LOGINNANG TULUYANG makapasok sa loob ng master’s bedroom ay kaagad na isinara ni Isaviel ang p***o saka tila nahahapong sumandal doon. Nasapo pa niya ang dibdib dahil sa lakas ng kabog niyon.
Oh, God! Six years pero ganoon pa rin ang epekto ni Anton sa kanya. Ganoon pa rin ang reaction ng katawan niyang sa tuwing tinititigan siya nito. Her knees were shaking at kung hindi pa siya nagmamadaling iwanan ang lalaki sa kusina ay baka tuluyan na siyang nanlambot sa harapan nito. No… hindi niya hahayaang mangyari ‘yon. Hindi siya makakapayag na bigyan si Anton ng dahilan para kontrolin siya nito. Tama na ang minsang nagpakatanga siya rito. She can’t allow him to get a hold of her emotion again. Not anymore. Not again. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Isaviel bago umalis sa pagkakasandal sa p***o. Wala sa loob na umikot ang paningin niya sa loob ng silid. It was too big. Too quiet. Suminghot siya at kaagad na nahagip ng kanyang pang-amoy ang halos papawala pa lamang na amoy ng varnish. Everything inside screams money—old money. From the dark mahogany panels lined walls, carved with details that her grandfather imported from Spain years ago to the above the king-sized bed oil painting of a misty lake. Looks old but classy. The floor-to-ceiling windows showed the dark outline of the rose garden. In the corner were two empty armchairs and a small table where her grandfather used to drink coffee. Everything in the room screamed wealth, history, and permanence. And Isaviel felt like a stranger in it. Nasa pinakagitna naman ang malaking kama na tila nagmamalaki sa kung sino mang gagamit niyon. It looks heavy and regal. Ivory ang kulay ng kobrekama samantalang pinaghalong cream at gold naman ang mga unan. Above her was a crystal chandelier. Nakabukas iyon na siyang nagbibigay ng liwanag sa loob ng silid. Dumako ang mga mata ni Isaviel sa couch na nasa isang sulok ng silid. Gawa iyon sa leather at kulay brown. Kaagad siyang napangiwi nang makita ang size niyon at tiyak niyang sa laki ni Anton ay hindi kakasya doon ang lalaki. Napa-iling na lamang si Isaviel. Napatingin siya sa kanyang suitcases na nasa tabi ng bintana. Katabi niyon ang kanyang carry-all bag na naglalaman ng kanyang mga toiletries at kung ano-ano pang mga abubot. Mabilis na kumilos si Isaviel. Humakbang siya palapit sa kanyang suitcase at kumuha roon ng ternong pantulog saka nagmamadaling tinungo ang banyo para maglinis ng katawan. Hindi rin naman siya nagtagal dahil ayaw niyang abutan siya ni Anton na hindi pa tapos. Gusto niyang nakahiga na siya pagdating nito. Ngunit tila ayaw siyang pagbigyan ng langit dahil hindi pa man siya tapos magpatuyo ng basang buhok ay narinig na niya ang tatlong mahihinang katok bago dahan-dahang bumukas ang p***o. Nahigit ni Isaviel ang kanyang paghinga at wala sa loob na napatitig sa salamin kung saan niya nakikita si Anton na tila walang anumang hinubad ang suot nitong t-shirt. Isang mahinang tikhim ang pinakawalan ni Isaviel. Napatingin naman sa kanya si Anton at sandaling napatigil sa akmang pagbaba ng suot nitong pantalon. “Hindi ka pa tapos.” tila walang anumang turan ng lalaki bago itinuloy ang paghubad. Napalunok si Isaviel. Mabilis niyang iniwas ang paningin sa lalaki at nagkunwaring abala sa pagblower ng kanyang buhok ngunit tila naman tuksong ayaw magpa-awat ng mga mata niya. Tila may sariling isip na kusang lumilipad pabalik sa lalaki ang paningin niya. Oh, those rock-hard muscles! Hindi napigilan ni Isaviel ay sarili. Nagpiyesta ang mga mata niya sa katawan ng lalaki. Anton was a six feet tall with a body of a greek god. Malapad ang balikat nito na ilang beses na niyang napatuyang kaya siyang ibalibag sa kama. Namula ang mukha ni Isaviel nang sumagi sa kanyang alaala ang nakaraan. Napakagat-labi siya nang biglang manuot sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao ang pamilyar na init na iyon. Ang init na tanging kay Anton lamang niya nadama. Dumako ang mga mata ni Isaviel sa matipunong dibdib ng lalaki. Oh! How would it feel like to run her mouth– Napahinto si Isaviel nang ma-realize kung saan na papunta ang itinatakbo ng kanyang isipan. ‘Oh, I’ll be damned!’ bulalas ng isang bahagi ng isipan ni Isaviel. Kaagad siyang nag-iwas ng paningin ngunit huli na dahil napansin na siya ni Anton. Umangat ang kilay ng lalaki bago ito aliw na umunat ng tayo. “On the scale of ten, how do you–” “Shut up, Anton!” nag-iinit ang mukha na singhal ni Isaviel sa lalaki bago nagmamadaling tumayo na isa palang pagkakamali dahil sinalubong siya ng mapanuksong lalaki. Damn! Ano ba ang nangyayari sa isang ito? Ang alalm niya’y sagad hanggang buto ang galit nito sa kanya kaya ano ang ina-akto nito ngayon? ‘Careful, Issa… Huwag kang magpa-uto.’ paalala ng isipan niya. Wala sa loob na napayakap si Isaviel sa sarili. “Hindi ko alam kung saan ako titingin, Anton.” aniya at huli na para maisip pa niyang baguhin ang kanyang sinabi. Napakagat-labi na lamang siya. Sinuklay ni Anton ang buhok nitong umabot hanggang sa batok ang haba. Shit pero natutukso si Isaviel na damhin ang kalambutan niyon. Napangiwi si Isaviel. Ano na naman bang kaharutan itong iniisip niya? “Sa kama, Viel. P’wede din sa couch o ‘di kaya sa bintana. Kahit saan pero ‘wag sa akin kung hindi mo kaya.” Huwag daw sa kanya? Muntik nang mapa-irap si Isaviel. Paano naman daw siyang hindi titingin dito kung bigla na lang itong humuhubo sa harap niya? ‘Hubo talaga, Issa? May suot kaya siyang boxers.’ Napanguso si Isaviel na hindi naman nakatakas sa mapanuring mata ni Anton. Isang nakaka-insultong ngisi ang gumuhit sa magkabilang sulok ng mga labi ng lalaki. “Don't be so hard to yourself, Viel. Let it out." Isang nakakamatay na irap ang ibinigay ni Isaviel sa lalaki. "Shut up, Anton!” Shit! Nagiging sirang plaka na siya. Nakaka-ilang shut up na siya sa lalaking tila hindi naman apektado sa ipinapakita niyang kagaspangan rito. “Well, I guess wala tayong choice kundi matulog sa iisang kama, Viel.” Nanlaki ang mga mata ni Isaviel. Ano daw? Magtatabi sila? No! “No way!” Umismid si Anton saka tila walang anumang humalukipkip. “Yes way, wife. At kagaya ng sinabi ko sa’yo kanina, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa’yo. Ipanatag mo ang loob mo. And please, let me have a good sleep. Pagod na pagod na ako and all I want right now is a good sleep at hindi ko magagawa iyon kung diyan ako matutulog sa maliit na couch.” “Pero–” Humakbang patungo sa gilid ng kama si Anton. Ngali-ngaling batuhin na ito ni Isaviel ng hawak niyang suklay. Ang walang hiya! Hindi man lang nag-abalang magsuot ng damit. Ano ba ang plano nito? Ang rumampa sa harapan niya ng nakahubo? ‘Hindi nga siya nakahubo.’ sabad na naman ng isipan niya. Naipadyak na lamang ni Isaviel ang isa niyang paa. Dinampot ni Anton ang isang malaking unan at inilagay sa pinakagitna ng kama. “Diyan ka sa kanan. Dito ako sa kaliwa.” Isaviel stared at the pillow wall he made. It was ridiculous. It was childish. And it was the only thing keeping her from panicking. “Okay," mahina ang tinig na sabi na lamang niya. Tumango lang si Anton pagkuwa’y humakbang na patungo sa banyo. "Matulog ka na.” ani ng lalaki bago ito tuluyang nawala sa paningin ni Isaviel. Isaviel exhaled. Saka pa lang din niya napansing nanginginig ang mga kamay niya. Six year… it was six years since the last time they shared a room. Six years since the last time she saw him shirtless. At patawarin siya ng Diyos pero ngayon niya napag-isip-isip na hindi nagbago ang epekto ni Anton sa kanya. The more reason why she can't stay any longer. Oh, damn your will, Lolo… usal ni Isaviel na nasapo na lamang ulo. Ngayon pa lang ay ganito na ang nangyayari sa kanya kapag kaharap si Anton. Paano pa kapag nagtagal pa siya roon? “This is great, Lolo. Inilagay mo na naman ako sa alanganin.” ani ni Isaviel bago umupo sa kanang bahagi ng kama. Humiga siya roon at ipinikit ang mga mata sa pag-asang makakatulog siya bago pa man makalabas ng banyo si Anton. But damn her eyes dahil ayon, kusang dumilat at tumutok sa nakasaradong p***o ng banyo na tila ba may hinihintay na lumabas mula roon. “Shit!” bulalas ni Isaviel.“Natutuwa akong marinig na nagka-ayos na kayong mag-asawa, Isaviel. Tiyak na magiging masaya ang Lolo mo sa kabilang buhay." Nagkaroon ng lambong ang mga mata ni Isaviel nang mabanggit ni Nana Nena ang kanyang Lolo. Saka naman bumungad sa kusina si Anton. “We decided to have a truce, Nana." maaliwalas ang mukha na sabi ni Anton habang papasok sa pinto.Dumako ang paningin nito kay Isaviel na napatitig naman sa bagong dating.Oh, how can he be so damn hot in his messy hair, and sweaty face? Gusot din ang suot nitong damit na butas pa sa bandang balikat. Ang pantalon nitong kupas na ay tila gusto na ring magmakaawang pagpahingahin na ito ng Anton dahil wasak na ang bandang tuhod niyon pati na rin sa bandang laylayan. But still… ang g’wapo pa rin nito. And those eyes! Kaagad na nagbawi ng tingin si Isaviel nang mapansin niya ang pilyong kislap ng mga mata ni Anton. Oh! Tiyak na tuwang-tuwa na naman ang lalaki dahil nahuli siya nitong titig na titig dito. Baka isipin na naman nitong
KINAUMAGAHAN ay magaan ang pakiramdam na gumising si Isaviel. Kinapa niya ang higaan sa kanyang tabi ngunit wala na roon si Anton. Nagmulat siya ng mga mata at sandaling nakiramdam sa paligid. Inakala niyang nasa loob lamang ng banyo ang lalaki ngunit wala siyang naririnig na tunog ng nakabukas na tubig.Kibit-balikat na bumangon na lamang si Isaviel saka humihikab pang nag-unat ng mga kamay.Halos alas kuwatro na rin ng madaling-araw sila nakatulog ni Anton ngunit sa kabila niyon ay maaga pa ring bumangon ang lalaki. “Ano’ng oras na ba?” takang usal ni Isaviel saka sinulyapan ang maliit na alarm clock na nakapatong sa bedside table.Pasado alas nuebe na ng umaga. No wonder mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tuluyan nang bumaba ng kama si Isaviel saka humakbang patungo sa banyo para maghilamos ngunit nakaka-ilang hakbang pa lamang siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Bumalik siya sa kama at dinampot ang maliit na aparatong nakapatong sa ibaba ng headboard. Umangat ang
HABANG NASA loob ng banyo si Anton ay kumuha naman si Isaviel ng panglinis sa sugat ng lalaki pati na rin band-aid. Hindi rin naman siya naghintay ng matagal dahil makalipas lamang ng marahil sampong minuto ay lumabas na rin ito ng banyo. Natigilan siya nang makitang nakatapis lamang ng towel si Anton at tumutulo pa ang tubig sa leeg nito pababa sa dibdib. Wala sa loob na sinundan ng mga mata ni Isaviel ang ilang butil ng tubig na tila tuksong dahan-dahang dumadausdos sa katawan ng lalaki. Napalunok pa siya nang dumako ang kanyang paningin sa ibaba ng pusod nito kung saan nagdudugtong ang towel na siyang nakatakip sa bahaging iyon ng katawan ng asawa. Ginitian ng ilang butil na pawis sa noo si Isaviel. Great! Nakatodo naman ang bukas ng aircon pero bakit parang init na init siya?Isang mahinang tikhim mula kay Anton ang gumising sa pagkakatulala ni Isaviel.“Well?” may ngiti sa mga labi na untag ni Anton. Bakas sa kislap ng mga mata nito ang lihim na panunukso dahil sa ipinakitang r
THREE WEEKS…It has been three weeks since her grandfather died. Three weeks na rin simula nang basahin ng abogado ng nayapang Don ang last will nito at three weeks simula nang simulan nila ni Anton na sumailalim sa counselling. Communicate better, iyon ang bilin sa kanila ni Atty. Cruz pero wala naman silang ginawa ni Anton kundi magtalo. Kahit mga walang k’wentang bagay ay pinagtatalunan nila. Huminga ng malalim si Isaviel. Kasalukuyan siyang nasa veranda at pinagmamasdan ang kadiliman ng gabi. Sa loob ng mga araw na nagdaan ay natatagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na naroon sa tuwing nagiging siya ng alanganing oras kagaya ngayon. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa nasa kalagitnaan na ng buwan ng october. Wala sa loob na hinapit ni Isaviel ang suot niyang roba na nililipad ng hangin nang makaramdam siya ng pagsigid ng lamig sa katawan. Ang buhok niyang malayang nilalaro ng hangin ay bahagyang tumakip sa kanyang mukha pero hinayaan lamang niya iyon. Tumingala siya roo
Inilang hakbang lamang ni Anton ang natitirang pagitan nila ni Isaviel saka puno ng pag-aalalang hinawakan sa magkabilang balikat ang huli.“Come here,” mahina ang tinig na usal ni Anton saka maingat na inalalayan ang dalagita papasok sa loob ng kanilang bahay. Walang kibong sumunod naman si Isaviel sa lalaki.Nang makapasok sila sa loob ay mabilis na isinara ni Anton ang pinto. Pinaupo niya si Isaviel sa upuang gawa sa kawayan. “What happened?” ulit na tanong ni Anton pagkatapos niyang tabihan si Isaviel.Hindi sumagot si Isaviel. Instead, she just collapsed into his arms and cried her heart out.Hindi na muling nagtanong si Anton. Hinayaan na lamang niya si Isaviel na umiyak nang umiyak sa kanyang dibdib. Dama ay labis na paghihirap ng loob nito. Her body was shaking. And she was crying like she just lost someone.Biglang kinabahan si Anton ngunit nanatili lamang siyang tahimik. He just held her tight. His one hand was on her back, gently rubbing her in circles.“Hush now, baby,” b
TINUPAD Ni Anton ang ipinangako niya kay Isaviel. Muling naulit ang paglabas nila hanggang sa nasundan pa ng maraming beses. Naging masaya at makulay ang buong summer ng dalagita kahit na hindi sa mamahaling restaurant sila pumupunta ng lalaki. Sa burger house sa bayan, sa food stalls na nakahanay sa gilid ng kalsada ng Boulevard. Nothing fancy but it was all fun.Ngunit totoo nga yatang may kapalit na lungkot ang bawat saya dahil bago matapos ang bakasyon ay nakatanggap ng balita si Isaviel mula sa Russia. Wala na ang kanyang ina at hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makita ito kahit sa huling pagkakataon. Ipina-crimate ang labi ng kanyang mommy at ang abo naman ay isnabog sa dagat ayon na rin sa huling kahilingan nito.“Miss Isaviel? Are you still there?”Napapitlag si Isaviel nang muling marinig mula sa kabilang linya ang tinig ng abogado ng kanyang ina. “Y-Yes. I’m still here.”“I’m so sorry, Miss Isaviel. My deepest sympathy to you, child.”Sunod-sunod na nag-unahan an



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



