Miles' Point of View*Nakakunot ang noo ko at walang emosyon na nakatingin sa kanya."Alam mo, hindi dahil sa bagay na 'yan kaya ako dumestansya na sa 'yo. Na-realize ko sa sarili ko na kailangan kong maka-move on na sa 'yo."Napahinto naman siya sa paglalakad at nakatingin lang siya sa mga mata ko na parang binabasa niya ako."Move on?""Oo, move on.""Paano ka makaka-move on kung ganyan pa rin ang reaction mo habang nakatingin sa akin."Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya. What the! Anong reaction ba ang sinasabi niya?"Pinagsasabi mo?"Di siya nagsalita at nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang nakarating kami sa clinic. "Oh, what happened?" tanong ng nurse sa amin. "Tumama ang mukha niya sa dibdib ko at biglang nag-nosebleed ang ilong niya."Dahan-dahan na lang napatango ang nurse at akala ko aalis na ang lalaking ito pero hindi pa pala! Nasa tabi ko lang siya."Oh, bakit hindi ka pa umaalis? Okay na ako kay ate nurse."Mahinang natawa naman ang nurse habang nakatingin sa a

Miles' Point of View*Naging tahimik ang ilang araw ko nang maalala ko na malapit na pala ang school tour namin at magbo-bonfire pa kami. Excited na ako. Ano ba ang mga mangyayari doon?Natigilan ako nang biglang pumasok sa isipan ko na mawawala si Zep sa kakahuyan dahil na rin sa malakas ang ulan at makikita siya kinabukasan na walang malay sa isang kweba.Dinala siya sa hospital at hindi siya nagising ng tatlong araw.At palagi akong umiiyak nun dahil sa nangyari sa kanya.Napailing iling ako. Wala na akong pake sa kanya at isa pa deserve niya ang bagay na yun. Hindi ko na siya kailanman papakealaman sa mangyayari sa kanya.Papaikot sana ako para bumili ng makain nang tumama ang mukha ko sa isang pader at agad naman akong napatingin sa kung sinong nilalang na 'yun.Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Zep na walang emosyong nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako."I'm sorry, di kita agad nakita."Yun lang ang sinabi ko bago ako lumakad ulit at nakahawak ako sa ilong k
Miles' Point of View*Hindi ako makapaniwala na dumating ako sa past time kung saan hindi pa kami kasal ni Zep.Tiningnan ko ang relo ko at malapit nang matapos ang klase namin. "Okay, class adjourns."Agad na silang nagsitayuan at kinuha ko na lang ang bag ko."Miles, lutang ka pa rin?"Napatingin ako kay Ranz. "Hindi na. Pakiramdam ko parang magbabago na ang buhay ko."Nagtataka naman siyang napatingin sa akin. "Mukhang ganun na nga. Tara na nga baka ipapa-check kita sa mental.""Hindi pa ako baliw. Baliw lang ako noon sa kanya.""Oo nga, baliw na baliw ka nga sa kanya. Pero I'm so happy for you na mukhang naka-move on ka na nga talaga sa kanya."Biglang bumukas ang pintuan at napatingin kami sa kung sino ang pumasok doon. Natigilan kami nang makita namin si Zep na walang emosyong nakatingin sa akin."Miss Craig."Natigilan ako habang nakatingin sa kanya. "Huh?""Ano pa ba ang ginagawa mo? Kailan pa tayo magsisimula?"Nagtataka naman akong napatingin sa kanya at same kay Ranz."
Miles' Point of View*Nakatingin ako kay Zep na wala pa rin ang emosyon nito habang naglalakad at makikita mo agad ang mga estudyante na nakatingin sa kanya na nasa bintana."Maghunos dili ka. Wag kang magpapaapekto, Miles."Napatingin naman ako kay Ranz na nasa tabi ko lang. Siya naman kasi ang pumipigil sa akin na wag na ipagpatuloy ang pagkakagusto ko sa lalaking iyon dahil ako lang ang masasaktan sa huli.Napatingin ako kay Ranzzel at napangiti ako at dahan-dahan na napailing."Okay, makikinig ako sa 'yo at hindi na ako maghahabol sa kanya."Kung ito man ang chance na binigay sa akin ng panginoon ay hindi ko sasayangin ang chance na yun. Hindi na ako kailanman magpapaapekto sa kanya.Nakikita ko na napatulala si Ranzzel habang nakatingin sa akin."Weee...""Totoo. Tayo na muna sa baba."Hinawakan ko ang braso ni Ranzzel at hinila siya pababa sa hagdanan. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit ang bagay na 'yun. Babaguhin ko ang hinaharap ko.Sekreto kong pinisil ang braso ko at naka
Miles' Point of View* "Miles Craig!" Nagulantang ako dahil sa sigaw ng isang lalaki at agad naman akong nagising at natigilan ako dahil nasa school ako ngayon. Anong ginagawa ko dito? Nagtataka naman akong napatingin sa mga kaklase ko na nasa paligid. Teka college room ko ito ha. Anong ginagawa ko dito? Nananaginip ba ako? "At bakit ka natutulog sa oras ng klase ko, Miss Craig?" Napatingin ako sa guro kong si Mr. Dela Cruz sa kabataan na mukha pa nito. "Teka, bumata ang mukha mo, sir." Napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. Mahina naman akong siniko ng katabi ko at nakita ko si Ranzzel na nakasuot din ng uniform nung college pa kami. "Wow, sakto pa sa 'yo ang damit mo sa college, beshy." Napakunot naman ang noo niya habang nakatingin na parang naguguluhuan siyang nakatingin sa akin. "Sir, baka nananaginip pa siya. Ako na po ang bahala sa kanya alam niyo naman na maraming problema ang kaibigan ko." Napatulala namang nakatingin ang guro namin at dahan-dahan