Share

SANDWICH

Author: Bryll McTerr
last update publish date: 2026-09-23 06:04:19

“Natutuwa akong marinig na nagka-ayos na kayong mag-asawa, Isaviel. Tiyak na magiging masaya ang Lolo mo sa kabilang buhay."

Nagkaroon ng lambong ang mga mata ni Isaviel nang mabanggit ni Nana Nena ang kanyang Lolo.

Saka naman bumungad sa kusina si Anton.

“We decided to have a truce, Nana." maaliwalas ang mukha na sabi ni Anton habang papasok sa pinto.

Dumako ang paningin nito kay Isaviel na napatitig naman sa bagong dating.

Oh, how can he be so damn hot in his messy hair, and sweaty face? G
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I am My Stepbrother's Wife   SANDWICH

    “Natutuwa akong marinig na nagka-ayos na kayong mag-asawa, Isaviel. Tiyak na magiging masaya ang Lolo mo sa kabilang buhay." Nagkaroon ng lambong ang mga mata ni Isaviel nang mabanggit ni Nana Nena ang kanyang Lolo. Saka naman bumungad sa kusina si Anton. “We decided to have a truce, Nana." maaliwalas ang mukha na sabi ni Anton habang papasok sa pinto.Dumako ang paningin nito kay Isaviel na napatitig naman sa bagong dating.Oh, how can he be so damn hot in his messy hair, and sweaty face? Gusot din ang suot nitong damit na butas pa sa bandang balikat. Ang pantalon nitong kupas na ay tila gusto na ring magmakaawang pagpahingahin na ito ng Anton dahil wasak na ang bandang tuhod niyon pati na rin sa bandang laylayan. But still… ang g’wapo pa rin nito. And those eyes! Kaagad na nagbawi ng tingin si Isaviel nang mapansin niya ang pilyong kislap ng mga mata ni Anton. Oh! Tiyak na tuwang-tuwa na naman ang lalaki dahil nahuli siya nitong titig na titig dito. Baka isipin na naman nitong

  • I am My Stepbrother's Wife   Good Morning, Viel

    KINAUMAGAHAN ay magaan ang pakiramdam na gumising si Isaviel. Kinapa niya ang higaan sa kanyang tabi ngunit wala na roon si Anton. Nagmulat siya ng mga mata at sandaling nakiramdam sa paligid. Inakala niyang nasa loob lamang ng banyo ang lalaki ngunit wala siyang naririnig na tunog ng nakabukas na tubig.Kibit-balikat na bumangon na lamang si Isaviel saka humihikab pang nag-unat ng mga kamay.Halos alas kuwatro na rin ng madaling-araw sila nakatulog ni Anton ngunit sa kabila niyon ay maaga pa ring bumangon ang lalaki. “Ano’ng oras na ba?” takang usal ni Isaviel saka sinulyapan ang maliit na alarm clock na nakapatong sa bedside table.Pasado alas nuebe na ng umaga. No wonder mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tuluyan nang bumaba ng kama si Isaviel saka humakbang patungo sa banyo para maghilamos ngunit nakaka-ilang hakbang pa lamang siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Bumalik siya sa kama at dinampot ang maliit na aparatong nakapatong sa ibaba ng headboard. Umangat ang

  • I am My Stepbrother's Wife   ALRIGHT, MRS. RESMA

    HABANG NASA loob ng banyo si Anton ay kumuha naman si Isaviel ng panglinis sa sugat ng lalaki pati na rin band-aid. Hindi rin naman siya naghintay ng matagal dahil makalipas lamang ng marahil sampong minuto ay lumabas na rin ito ng banyo. Natigilan siya nang makitang nakatapis lamang ng towel si Anton at tumutulo pa ang tubig sa leeg nito pababa sa dibdib. Wala sa loob na sinundan ng mga mata ni Isaviel ang ilang butil ng tubig na tila tuksong dahan-dahang dumadausdos sa katawan ng lalaki. Napalunok pa siya nang dumako ang kanyang paningin sa ibaba ng pusod nito kung saan nagdudugtong ang towel na siyang nakatakip sa bahaging iyon ng katawan ng asawa. Ginitian ng ilang butil na pawis sa noo si Isaviel. Great! Nakatodo naman ang bukas ng aircon pero bakit parang init na init siya?Isang mahinang tikhim mula kay Anton ang gumising sa pagkakatulala ni Isaviel.“Well?” may ngiti sa mga labi na untag ni Anton. Bakas sa kislap ng mga mata nito ang lihim na panunukso dahil sa ipinakitang r

  • I am My Stepbrother's Wife   TRUCE

    THREE WEEKS…It has been three weeks since her grandfather died. Three weeks na rin simula nang basahin ng abogado ng nayapang Don ang last will nito at three weeks simula nang simulan nila ni Anton na sumailalim sa counselling. Communicate better, iyon ang bilin sa kanila ni Atty. Cruz pero wala naman silang ginawa ni Anton kundi magtalo. Kahit mga walang k’wentang bagay ay pinagtatalunan nila. Huminga ng malalim si Isaviel. Kasalukuyan siyang nasa veranda at pinagmamasdan ang kadiliman ng gabi. Sa loob ng mga araw na nagdaan ay natatagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na naroon sa tuwing nagiging siya ng alanganing oras kagaya ngayon. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa nasa kalagitnaan na ng buwan ng october. Wala sa loob na hinapit ni Isaviel ang suot niyang roba na nililipad ng hangin nang makaramdam siya ng pagsigid ng lamig sa katawan. Ang buhok niyang malayang nilalaro ng hangin ay bahagyang tumakip sa kanyang mukha pero hinayaan lamang niya iyon. Tumingala siya roo

  • I am My Stepbrother's Wife   FLASHBACK(PROMISE)

    Inilang hakbang lamang ni Anton ang natitirang pagitan nila ni Isaviel saka puno ng pag-aalalang hinawakan sa magkabilang balikat ang huli.“Come here,” mahina ang tinig na usal ni Anton saka maingat na inalalayan ang dalagita papasok sa loob ng kanilang bahay. Walang kibong sumunod naman si Isaviel sa lalaki.Nang makapasok sila sa loob ay mabilis na isinara ni Anton ang pinto. Pinaupo niya si Isaviel sa upuang gawa sa kawayan. “What happened?” ulit na tanong ni Anton pagkatapos niyang tabihan si Isaviel.Hindi sumagot si Isaviel. Instead, she just collapsed into his arms and cried her heart out.Hindi na muling nagtanong si Anton. Hinayaan na lamang niya si Isaviel na umiyak nang umiyak sa kanyang dibdib. Dama ay labis na paghihirap ng loob nito. Her body was shaking. And she was crying like she just lost someone.Biglang kinabahan si Anton ngunit nanatili lamang siyang tahimik. He just held her tight. His one hand was on her back, gently rubbing her in circles.“Hush now, baby,” b

  • I am My Stepbrother's Wife   FLASHBACK (GRIEF)

    TINUPAD Ni Anton ang ipinangako niya kay Isaviel. Muling naulit ang paglabas nila hanggang sa nasundan pa ng maraming beses. Naging masaya at makulay ang buong summer ng dalagita kahit na hindi sa mamahaling restaurant sila pumupunta ng lalaki. Sa burger house sa bayan, sa food stalls na nakahanay sa gilid ng kalsada ng Boulevard. Nothing fancy but it was all fun.Ngunit totoo nga yatang may kapalit na lungkot ang bawat saya dahil bago matapos ang bakasyon ay nakatanggap ng balita si Isaviel mula sa Russia. Wala na ang kanyang ina at hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makita ito kahit sa huling pagkakataon. Ipina-crimate ang labi ng kanyang mommy at ang abo naman ay isnabog sa dagat ayon na rin sa huling kahilingan nito.“Miss Isaviel? Are you still there?”Napapitlag si Isaviel nang muling marinig mula sa kabilang linya ang tinig ng abogado ng kanyang ina. “Y-Yes. I’m still here.”“I’m so sorry, Miss Isaviel. My deepest sympathy to you, child.”Sunod-sunod na nag-unahan an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status