon, nasa simbahan na ako. Nakasuot ng puting gown, hawak ang bouquet, habang papalapit sa altar kung saan nakatayo si Zep—walang emosyon, walang ngiti, walang salita. "Happy?" malamig niyang tanong nang makarating kami sa bahay niya matapos ang kasal. Napatingin ako sa kanya, naguguluhan. "Masaya ka na ba? Kasi sinunod ni Grandpa ang gusto mo. Dahil sa ‘yo, iniwan ako ni Samantha. At malamang, mawalan pa ako ng mana dahil sa pagpapakasal sa ‘yo." Hindi ako nakasagot. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Lumapit siya sa akin. Unti-unting nanlilisik ang mga mata. "Anong pinagsasabi mo, Zep?" Nagulat ako nang bigla niya akong sinakal. Ramdam ko ang lamig ng kamay niya sa leeg ko, at ang hapdi ng pagwawalang-bahala sa damdamin ko. "Hindi mo kailanman mapapalitan si Samantha sa puso ko. Never!" Binitawan niya ako. Napaupo ako sa sahig, habol-hininga, habang tinitingnan siya na parang hindi ko na siya kilala. Bumunot siya ng kontrata. "One year. Kapag nakuha ko na ang mana ko, pipirma ka sa divorce paper. Then, papakasalan ko na si Samantha." "Kung ayaw mo, hindi ko tutulungan ang tatay mo." Luha ang naging sagot ko. Walang salita ang sapat para ilabas ang sakit na nararamdaman ko. "Signed it or not?" — End of Flashback Bumalik ako sa kasalukuyan. Nakatingin ako kay Zep habang mahimbing siyang natutulog. Ang mukha niyang payapa, tila walang iniwang sugat sa akin. Pero ako? Ako ang basag na basag. Ito na ang huli. Kinuha ko ang divorce paper na nasa drawer. May pirma na siya. Ako na lang ang kulang. Sa huling pagkakataon, pumirma ako. Isang guhit. Dalawa. Tapos na. Hinubad ko ang singsing ko. Dahan-dahang inilapag sa mesa sa tabi ng divorce paper. "Goodbye, Zep..." Lumabas ako ng kwarto na buo ang loob, kahit wasak ang puso. Handa na akong magsimulang muli. Hindi na ako misis niya. Hindi na ako laruan. Ako na si Miles Craig. Malaya. At sa taas ng mansion, nagising si Zep. Napansin niyang wala ako sa tabi niya. Tinawag niya ang pangalan ko. “Miles?” Pero walang sumagot. Hanggang sa makita niya ang divorce paper. At ang singsing. “...Miles.” Ngunit huli na ang lahat. Wala na ako. At hindi niya na malalaman kailanman— Na may iniwan akong bahagi niya. Na may mga anak kami. Na may mga mata na kasing lalim ng sa kanya. Na may mga tinig na siya ang hinahanap. At wala na siya para doon. ******* LMCD22Miles Craig's Point of View*Dahan-dahan akong nagmulat at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang sinag ng araw sa labas. Teka lang anong oras na?Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ko ang oras at alas 7 na ng umaga na mas lalo kong kinatalon sa higaan at nung lumabas ako para tingnan kung nakabihis na ang mga anak ko para sa school.Nakikita ko na tapos ng kumain ang dalawa at parang ihahatid na sila ng Ion sa school na kinahinga ko ng maluwag."Mommy, good morning."Niyakap naman ako ng anak kong babae na si Zyrylle at pati na rin si Zyrus. "Papasok na kami sa school, mommy.""I'm sorrym babies. Ngayon lang nagising si mommy.""It's okay, mommy. Kailangan mo ring magpahinga noh. Inayusan na kami ni Tito Ion at nagluto 'rin si Grandpa ng breakfast."Napangiti naman ako kina dad at Ion. Mabuti naman at hindi ako nag-iisa dito."Thank you.""Okay, tayo na baka ma-late na kayo."Napatango naman ang dalawa sa sinabi ni Ion at agad na silang nag-kiss sa pisngi ko at pati na rin ka
Miles Craig's Point of View*'Nakarating kami sa bahay at tumingin ako sa kwarto ng mga bata at nakikita ko roon na nakahiga si papa sa gilid ng mga anak ko. Pinapatulog pa 'rin n'ya 'yun."Nak..."Napatingin naman s'ya sa akin at nag-aalala naman s'yang napatingin sa akin.Dahan-dahan naman s'yang bumangon."Dad, nagpahinga na po sana kayo.""Yan nga ang sinabi ko sa kanya kanina. Pero gusto n'yang bantayan ang dalawang babies eh."Napatingin naman ako kay Ion at binalik ko ang tingin kay dad."Ayos lang, nak. Binisita ko lang ang mga apo ko dahil narinig ko na honor student sila. Binigyan ko na rin sila ng cake kanina at nagustuhan naman nila."Napangiti na lang ako. Busy 'rin si dad dahil pinagpatuloy n'ya ang business nito. Tinutulungan din naman s'ya ni Ion minsan kaya nagiging less ang mga gawain nito.Hinawakan ko ang kamay ni dad."Dad, wag kang masyadong magpapagod, okay? Alam mo naman na kakagaling mo lang eh.""Ano ka ba anak. 3 years na akong maayos sa sakit ko.""Kahit na
Miles Craig's Point of View*Nandidito kami sa sasakyan ni Ion ngayon sa gilid ng park. Nakayuko ako habang pinaglalaruan ko ang kamay ko at ramdam na ramdam ko ngayon ang matatalim na tingin n'ya sa akin."Really, Miles?"Nagulat ako sa pagsalita n'ya na kina-pout ko."Look at me, Miles Craig."Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Alam naman kasi n'ya ang back story ko noon sa ex-husband ko.At ngayon nakita n'ya ulit sa kompanya at sinusundan pa ako!Malay ko ba na babalik pa pala ang lalaking 'yun."Promise, hindi ko alam na s'ya ang boss ng kompanya na pinapasukan ko ngayon." Nakikita ko na nakahawak s'ya ngayon sa noo n'ya na parang s'ya pa ang namumroblema sa nangyayari."Edi mag-resign ka."Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya."Marami pa namang mga magagandang kompanya na hindi s'ya ang boss. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, Miles. Alam mo naman ang sakit na ginawa sa 'yo ng lalaking 'yun diba... sa inyo ng mga anak n'yo."Napakamao ako dahil sa sinabi n'ya."Hindi
3rd Person's Point of View*Hindi mapakali si Zep dahil iniisip pa 'rin n'ya si Miles na iniwan n'ya sa opisina iniisip n'ya baka nakauwi na ito sa bahay nila.Iniisip n'ya pa rin ang lalaki na katawag nito kanina na baka 'yun ang dahilan kung bakit gusto nitong umuwi ng maaga.Mahimbing ang tulog nito at hindi muna n'ya ginising para makapamahinga na 'rin nun. Napatingin s'ya sa orasan baka kasi nagugutom na ito kaya plano nitong bilhan ng dinner sa labas. Biglang tumunog ang phone niya at nakita n'ya na tumatawag ngayon si Samantha sa phone nito na kinakunot ng noo nito.Hindi na nito pinansin ang tawag at nagpatuloy ito sa paglalakad at narinig n'ya ulit ang pagtunog ng phone nito. Papatayin sana n'ya nang makita n'ya ang isang message.(Zep, nasa hospital ako ngayon. Please help me.)Napakunot ang noo ni Zep at nagmamadali s'yang pumunta sa parking lot. At nakalimutan n'yang dalhan si Miles ng dinner.Nakarating s'ya sa hospital at nakita n'ya agad si Samantha na nasa isang hosp
Miles Craig's Point of View*"Huh?""I said I miss your coffee, Miles."Napalunok ako at napakunot ang noo."Sir, babalik na po ako sa trabaho ko."Hindi ko na s'ya pinakinggan at lumabas na ako. Mabuti hindi narinig ng iba ang sinabi ni sir. Nakarating ako sa upuan ko habang hawak ko ang puso ko na sobrang bilis ng tibok nun. Damn! Bakit ganito ka pa 'rin puso!"Okay, trabaho ang pinunta mo dito at hindi s'ya. Kaya continue to work tayo."Agad kong kinuha ang folder at binalik ko ang concentration ko roon sa ginagawa.Makalipas ang ilang oras sa pagko-concentrate sa ginagawa ay nararamdaman ko ang antok ngayon. Pero nilalabanan ko 'yun pero hindi talaga kaya hanggang sa makatulog ako sa lamesa ko dahil sa pagod. Nagising ako nang may mahinang yumuyugyug sa akin at dahan-dahan naman akong nagmulat at nakita ko ang isang janitor na gumigising sa akin."Miss, uwian na. Dito ka ba mag-uumaga sa opisina?" Nanlalaki ang mga mata ko na napaupo ng maayos at agad kong tiningnan ang cellph
Miles Craig's Point of View*"Bi?"Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Zep na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Kailan pa s'ya nakarating dito sa lamesa ko?"We will talk later, bi."Pilit ko talagang pinarinig kay Zep ang word na 'Bi'. Hindi ko alam kung bakit pero trip ko lang talaga.Pinakalma ko ang sarili ko bago ano humarap sa kanya."May kailangan pa po ba kayo, sir?" kalmadong ani ko sa kanya. Hindi s'ya nagsalita at nananatiling nakatingin sa mga mata ko na parang binabasa ang nasa isipan ko ngayon. "Sir---""Hindi kita pinapasok dito para makipagharutan sa kung sino mang bubuyog sa phone mo, Miss Craig."Natigilan naman ako sa malamig na boses n'ya at walang emosyon na nakatingin sa akin. Pero teka... anong sabi n'ya? Bubuyog?"I will not do it again, sir. Pasensya na po at babalik na po ako sa trabaho ko. May kailangan po ba kayo?""Make me a coffee."Yun lang ang sinabi n'ya bago n'ya ako tinalikuran at dumiretso sa loob ng opisina n'ya. What the hell!