Hindi maiwasan ni Nathalie ang manginig sa takot at manlaki ang mga mata dahil sa nakikitang galit sa mukha ng kanyang ama. Ngayon lang niya ito nakitang magalit ng ganito kalala sa kanya."Anong nangyayari?" tanong ulit nito. "Bakit dalawa kayo? Bakit magkamukha kayo?"Mukh nalilito na rin ang kanyang ama, ngunit mas nangingibabaw ang galit nito, at mas lamang ang atensiyon sa kanya kaysa kay Andeng."Hello, uncle Rob," nakangisi namang bati ni Andeng dito, at tinignan niya ito ng masama habang nangangati ang kanyang mga palad na sampalin ang makapal nitong mukha. "Sa pagkakaalam ko, sa puso ka naoperahan. Pero bakit parang naapektuhan yata 'yang mga mata at utak mo. Hindi mo na matukoy kung sino sa aming dalawa ang tunay na Andrea? Nakakalungkot, naman uncle Rob. Akala ko pa naman ay kilalang-kilala mo na ang pamangkin mo, dahil ikaw na halos ang nagpalaki sa akin, hindi pala. Nagkamali pala ako."Sabay hagalpak nito ng tawa at tinignan siya mula ulo hanggang paa nang may pang-uuyam
Amoy? Anong amoy?Nang makitang pinagulong ng kanyang tatay ang wheelchair papalapit sa kanila ay hinawakan niya ang braso ni Andre at hinila ito palayo. "Pwede ba Andeng, umalis ka na!""Hindi ako aalis!" galit na hinila ang kamay mula sa pagkakahawak niya at napangisi pa nang makitang palapit sa kanila ang tatay niya. "Bakit? Natatakot kang malaman niya kung ano ang ginawa mo? Hindi mo sinabi 'no? Gusto mo tulungan kitang sabihin sa kanya kung pano mo inakit ang lalaking papakasalan ko! Kung paano ka lumandi at sumiping sa kama niya!""Tumahimik ka, Andeng! Wala akong inaakit!" mababa ang tinig ngunit may galit ang kanyang boses na saad niya dito."Eh di layuan mo si Caleb!" sigaw nito sa kanya. "Layuan mo ang mapapangasawa ko!"Siya naman ngayon ang napangisi bago pinagsalikop ang mga braso sa dibdib. "Hindi ko na kasalanan kung ang hinahanap-hanap ng mapapangasawa mo ay ang babaeng kasama niya noong gabing iyon. Malamang ako 'yun!"Nanggagalaiting pinanlisikan siya ng mga mata nit
At sinabi niya nga ang lahat lahat sa tatay niya. Inumpisahan niya ang kanyang kuwento mula sa lalaking nakamotor na humabol sa kanya hanggang sa babaeng sumira ng kanyang mukha sa club na pinasukan niya. Ikinuwento niya rin dito kung papaano siyang inalok ni Daphne na tutulungan siyang ayusin ang kanyang mukha at babayaran ang operasyon ng kanyang ama basta magpanggap lamang siya na si Andeng kapalit ng isang gabi, para lamang mapatunayan kay Caleb Lopez na birhen pa ang mapapangasawa nito.Sa sandaling natapos niya ang kanyang kuwento ay hilam sa luha ang mukha ng tatay niya, at sobrang nawasak ang kanyang puso dahil nakikita niya kung gaano itong nasasaktan para sa kanya. Wala na siyang choice kundi sabihin dito ang totoo. Ayaw na niyang magsinungaling pa dahil hindi na kinakaya ng konsensiya niya. Pero bakit parang mas nasaktan niya ito dahil sa pagsasabi niya ng totoo?"Sino ang lalaking humabol sa'yo? Kilala mo ba siya? Namukhaan mo ba?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya na an
"I just talked to Mr. Saavedra, and he was so furious. He said you never approved any of his proposals. Is it true?" Iyon ang bungad ng kanyang ama pagpasok pa lang ni Caleb sa bahay ng mga ito. Naisipan niyang dalawin ito dahil halong isang buwan na rin silang hindi nagkikita, and also with the purpose of talking to him about Mr. Saavedra's proposal, but it seemed that the old man had already talked to his father. But he was ready. He gathered all the copies of the proposals Mr. Saavedra had submitted, and he printed them with the help of David, of course."Nakausap mo na pala siya, dad." walang-ganang sagot niya bago ipinatong sa coffee table ang folder na dala at saka sumalampak sa sofa. "Tinotoo talaga niya ang banta niya sa akin ha. I can't believe it.""I want to be fair, son. Ayoko naman agad magdesisyon na hindi naririnig ang magkabilang panig," Mr. Lopez said as he sat across from him and put down his cup of coffee.May sariling negosyo ang kanyang ama. Isang coffee shop na
At ipinakita nga ni Caleb sa kanyang ama ang kanyang cellphone habang naka-play ang isang video kung saan isang babae ang nakaupo sa loob ng isang office at isang lalaki naman na nakasuot ng suit ang nasa likod nito at minamasahe ang kanyang balikat. Maya-maya lamang ay bumaba ang mga kamay nito patungo sa dibdib ng babae at nilamas ang mga ito. Napapitlag ang babae at akmang manlalaban ngunit bigla siyang sinabunutan ng lalaki at saka binulungan sa tenga. Hindi malinaw sa video kung ano ang ibinulong nito, ngunit sigurado si Caleb na isa itong pagbabanta dahil hindi na makagalaw ang babae habang ipinapasok ng lalaki ang kamay nito papasok sa blusa ng babae.Wala na itong nagawa pa kung hindi ang lumuha na lamang ng tahimik habang hinahayaan ang lalaki sa ginagawa nito sa katawan niya.Napatiim-bagang si Caleb nang hilahin ng lalake patayo ang babae at itinulak ito palayo sa camera.Ang lalaking nasa video ay walang iba kung hindi si Mr. Saavedra, at ang babae naman ay ang nakaraang
Pagkaalis na pagkaalis ni Mr. Lopez ay agad na bumalik si Caleb kasunod si David sa kanyang opisina at mabilis na binuksan ang folder kung saan ay nandodoon ang resulta ng imbestigasyon tungkol sa kamukha ni Andrea na nakita nila sa bahay-kanlungan.At halos mabitawan niya ang hawak nang makita niya ang tunay na itsura nito nakaprint sa papel. Ito ay walang iba kundi ang babaeng napagkamalan niyang maid sa bahay ng mga Mondragon at ang babaeng iniligtas niya noong gabing iyon sa isang nightclub.Nanginginig ang mga kamay at medyo naliliyo pa na nagsimula siyang basahin ang nilalaman ng imbestigasyon.Ang pangalan ng babae ay Nathalie Mondragon, at pinsan ito ni Andrea.Pinsan? Pero bakit siya nasa kusina noong araw na bumisita sila sa mga ito?Naiiling na ipinagpatuloy niya ang pagbabasa. Ang pangalan ng tatay nito ay Roberto, at walang nakasaad kung sino ang ina nito. Nakalagay lamang na iniwan siya nito pagkatapos nitong manganak.Nag-aral ito sa isang unibersidad sa Batangas ngunit
"You heard it right, my dear sweetie," nakangising saad ni Daphne. "Kinakutsaba at binayaran ko ang private investigator para siraan ang magaling mong pinsan. Siguradong galit na galit na ngayon ang mapapangasawa mo, at sigurado ako na tuloy na tuloy na ang kasal ninyo.""Oh my God, mommy! You are so clever! You're the smartest, ever!" tuwang-tuwang saad ni Andrea bago ito patakbong yumakap sa ina-inahan. "I can't believe na naisip mo pa ang ganitong plano. Sana naman ay hindi na maghalungkat pa ang lalaking iyon tungkol kay Natnat. Sapat na siguro ang mga nalaman niya tungkol dito.""Sisiguraduhin kong hindi na talaga. Ang dami na nating hirap at pagod na napagdaanan. Hindi ako papayag na basta na lamang masira ito at mapunta sa wala ang lahat ng ito." dahan-dahang hinaplos niya ang blonde na buhok ng anak. "Huwag kang mag-alala. Magsumbong man ang babaeng iyon kay Caleb ay hindi na ito maniniwala sa kanya dahil sirang-sira na siya.""Thank you, mommy." humigpit ang yakap niya dito,
Alas singko pa lamang ng madaling-araw ay gising na si Nathalie. Pupunta kasi siya sa palengke para bilhin ang mga kakailanganin para sa lulutuing paboritong ulam ng kanyang tatay, ang kare-kareng laman at balat ng baka.Excited siyang nagbihis ng pang-alis at pagkatapos ay agad nang umalis na may suot na face mask at sumbrero. Malapit lang ang palengke sa apartment na tinitirhan niya kaya nilakad na lamang niya ito. Napansin niya na parang hindi natutulog ang mga tao sa Maynila dahil hindi halos nawawalan ng tao sa labas kahit malalim na ang gabi, o lalo na kapag papaumaga na.Mas marami pa ngang tao sa madaling-araw, dahil ang iba ay namamasada na ng jeep o tricycle. May mga nakikita naman siya na nagdedeliver na ng mga gulay at prutas. May mga sariwang isda din at bagong katay na karne at manok.Ibang-iba ito sa probinsiyang kinalakhan niya dahil alas diyes pa lamang ng gabi ay tahimik na sa kanilang lugar at ang iba pa nga, lalong-lalo na ang mga matatanda ay tulog na ng mas maaga
"Dad, Nathalie is still young, and I don't think she's matured enough to be Diane's guide." mabilis na sumingit sa kanila si Andrea, at habang kinukumbinsi nito ang matanda, ay kitang-kita niya kung paano siya nito pinanlisikan ng mga mata.Nang malaman niya na kakambal niya pala si Andeng ay ipinagdasal niya na sana ay maglaho na ang lahat ng sama ng loob niya dito. Ang tanging gusto lamang niyang maramdaman para dito ay awa. Awa dahil hindi niya alam kung magbabago pa ito. Awa dahil mas malinaw pa sa tubig na ito lamang ang nagmamahal kay Caleb. Awa dahil niloloko lamang siya ng lalaking pakakasalan, pinapaasa na mahal din siya. Halata naman na hindi siya nito mahal, at mukhang hindi mamahalin kahit kailan. Hindi niya rin sigurado kung itutuloy pa ni Caleb ang kasal nilang dalawa dahil sa mga natuklasan nito tungkol kay Andrea.Pero tuwing naiisip niya ang kanyang tatay at ang lahat ng ginawa ni Andrea--ang pananakit nito sa kanilang mag-ama, ang sabihin sa kanyang tatay sa pamama
"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko noong unang beses na nagkita tayo?" bulong ni Nathalie kay Diane. "Di ba sinabi ko na huwag kang mag-aaksaya ng laway para pakialaman ang isang bagay na wala ka namang kinalaman!" "Unang beses? But this is the first time that we meet. Wait---" biglang nanlaki ang mga mata ni Diane nang marealized nito ang sinabi niya. "You... That was you!" nauutal na sabi nito. "Ikaw 'yung babaeng lumabas sa kuwarto ni kuya at hindi si Andrea!"Naiintindihan niya ang sinasabi ng kapatid ni Caleb. Noong unang beses silang magkita ay pinagsabihan na din niya ito, dahil masyadong matalas ang dila ng dalaga. Ngayon ay alam na nito na siya ang kausap noong umagang iyon na galing siya sa kuwarto ng kanyang kuya."Ikaw ang kasama ni kuya sa--" natutop nito ang bibig at saka hinanap ng mga mata ang kanyang kapatid.Napangisi siya at bumulong sa tenga nito. "Gusto mong malaman ng mga tao na ako ang kasama ng kuya mo noong gabing iyon? Sige lang, magsalita ka lang, Dian
"Diretso! DIretso!" narinig ni Nathalie na sigaw ni Adrian kaya naglakad siya ng diretso.Dahan-dahan lang siyang naglakad habang ang mga kamay ay nangangapa sa hangin. Sa kawalan. Wala siyang makita. Wala siyang mahawakan."Nathalie, make a left turn!" narinig niyang muli ang binata na nangingibabaw ang boses kahit na napakaingay na sa paligid dahil sabay-sabay na nagsisigawan ang mga tao. Sinunod niya ang utos nito at naglakad pakaliwa. "Kanan! Kanan!" sigaw ulit ni Adrian at nalito na siya dahil kanina kaliwa, tapos ngayon naman kanan.Sa pagpihit niya pakaliwa ay hindi niya namalayan na nagkrus ang mga hakbang niya, dahilan para mapatid siya sa sarili niyang mga paa. Kahit na wala siyang makita dahil sa piring sa kanyang mga mata ay napadiin ang pagpikit niya at inihanda ang sarili sa pagbagsak pero napasinghap siya nang maramdaman niya ang dalawang brasong sumalo sa kanya, pero hindi din ito nakabalanse dahil sabay silang bumagsak sa sahig.At sa kanilang pagbagsak ay dumampi ang
Hindi siya sinagot ni Caleb. Bagkus ay niyugyog nito ang kawayan kung saan nakadapo ang isang malaking ibon, at doo'y ipinagaspas nito ang mga pakpak at saka lumipad palayo at dumapo sa itaas ng kuweba."Ibon lang pala." narinig nilang sabi ni Daphne bago ito bumalik sa kinaroroonan ni Ricky at saka niyaya na ang lalaki papasok sa loob ng bahay.Nang mawala ito sa paningin nila ay tumingin siya kay Caleb. "Bakit ka nandito?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina. "Bakit mo ako tinulungan?"Tumaas ang sulok ng labi nito dahil sa pagngiti. "I didn't expect you to become a marites.""Marites? Pinagsasabi mo diyan?" singhal niya dito."Marites. Nakikinig sa usapan ng ibang tao. In other word, nakikichismis." at saka ito tumawa ng malakas. "Hindi ako chismosa! Nagpapahangin lang ako dito sa labas!" pagsusungit niya dito pero batid niyang namumula ang kanyang mukha. "Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Di ba dapat nandun ka sa loob kasama ng pinsan ko?""Bigla ka kasing nawala eh." nagkakamot
"So, si Diane ba?" tanong ni Nathalie kay Adrian habang pinapanood sina Caleb papalayo sa kanila."Ang alin?" maang-maangan na tanong ni Adrian bago hinawakan ang kamay niya at iginiya siya nito papunta sa mesa na puno ng mga pagkain."Si Diane 'yung babaeng kinukwento mo, right? You're inlove with her. Pero hindi pwede dahil sa mata ng lahat, pamangkin mo siya. At isa pa, ikakasal ka na sa girlfriend mo na nasa South Korea." pagpapaalala niya dito at napakamot ito sa batok dahil sa mga sinabi niya. "At parang inlove din naman siya sa'yo. Kaya lang, masyado pang bata.""Hindi na siya bata. She's already twenty." pagtatanggol nito. "Kaya nga gusto ko munang umiwas sa kanya baka mas lalong pang lumalim ang nararamdaman niya sa akin." malungkot na saad nito. "And hindi niya pa alam ang tungkol sa pagpapakasal ko sa girlfriend ko.""Sabihin mo na habang maaga. Habang bata pa siya at hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman niya sa'yo. O kaya makipag-break ka din sa fiancee mo dahil hindi n
Nakangiti si Andrea habang paakyat sa hagdan ng malaking bahay. Patungo siya sa kuwarto ni Caleb para sorpresahin at sunduin na din ito. Kumatok muna siya sa pinto at saka pinihit ang seradura bago ito itnulak pabukas."Hi, are you ready?" bati niya dito nang makitang nasa harap ng malaking salamin ang binata at inaayos ang kanyang necktie. "Oh, you want me to help you with that?""Oh, no. It's okay. I'm done anyway." nakangiting tugon ng binata bago isinuot ang black suit nito."Galing ka daw sa isang sa isang business trip, and you just arrived this morning at four o'clock?" nag-aalalang tanong niya habang hinihimas ang likod ng kasintahan. "Hindi ka ba napagod? Gusto mo ng masahe?"Maingat na iwinaksi ni Caleb ang mga kamay ng dalaga. "Don't worry, I've gotten used to it." gusto niyang mapaismid sa pag-aalalang ipinapakita ng dalaga sa kanya. He knew very well that despite being dressed up like a princess, and even though she looked so sweet and lovely, behind that pretty face was
"Ano?" hindi makapaniwalang bulalas niya. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Claire?"Tumango ito. Inalalayan niya muna itong umupo sa tabi ng nanay niya at habang hawak ang kamay niya ay nagsimula itong magkuwento."Narinig ko si Daphne at si Andrea na nagkukuwentuhan tungkol sa pagpapalit ninyong dalawa pagkatapos na may mangyari sa inyo ni Caleb." panimula nito at namumula ang mukhang napasulyap siya sa nanay niya. Imposibleng hindi nito alam ang dahilan kung bakit niya ginaya ang mukha ni Andeng. Dahil mukha namang hindi ito nagulat pagkabanggit ni Claire sa nangyari. "Pero bago iyon ay may nakalap muna akong sikreto nila."Huminto ito sa pagsasalita at dahan-dahang hinaplos ang mukha niya."May inutusan silang tauhan na ang pangalan ay Bruno." sabi nito at napakunot-noo siya.Bruno? Ito ang pangalan na binanggit ni Andrea noong gabing may kausap ito sa kusina habang nagtitimpla ito ng gatas."Inutusan nila ang lalakeng iyon para kidnapin ka, at para sirain ang mukha mo, nang sa gayo
"Nalaman ko sa result ng investigation na hindi pala tunay na magkapatid sina Berto at Tonyo. Iniwan daw si Tonyo ng tatay niya sa lolo niyo noong limang taong gulang pa lamang ito dahil nalulong sa sugal ang tatay niya at nalubog sa utang. Ayaw nitong madamay si Tonyo sa mga kahibangan niya. At wala nang nagawa ang lolo mo at ang tatay mo kung hindi tanggapin sa pamamahay nila si Tonyo. Kinabukasan, nakita sa kagubatan na patay na ang tatay niya. Pinatay daw ng taong pinagkakautangan niya."Nagpatuloy sa pagkukuwento si Stella."Hindi ko masyadong nakilala si Tonyo dahil isang beses ko lang siyang nakita, at 'yun ay noong dinala niya ako sa hospital kasabay ng asawa niya na manganganak din. Hihingi daw siya noon ng tulong pinansiyal kay Berto para sa panganganak ng asawa niya, pero ako ang nadatnan niya sa bahay na humihilab din ang tiyan."Patuloy na nagkuwento si Stella at mataman namang nakinig si Nathalie. Bigla siyang naging interesado sa buhay ng kanyang pamilya. Hindi niya ina
Bumili muna ng bulaklak si Natalie sa isang tindera na naglalako sa gilid ng kalsada bago siya pumasok sa loob ng building. Pero habang papalapit siya sa pwesto ng kinaroroonan ng urn ng tatay niya ay may nakita siyang isang babaeng nakasuot ng itim na dress at nakatayo mismo sa tapat nito.Hindi niya maaninag ang itsura ng babae dahil natatakpan ang buong ulo nito ng scarf na kulay gray, at may suot pa itong shades, kaya pati ang mukha nito ay natatakpan. Nakatayo ito gamit ang isang saklay. Dahan-dahan siyang lumapit at narinig niyang may sinasabi ito."Patawarin mo ako, Berto. Patawarin mo ako dahil nahuli ako sa pagdating." sabi ng babae bago impit na umiyak ito at saka hinaplos ng makinis at magandang kamay ang pangalan ng tatay niya na nakaukit sa cabinet. "Babawiin ko ang mga anak natin. Gusto ko silang makuha ulit."'Anak? May mga anak sila ng tatay ko?'Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at kinompronta ang babae. "Sino ka? Bakit mo kinakausap ang tatay ko?" Gulat na napa