LOGIN3rd Person’s POV"Mamaya na 'yan," putol ni Agnes sa galit ng lalaki. "Nakahanda na ang hapunan. Maghapunan na tayo."Walang nagawa si Luis kundi ibaba ang telepono. Sabay-sabay silang tatlo na lumipat sa dining area. Sobrang awkward ng katahimikan sa hapag-kainan. Walang sinumang nagtatangkang magsalita, ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang kalansing ng mga kutsara at tinidor sa plato.Samantala, sa labas ng gate, masayang bumaba ng taxi si Grace. Bitbit niya ang napakaraming malalaking paper bags ng mga mamahaling brand na pinamili niya gamit ang card ni Luis.Taas ang noong lumapit si Grace sa gate, bitbit ang kaniyang mga shopping bags, at sunod-sunod na pinindot ang doorbell. Ngunit lumipas ang ilang minuto, walang sinumang lumalabas para pagbuksan siya.Inilabas niya ang kaniyang telepono at paulit-ulit na tinawagan si Luis. Ngunit walang sumasagot. Abalang kumakain ang lahat habang wala siya.Nanggagalaiti na si Grace sa inis. Nakatayo siya sa gitna ng kadiliman sa laba
3rd Person’s POVInilipat ni Agnes ang pahina ng libro. Dahan-dahan niyang inilagay ang bookmark sa panibagong pahina, itinaas ang tasa ng tsaa, at muling humigop mula rito. She’s so relaxed na para bang ni hindi nageexist si Grace sa mundo niya. Wala siyang kaimik-imik, hindi man lang nag-angat ng tingin, at patuloy lang sa pagbabasa habang nanggagalaiti sa inis si Grace sa kawalan niya ng paki.Inis na tumalikod si Grace at mabilis na lumabas ng pinto, habang si Adela naman ay naiwang nakatayo sa may hagdanan, nakatungo at tila maiiyak.Naiwang nakaupo sa hagdan ng second floor si Adela, nakayakap nang mahigpit sa kaniyang teddy bear at nakatulala sa pintuan kung saan lumabas ang kanyang ina.Napasulyap si Agnes sa bata. Hindi niya maiwasang mapansin ang kapayatan ng mga bisig nito at ang lalim ng lungkot sa kaniyang mga mata, hindi niya maiwasang makita ang sarili noong kabataan niya. Gusto niyang huwag na lang pansinin ito, gusto niyang magpanggap na walang ibang tao sa sala, pe
3rd Person’s POV"Mas gugustuhin mo pa palang lokohin ako kaysa protektahan ang dangal ko," sarkastikong natawa si Agnes. "Mas gusto mo pang pagmukhain akong tanga para lang makuha mo ang gusto mo. Sobrang selfish mo, Luis!"Sumandal si Agnes sa dingding ng kubo, itinapat ang dalawang kamay sa kanyang mukha habang patuloy sa paghikbi."At alam mo kung anong mas masakit?" patuloy ni Agnes, ang boses ay puno ng panliliit sa sarili at matinding habag. "Dahil hindi ko magawang magalit sa 'yo... kaya mas nagagalit ako sa sarili ko. Kasi kahit sobrang sakit ng ginagawa mo sa akin, mahal na mahal pa rin kita. Ang t*nga-t*nga ko... Ang b*bo-b*bo ko."Dahan-dahang lumuhod si Luis palapit sa kaniya. Muling hinawakan ang dalawng kamay ni Agnes, mahigpit, ang mga mata niya ay puno ng desperasyon."I'm sorry, Agnes... I'm so, so sorry, my love..." paulit-ulit na pagmamakaawa ni Luis."Aayusin ko 'to," pangako ni Luis saka hinagkan ng mahigpit si Agnes. "Hayaan mo lang akong ayusin 'to, please. Gag
3rd Person’s POVPara siyang bata na inabandona ng sarili niyang mga magulang, walang kakampi, walang matakbuhan, at walang sinumang malalapitan sa oras na ito ng matinding paghihirap. Bawat paghikbi niya ay parang nagmamakaawang sana ay muli niyang makausap ang Nanay niya. Pero maging ito ay wala na at matagal na rin siyang nilisan.Maya-maya pa ay marahang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Luis.Pumasok ito at dahan-dahang lumuhod sa tapat ni Agnes. Bakas sa mukha ng lalaki ang matinding pagkahabag at pagsisisi. Inabot niya ang mukha ni Agnes na napupuno ng mga luha at marahan itong pinunasan. Halos hindi na makahinga si Agnes sa tindi ng kanyang pagtangis, nangangatog ang buong katawan sa matinding paghihinagpis."I'm sorry, my love. I'm really, really sorry..." pabulong at nanginginig na usal ni Luis, ang boses ay basag na basag.Tumingin si Agnes sa mga mata ng lalaking minsan niyang pinagkatiwalaan ng buo. "B-bakit? Luis... bakit ka nagsinungaling?" tanong niya, nanginginig
3rd Person’s POV"Manahimik ka, Grace! Kung ayaw mong pilasin ko iyang bibig mo!" nanginginig sa galit na sigaw ni Luis, hindi man lang nasindak sa sinabi ng babae.Mabilis siyang bumaling kay Luis, nanlilisik ang mga mata. "Luis, ano pa ang hinihintay mo?! Palayasin mo sila rito!" aniya, nanginginig ang mga labi.Ngunit hindi kumilos si Luis. Napabuntong hininga lang ang lalaki at nagtiim bagang habang nakatitig sa kanya, bakas ang matinding bigat sa kanyang ekspresyon."Agnes… I’m really sorry," pabulong ngunit madiing sabi ni Luis. Doon na tuluyang tumulo ang mga luha ni Agnes. "Kapag nalaman ng publiko ang tungkol dito, hindi lang ako ang masisira. Pati ikaw, madadamay. Ang stocks ng Salvador Group, ang pangalan mo, ang lahat ng pinaghirapan nating negosyo, mababalewala at masisira lahat."Natawa nang napakalakas si Grace. Isang nakabibingi at nakaiinsultong halakhak ang umalingangaw sa buong kusina."Narinig mo ba iyon, Agnes?" pang-iinsulto ni Grace habang pumapalakpak pa. "Aya
3RD PERSON’s POVPagmulat ng mga mata ni Agnes, bumungad sa kanya ang pamilyar at tahimik na silid sa penthouse nila ni Luis. Pagsilip niya sa malaking bintana, madilim pa ang paligid, isang patunay na malayo pa ang umaga.Napatulala siya sa malaking salamin. Bawat detalye ng nangyari kagabi sa ballroom ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip na parang isang bangungot na ayaw siyang tantanan.Napahawak si Agnes sa kanyang dibdib. Bakit napakasakit? Mas masakit pa ito kaysa nung gumuho ang buhay niya dahil kina Henry at Grace.Dahil si Luis... si Luis ang lahat para sa kanya.Naalala ni Agnes ang mga panahong halos sumuko na siya sa buhay. Si Luis ang dumating nung mga oras na gusto na niyang mawala sa mundo. Siya ang humawak sa kanyang mga kamay, naging tanggulan niya, at nagbigay sa kanya ng dahilan para muling huminga. Si Luis ang tumayo sa tabi niya nung mga gabing umiiyak siya para sa nawala niyang anak, pinalakas ang loob niya para makapaghiganti, at tinuruan siyang maging mas







