Share

Chapter 5

"Nababasa ko sa 'yung mga palad maganda ang magiging kapalaran mo."

"Eh? Ano pa pong nakikita n'yo?"

Nagpatuloy naman ang Ale sa pagsuri ng aking palad.

"Magiging milyonaryo ka!"

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig. "Talaga ho? Makakapag-asawa po ba ako ng mayamang kano? o mananalo ako sa lotto?" galak na sabi ko.

Umiling siya. Eh, ano? ang gulo naman niya? Niloloko lang ata ako nito 'eh!

"Gwapo at mayaman ang mapapangasawa mo hija," nakangiti niyang sabi kaya agad kong pinasuri ulit ang palad.

Teka gwapo at mayaman? Hala, sino kaya 'to? Ang swerte ko naman! Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti.

"Kaso may problema," sabay bitaw niya sa kamay ko.

"A-ano po 'yon?" kinakabahan kong tanong bigla kasi siyang nagseryoso.

"Kung gusto mong magkatuluyan kayo kailangan mong bumili nitong couple bracelet na paninda ko. Ano bibili ka ba hija?"

Nyek! Napakamot tuloy ako sa ulo ko at napatingin sa pusang chinese na kumakaway sa'kin.

Kinapa ko ang bulsa ng uniform ko pagtingin ko isang daang piso lang ang meron ako. "Manang, wala po akong pera eh!" baling ko ulit sa Ale.

"Sayang naman, paano kayo magkakatuluyan ngayon ni Mr. Right?" nanghihinayang ang boses niyang sabi.

In fairness ha! Ang galing ng acting skills at strategy nitong si Manang. Akala niya siguro madadala niya ako. Nako! Malabo! Expert yata ako sa ganyan!

"Lahat ng bumili nito, nagkatuluyan o di kaya nakita ang mga taong para sa kanila kaya huwag mong palampasin ang pagkakataong ito hija." Napatitig ako sa hawak niyang bracelet kulay pink at blue ang beads na design nito.

Weh? Ano ako uto-uto?

"Magkano ho ba?" Anak ng-sa ngalan ng pag-ibig at happy ending namin ni Mr. Right!

"What the hell is that cutie? Ang baduy, ah."

"Ay palaka!" Napasigaw ako sa gulat ng bigla na lang umulpot sa harap ko si Sebastian.

Tumawa siya. "Palaka, me? Pa-check ka ng mata cutie, ha? Ang gwapo ko kasi para maging palaka."

Ang yabang talaga! Napalunok ako ng mapansin na naka-boxer lang siya t topless! Parang dugyot! Hindi ba siya nahihiya? Lihim akong napalunok ng maalala ko 'yung kagabi.

'Now, undress yourself cutie.'

'You're my slave, remember?'

Argh. Kinikilabutan ako! "Ba't ka ba nandito?" inis kong tanong, mamasok ba naman ng kwarto.

Tumaas ang sulok ng labi niya at natawa. "Natural cutie, bahay ko 'to eh," umupo siya sa tabi ko. Napaisod tuloy ako sa dulo ng sofa.

Lintik naman! Nasaan ba ang utak ng letcheng 'to? Hindi ba siya nakakaramdam? O sadyang wala lang talaga siyang pakialam? Nag-aral ba siya ng GMRC? Values? Uso kasi 'yung katok mga tsong!

"Oh, ba't ka ganan makatingin cutie? Hindi ka pa rin ba maka get-over sa nangyare satin? Gusto mo ulitin?" mapang-asar niyang sabi. Feeling close.

"Manahimik ka nga!" suway ko. Wala naman talagang nangyare sa'min eh. Sadyang madumi lang ang utak niya at malakas man-trip.

"Oy! Akin 'yan!" bigla niyang inagaw 'yung hawak kong bracelet. Hay. Bracelet namin 'to ni Mr. Right tapos kukunin niya!

"Ang jologs!" Humalakhak siya. Napairap ako at hinablot sa kanya ang bracelet.

"Btw. I'm hungry."

"E'di kumain ka," sagot ko. Ngumisi siya ng sulyapan ako. "I will, just cook for me dahil alipin kita."

Napapikit ako at humingang malalim. "Okay, bossing!" pilit ngiting tugon ko.

BUMABA kami at nagtungong kitchen. Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa laki ng bahay ni Sebastian.

Sobrang ganda, kulay white and brown. Naka-aircon pa ang buong bahay. Maliban nalang sa restroom. Lahat ng gamit halatang mamahalin puro paintings and vase.

Na-curious tuloy ako, sarap siguro maging anak mayaman, no? Wala kang iisipin lalo na pagdating sa pera.

Naalala ko ang itay. Maiilabas ko rin siya.

Gagawa ako ng paraan.

***

"Hep! Saan ka pupunta?" Napaatras ako ng biglang harangin ako ni Sebastian.

"Uuwi ako ng Tondo," simpleng sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "Uuwi? O tatakasan ako?"

"T-tatakas?"

Humalukipkip siya at tumango. "Ba't naman ako tatakas?!" Naisip pa talaga niya 'yon? Takot ko nalang sa mga parak at sa mga tauhan niyang mukhang mga agent at puro naka-itim. Isa pa, hindi ko alam yung lagay nila Buknoy. Paniguradong patay ako sa mga 'yon kaya hindi ako pwedeng magpakalat kalat.

"Malay ko ba? Hindi ako papayag, dito ka lang cutie."

Humugot ako ng hininga at matamis na nginitian siya kahit sa loob-loob gusto ko siyang batukan.

"Kukuha lang ako damit tignan mo," sabay turo ko sa sarili. Nakakadiri 'yung suot ko naka-tube dress pa din ako at hindi nakakapagpalit. Tingin ko ang baho baho ko na nung isang gabi ko pa kaya 'to suot. Amoy kili-kiling pinaksiw na ako!

"Fine!" tawa niya at nilapit ang mukha sa leeg ko at buhok, inamoy. "Okay ka pa naman cutie ah!"

Tinulak ko siya. "Umayos ka nga!" Mayaman ba talaga 'to? Bakit asal kanto? O sadyang may sayad lang siya sa utak?

Tumawa ulit siya halatang nasisiyahan sa pang-aasar. Napailing ako at dinampot ang sling bag sa kama at lumabas ng kwarto.

"Wait, sasama ako!" sigaw niya.

***

"Wow, Jackie ikaw ba 'yan? Asinsado kana ah!" si Berto sabay tapik sa balikat ng katabing si Toto.

"T*ngina, mga pre may asawa na si Jackie tignan mo nga naman! Naka-bitag ng bigtime!"

"Hoy! Hoy! Manahimik nga kayo d'yan! Bossing ko 'to!" sabi ko kay Toto, isa sa mga kilalang tambay dito sa Barangay namin. Kagaya ng parati nasa harap na naman sila ng tindahan ni Aling Caring at nag-iinum kahit katanghaliang tapat.

"Jackie, baka naman?!" nakangising sabat ni Tonyo. Napangiwi ako ng makita ang maiitim niyang ngipin sa unahan.

"Saka na pagmayaman na ako!" sagot ko lang at hinila si Sebastian palayo.

"Pasensya kana bossing ha? Ganito talaga dito sa'min," nahihiyang kwento ko habang naglalakad kami papasok ng eksinita.

Halos lahat ata ng mga taga Barangay ay nakasunod ang tingin sa'min. Actually, sa kasama ko. Paano ba naman? Kutis palang ay halatang mayaman itong si Sebastian Cain. Ang puti-puti at ang kinis. Nakasimpleng white shirt lang siya at sweat shorts na black katerno ang mamahaling sapatos. Naka-dagdag appeal pa 'yung shades niyang suot. Mapapatingin ka talaga ang tangos ng ilong ni Sebastian at laging moist ang medyo mapula niyang labi. Mukha siyang richkid na naligaw sa eskwater.

"Dito ka talaga nakatira?" may halong iritasyon sa boses ni Sebastian. Halatang di siya komportable. Tsk. Sumama pa kasi eh. Feeling ko nga diring diri siya dahil mabaho at madumi 'yung mga kanal na nasa gilid ng pathway. May mga nakalutang pang basura at tae.

"Oo, may bahay kaming nirerentahan ng tatang ko rito."

Tumigil na kami sa harap ng bahay. "Pasok ka," yaya ko ng buksan ang pinto.

Sumunod naman si Sebastian at inalis ang suot na sunglass abala ang mga mata niya sa paglibot ng paningin sa bahay. Kita kong napatakip siya ng ilong. Oo na hindi mabango ang bahay namin. Hayy.

Agad akong pumasok sa kwarto at nag-imapaki ng damit. Laking pasasalamat ko nalang na 'di namin inabutan si Aling Rosing dahil tiyak ngingiyaw na naman 'yun ng pambayad sa upa.

Walang-wala ako ngayon. Gustuhin ko man talagang takasan si Sebastian at maghanap ng pera para malabas ang itay ay hindi ko magawa.

Pumayag ako sa kasunduan kay Sebastian kapalit ng kalayaan ko kahit hindi ko pa siya gano'n kakilala thankful ako sa kumag na 'to.

"Cutie, panty mo ba 'to?" napalingon ako sa gawing pinto ng kwarto nang marinig ko ang boses ni Sebastian.

Nakita ko siyang natatawa habang hawak ang p—"Basahan namin 'yan!" namumulang sagot ko at hinalbot 'yon. Tawang-tawa siya. Tae kasi, 'yung luma kong panty na kulay pink ginawa kong basahan.

Nakakahiya! Ang dugyot ko!

"Pft. Ayos pala dito sa bahay n'yo, huh? Sosyal ang basahan."

Argh. Napabuntong-hininga ako at nagtungong kusina.

Iniwan ko siya dun na tumatawa pa din. Hindi naman halatang mababaw ang kaligayahan niya, no?

Napailing nalang ako ng pagmasdan si Sebastian na sinisiyasat ang mga gamit namin. Para siyang galing ibang planeta—kung sabagay anak mayaman 'to hindi sanay sa environment ng mahihirap na tulad ko.

"Hey? Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Bibili lang akong ice tubig baka nauuhaw kana eh." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot agad akong lumabas at bumili sa tapat.

Mineral water sana kaso wala talaga akong pera kaya tamang ice tubig nalang at limang pisong fishball.

Bumalik ako sa loob naabutan ko si Sebastian na nakaupo sa sofa at nagce-cellphone. Take note 'yung sofa namin ay sira sira 'yon bang nakaultaw na ang foam at strings. Nabili ko lang kasi 'yun sa junkshop.

"Psst. Bossing meryenda ka muna."

"Ang tagal mo," reklamo niya. Loko ba siya? wala pang ten minutes nang umalis ako and hello, sa tapat lang ako bumili.

"Kumain ka nalang muna, pasensya kana 'yan lang kinaya ng budget," sabay abot ko ng ice tubig at fishball sa kanya.

"Uh, hindi na kailangan," tanggi niya bakas sa itsura niya ang pagkadiri sa hawak.

"Bisita kita kaya natural na pakainin kita," sabi ko. Iniisip ko rin na magandang way 'to bilang pasasalamat sa hindi niya pagpapakulong sa'kin bukod dun sinamahan pa niya ako dito sa Tondo.

"I understand pero hindi ako gutom."

"Sige," sagot ko na lang. Nadidismaya man pero wala akong choice. Ayaw niya, edi 'wag.

Tinalikuran ko na siya at pumasok ng kwarto. Kumuha lang ako ng damit at naligo na para makaalis na rin kami ni richkid.

"Tara na bossing!" yaya ko habang bitbit ang bag pero agad din akong napahinto ng madatnan ang lagay ni Sebastian.

"Kala ko ba ayaw mo?" natatawa kong tanong. Nakasipsip siya dun sa ice tubig habang nagcecellphone at wala na din 'yung fishball!

Nagulat ko yata siya kaya bigla niyang inalis sa bibig 'yung ice tubig at tinalikuran ako palabas. Napahalakhak ako.

Hindi naman pala maarte eh! Kunwarian lang!

"Fine, oo papasok ako ng office bukas!" iritang usal ni Sebastian sa katawagan. Mukhang badtrip ang isang 'to at salubong ang mga kilay.

Napahinto ako sa paglalakad ng bigla siyang huminto. "Bakit bossing?" takang tanong ko.

"Fuck, 'yung sasakyan ko!" bulaslas niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang tinignan ang Mercedes niyang naka-park sa labas ng aming eskinita.

"Hoy! Saan n'yo 'yan dadalhin?!" malakas na sigaw ko sa tatlong kabataang lalaking tinakbo na ang gulong ng sasakyan ni Sebastian!

Nak ng tokwa! Pati side mirror! tinangay!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status