Share

Chapter 3

“Handa kana ba?” seryosong tanong ni Buknoy nang makababa ako ng bulok niyang kotse. Ewan ko ba, kung saang bakalan niya ito napulot dahil kanina lang nang umaadar kami puro itim na usok ang lumabas dito.

Tumango ako at tumingala sa isang exclusive bar na tinigilan namin. Pamilyar ang exclusive bar na ito sa'kin dahil madalas ko itong nadadaanan kapag galing ako sa mga raket ko noon.

“Alam mo na ang gagawin mo Jackie basta sundin mo lang ang plano, maliwanag?” muling paalala ni Buknoy.

“O-oo ako bahala,” sagot ko habang hinihila pataas ang suot kong pulang tube dress. Nakakadistract naman. Kanina pa ako naiirita sa pagkailang. Hapit na hapit kasi ito sa katawan ko at kulang na lang lumuwa ang dibdib ko. Pakiramdam ko bumaba itong dress at mahuhubaran ako. Masyadong exposed para sa‘kin o sadyang ‘di lang talaga ako sanay.

Bukod ron nangangati ang mukha ko dahil sa make-up pero wala akong magawa dahil ito ang nakasaad sa plano. Kailangan kung maakit si Sebastian Cain bago kidnappin.

“Saan mo ba nabili ang dress na ‘to?” may pagkaasar ko ng tanong kay Buknoy habang tinatali ang mahaba kong buhok ko.

Tumawa siya at naglabas ng baril. “Bakit hindi mo ba nagustuhan? Sa palengke ko lang nabili ‘yan, limang daan, ganda no?”

“Sus, akin na!” sagot ko lang at kinuha na ang baril. Napakamot pa ako sa pisngi. Ang kati kasi ng blush on! Blush on yata ito ng patay eh!

Ilang beses akong humugot ng hininga habang papalapit sa exclusive bar. Saglit pa akong huminto at sumulyap sa side mirror ng isang kotse para tignan ang sarili. Mukha akong tao!

Napansin kong dito pa lang sa labas ay halatang mga bigatin ang nasa loob. Iba’t-ibang klase ng mamahaling sasakyan ang nakaparada sa parking area. Nakakasilaw sa totoo lang. Eh, kung maging carnapper na lang kaya ulit ako?

Daming Mercedes!

Umiling ako sa naisip, oras na gawin ko ‘yon tiyak na paglalamayan ako bukas. Patay ako sa grupo ni Buknoy. Paano ko pa malalabas ang tatang ko kapag tumiwalag ako, diba? Doble kill kami ng itay.

“Opps—” bigla akong nahinto ng harangin ako ng dalwang bouncer.

“Saan ka Miss?” tanong nung isang namumutok ang muscle. May kamukha siyang artista—sino nga ba ‘yon? Ayun, oo si Dagul kamukha niya. Pinalaking Dagul na may muscle.

Bahagya akong natawa sa katarantaduhang naisip. “Uhm, sa loob po,” sagot ko sabay ngiti.

Nagtaka ako ng pareho silang natawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? “Miss, may VIP pass ka ba?” tanong ng kalokalike ni Dagul.

“V-VIP p-pass?”

“Oo, huwag mong sabihing wala ka nun?” sabat naman nung isang kahawig ni Shrek.

Dyahe! Paano ba ‘to? Hindi ako pwedeng pumalpak. Kailangan kong makaisip ng paraan para makapasok.

“Ah, wala akong VIP pass p-pero—” natigilan ako ng matanaw ko sa loob ang target. AHA! Alam ko na!

“P-pero nasa loob ‘yung boyfriend ko, ayun oh!” sabay turo ko kay Sebastian, ngumuso pako sa diresyon nito. Teka. Nasaan na ‘yon? biglang nawala? Natabunan sa dance floor!

“Pasensya na Miss pero hindi ka pwedeng pumasok hangga’t wala kang pinapakitang VIP pass,” dugtong pa ni Shrek.

Bumuntong-hininga ako at umalis na ron. Palpak na agad. Napasandal ako sa isang itim na Mercedes at tinawagan si Buknoy para ipaalam na hindi ako nakapasok sa loob.

VIP pass? Bakit hindi nila naisip na kailangan non?

Tutal palpak ang unang plano, ginawa ko ang plan B. Matiyagang naghintay ako sa labas. Alas onse na pero hindi pa rin lumalabas ang target.

Samantalang sila Buknoy at ang iba pang miyembro ay nananatiling naka stand by ilang metro mula dito sa exclusive bar.

“Seb, what the hell?! Hey, I’m talking to you!” Napaangat ako ng tingin sa narinig. Nakita ko ang isang magandang babaeng lumabas ng exclusive bar kasunod ng— TARGET. Si Sebastian Cain!

Napaayos ako ng tindig at biglang natulala ng mapadako ang tingin niya sa direksyon ko.

Tofu! Ang gwapo ng putsa! Kung gwapo sa picture mas gwapo pala sa personal. Ang tangkad niya, mga 6ft, matangos ang ilong, naka-brush up ang buhok at ‘yung mga mata niya pamatay, nakakaakit!

T*nginis, ito ba talaga ang ki-kidnappin ko? Pwede bang i-uwi ko na lang siya?

At—at kingina mo Jackie! Anong pinagsasabi mo d‘yan?! Hindi oras ng kalandian ngayon!

Napapikit ako at tinuktukan ang sarili. Umiiral na naman ang kalandian ko at talagang ngayon pa ha?

“Miss, wala ka bang balak umalis?” iritang wika ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ng mapagtanto kung sino ang nasa harap ko ngayon. Si Sebastian!!!

“H-hah?” nakaamang kong sabi.

“Nakahara ka sa sasakyan ko, nadudumihan, eh.”

“Ah, e—” lunok ulit.

“Seb!” pareho kaming napalingon sa babae. Ito ‘yung magandang babaeng humahabol sa kanya. Wait, sikat na model ‘to ah? Madalas ko siyang makita sa isang sikat na magazine at calendaryo... siya si... nalimutan ko! basta sikat siya, super sikat.

“Who is she?” tanong nito habang masama ang tingin kay Sebastian.

“So, siya ba? Siya ba ang bago mo?!” sabay turo sa‘kin. Napalunok ako at tumingin sa reaksyon ni Sebastian. Ngumisi lang ito ng nakakaloko.

Teka, Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?

“Answer me Seb!” umalingawngaw ang matinis na boses nito sa buong paligid.

Pero hindi ko inasahan ang susunod na pangyayare. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat nang bigla akong hinila ni Sebastian at siniil ng HALIK sa labi.

“Okay na?” tarantadong baling niya dun sa babae.

“How dare you?!” malakas na sinampal nito si Sebastian saka umiiyak na tumakbo paalis. Kawawa naman!

Naiwan kaming dalwa habang ako ay nanatiling nakaamang at nakahawak sa labi. Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya at habang naiiling. Animo'y may nakakatawa sa nangyare. Natigil lamang siya ng mapangiwi sa sakit at hinawakan ang kaliwang pisnging namumula.

Sa lakas ba naman ng pagkakasampal sa kanya talagang masakit ‘yon—kala ko nga tatalsik ang ulo niya kanina.

“Ikaw ba’t nandito ka pa? Bakit gusto mong halikan ulit kita? Nasarapan ka, no?” sunod-sunod na sabi niya at binigyan ako ng nakakalokong ngisi.

Doon ay para akong binuhasan ng tubig at bumalik sa realidad. Nakaka-turn off naman ang isang ‘to. Gwapo nga pero tampalasan ang bunganga at ang yabang pa!

“You can be my girlfriend if you want, tutal single naman na ulit ako,” proud na sabi niya at kinagat pa ang ibabang labi at binasa ‘yon.

Napalunok ako ng maalala kung gaano katamis ang lasa ng labi niya. Jusko naman Jackie! Focus!

“S-sure!” sagot ko na medyo nautal pa.

Mas lalong lumaki ang ngisi sa labi niya at inaya ako papasok ng sasakyan.

Sayang gwapo pa naman!

Tignan ko lang kung makakangisi ka pa mamaya sa gagawin ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status