Miles' Point of View*Napalunok ako habang nakatingin sa peklat ng kagat ng ahas sa kamay ni Zep. Matagal ko ng nakita ang bagay na ito pero hindi ko matanong tanong sa kanya kung saan 'yun nanggaling.Biglang may pumitik sa ulo ko na kinapikit ko dahil ang sakit nun.At nung nawala na ay napatingin ako sa paligid at nakikita ko na nasa hospital ako ngayon. Bakit palagi akong nasa hospital palagi?Ang huling naalala ko ay nasa park ako nun at umiiyak. Matapos nun ay hindi ko na maalala ang sumunod na nangyayari. Nawalan ba ako ng malay nung nakaupo lang ako sa bench sa park? Natahimik ako sandali nang maalala ko na kailangan kong puntahan ang anak ko.Nasa totoong mundo na ako at hindi talaga ako makapaniwala na panaginip lang ang bagay na 'yon!Pero mukhang may mga part sa nakaraan ko na kailangan kong maalala.Umupo ako sa higaan na kinamulat naman nila at napatingin naman si Zep sa akin."Miles...""Anong oras na? Ilang oras akong tulog?" tanong ko agad sa kanya."Limang oras..."
Miles' Point of View*Nakatulala ako ngayon habang nakatingin sa labas ng bintana. Nagtataka pa rin ako sa sinabi kanina ni Ranz. "Bakit ginawa niya ang bagay na 'yun? Ayaw naman niya sa akin," mahinang ani ko habang pinaglalaruan ko ang phone ko sa kamay ko.Paano kung nabago ko siya ngayon... magbabago ba ang hinaharap namin?Napaayos ako ng upo at agad umiling iling. "Ehem, hindi. Hindi na mauulit ang bagay na 'yun."Biglang may kumatok at napatingin naman ako sa pintuan. Biglang pumasok si Ranzzel."Beshy, magsisimula na ang event sa gym tayo na. Wag mo ng isiping maigi ang lalaking yun."Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "H-Hey, what are you talking about?"Napangiti na lang siya."Ano?""Nothing. Tayo na nga."Tumayo na lang ako at lumakad na kami papunta doon sa gym na sinasabi ni Ranz at nakita ko nga na ang dami ng taong nandidito. Bakit may mga part sa memory ko na hindi ko naalala.Hindi ko naalala ang part na ito.Baka may mga scene na hindi ko na b
Miles' Point of View* Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ko na nakahawak sa braso ni Zep. Walang hiya kang kamay ka! Bakit bet mong humawak diyan sa braso niya! Nung mag-asawa kami noon ay sa damit lang braso banta ako palaging humahawak pag natutulog kami pero hindi kagaya ngayon na niyakap ko na talaga! Kumalma kang kamay ka! Wag kang gagawa ng ikakasira ng hinaharap! Dahan-dahan kong kinuna ang kamay ko hanggang sa makuha ko na talaga at napabuntong hininga na lang ako. Nang napansin ko na nakasandal pa ang ulo niya sa ulo ko! Napakagat ako sa labi ko at dahan-dahan akong gumalaw para itulak ko ang ulo niya nang biglang nag-break ang driver at napapikit na lang ako pero may kamay na biglang humawak sa akin na kinayakap ko sa katawan niya. "Sorry, may dumaan kasi na bata." Napatingin kami sa parents na nasa harapan na kinuha ang batang muntik ng masagasaan. Nagpatuloy na lang ulit sa pagmamaneho at napabuntong hininga na lang ako nang napansin ko na nakayakap ako kaya napa
Miles' Point of View*Nakakunot ang noo ko at walang emosyon na nakatingin sa kanya."Alam mo, hindi dahil sa bagay na 'yan kaya ako dumestansya na sa 'yo. Na-realize ko sa sarili ko na kailangan kong maka-move on na sa 'yo."Napahinto naman siya sa paglalakad at nakatingin lang siya sa mga mata ko na parang binabasa niya ako."Move on?""Oo, move on.""Paano ka makaka-move on kung ganyan pa rin ang reaction mo habang nakatingin sa akin."Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya. What the! Anong reaction ba ang sinasabi niya?"Pinagsasabi mo?"Di siya nagsalita at nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang nakarating kami sa clinic. "Oh, what happened?" tanong ng nurse sa amin. "Tumama ang mukha niya sa dibdib ko at biglang nag-nosebleed ang ilong niya."Dahan-dahan na lang napatango ang nurse at akala ko aalis na ang lalaking ito pero hindi pa pala! Nasa tabi ko lang siya."Oh, bakit hindi ka pa umaalis? Okay na ako kay ate nurse."Mahinang natawa naman ang nurse habang nakatingin sa a
Miles' Point of View*Naging tahimik ang ilang araw ko nang maalala ko na malapit na pala ang school tour namin at magbo-bonfire pa kami. Excited na ako. Ano ba ang mga mangyayari doon?Natigilan ako nang biglang pumasok sa isipan ko na mawawala si Zep sa kakahuyan dahil na rin sa malakas ang ulan at makikita siya kinabukasan na walang malay sa isang kweba.Dinala siya sa hospital at hindi siya nagising ng tatlong araw.At palagi akong umiiyak nun dahil sa nangyari sa kanya.Napailing iling ako. Wala na akong pake sa kanya at isa pa deserve niya ang bagay na yun. Hindi ko na siya kailanman papakealaman sa mangyayari sa kanya.Papaikot sana ako para bumili ng makain nang tumama ang mukha ko sa isang pader at agad naman akong napatingin sa kung sinong nilalang na 'yun.Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Zep na walang emosyong nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako."I'm sorry, di kita agad nakita."Yun lang ang sinabi ko bago ako lumakad ulit at nakahawak ako sa ilong k
Miles' Point of View*Hindi ako makapaniwala na dumating ako sa past time kung saan hindi pa kami kasal ni Zep.Tiningnan ko ang relo ko at malapit nang matapos ang klase namin. "Okay, class adjourns."Agad na silang nagsitayuan at kinuha ko na lang ang bag ko."Miles, lutang ka pa rin?"Napatingin ako kay Ranz. "Hindi na. Pakiramdam ko parang magbabago na ang buhay ko."Nagtataka naman siyang napatingin sa akin. "Mukhang ganun na nga. Tara na nga baka ipapa-check kita sa mental.""Hindi pa ako baliw. Baliw lang ako noon sa kanya.""Oo nga, baliw na baliw ka nga sa kanya. Pero I'm so happy for you na mukhang naka-move on ka na nga talaga sa kanya."Biglang bumukas ang pintuan at napatingin kami sa kung sino ang pumasok doon. Natigilan kami nang makita namin si Zep na walang emosyong nakatingin sa akin."Miss Craig."Natigilan ako habang nakatingin sa kanya. "Huh?""Ano pa ba ang ginagawa mo? Kailan pa tayo magsisimula?"Nagtataka naman akong napatingin sa kanya at same kay Ranz."