Share

KABANATA 1

CARINA CHERYL'S POV

 "Carina! Hurry up, baka ma-late ka sa first day of work mo!" Rinig kong sigaw ni Mommy mula sa kusina. 

"I'm almost done, Mom!" Pasigaw na saad ko bago dali-daling kinuha ang bag na dadalhin ko sa trabaho.

Habang pababa ng hagdan ay nakasalubong ko pa si Daddy na nakangiti akong sinulyapan.

"Morning, Dad!" Masiglang bati ko bago ito halikan sa pisngi.

"Morning, my princess." Malambing na bati nito pabalik na ikina-ngiti ko.

"Ang tagal kumilos ng mag-amang toh, bilisan niyo na d'yan at baka maging traffic na ang daan papunta sa mga opisina ninyo!" Sermon ni Mommy na ikinatawa lang namin ni Daddy.

"Mommy, bakit ko pa kailangang mag trabaho sa ibang kompanya kung pwede namang sa company na lang natin, ni hindi mo sinasabi sakin kung sinong magiging boss ko." Nakangusong tanong ko dito habang sumusubo ng bacon.

"Kailangan mo munang pag-aralan ang mga kailangan gawin sa isang kompanya, Carina. Nilagay kita sa ibang kompanya upang mahasa ang kakayahan mo, dahil sa oras na ikaw na ang hahawak ng kompanyang itinayo namin ng Daddy mo, hindi na kami mag-aalala sayo." Pag papaliwanag ng aking ina na ikinatango ko na lang.

It's been almost 5 years, maraming nangyari, nakapagtapos na ako ng pag-aaral. At ngayon nga'y magtatrabaho na ako sa isang kompanyang hindi ko alam kung sino ang may-ari. Si Mommy kasi ang siyang nagpasok sa akin sa kompanyang iyon.

About Olivia? Oh, she's happy and in love right now. Sabi ko na nga ba't sila ng kaibigan naming si Tejay ang magkakatuluyan.

Sa loob ng limang taon, ang daming naganap, ang daming masasaya't malulungkot na nangyari. Marami akong naranasan, naranasan kong mahirapan, mag mahal, at masaktan. 

Dahil sa loob ng limang taon na yun, naranasan kong madurog dahil sa salitang pagmamahal.

Napabalik lamang ako sa reyalidad ng biglang tumikhim si Dad.

"Sasabay ka ba sa akin anak, or you'll drive your car?" Tanong nito.

"I'll drive my car Dad, baka ma-late ka pa for work kapag hinatid mo ako,"

"I gotta go, bye my dear parents," I said and kiss them on the cheeks.

"Take care!" Sabay nilang sabi bago ako makalabas ng pinto. Muli ko silang nilingon at matamis na ngumiti.

Nang tuluyang makasakay sa sasakyan ay agad ko nang binuksan ang makina at umalis na.

Binuksan ko pa ang radyo upang makinig ng musika at hindi ko namalayang napapasabay na pala ako sa kanta.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa harap ng napakalaking building na may nakasulat na 'RylCliff Corporation' nagtataka nga ako kung bakit RylCliff? Apelyido ata ng owner? Napaka-private na tao naman kasi ng magiging boss ko eh.

Naglakad na ako patungo sa entrance ng building kung saan agad akong binati ng guard na may ngiti sa labi. 

"Magandang araw po, Ma'am." Binati ko naman ito pabalik bago naglakad muli.

Lumapit ako sa babaeng nasa may entrance para mag tanong kung saan ang opisina ng CEO.

"Good morning, miss. I just wanna ask, where's the CEO's office?" Magalang na tanong ko. Nabaling naman ang tingin nito sa akin na galing sa monitor.

"Good morning Ma'am. The CEO's office is located on the 50th floor. Do you have any appointments, Ma'am?" 

"I'm the new secretary of the CEO, I'm Carina Cheryl Jones." Pakilala ko rito. Nakita ko ang pagdaan ng pagkagulat sa kanyang ekspresyon na isinawalang bahala ko naman.

"Oh, I'm sorry Ma'am, I didn't recognize you. You can proceed to the top floor, Sir Cliff is expecting you." She said that makes me nod.

"Thank you." Sabi ko bago tumungo sa elevator. I pressed the 50th number in the elevator and patiently wait until I reach the top.

Pagkalabas ko ng elevator ay namangha ako sapagkat isang room lang talaga ang nandito, so it means na ang buong floor na ito ay nakalaan lamang para sa CEO.

"Hi Ma'am, are you Carina Cheryl Jones? I'm Ma. Ellaine Torres, I'm from the accounting department. Sir Cliff has been waiting for you for a while now." The lady wearing an office uniform said. 

"Yes, where's the door to his office?" 

"I'll lead the way Ma'am, just follow me." Matamis ang ngiti sa kanyang labi bago ako iginiya patungo sa pinto ng opisina.

She knocked thrice before opening the door. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad kong inilibot ang namamanghang mata sa buong opisina. Huli na ng mapagtanto ko na tinitingnan na pala ako ni Ellaine.

"I'm so sorry, I was just amazed at the ambiance of the office." I shyly said.

"Ehem, welcome to RylCliff corporation, Cheryl."  Saad ng isang baritonong boses na nagpapako sa akin kung saan ako nakatayo.

'Sana nagkakamali lang ako.' Saad ko sa aking sarili bago unti-unting ibinaling ang tingin sa lalaking prenteng naka-upo sa kanyang swivel chair.

Mariin ako nitong tiningnan bago ibinaling ang tingin kay Ellaine na parang sinasabing maaari na kami nitong iwan.

Sa sobrang pagkabigla ay napabalik lang ako sa reyalidad ng marinig ang pagsara ng pinto.

"It's nice to finally meet you again, baby." Malalim na boses na saad nito.

"Cliff..." Mahinang sabi ko ngunit hindi ito nakatakas sa pandinig niya.

"I'm sorry-" Nang marinig ko ang sasabihin niya ay nagsalita na ako upang pigilan ako.

"Where's my table, Sir? Can I start my work now?" I said and look at him in the eye. Tinatagan ko ang sarili kong tingan siya sa mata na parang wala lang. At nagpapasalamat din ako sa sarili ko dahil hindi ako nautal habang nagsasalita.

Nakita ko ang pagkagat nito sa ibabang labi at mariing ipinikit ang mga mata.

"Your table is over there," turo nito sa isang side ng kanyang malaking opisina kung saan may isa pang office table. "And you can start now." Dagdag pa niya na nakaiwas ang tingin at tinalikuran ako.

"Wait, 'diba dapat nasa labas ako ng office mo? Para kapag may naghanap sayo, I can ask them if may appointment sila? The secretary's office is usually outside the boss's office, Sir." Magalang na untag ko.

Naghintay pa ako ng ilang minuto upang marinig ang sagot niya ngunit hindi na ito nagsalita pa, kaya naglakad na lamang ako patungo sa table na tinuro niya.

Ilang sandali pa matapos kong ayusin ang mga gamit ko sa table ay nagsalita na ang magaling kong boss.

"What's my schedule for today, Cheryl?" He coldly said while still looking at the screen of his laptop.

Agad ko namang dinampot ang journal notebook na nasa ibabaw ng mesa ko at lumapit sa kanya.

"You have a lunch meeting with Mr. Hashimita. At 2:00 pm you're going to visit the lot in Makati where you will build a new company. After that, babalik na po kayo dito at pipirma ng mga papeles galing sa iba't-ibang departamento." I said while reading the schedule in my journal notebook.

"That's all?" He said that makes me look at him. Nabigla ako ng makitang ang dalawang siko nito ay nakapatog na sa mesa at nakapatong ang baba nito sa kanyang magkasaklop na kamay habang matiim na tinitingnan ako.

"Yes, Sir."

"You will join me at the lunch meeting, as well as in Makati City." Napipilitan akong tumango rito. Akala ko hindi ko siya makakasama ng matagal ngayong araw, tsk.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status