Share

Kabanata 2:

last update publish date: 2026-10-31 21:45:53

EVANGELINE YUCHENGCO

Tatlong araw na akong naninirahan sa mansyon ng 'asawa ko'.

Ngunit sa kabila ng bagong apelyidong nakakabit na ngayon sa pangalan ko, wala pa ring nagbago sa pakiramdam ko.

Para pa rin akong isang estranghero sa lugar na ito.

Isang taong hindi alam kung saan lulugar.

Isang taong kailangang mag-ingat sa bawat kilos upang hindi makagawa ng anumang bagay na maaaring ikainis ng ibang tao.

Marahil dahil hindi pa ako sanay sa ganitong klaseng pamumuhay. O baka dahil masyado lamang akong natatakot na makagawa ng pagkakamali at pagalitan niya.

"Good morning, Ma'am."

Napahinto ako nang marinig ang pagbati ng isang babaeng katulong habang naglalakad ako sa pasilyo.

Agad akong bahagyang ngumiti.

"G-Good morning po."

Mabilis akong nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit, pero kahit simpleng pagbati lamang ay parang kailangan ko pang pag-isipan kung paano sasagutin. Para maiwasan kong magkamali.

Hindi naman sila masama sa akin.

Sa katunayan, magagalang naman ang lahat. Wala pa akong naririnig na anumang hindi maganda mula sa kanila.

Pero hindi ko pa rin maiwasang mailang.

Marahil dahil hindi ko alam kung ano ang tingin nila sa akin.

Kaya mas pinipili kong umiwas.

"Ma'am Evangeline, would you like us to prepare your breakfast?"

Napalingon ako sa babaeng katulong na nakatayo malapit sa kitchen counter.

Umiling ako. "It's okay. Kukuha nalang ako ng kunc ano ang gusto kong kainin."

"Are you sure, Ma'am? We can serve it in the dining room."

Napangiti ako nang bahagya.

"No, thank you. Sa kwarto ko nalang ako kakain."

Bahagya siyang nagulat, ngunit kalaunan ay tumango na lang din siya at bumalik sa kanyang ginagawa.

Kumuha na agad ako ng isang maliit na plato at nilagyan iyon ng dalawang pirasong toasted bread, scrambled eggs, at ilang hiwa ng mansanas. Kumuha rin ako ng isang basong tubig bago maingat na inilagay ang lahat sa isang maliit na tray.

"Thank you," mahina kong sabi nang bahagyang tulungan ako ng katulong sa pag-aayos ng tray.

"You're welcome po, Ma'am."

Pagkatapos ay dahan-dahan akong umalis sa kusina.

Ganito ang ginagawa ko sa tuwing oras ng pagkain.

Hindi ako kumakain sa dining room kasama ang ibang tao. Hindi rin ako basta-bastang nauupo sa sala o sa iba pang bahagi ng mansyon.

Sa halip, kinukuha ko lamang ang pagkain ko sa kusina at dinadala iyon sa kuwartong inilaan para sa akin.

Mas gusto kong kumain nang mag-isa.

Walang kailangang kausapin.

Walang kailangang pakisamahan.

At walang kailangang makakita sa akin habang kumakain.

Hindi ko rin naman alam kung kailan darating ang asawa ko. Sa dalawang araw na lumipas, halos hindi ko siya nakikita. Minsan ay naririnig ko lamang ang mga yabag ng kanyang mga tauhan sa pasilyo. Minsan naman ay may mga sasakyang dumarating at umaalis sa mansyon.

According to the maids, he was always busy with his business.

Hindi ko na tinanong kung anong klaseng negosyo iyon.

Alam ko naman kung sino siya.

At mas gugustuhin kong huwag nang malaman ang mga bagay na hindi naman kailangang malaman ng isang tulad ko.

Nang makarating ako sa kuwarto ay marahan kong isinara ang p***o. Inilapag ko ang tray sa maliit na mesa malapit sa bintana at saka naupo sa gilid ng kama.

Napabuntong-hininga ako.

At last.

Tahimik na ulit.

Walang mga matang kailangang iwasan.

Kumuha ako ng tinapay at nagsimulang kumain.

Habang ngumunguya ay napatingin ako sa malawak na kuwartong kinaroroonan ko.

Napakaganda nito.

May king-sized bed, walk-in closet, sariling bathroom, at malalaking bintanang nagbibigay-tanaw sa hardin ng mansyon.

Lahat ng kailangan ko ay narito.

Mayroon pa ngang ilang damit na inihanda para sa akin sa loob ng closet. Mamahalin ang mga iyon at halatang pinili nang maingat.

Napatingin ako sa aking kanang paa.

Maingat kong hinawakan ang gilid ng prosthetic leg bago muling ibinalik ang tingin sa aking pagkain.

Minsan, naiisip ko kung magiging ganito na lang ba talaga ako habambuhay?

Laging nag-aalala sa sasabihin ng ibang tao.

Laging iniisip kung ano ang itsura ko sa paningin nila.

Laging nag-a-adjust para hindi maging pabigat.

Napangiti ako nang mapait.

Perhaps, I had simply become too accustomed to being unwanted.

Kaya kahit sa isang napakalaking mansyon, kung saan halos lahat ng bagay ay maaari kong makuha, pakiramdam ko ay kailangan ko pa ring humingi ng pahintulot para magkaroon ng lugar.

*****~~~~~********

Bandang tanghali, muli akong bumaba upang kumuha ng pagkain. Pagdating ko sa kusina ay naroon ang dalawang babaeng katulong na nag-uusap habang nag-aayos ng mga pinggan.

Agad silang tumigil nang mapansin ako.

"Good afternoon, Ma'am."

"Good afternoon."

Bahagya akong ngumiti bago tumingin sa mga pagkaing nakahanda sa counter.

"Ihahanda ko na po ba kayo ng tanghali niyo?" maranan nitong tanong habang nakangiti. "Ano po ang gusto niyong kainin?"

Tahimik muna ako saglit. At nang may naisip na ako ay pilit akong ngumiti sa kanila.

"Konting kanin lang sana at kahit anong klase nalang ng ulam basta meron," nahihiya kong sabi.

"Would you like us to prepare a proper serving for you?"

Umiling ako. "It's okay. I don't eat that much."

Agad na kumuha ang isa sa kanila ng plato at nagsimulang maghain.

"Ma'am, you don't have to bring your food upstairs. We can have it served in the dining room."

Napatingin ako sa kanya.

"Ah... it's fine. I prefer eating in my room..." sabi ko at pinanood siyang ayusin ang mga plato sa tray ko. At nang natapos na siya ay kinuha ko na iyon at mabilis na tumalikod..

Habang naglalakad ako sa pasilyo, narinig ko ang mahinang pag-uusap ng dalawang katulong.

Hindi ko maintindihan ang lahat ng sinabi nila, ngunit sapat na ang ilang salitang narinig ko upang muli akong mailang.

~~~~~~******~~~~~~

Pagsapit ng hapon ay nagpasya akong lumabas muna sa kuwarto. Hindi naman ako maaaring manatili roon buong araw. Kaya dahan-dahan akong naglakad patungo sa hardin.

Napakaganda ng lugar. Maayos ang pagkakagupit ng mga halaman, may ilang puno ng rosas at iba pang bulaklak, at may fountain sa gitna.

Huminto ako malapit sa isang maliit na bench.

Mula roon ay tanaw ko ang malaking mansyon.

Kung hindi lamang ako natatakot sa mga taong nakatira rito, marahil ay masisiyahan akong mamasyal sa lugar na ito.

"Good afternoon, Ma'am..." agad akong napatingin sa likuran ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki.

"Good afternoon," sagot ko.

"Are you enjoying the garden?"

Bahagya akong tumango. "Yes. It's beautiful."

"I'm glad you like it, Ma'am."

Ngumiti siya nang magalang bago bahagyang yumuko.

"Please excuse me. I have to return to my post."

"S-Sige..."

Nang makaalis siya ay muli akong napatingin sa aking mga paa.

Napabuntong-hininga ako.

~~~~~~~~~

Habang naglalakad ako sa pasilyo ay napansin kong may ilang lalaking nakatayo malapit sa hagdan.

May kausap silang isang tao sa cellphone.

Agad akong yumuko at bahagyang lumihis upang hindi sila makaharang sa dinaraanan ko.

"Good evening, Ma'am."

Napahinto ako. "Good evening."

Mabilis akong nagpatuloy.

Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo ay may narinig akong pamilyar na boses mula sa likuran.

"Where are you going?"

Napahinto ang mga paa ko.

Dahan-dahan akong lumingon.

At bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Konstantin.

Nakatayo ito sa may hagdan, nakasuot ng itim na pantalon at puting polo shirt. Nakabukas ang ilang butones sa bandang leeg nito habang hawak ang cellphone sa isang kamay.

Hindi ko namalayang napahigpit ang hawak ko sa tray.

"M-Mr. Morozov..."

Bahagyang kumunot ang noo niya.

"Mr. Morozov?"

Hindi ako agad nakasagot.

"You're my wife, aren't you?"

Napayuko ako.

"Yes."

"Then why are you addressing me like a stranger?"

Hindi ko alam ang isasagot.

Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa tray na hawak ko.

"I'm sorry."

Ilang segundo siyang natahimik.

Pagkatapos ay muling nagsalita. "Where are you going with that?"

Napatingin ako sa kanya.

"To my room."

"Why?"

Napakurap ako.

"Because... I'm going to eat there."

Tumingin siya sa tray at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.

"In your room?"

Tumango ako. "Yes."

"Why aren't you eating in the dining room?"

Hindi ako agad nakasagot.

Paano ko ba iyon ipaliliwanag?

Dahil hindi ako komportable?

Dahil hindi ako sanay na may kasamang ibang tao?

O dahil natatakot akong baka hindi nila ako gustong makitang nakaupo sa hapag-kainan?

"It's more comfortable there," mahina kong sagot.

Matagal niya akong tinitigan.

Hindi ko alam kung naniniwala siya sa sinabi ko.

"Have you been eating alone in your room since you arrived?"

Dahan-dahan akong tumango. "Y-Yes."

"Every meal?"

"Yes..."

"Who told you to do that?"

Napatingin ako sa kanya. "W-Wala naman."

"Then why?"

Napayuko ako.

"Because I don't want to bother anyone."

Hindi siya agad nagsalita.

At sa katahimikang iyon ay lalo akong kinabahan.

"I'm sorry if I'm doing something wrong. I can eat in the dining room if you want. I just thought—"

"Enough."

Napahinto ako.

Hindi ko alam kung galit ba siya o naiinis.

Muli siyang tumingin sa akin.

"Put that down."

Agad akong sumunod at inilapag ang tray sa maliit na mesa sa tabi ng pasilyo.

"Come with me."

Napatingin ako sa kanya.

"W-Where?"

Sa halip na sumagot ay nagsimula siyang maglakad patungo sa dining room. Naiwan akong nakatayo nang ilang segundo bago nagmamadaling sumunod.

"Just follow me, will you?" usal niya bago pa man ako muling makapagtanong.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 12: Fear

    EVANGELINE YUCHENGCOHindi ko na alam kung gaano kalayo ang narating namin. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at tiningnan ang suot kong relo... at agad akong nanlumo ng mapagtanto ko kung ilang oras na ang lumipas mula ng sapilitan nila akong pinasakay. Anim na oras na. Hindi ko na makita ang mga gusali o mga ilaw ng lungsod. Sa tuwing sinusubukan kong silipin ang paligid sa maliit na bintana ng sasakyan, puro kadiliman at malalawak na bahagi ng kalsadang halos walang dumaraang sasakyan ang nakikita ko.Parang sinadya talaga nilang dalhin ako sa isang lugar na napakalayo mula sa syudad. Isang lugar na hindi madaling matutunton.At ang pinakakinatatakutan ko...paano kung wala talagang makahanap sa akin?Nang tuluyang huminto ang sasakyan, agad akong napatingin sa pinto. Dalawang lalaki ang bumaba at binuksan iyon. Bago pa ako makapagsalita, hinawakan nila ang magkabilang braso ko at sapilitang inilabas.“Please... saan ninyo ako dadalhin?”Wala pa rin silang sagot.Dinala nila

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 11: Kidnapped

    EVANGELINE YUCHENGCOPagkatapos kong mag-almusal, naisipan kong lumabas sandali upang bumili ng cake para kay Konstantin. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naisip iyon, pero gusto ko siyang sorpresahin.Noong nakaraang mga araw kasi, napansin kong madalas siyang umuuwi nang pagod. Minsan ay halos hindi na niya nagagalaw ang hapunan dahil sa dami ng trabahong kailangan niyang asikasuhin. At bukod doon ay napag-alaman ko rin na mahilig siya sa matatamis. Kaya naisip kong kahit papaano ay mabigyan siya ng kaunting bagay na maaari niyang kainin habang nagpapahinga.Hindi naman kailangang mamahalin.Gusto ko lamang na mapasaya siya.“Ma'am Evangeline, handa na po ang sasakyan.”Napalingon ako sa babaeng katulong na lumapit sa akin. Si Agnes iyon, na siyang sasama sa akin ngayong araw.“Salamat, Agnes.”“Si Malrick na rin po ang kasama natin. Nasa labas na po siya.”Tumango ako bago inayos ang dala kong maliit na bag.Si Malrick ay isa sa mga tauhan ni Konstantin. Ilang beses ko

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 10:

    EVANGELINE YUCHENGCO Alas-diyes na ng gabi at tahimik na ang buong mansyon—maliban sa mahinang huni ng mga kuliglig at iilang yapak ng mga guwardiyang nagpapatrolya sa paligid. Malamig na rin ang simoy ng hangin, lalo na't nasa hardin ako at nakaupo sa isa sa mga upuang malapit sa mga rosas.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa malaking orasan sa aking cellphone.Wala pa rin siya.Kanina pa ako narito. Noong una, balak ko lang sanang maghintay ng ilang minuto. Gusto ko lang siyang makita bago ako matulog at kumustahin kung kumain na ba siya. Ngunit lumipas ang mga minuto, naging isang oras, at hindi ko namalayang gabi na pala.Hindi ko alam kung anong oras siya karaniwang nakakauwi kapag may trabaho siya sa labas. Hindi rin naman ako nagtatanong nang madalas. Ayokong magmukhang nakikialam sa mga ginagawa niya.Pero ngayong gabi, hindi ko maiwasang mag-alala.“Ma'am Evangeline, baka gusto na po ninyong pumasok sa loob?”Napatingin ako sa isang katulong na lumapit sa akin. Si Agnes i

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 9:

    KONSTANTIN GABRIEL MOROZOV "Sir, the report will take some time. The accident happened twelve years ago, and we need to retrieve several archived records." I glanced at Darius, who was standing in front of my desk. "Then take your time and make sure you don't miss anything." "Understood. I'll also look into the background of Madam's stepmother and stepsister." "Good." He nodded before handing me another folder. "Regarding the prosthetics specialist, I've already contacted two reputable clinics. Both have specialists who work with advanced prosthetic technology. I'll send you their profiles once I've verified their credentials." Sinuyod ko ng tingin ang isang pahina bago muling inangat ang tingin sa kanya. "Make sure they're qualified. I don't want someone who will simply recommend the most expensive option. I want someone who understands what my wife needs." "Of course, sir." I leaned back in my chair. "And Darius?" "Yes, sir?" "Keep this investigation dis

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 8: Pancake

    EVANGELINE YUCHENGCO Nagising ako dahil sa sunod-sunod na ingay na nagmumula sa labas ng aking silid.Sa una ay inakala kong may nahulog lamang na gamit, ngunit nang makarinig ako ng isa pang kalabog ay napakunot ang noo ko.Ano kaya iyon?Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at inayos ang gusot kong buhok. Bahagya pa akong napahinto nang mapansin ang aking binti.Nakatatak na muli ang akin prosthetic leg. Napatingin ako roon nang ilang segundo.Hindi ko maalala kung kailan iyon naisuot muli. Ang huling naaalala ko ay ang pag-upo ko sa sahig ng kusina habang umiiyak, bago ako buhatin ni Konstantin patungo rito.Marahil ay siya ang nag-asikaso niyon habang natutulog ako.Napahawak ako sa gilid ng kama at maingat na tumayo. Sinubukan kong igalaw ang aking binti upang matiyak na maayos ang pagkakasuot nito.Mabuti naman.Pagkatapos ay lumapit ako sa pinto at marahang binuksan iyon.Muli kong narinig ang ingay.May kung anong kumakalabog sa ibaba.Nagtataka akong lumabas ng silid at

  • I Was Unwanted, But The Mafia Lord Cherished Me   Kabanata 7:

    KONSTANTIN GABRIEL MOROZOVNang tuluyan nang makatulog si Evangeline ay saka lamang ako dahan-dahang tumayo mula sa gilid ng kanyang kama.Kanina pa siya tahimik. Pagod na pagod ang mga mata niya sa kakaiyak, at ilang beses ko ring naramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko tuwing tila nagigising siya mula sa pagkakaidlip.I had to admit, seeing her like that bothered me more than I expected.Hindi ako sanay na nararamdaman ko ang ganitong bagay. Iyong tipo na bigla akong mawawalan ng kontrol sa sarili kong emosyon habang nakatingin sa kanya. Dahil sa mundong ginagalawan ko, ang galit ay kailangang kontrolado, ang desisyon ay kailangang pinag-iisipan, at ang kahinaan ay hindi dapat ipinapakita.Kasi maaari iyong gamitin laban sa akin nang kahit na sino. But tonight was different.Hindi ko maalis sa isip ko ang itsura niya kanina.Ang pagkakaupo niya sa malamig na sahig. Ang mga luhang pilit niyang itinatago. At ang paraan ng paghila niya sa laylayan ng kanyang damit up

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status