Share

I'm His Slave
I'm His Slave
Author: CrystalineG

Chapter 1

Artist ako—DE JOKE LANG. Pero artist nga ako, SCAM ARTIST madalas holdaper, carnapper, recruiter at snatcher NOON.

Sa katunayan nagbabago na ako. Pero ngayon mukhang babalik ulit ako sa dating gawi at isang kidnapper pa.

Siguradong impyerno na ang kahahantungan ko sa dulo pero dibale na basta makalaya lang ang Itay—handa akong gawin ang lahat.

kahit pa ang maging ALIPIN ng isang Sebastian Cain Guevarra.

JACKIE CRISOSTOMO' POV

“Promisorry note na naman?” Napakamot ako sa ulo at nahihiyang tumingin sa cashier.

“Pasensya na Ma’am. Wala pang sahod ang tatay ko kaya—”

“Miss Crisostomo if you can’t afford to pay the tuition fee. Mabuti pang lumipat ka na lang ng school,” mataray na saad niya at binalik ang promisorry note kong ibinigay kanina.

“Pero—”

“And may I remind you na hindi ka pa nga nakakabayad last semester! Aba naman Miss! hindi pwepwedeng pa laging promissory note na lang ang ibibigay mo! Baka nakakalimutan mong private ang eskwelahang ito at hindi state university para maging libre!”

“Alam ko Ma’am pero kailangan ko pong makapag-exam," nakikiusap kong sabi.

“Then pay now!” malakas na sagot niya dahilan para pagtinginan ako ng iba pang estudyanteng nakapila dito sa Admin. Nakakahiya! Nakita ko pa ang pagbubulungan ng mga ilang batch mates ko sa dentistry at ibang departments. Eksena nga naman.

Kinuha ko ang wallet sa bulsa ng uniform na suot at sinilip ang laman nito. 1500 pesos?! Lagot na, kulang na kulang.

“Now what?! Makakabayad ka ba o hindi?!” Ibinalik ko ang tingin sa matandang casheir at umiling.

“Kung gano’n ano pang tinutunganga mo d‘yan?! Umalis kana at marami pang nakapila!”

Marahas akong napahinga sa narinig at umalis na sa hanay.

Bwisit! Ang hirap talaga maging mahirap. Kapag hindi ako nakabayad ng fee ngayon paniguradong matitigil na ako sa pag-aaral. Hay. Saan na naman kaya ako pupulutin ngayon?

Malungkot akong umalis ng university at umuwi sa tinutuluyang barong barong sa Tondo.

Pagkapasok ko ng eskinita, malayo pa lamang natanaw ko na agad si Aling Rosing. Nakatayo siya sa labas ng aming bahay habang tumatalak doon, kasama niya ang anak na kamukha ni bakekang. Isa pang problema!

Bumuntong-hininga ako at dali daling lumapit sa kanila.

“Teka saan n‘yo dadalhin mga gamit namin?” gulat at takang tanong ko kay Aling Rosing nang makita ang mga lalaking tamabay na nilalabas ang mga gamit namin sa bahay.

“Ano sa tingin mo aber?! Ilang buwan na kayong hindi nakakabayad ng upa!” mataray na sagot niya at namewang.

“Pangako bukas Aling Rosing magbabayad kami,” pakiusap ko.

“Bukas?! puro ka bukas! sawang sawa na ako sa kabubukas mo Jackie! Magbayad kayo ngayon!” bulyaw niya at parang balyenang sasabog sa sobrang galit. Napatingin ako sa paligid. As usual, nakaultaw na naman ang ulo ng ilan naming kapitbahay dito at nakikiusyoso sa eksena namin ni Aling Rosing.

“Sige na Aling Rosing bukas totoo na! At saka kapag naging dentista na ako hindi kita kakalimutan!” pang-uuto ko rito.

Humalakhak siya. “Dentista?! Pwe! Nagpapatawa ka ba? bente kwatro kana pero first year college ka pa lang! Ni hindi mo nga matapos tapos ang first year!”

“Wala naman sa edad ‘yun Aling Rosing, sige na po may libreng pustiso kayo sa‘kin! Promise! ” sabay ngiti ko ngunit sumama lang lalo ang tingin niya sa'kin. At umastang hahampasin ako ng abaniko niyang pamaypay.

“P*****a! Tumigil ka at magbayad ka ng upa kung gusto mong maibalik ang mga bulok n‘yong gamit!”

“Bayad bayad din kasi ng utang!” parinig ng anak niyang si Beka at tumawa. Umismid pa ito sa'kin nang tignan ko siya.

Matapos kunin ng mag-inang dugong ang ilang gamit sa bahay saka ako pumasok sa loob.

Wala ng TV, durabox, rice cooker, upuan at lamesa ultimo pati ‘yung bagong basahan hindi rin nakaligtas! Maitim na kaldero pati kawali na lang ang natira. Ilang pinggan, kutsara at tinidor.

“Hay! Buhay!” sabi ko. Inalis ko ang dalwang butones ng puti kong uniporme at sabay na inihagis ang bag at envelop sa kama. Mariin akong pumikit at binagsak ang sarili. Hindi malabong sa susunod na araw magdidikdik na naman ako ng asin.

Ilang taon na ang lumipas no'ng lumuwas kami ni Itay/tatang ng Maynila. Akala ko talaga dito sweswertehin din kami kagaya ng iba pero hindi gano’n ang nangyare.

Nagkandamalas-malas ang lahat. Naloko ang tatang ko ng isang pyramid scam matapos niyang i-invest ang lahat ng perang mula sa na pagbentahang bahay at lupa namin sa probinsya. Imbis na yumaman naging dahilan pa ito para mas lalo kaming maghirap.

Sa sobrang hirap, natuto akong kumapit sa patalim kung anu-anong naging trabaho ko. Scam artist, carnapper, holdaper, recruiter at snatcher! Ang totoo niyan hindi ito alam ng tatay ko. Buong akala niya galing sa matinong trabaho nanggagaling ang lahat ng kinikita ko at perang ibinibigay sa kanya.

Sinubukan ko naman maghanap ng legal na pagkakakitaan pero sadyang mailap ang matinong trabaho sa tulad ko dahil bukod sa highschool graduate lang ako wala talagang tumatanggap sa‘kin.

Kung uuwi man kami ni tatang sa probinsya wala na rin kaming babalikan ro'n.

Halos mag-iisang taon na rin nang tumigil ako sa masamang gawain. At bilang pagbabagong buhay bumalik ako sa pag-aaral gamit ang perang naitabi ko mula rito. Pero sadyang malas talaga ako dahil mahihinto na naman ako.

Jusko. Paano pa ba ako magiging dentista nito? Kung tuition fee lang hindi ko kayang tustusan? Ni pambayad nga sa upa wala din kami?

Udlot na nga ang pangarap ko. May problema pa pala akong kakaharapin bago matapos ang araw na ito– ‘yung totoo ilang pusang itim ba ang hindi ko napansin para malasin ako ng ganito?

"Ano ho?!" Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ang masamang balita mula sa kabilang linya.

Hindi... Hindi maari! Bakit?! Isip-isip ko at tumakbo papalabas ng bahay.

Tumawag ang isa sa mga katrabaho ni itay sa fabrica. Ang sabi nito, dinakip daw ang itay ng mga pulis matapos mahuling nagnanakaw ng malaking halaga sa opisina ng kanilang boss.

Hindi ko na namalayan ang sarili kung paano ako mabilis na nakarating ng presinto. Agad kong hinanap ang itay sa loob.

"Itay!" malakas na tawag ko rito, nadatnan ko siyang tulalang nakaupo habang kinakausap ng mga pulis. Nanginginig pa ang mga kamay niya at tila wala sa sarili.

"A-anak!" napahagulgol nang iyak ang itay nang makita niya ako.

Mabilis akong tumakbo papalapit kay Itay at niyakap ito. "P-patawad anak! P-patawarin mo ako!"

“Itay! Pangako gagawa ako ng paraan. Ilalabas ko kayo dito!” umiiyak kong sabi.

“Patawad anak!” paulit-ulit na sambit ng itay.

Umiling-iling ako. “Huwag po kayong humingi ng tawad, wala ka naman kasalanan diba?” Tumango siya at muli akong niyakap ng mahigpit.

“Tang, pagbalik ko dito may pampiyansa na ako sa‘yo!” sabi ko at mas lalong napaiyak.

Bago ako lumabas ng presinto muli kong tinignan ang itay na pinapasok na ng pulis sa selda.

“Pangako, makakalaya ka...ilalabas kita rito.” Alam kong hindi ka gano'n, hindi totoo ang binibintang nila sa'yo. Hindi mo 'yon kayang gawin.

Saglit akong napahinto sa harap ng kilalang simbahan ng Maynila. Pumatak ang mga luha ko habang nakatingala sa krus na nasa itaas. "Dyos ko tulungan n'yo po ako."

©CrystalineG

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status