Share

Chapter 4

“Aren’t you happy?” tanong nitong damukol kung kasama este ni Target!

Nandito pa rin kami sa harap ng exclusive bar habang nasa loob ng kanyang Mercedes. Ang angas ni target ang ganda ng sasakyan at ang bango-bango pa. Pasimple ko namang tinext sila Buknoy na magready na.

“Bakit ang tahimik mo?” tanong ulit niya hindi kasi ako nagsasalita.

“Ang gwapo gwapo ng boyfriend mo.” pagmamalaki pa niya.

“Can we kiss now?”

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ako. Pantay na patay ang ngipin ng animal at ‘yung labi niya ma-masa-masa at mapula! Sarap niyang sunggaban! Tae ano ba ‘tong pinag-iisip ko?

Mas lalo akong nagulat nang maramdaman ko ang kanang kamay niyang humawak sa legs ko at pumisil.

“Ano cutie, masarap?” nakangisi niyang sabi habang ako ay mistulang bamboo tree na hindi gumagalaw.

T*ngina. Bakit ako nakakagat labi? Bakit pakiramdam ko kinukuryente ako ng mainit niyang palad?

“Gago ka, ah?” sabi ko ng makarecover at tinulak siya.

“Bakit mo ako tinulak? Ayaw mo ba? Girlfriend na kita diba?”

Wow. Wow. sobrang TURN OFF.

“Manyakis ka!” sagot ko.

“Manyak? ako?” turo niya sa sarili at tumawa. “Excuse me, pero hindi ako manyak!”

“Kung hindi nga lang malaki ang boobs mo hindi kita aaluking maging girlfriend ko,” dagdag pa niya. Proud na proud.

Eh. kung gilitan ko na lang kaya ‘to ng buhay? Major turn off talaga! Pati boobs ko idadamay! Napakahalay ng bunganga niya! Kapag ako hindi ako nakapagtimpi! Ipapa gang rape ko siya sa mga bading sa Tondo! O di kaya tutuluyan ko na.

“So be thankful, okay?” Tapos pinisil niya ang pisngi ko bago ini-start ang sasakyan.

Thankful? Ang kapal kapal kapal. “Sa Motel tayo cutie ha? Hindi kasi ako nag-uuwi ng girlfriend sa condo ko,” mayabang na saad niya at humikab.

Ang daldal ng leche. Motel raw?

“Ano ‘yan?” tanong ko ng may kunin siyang maliit na box at may sinisilip siya sa loob nito.

“Chinecheck ko lang kung may stock pa akong condom cutie, syempre maingat ako, no! Hindi pa ako handang maging gwapong ama kaya safety first!” Kinilabutan ako sa ngisi niya! Lintik! Kahit mukha siyang dugyot sa part na ‘yon ang gwapo pa rin niya!

Pero teka? Condom? Ibigsabihin mag-aano kami? Tarantado pala ‘to eh! Kahit gwapo siya hinding hindi ko bibigay ang V card ko dahil para lang kay Mr. Right ‘to!

Natanaw ko naman ang sasakyan nila Buknoy na nakatigil sa tapat ng isang poste, nasa likod niya ang ibang miyembro. Ngumunguya si Buknoy ng buble gum nang tanguhan ko siya bilang signal.

Iniliko niya ang sasakyan at sumunod na sa amin ni target. Unti-unti ko namang kinapa ang sling bag kong dala at binuksan para ilabas ang baril.

“May alam akong malapit na motel rito,” sabi ko kay target.

Nangunot ang noo ko ng umiling siya at natawa. “Hay, ang mga babae talaga, pareparehas.”

Hah? Ano raw?

“Sigurado ka bang may motel dito?” tanong niya madilim na part na kasi ‘yung dinadaan namin. “Oo naman basta diretso ka lang d‘yan!”

“Ba’t ka tumigil?” taka kong tanong, bigla niya kasing tinigil ang sasakyan kaya huminto rin sila Buknoy sa likod.

“I change my mind dito nalang tayo sa sasakyan ko mag-make-out cutie. Tingin ko mas exciting ‘yon!”

Ay wiw!

Nanigas ako sa tayo ko ng gumuhit na naman ang ngisi sa labi niya habang papalapit. Napakapit ako ng mahigpit sa hawak kong baril ng ilapit niya ang mukha sa mukha ko bago pa niya ako muling mahalkan mabilis kong kinuha ang braso niya at pilipit pa talikod saka ko tinutok ang baril sa leeg niya. “Gago! Holda—T*ngina kidnap ‘to!”

“W-WHAT?”

Lumingon ako kila Buknoy na bumaba na ng sasakyan pero nagulat ako nang bigla silang umatras na para bang takot na takot at may nakitang kung ano.

Lumuwag ang kapit ko kay target ng umalis ang sasakyan nila Buknoy! “Hoy! Saan kayo pupunta!” malakas na sigaw ko.

“You’re dead cutie,” nakangising sabi ni target. Halos manginig ang buong kalamnan ko ng lumingon ako sa unahan. Ang daming naka-itim na lalaki.

At may mga kasamang parak—este mga pulis! Ang isa pa sa mga sasakyan nila ay sumunod kila Buknoy!

“Master, ayos lang ba kayo?” alalang tanong ng isang lalaking naka-men-in black outfit.

Nabitawan ko ang baril at kitang-kita ko kung paano ako nilapitan ng mga parak at pinusasan.

“Arestado ka Miss, sa salang attempted kidnapping.”

****

“Arestado ka Miss, sa salang attempted kidnapping.”

Natulala ako at napalunod ng makababa ng sasakyan ni target.

Makukulong ako! Makukulong na ako!

Paano na ang itay? Paano ko pa siya malalabas kung pati ako ay makakalabuso?

Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko matapos maisip ‘yon. “Mga bossing huwag n‘yo akong ikukulong!” pagmamakaawa ko habang tinatayo nila ako mula sa pagkakaluhod. Nahagugol na ako ng iyak sa harap ng mga pulis.

“Pasensya na Miss pero patong patong ang kaso mo, hindi mo ba alam? parte ka ng isang malaking sindikato? Matagal na namin kayong pinaghahanap at matagal na rin naming alam na may plinaplano kayo laban sa anak ni Mr. Guevarra,” paliwanag nung isang pulis na nakahawak sa braso ko.

“Bossing maawa kayo, na gawa ko lang naman ‘yon para sa tatay ko. Hindi n‘yo po ako pwedeng ikulong dahil kailangan ko pa siyang mailabas!”

“Sa presinto kana magpaliwanag Miss,” sagot lang ng pulis at mahigpit akong hinawakan patayo.

Tumingin ako kay Sebastian. Seryoso ang mukha niya habang minamasdan ako katabi nito ‘yung lalaking tumawag sa kanya ng Master.

“Teka sandali!” pigil ko sa mga pulis. “Sebastian!” tawag ko kay target at tumakbo palapit sa kanya.

“P-please, h-hindi ako pwedeng makulong...k-kailangan ako ng t-tatang ko....sa maniwala ka man o sa hindi...hindi ko gusto maging miyembro ng sindikato...pero sadyang desparada lang akong mailabas ang tatang ko...at ngayon desperada ulit ako huwag lang akong makulong...” nakaluhod kong sabi habang umiiyak.

Kulang nalang ay halkan ko ‘yung makintab niyang sapatos sa pagmamakaawa.

Nakita ko siyang tumingala sa kalangitan at bahagyang umiling. “Tumayo ka,” seryusong utos niya. “I’m not a saint para luhudan mo.”

Dahan-dahan naman akong tumayo. Tinignan niya ako ng diretso sa mata.

“Whatever you say, gumawa ka pa rin ng krimen...” Napayuko ako. “I’m sorry...”

“S-sorry?” tapos tumawa siya. “Ano ‘yon joke?”

Hindi ako nakasagot. Siguro nga hanggang dito na lang, hindi ko na mailalabas ang tatang ko at pareho na kaming makukulong.

Napahagulgol ulit ako ng iyak pero nahinto ang pagtulo ng luha ko nang magsalita ulit si Sebastian. Nakatitig pa rin pala siya sa‘kin.

“Okay, I’ll give you an option,” sabi niya at bumuntong-hininga.

“M-master!” tawag nung lalaki pero agad lang itong nginisian ni Sebastian at sinenyasang tumahimik.

“A-anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong. Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ni Sebastian at ‘yung nakakaloko pa talaga! Kinilabutan ako.

“Ayaw mong makulong, diba?” Naguguluhan man ay agad akong tumango. “O-oo!”

“Okay then, I’ll give you two option Miss. Pumili ka, kulong o magiging alipin ko?” seryuso ngunit nakangising tanong niya.

Humakbang siya papalapit at inilapit ang mukha sa aking tenga saka bumulong. "Choose wisely cutie..." sabay kindat niya.

Ano raw? Alipin? Nagbibiro ba siya?

Lumunok ako parang may bumara sa lalamunan ko bago ko siya tinignan. Nanatili siyang nakangisi sa‘kin habang naghihintay ng sagot. Pinag-krus pa niya ang kanyang braso. “Pili, papakulong o papaalipin?”

***

SUNOD na nangyare natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng isang magarang bahay kasama si target.

“Starting today, you are now my slave,” nakangising sabi ni Sebastian at humikab pa siya.

Anong oras na ba? Four am?

“Oo,” sagot ko. Hindi ko man alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isip ni Sebastian pero nagpapasalamat ako dahil hindi ako nakulong at may pag-asa pa ako para mailabas si tatang sa kulungan.

“Good, bilang alipin ko dapat lahat ng gustuhin at iutos ko susundin mo, clear?” dagdag pa niya. Nakatayo ako sa harap niya habang nakapandekwatrong upo siya sa mahabang itim na sofa at nakasandal. Oo na, ang gwapo niya sa lagay na ‘yon kahit mukha siyang antok.

“Oo, gets ko na,” sagot ko ulit. Hay. Gagawin ko ‘to para sa tatang ko kahit nag-iinastang hari ngayon si Sebastian at ako ang dakila niyang alipin.

Iisipin ko nalang na ako si cinderella. Basic lang naman eh, pagsisilbihan ko lang siya. Mas okay na ‘to kaysa ang makulong.

“Very good.” Tapos tumayo siya. “Now, undress yourself cutie,” seryosong sambit niya at muntik na akong mabuwal sa sobrang gulat.

“Ano?!” sigaw ko. Leche! binabawi ko na ‘yung sinabi ko, hindi ‘to okay!

“You’re my slave, remember?” sabay tawa niya at kinagat ang ibabang-labi.

©CrystalineG

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status