Share

I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me
I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me
Penulis: Cyrille Shatire29

Kabanata 1: My Cold Husband

last update Tanggal publikasi: 2026-10-31 21:28:51

EVANGELINE YUCHENGCO

Tahimik akong nakaupo sa likurang bahagi ng isang itim na SUV habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng mga gusaling nadaraanan namin.

Nakapatong ang dalawa kong kamay sa aking kandungan. Paminsan-minsan ay mahigpit kong pinagdidikit ang mga daliri ko upang pigilan ang panginginig ng mga ito.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming bumibiyahe. Hindi ko rin alam kung gaano pa kami kalayo sa mansyon ng lalaking magiging asawa ko.

Ang tanging alam ko, sa bawat kilometrong nadaraanan namin ay lalo akong inilalapit sa isang buhay na hindi ko naman ginustong mapasukan.

Isang buhay na hindi ko pinili.

Isang kasal na hindi ko hiniling.

At isang lalaking hindi ko naman kilala.

Napapikit ako sandali at marahang huminga.

Konstantin Gabriel Morozov.

Iyon ang pangalan ng lalaking naghihintay sa akin sa kabilang dulo ng biyahe.

Isang kilalang Mafia Lord na hindi lamang kinatatakutan sa Russia kundi maging sa iba't ibang panig ng mundo—lalo na sa Pilipinas. Isang lalaking sinasabing walang puso, walang awa, at walang pag-aalinlangang pum*tay sa sinumang hahadlang sa kanyang mga kagustuhan.

At dapat sana, ang stepsister ko ang magiging asawa nito.

Si Isabella.

Ngunit dahil ayaw ng madrasta kong isakripisyo ang sarili niyang anak sa isang lalaking itinuturin niyang halimaw, ako na naman ang napiling ipalit.

Ako na naman.

Napakagat ako sa loob ng aking pisngi.

Hindi ko alam kung dapat ba akong umiyak o tumawa sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Nakakatawa dahil kahit kailan, hindi naman talaga ako naging bahagi ng pamilyang ito.

Nariyan lamang ako kapag may kailangan sila.

At kapag may bagay na ayaw nilang gawin, ako ang palaging naaalala. Ako ang sasalo, ako ang gagawa at ako ang isasakripisyo.

Ganoon kababa ang tingin nila sa akin. Na para bang wala akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko.

Na para bang hindi rin ako nasasaktan?

Napalingon ako sa lalaking nasa kabilang upuan.

Si Papa.

Tahimik itong nakaupo habang abala sa pagtingin sa cellphone niya. Ni hindi man lamang ako tinatanong kung ayos lang ba ako o kung natatakot ba ako sa maaaring mangyari.

"Papa..." mahina kong tawag.

Agad naman siyang nag-angat ng tingin.

"What is it, Evangeline?"

Napahawak ako sa laylayan ng aking damit.

"Are you sure about this?"

Sandali siyang natahimik bago ibinalik ang tingin sa cellphone.

"It's already been decided."

Napayuko ako. "But, Papa..."

"Evangeline, please. Huwag mo nang subukan dahil hindi na mababago pa ang desisyon ko. Nandito na tayo kaya manahimik ka nalang." Aniya.

Parang may kung anong bagay na kumurot sa dibdib ko.

Ako ang ikakasal sa isang estranghero. Ako ang aalis sa tahanang halos hindi ko naman naramdamang naging akin. Ako ang posibleng mapahamak sa kamay ng isang lalaking hindi kilala sa pagiging mabait.

Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.

"Your mother has her reasons. Besides, the Morozov family has already agreed to this arrangement. There's nothing we can do anymore."

Napangiti ako nang mapait.

Wala na raw silang magagawa.

Pero noong una pa lamang ay mayroon na silang magagawa. Maaari nilang tanggihan ang kasunduang iyon. Maaari nilang ipilit na hindi nalang ituloy ang kasunduang ito. Pero hindi naman niya ginawa.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang bumagal ang takbo ng SUV.

Napatingin ako sa unahan.

"Sir, we're here."

Narinig ko ang sinabi ng driver.

Bahagya akong napatuwid ng upo. At nang tuluyan nang huminto ang sasakyan, halos hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko.

Napakalaki ng gate na nasa harapan namin.

Matataas na itim na bakal ang bumubuo rito, may mga detalyeng tila yari sa mamahaling metal. Sa magkabilang panig ay may mga security personnel na nakasuot ng itim na uniporme. Mayroon ding mga CCTV camera sa bawat sulok na tila walang kahit isang galaw ang nakalalampas sa kanilang paningin.

Dahan-dahang bumukas ang napakataas na gate.

Napalunok ako.

Sa likod niyon ay isang malawak na pribadong daanan na napalilibutan ng matataas na puno at maayos na hardin. Sa pinakadulo ay tanaw ang isang napakalaking mansyon na halos magmukhang palasyo sa laki nito.

It was enormous.

Beautiful.

And intimidating.

Hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko.

Dito na ba ako titira?

Sa lugar na ito?

Kasama ang isang lalaking hindi ko alam kung paano pakikitunguhan ang isang tulad ko?

"Are you getting nervous?" tanong ni Papa.

Napatingin ako sa kanya.

Bahagya akong ngumiti. "A little."

Hindi na siya sumagot.

Muling umandar ang sasakyan hanggang sa tuluyan kaming makarating sa harapan ng mansyon.

Agad namang bumaba ang driver upang buksan ang p***o sa aking panig.

"Ma'am."

"Thank you."

Maingat akong lumipat sa gilid ng upuan at bahagyang yumuko upang kunin ang maliit kong handbag. Ngunit bago pa tuluyang mailapag ang mga paa ko sa lupa, napahinto ako.

Napatingin ako sa suot kong sapatos.

Black closed-toe heels.

Maayos naman ang pagkakasuot ng mga ito, at wala ring anumang kakaiba sa paningin ng ibang tao.

Pero alam na alam ko kung alin sa dalawang paa ko ang tunay at kung alin ang hindi.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kaliwang paa ko.

Sumunod ang kanan.

My prosthetic leg.

Bahagya kong inayos ang laylayan ng aking mahabang kulay champagne na damit upang matakpan ang bahaging iyon.

Muli kong tiningnan ang aking sarili.

Maayos ba ang pagkakatayo ko?

Halata bang pilay ako?

Kapansin-pansin ba ang paraan ng paglakad ko?

Napahawak ako sa aking handbag.

Hindi ko naman ikinahihiya ang pagkakaroon ng prosthetic leg. Matagal ko nang tinanggap na bahagi na ito ng buhay ko mula nang mangyari ang aksidente. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi ko na rin nararamdaman ang matinding insekyuridad sa katawan ko.

Lalo na kapag maraming mata ang nakatingin sa akin.

"Come on, Evangeline."

Napalingon ako kay Papa na nakatayo na sa tabi ng sasakyan. Tumango ako at sinubukang maging maayos ang paglakad.

Bawat hakbang ay maingat.

Hindi dahil hindi ko kayang maglakad, kundi dahil ayaw kong matisod sa harap ng mga taong hindi ko kilala.

Pag-akyat namin sa malawak na hagdan patungo sa pangunahing p***o, napansin ko ang ilang lalaking nakatayo sa magkabilang gilid.

Lahat sila ay nakasuot ng itim.

Matatangkad.

Matitikas.

At tila walang emosyon ang kanilang mga mukha.

Some of them were even carrying guns.

Napayuko ako.

Hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin.

"Good afternoon, Sir Yuchengco."

Isang lalaking tila nasa edad kuwarenta ang lumapit sa amin.

He was wearing a perfectly tailored black suit. Maayos ang kanyang buhok at may seryosong ekspresyon sa mukha.

"Good afternoon," sagot ni Papa.

"Mr. Morozov is expecting you."

Mr. Morozov.

Napahigpit ang hawak ko sa aking handbag.

"So, he's here?" tanong ni Papa.

"Yes, sir. He's currently inside."

Tumango ang aking ama.

"Let's go, Evangeline."

Sumunod ako sa kanya.

Pagpasok namin sa mansyon ay halos hindi ko alam kung saan unang titingin.

Napakataas ng kisame. May napakalaking chandelier sa gitna at mga mamahaling dekorasyong tila hindi kayang bilhin ng isang ordinaryong tao sa buong buhay niya.

Marble floors.

Malalaking paintings.

Mamahaling furniture.

Lahat ay elegante at maingat na pinili.

Ngunit sa kabila ng kagandahan ng lugar ay hindi ko maiwasang maramdaman ang paninikip ng aking dibdib.

"Wait here for a moment, Miss."

Napahinto ako nang magsalita ang lalaking gumabay sa amin.

Tumango ako.

Nasa isang malawak na receiving area kami ngayon. May malaking sofa sa gitna at isang napakalaking fireplace sa kabilang bahagi.

"Where is Konstantin?" tanong ni Papa.

"He's in his study. I'll inform him of your arrival."

Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na ang lalaki.

Naiwan kaming dalawa ng aking ama.

Tahimik akong nakatayo sa tabi niya.

Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilang magsalita.

"Papa?"

"What now?"

"Do you think... he'll be disappointed?"

Napatingin siya sa akin.

"Disappointed about what?"

Napakagat ako sa labi.

"About me."

Hindi siya agad nakasagot.

"He's a powerful man, Papa. He could have married anyone. Someone beautiful, someone confident, someone who could easily fit into his world."

Sandali akong tumingin sa aking kanang paa.

"But he ended up with me."

Nakita kong napabuntong-hininga siya.

"Evangeline, don't start with that again."

"But it's true."

"You're his wife now. That's what matters."

His wife.

Ang dali para sa kanya na sabihin iyon.

Ngunit paano kung hindi ako tanggapin ng lalaking iyon?

Paano kung katulad lamang siya ng ibang tao na unang mapapansin ang aking kapansanan bago ang pagkatao ko?

"Papa, can I ask you something?"

"What is it?"

"Will you visit me?"

Napatitig siya sa akin. "Of course."

"When?"

"Evangeline, don't worry about that. Just behave yourself and try to get along with your husband."

Napangiti ako nang bahagya.

"Okay."

Hindi ko na siya tinanong kung mami-miss niya ba ako. Hindi ko na rin tinanong kung malulungkot ba siya kapag wala na ako sa bahay.

Ilang sandali pa ay narinig namin ang pagbukas ng isang p***o.

Napalingon ako roon. At agad na bumungad sa paningin ko ang lalaking sumalubong sa amin kanina.

"Sir Yuchengco, Mr. Morozov is ready to see you."

Tumango si Papa. "Let's go."

Nagsimula kaming maglakad patungo sa isang malawak na pintuan.

Habang papalapit kami roon ay lalo kong nararamdaman ang mabilis na tibok ng aking puso.

Huminto ang lalaking gumagabay sa amin at marahang kumatok sa napakalaking pintuan.

"Come in."

Isang malalim at malamig na boses ang narinig ko mula sa loob.

Napahigpit ang hawak ko sa aking handbag.

Unti-unting bumukas ang pintuan sa aming harapan. At doon ko unang nasilayan ang lalaking nakaupo sa likod ng isang malaking mesa.

He was wearing a perfectly fitted black suit, with the first two buttons of his white shirt left undone. His dark hair was neatly styled, and his sharp features were enough to make him look intimidating even without saying a word.

Matangkad.

Gwapo.

At higit sa lahat, napakalamig ng ekspresyon sa kanyang mukha.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nawalan ng lakas ng loob na tumingin nang diretso sa kanya.

His eyes shifted from my father to me.

For a brief moment, our gazes met. But I immediately looked away.

"Mr. Morozov," bati ni Papa.

Hindi agad sumagot ang lalaki.

Ilang segundo lamang siyang nakatitig sa akin bago marahang sumandal sa kanyang upuan.

"So," he finally spoke, his deep voice filling the room. "This is the woman your family has decided to give me."

Napayuko ako.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may biglang bumigat sa dibdib ko sa paraan ng pagkakasabi niya.

"Yes, Mr. Morozov," sagot ni Papa. "This is my daughter, Evangeline"

His daughter.

Hindi ko alam kung bakit, pero ang simpleng pagpapakilala niyang iyon ay hindi na nagkaroon ng dating sa akin.

Matagal ko nang hindi nararamdamang anak niya ako.

"Come closer, Miss Yuchengco."

Napatingin ako kay Papa.

Bahagya siyang tumango bilang senyales na sumunod ako.

Kaya dahan-dahan akong humakbang palapit sa lamesa nito.

"Good afternoon, Mr. Morozov..." sabi ko nang nasa harapan na niya ako.

Hindi siya agad sumagot.

Sa halip, naramdaman kong sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa.

Lalo akong kinabahan.

Napatingin ako sa aking mga kamay at pilit na pinanatiling kalmado ang sarili.

"Look at me."

Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha.

Muli kaming nagtagpo ng tingin.

"Do you know why you're here?"

Tumango ako. "Yes, sir."

"And do you know who I am?"

"Yes, sir."

Bahagya siyang tumango.

"Good."

Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita.

"Mula ngayon ay dito kana titira sa mansyon, kasama ako."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Chapter 14: Monster

    Warning: Bl*od and T*rture. Disturbing scenes. Read at your own risk. DARIUS VITALE Tahimik akong nakatayo ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan ni Boss. Nakasuksok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng aking pantalon habang tahimik na pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Nasa basement kami ng isa sa mga pribadong gusali ng pamilya Morozov. Malamig ang buong paligid, at ang tanging maririnig lamang ay ang mabibigat na ungol ng anim na lalaking nakaluhod at nakagapos sa harapan ni Konstantin. Sila ang mga lalaking dumukot kay Madame Evangeline. Sila ang mga taong nagdala sa kanya sa isang malayong lugar, ikinulong sa madilim na silid, at iniwan doon nang ilang oras na walang pagkain o tubig. Sila rin ang mga dahilan kung bakit halos mawala na si Boss sarili niya nang matagpuan namin ang kinaroroonan ng kanyang asawa. At ngayon, isa-isa nilang pinagbabayaran ang ginawa nila. Hindi ako kumikibo. Hindi rin ako nangangahas na makialam. Dahil sa totoo lang, maging ako ay h

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 13: Saved

    EVANGELINE YUCHENGCODahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sa loob ng ilang segundo ay malabo pa ang aking paningin, at ilang beses akong kumurap bago tuluyang matanaw ang pamilyar na kisameng nasa itaas ko.Sandali akong natigilan.Pamilyar ang kisame.Pamilyar din ang amoy ng silid.Nang bahagya kong igalaw ang aking katawan, saka ko lamang napagtanto na nakahiga ako sa isang malambot na kama. May kumot na nakatakip sa akin, at ang mga unan sa paligid ko ay ang mga unan na palagi kong ginagamit.Dahan-dahan kong iginala ang aking paningin.Ang mga kurtina. Ang maliit na mesa sa tabi ng kama. Ang mga bulaklak na nakalagay sa plorera.Kuwarto ko.Nasa kuwarto ako.Agad akong napabangon.“Ah!”Mabilis akong napaatras sa headboard habang kinakapa ang sarili kong mga braso at katawan. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko maintindihan kung paano ako nakarating dito o kung gaano katagal akong nawalan ng malay.Ang huli kong naaalala ay ang madilim na silid.Ang mga tali sa aking

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 12: Fear

    EVANGELINE YUCHENGCOHindi ko na alam kung gaano kalayo ang narating namin. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at tiningnan ang suot kong relo... at agad akong nanlumo ng mapagtanto ko kung ilang oras na ang lumipas mula ng sapilitan nila akong pinasakay. Anim na oras na. Hindi ko na makita ang mga gusali o mga ilaw ng lungsod. Sa tuwing sinusubukan kong silipin ang paligid sa maliit na bintana ng sasakyan, puro kadiliman at malalawak na bahagi ng kalsadang halos walang dumaraang sasakyan ang nakikita ko.Parang sinadya talaga nilang dalhin ako sa isang lugar na napakalayo mula sa syudad. Isang lugar na hindi madaling matutunton.At ang pinakakinatatakutan ko...paano kung wala talagang makahanap sa akin?Nang tuluyang huminto ang sasakyan, agad akong napatingin sa pinto. Dalawang lalaki ang bumaba at binuksan iyon. Bago pa ako makapagsalita, hinawakan nila ang magkabilang braso ko at sapilitang inilabas.“Please... saan ninyo ako dadalhin?”Wala pa rin silang sagot.Dinala nila

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 11: Kidnapped

    EVANGELINE YUCHENGCOPagkatapos kong mag-almusal, naisipan kong lumabas sandali upang bumili ng cake para kay Konstantin. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naisip iyon, pero gusto ko siyang sorpresahin.Noong nakaraang mga araw kasi, napansin kong madalas siyang umuuwi nang pagod. Minsan ay halos hindi na niya nagagalaw ang hapunan dahil sa dami ng trabahong kailangan niyang asikasuhin. At bukod doon ay napag-alaman ko rin na mahilig siya sa matatamis. Kaya naisip kong kahit papaano ay mabigyan siya ng kaunting bagay na maaari niyang kainin habang nagpapahinga.Hindi naman kailangang mamahalin.Gusto ko lamang na mapasaya siya.“Ma'am Evangeline, handa na po ang sasakyan.”Napalingon ako sa babaeng katulong na lumapit sa akin. Si Agnes iyon, na siyang sasama sa akin ngayong araw.“Salamat, Agnes.”“Si Malrick na rin po ang kasama natin. Nasa labas na po siya.”Tumango ako bago inayos ang dala kong maliit na bag.Si Malrick ay isa sa mga tauhan ni Konstantin. Ilang beses ko

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 10:

    EVANGELINE YUCHENGCO Alas-diyes na ng gabi at tahimik na ang buong mansyon—maliban sa mahinang huni ng mga kuliglig at iilang yapak ng mga guwardiyang nagpapatrolya sa paligid. Malamig na rin ang simoy ng hangin, lalo na't nasa hardin ako at nakaupo sa isa sa mga upuang malapit sa mga rosas.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa malaking orasan sa aking cellphone.Wala pa rin siya.Kanina pa ako narito. Noong una, balak ko lang sanang maghintay ng ilang minuto. Gusto ko lang siyang makita bago ako matulog at kumustahin kung kumain na ba siya. Ngunit lumipas ang mga minuto, naging isang oras, at hindi ko namalayang gabi na pala.Hindi ko alam kung anong oras siya karaniwang nakakauwi kapag may trabaho siya sa labas. Hindi rin naman ako nagtatanong nang madalas. Ayokong magmukhang nakikialam sa mga ginagawa niya.Pero ngayong gabi, hindi ko maiwasang mag-alala.“Ma'am Evangeline, baka gusto na po ninyong pumasok sa loob?”Napatingin ako sa isang katulong na lumapit sa akin. Si Agnes i

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 9:

    KONSTANTIN GABRIEL MOROZOV "Sir, the report will take some time. The accident happened twelve years ago, and we need to retrieve several archived records." I glanced at Darius, who was standing in front of my desk. "Then take your time and make sure you don't miss anything." "Understood. I'll also look into the background of Madam's stepmother and stepsister." "Good." He nodded before handing me another folder. "Regarding the prosthetics specialist, I've already contacted two reputable clinics. Both have specialists who work with advanced prosthetic technology. I'll send you their profiles once I've verified their credentials." Sinuyod ko ng tingin ang isang pahina bago muling inangat ang tingin sa kanya. "Make sure they're qualified. I don't want someone who will simply recommend the most expensive option. I want someone who understands what my wife needs." "Of course, sir." I leaned back in my chair. "And Darius?" "Yes, sir?" "Keep this investigation dis

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status