LOGINAtanasha
Mapait ang lasa ng alak, pero mas mapait ang bawat paglunok ko ng laway. Isang bote. Dalawa. Tatlo. Hindi ko na mabilang kung ilang baso na ng tequila ang itinungga ko habang nakatitig sa kawalan dito sa loob ng bar.
"Hayop ka, Mark," bulong ko. "Ang baboy ninyo."
Sariwa pa rin sa utak ko ang hitsura nila. Ang lalaking pinangarap kong makasama habang buhay, kahalikan ang sarili kong kapatid. Si Faye. My own sister. Para akong sinaksak ng paulit-ulit habang pinapanood silang maglaplapan sa condo na dapat ay para sa aming dalawa.
Tumulo ang luha ko at agad ko itong pinunasan ng marahas. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa hitsura ko, pero wala akong pakialam. Broken ako. Durog na durog.
"Akala mo ba matatapos ang buhay ko dahil lang pinagpalit mo ‘ko?" sigaw ko sa gitna ng ingay, sabay hampas ng baso sa counter. "Watch me, Mark. I’ll find someone better. Someone who can actually treat me like a queen."
Inilibot ko ang paningin ko sa maugong na dance floor hanggang sa huminto ang mga mata ko sa isang sulok. Isang lalaki ang nakaupo roon, mag-isa. Napalunok ako. He looked like an angel that fell into a hellhole. Ang tangos ng ilong, ang talim ng tingin, at ang tindig niya ay nakakalaglag panty.
Target spotted.
Tumayo siya at tila balak nang umalis. Hindi na ako nag-isip pa. Susuray-suray akong humarang sa dinadaanan niya at humawak sa laylayan ng mamahalin niyang polo.
"Hey," paos na boses ko. Tumingin lang siya sa akin, walang emosyon ang mga mata. "Mr. Pogi, how about pakasalan mo ako? I’m serious. Let’s get married right now."
Ngumiti ako sa kanya, iyong ngiting ginagamit ko para makuha ang lahat ng gusto ko. Pero sa halip na maakit, isang malamig na tulak ang nakuha ko.
"Let go," matigas niyang sabi.
Sa lakas ng tulak niya, nawalan ako ng balanse at tumilapon sa direksyon ng dalawang lalaking kanina pa ako binabantayan.
"Miss, kami na lang pakasalan mo. Mas masarap kami magmahal," pangungutya ng isa habang hinahawakan ang braso ko. Naramdaman ko ang malapot na takot nang magsimula silang humila sa akin.
"Stay away from me!" sigaw ko, pero nanlalabo na ang paningin ko.
Biglang may humablot sa kamay ng lalaking humahawak sa akin. Isang boses na parang galing sa ilalim ng lupa ang narinig ko.
"Get lost before I lose my patience."
Iyon na lang ang huling narinig ko bago tuluyang nagdilim ang lahat.
Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo. Pagdilat ko, hindi ang puting kisame ng kwarto ko ang nakita ko. Napakalaki ng silid, minimalist ang design, at amoy mamahaling pabango.
"Nasaan ako?"
Biglang bumukas ang pinto. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang pumasok ang lalaki kagabi. He was only wearing a bathrobe, halfway open, revealing his hard, muscular chest.
"You're awake?" tanong niya, ang boses ay kasing lamig ng yelo.
"Ah! Pervert!!" sigaw ko sabay hablot ng unan at ibinato sa kanya. "Sino ka? Anong ginawa mo sa akin?!"
Hindi siya natinag. Humakbang siya palapit, ang bawat galaw niya ay parang predator na nagmamanman. Kinorner niya ako sa gilid ng kama at yumuko para bumulong sa tenga ko. Ang init ng hininga niya ay nagpatayo ng balahibo ko.
"You really don't remember?" he smirked, his voice dangerously low. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong ginawa natin lahat ng gusto ko? You looked so satisfied, actually.”
Sa sobrang gulat at panginginig, biglang gumalaw ang paa ko. Isang malakas na sipa ang pinakawalan ko na tumama mismo sa gitna ng kanyang mga hita.
"Aray!" daing niya, namimilipit sa sakit habang napahawak sa ibaba niya.
"Aren't you the one who was yelling at me last night, asking me to marry you?" singhal niya habang hinihingal.
Nag-flash sa utak ko ang lahat. Ang pagwawala ko sa bar, ang pagpilit ko sa kanya. Nakakahiya. Gusto kong mabaon sa lupa sa sobrang kahihiyan.
"Lasing ako! Hindi ko alam ang sinasabi ko!" depensa ko habang nagmamadaling ayusin ang sarili ko. "I’m leaving!"
"Wait," pigil niya, ang boses niya ay wala nang bahid ng biro. "Bumalik ka sa boss mo. Tell him to stop sending girls to my bed. This trick isn't working anymore."
Natigil ako. Humarap ako sa kanya, ang puso ko ay punong-puno ng poot. "Ano? Boss? You think I’m some kind of paid girl?"
Lumapit ako sa kanya, kahit nanginginig ang tuhod ko sa galit. "How dare you! I am Atanasha Felise Devon. Hindi ako ganoong kababang klase ng babae!"
Dinukot ko ang huling isang libo sa wallet ko at padabog na itinapon sa mukha niya.
"Keep the change. Isipin mo na ang gusto mong isipin, pero hinding-hindi na muling magtatagpo ang landas nating dalawa. Goodbye!"
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumakbo ako palabas ng kwartong iyon, bitbit ang huling piraso ng pride na mayroon ako.
…
Paglabas ko ng mala mansyong bahay na iyon, pakiramdam ko ay lumulutang ako sa kahihiyan. Pero mas matindi ang kaba sa dibdib ko habang palapit ako sa bahay namin. Ang bahay na dapat ay safe space ko, pero ngayon ay parang kulungan na puno ng mga ahas.
Huminto ako sa tapat ng pinto. Nanginginig ang kamay ko. What if he’s there? What if magkasama na naman sila?
Huminga ako nang malalim at pinihit ang door handle. Walang katok-katok. At doon, parang gumuho ang mundo ko sa pangalawang pagkakataon.
Sa sofa kung saan kami madalas mag-movie date ni Mark, doon sila. Faye was wrapped around him, her hands in his hair, and Mark... my fiancé... was kissing her like he wanted to devour her.
Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas. Tumalikod ako at tumakbo palabas, pero bago pa ako makatapak sa damuhan, bumasag ang boses ni Papa sa hangin.
"Atanasha Felise! Get back here!"
Napako ako sa kinatatayuan ko. Wala akong choice. Hinarap ko sila. Si Mark, nagmamadaling lumabas ng gate, hindi man lang ako nagawang tingnan sa mata. Duwag.
"Atanasha," seryosong sabi ni Papa habang nakaupo sa tabi ni Faye na tila ba walang kasalanang ginawa. "Did you and Mark fight last night? We couldn't contact you. And what is this I heard na gusto mong i-cancel ang kasal?"
Tiningnan ko si Faye. Nakayuko siya, nagmamaang-maangan.
"Opo, Papa," matigas kong sagot kahit nagbabadyang pumatak ang luha ko.
"Go apologize to the Silva family right away! Hindi biro ang marriage contract, hija. It’s business!"
"Papa! I saw them!" Hysterical na ako. "Mark and Faye are hooking up! Kitang-kita ng dalawang mata ko! And you still expect me to say sorry? You want me to marry a man who’s sleeping with my sister?!"
Sandaling natahimik si Papa. Tiningnan niya si Faye na hindi makasagot. Alam ni Papa. Nararamdaman ko. Alam niya pero wala siyang pakialam.
"Kakausapin ko ang kapatid mo. I’ll send her to the US," malamig na sabi ni Papa. "But the wedding stays. That’s my final decision. Ang kasal ninyo ang magliligtas sa kumpanya natin. You can't just throw it away because of a petty heartbreak."
"Am I just a marriage tool to you, Papa?" bulong ko. Ang sakit sa dibdib, parang may nakadagan na hollow blocks. "Wala ba akong halaga sa bahay na 'to?"
"Shut up! If you're just going to ruin this deal, then get out of my house!" sigaw niya.
"Aalis talaga ako! Hindi niyo na kailangang sabihin pa ‘yan."
Tumakbo ako. Takbong walang direksyon. Hanggang sa manginig na ang binti ko at lumubog na ang araw.
Mag-isa ako sa dilim. Walang pera, walang pamilya, at wala ring sumasagot sa mga kaibigan ko. Nakakatawa. Kapag mayaman ka, ang dami mong kasama. Kapag wala ka nang silbi, bigla silang naglalaho.
Giniginaw na ako. Ang manipis kong damit ay walang laban sa lamig na ihip ng hangin. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, isang pulang Lexus RC F ang dahan-dahang huminto sa tabi ko.
Bumaba ang window. Ang pamilyar na mukha ni Mr. Pogi—the man I called a pervert—ang bumungad sa akin. He looked even more dangerous under the streetlights.
"We meet again," he said, his voice smooth like expensive whiskey.
"It's you..." I whispered. My heart hammered against my ribs. "Anong ginagawa mo rito?"
He didn't smile. Instead, he leaned closer, his eyes scanning my tear-stained face and my trembling lips.
"Get in," he commanded. "I saved you last night, Atanasha. Now, it's time for you to pay me back."
The way he said my name sent a different kind of chill down my spine.
Atanasha "Well I found a woman, stronger than anyone I know, She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home, I found a love, to carry more than just my secrets, To carry love, to carry children of our own, We are still kids, but we're so in love, Fighting against all odds, I know we'll be alright this time, Darling, just hold my hand, Be my girl, I'll be your man, I see my future in your eyes.~" Pagkanta ni Red, “It is a song made by Ed Sheeran at gusto kong gamitin ang kantang ito para malaman ng babaeng pinakamamahal ko na siya lang ang nais kong makasama sa hirap at ginhawa. Alam kong marami na tayong pinag daanan pero tignan mo naman tayo ngayon, heto na tayo nandito na tayo sa parte kung saan unti-unti na nating natutupad ang mga bagay na pinapangarap lang natin. Ayoko ng mag sayang ng taon na wala ka sa buhay ko. You deserve the world and all the good things it has to offer. If I fail to find that world for you, I promise to give you mine! Atanasha Felise Martinez
Atanasha “The day has finally arrived. Two whole years with what feels like a lifetime's worth of the best memories. I used to believe that partnerships with this much love could only be found in the romantic movies that you always mock me for viewing. But here we are, a year later, and you have shown that you are wrong (despite your argument that rom-com gives me and the rest of the female population false hope — so I guess you have proven yourself wrong as well). I've never felt more at ease with anyone, mentally, physically, or emotionally. You are my refuge when I need it. You've given me so much over the last year, but what I value most about your love is the sense of security and reliance. You're my best friend, and I know you'll be there for me no matter what. Never let me face it alone. But you've also taught me how to be self-sufficient. This is something I will always treasure. Before you, I craved the attention of others and despised the prospect of ever being alone. But
AtanashaIsang buwan na ang nakalipas matapos i announced sa lahat ng tao ang pagbuo ng big 3 companies. Hindi ko pa rin makalimutan ang reaksyon ni Red nang malaman niyang ako ang isa sa mga tumulong upang maibalik niya ang kanyang kumpanya. Sobra sobra ang pagpapasalamat niya sa akin. At ngayon masasabi kong tama talaga ang naging plano ko dahil makikita naman ngayon ang resulta ng ginawa naming partnership. Mas lumago ang aming mga kumpanya dahil sa aming pagtutulungan at nakilala individually sa iba’t ibang bansa.Mayroon na kaming branch sa iba’t ibang bansa at talagang masasabi kong sobrang nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na tumulong sa akin para maabot ang lhat ng ito at syempre kay mama na ansa heaven na hindi ako kinalimutan at patuloy akong ginagabayan.-Ngayong araw ang kaarawan ng pinakamamahal kong lalaki sa buong mundo. Syempre hindi ako papayag na hindi maging special ang birthday niya, kaya naman pinaghandaan ko talaga ito. Pinag piring namin siya para naman hin
AtanashaNgayon ko palang nabalitaan ang nangyari sa mama ni Red. Hindi ko alam na ganun karami pala ang naging biktima ng masamang pag uugali niya. Mabuti naman nakulong na siya. Kahit kailan ay hindi na talaga babait ang ugali nun at mas lalo lang siyang maraming mabibiktima.At dahil wala na ang nangunguna sa mga problema ko ay oras naman para ayusin ang mga nasira. Lumipad ako papuntang Manila kasama si Red at pinatuloy na muna siya sa hotel room ko. Hindi pa rin kasi tumitigil ang media sa paghahanap sa kanya at baka may iba pang mangyari kung makita nila si Red, mahirap na sa panahon ngayon dahil mainit pa sa mata ang apelyido nila at baka madamay pa si Red dahil sa kagagawan ng kanyang ina."Dito ka na muna, may kailangan lang akong asikasuhin kung may kailangan ka tawagan mo lang agad ako at pupunta agad ako dito, okay?" Paalam ko kay Red.Tumango naman ito at agad na akong umalis ng hotel. Nang makasakay ako ng sasakyan ay mabilis itong pinaandar ng aking driver at nag punta
Atanasha“Bakit hindi na kita matawagan? Ilang beses kitang sinubukang tawagan pero ni isa sa mga social media mo even yung number mo ay hindi na ma reach out…” Malungkot kong usal.Nandito na kami sa loob ng bahay ni Manang Fe. Hindi pa rin makapaniwala sila Manang Fe na nahanap ko ang location nila ngayon. Syempre, hindi ko naman sinabi kung kanino ko nalaman ang impormasyon. Ang sabi ko lang ay nag hire ako ng private investigator para mahanap kung nasaan sila."Susundan pa sana kita sa Australia pero nag simula na ang pag bagsak ng company. Kahit na inaasahan ko naman na babagsak ang company ay hindi ko inaasahang ganito kabilis. Para bang pumikit lang ako at pag dilat ko ay wala na sa akin lahat. Nang bumagsak ang kumpanya ay maraming nagpapakalat ng mga fake news na kaya raw bumagsak ang kumpanya dahil kinakarama na ito dahil sa mga empleyadong pinatay namin. Kahit kailan ay hindi namin magagawang pumatay ng mga inosenteng tao, pero may iilan naman akong narinig na dati na may m
AtanashaPangalawang araw na sa paghahanap ko kay Red. Mahigit limang private investigator na rin ang mga na hire ko para lang hanapin siya. May mga lugar naman silang mga ibinibigay sa akin ngunit kailangan pa nilang siguraduhin kung nandoon nga ba talaga si Red. Habang naghahanap kay Red ay unti unti ko na ring pinapakita sa Pilipinas ang mga produkto ko. Kaya naman sobrang abala rin ng aking secretary sa pag aasikaso nito. Si Jake naman ay palaging nakasunod sa akin sa kung saan ako mag punta.Sa mga araw na ito ay sobrang ingay pa rin ng media tungkol sa issue at problemang nangyayari sa mga Buenavista. Patuloy pa ring lumalabas ito sa mga balita at marami na ring mga chismis ang kumakalat ngayon at ginagawan ng kwento ang pamilya nila. Ginagawa ko naman ang makakaya ko upang mai take down lahat ng mga fake news na ipinakakalat nila, ngunit sa dami nito ay nahihirapan na rin akong isa isa itong mapatake down ng basta basta. Malaki na rin ang nagastos ko para lang doon.“Ma’am, tu







